watch now

Author Topic: Re: Seafarer's Family Part 6  (Read 89948 times)

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #220 on: July 31, 2011, 11:26:19 am »
mga sis!!!

nakita ko na yung assistant cook, hahahahaha

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #221 on: July 31, 2011, 11:34:50 am »
sis bet may picture ka?  ;D

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #222 on: July 31, 2011, 11:37:14 am »
wait upload ko one of my albums hahahaha

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #223 on: July 31, 2011, 11:41:05 am »
sis sya ba yun nasa fb mo? hahhaha nakita ko na..mukha namang matino? hehhehe

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #224 on: July 31, 2011, 11:43:28 am »
yup, hahahaha diba nakaktawa? walang dapat ipangamba ;)

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #225 on: July 31, 2011, 11:49:09 am »
pero infairnes para syang bulaklak na napapalibutan ng bubuyog hheheehe joke,,naku kung maganda yun tyak long hair sya dun.. ;)

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #226 on: July 31, 2011, 08:27:04 pm »
grabe naman sayo sis nuna, buntis ka pa. ang kapal naman nun. buti nakapag pigil si hub mo na hindi sapakin yung lalaki. si hub ko medyo violente pag nagseselos. Yung barkada nga nya binugbog nya dahil masyado daw sweet yung bati sakin ng happy birthday sa facebook. Buti barkada nya na ng matagal yun at naiintindihan where he is coming from kaya naging ok din sila at hindi sya sinampahan ng kaso or ginantihan. kaya siguro kakalimutan ko na lang at hindi na babanggitin sa asawa ko.

pero grabe sila, mas masahol sila sa iba kasi alam nila ang hirap ng tarbaho ng mga asawa natin sa barko at malayo walang kalaban laban tapos mga asawa ng seaman pa gusto nilang bingwitin. nakaka sad lang din kasi yung ibang mga lalaki ang tingin nila porket nasa abroad ang asawa eh may weak spot na tayo. haaayy.. ganun talaga buhay, mag mga babaeng homewrecker may mga lalaki ring ganun. erase, erase na nga.

panget ba yung assistant cook, mga sis? sabi ni hubby sa kline daw wala pang babae onboard pero nakakita na raw sya ng barko na may babae, minsan nakatabi nila sa port yung isang barko may babae pero official daw. kaya daw wala pang babae sa kline kasi japanese owned company, siguro daw matagal pa magkakaroon ng babae sa opisina nila dahil sa culture ng mga hapon. siguro ibig nya sabihin para sa mga hapon hindi pambabae ang pag seseaman. hehe..

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #227 on: July 31, 2011, 09:52:36 pm »
^ oo nga sis, buti hindi yun sinapak ng asawa ko. Hehe nag-iisip din, kung sinapak nya yun mapapauwi sya ng wala sa oras. hehe! And siguro kasi nga matagal naman bago sila ulit nagkita. Kumbaga hindi na ganun katindi ang inis ng asawa ko, tapos nung nagkasama sila, may asawa na din yata itong si crew. Ayun, nakakainis lang yung mga taong ganun.

How was your weekend mga sis? Ako samain nanaman ang pakiramdam kasi ang lamig dito samin. Eh lamigin pa naman ako, lagi tuloy masakit ang tyan ko. Hehe manzanilla to the rescue! hihi

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #228 on: August 01, 2011, 10:31:17 am »
may mga ganyan na rin akong experiences sa mga makukulit na napadalhan, pero that was before my marriage pa. ngayon mukhang pinipili naman ni hub kung sino ang papadalhan nya hehe. that's why medyo off ako makipagkita sa seaman din eh, even yung sa friend ni sis doris nun na fleet manager kinda uncomfortable pa talaga ako makipagkita..very sensitive naman sis doris, naramdaman yata agad yung apprehensions ko,bigla magtext ba naman ng " dont worry sis mabait yun. may asawa at 3 kids na yun"..wahahahha! syempre mga hubbies natin hindi mga ganung tipo noh. marunong naman tayong mamili hehe

 

keisha

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #229 on: August 02, 2011, 08:02:21 am »
so far, maayos naman yung mga napapadalhan ni hub, yung one time iniwan nila sa office, when i texted na i got yung padala, inantay nila ako sa lobby ng office, nag pa kilala lang naman.

ang na bloopers ako, yung friend namin ni hub, international call, so ako, expected call ko lang si hub, "hello.. mahal" agad ang bungad ko.. tas naputol.. tawag uli.. ganun pa din sabi ko... tawa ng tawa.. yun pala hindi si hub.. hehe.. bad trip.. super lambing pa mandin ng pag kaka sagot ko.. LOL!

isang malungkot na umaga! waaaaaah! $1-Php 40! strongest since 2008! nakikisama ang ulan sa ating pag dadalamhati sa baba ng palitan .....  :(

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #230 on: August 02, 2011, 08:08:53 am »
naku, hindi ulit si hubby nagpadala sa tao kahit kelan.  ;D

waah! ang baba ng usd, si hubby aud na ngayon. mas mataas kahit paano. Ang nakakainis, wala pa ang allotment ko hanggang ngayon! Hehe!

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #231 on: August 02, 2011, 10:20:58 am »
sis eva - really? ganun kababa ngayon? ano ba yan! tsk tsk. buti na lang allotment nung katapusan ni h2b pumasok pa sa 42.90 forex.

sis nuna - tagal ng allotment naman nila dun. di bale, pagdating naman, naipon na kaya mas marami nang pera. hehe.

sis betty - nakita ko yung pic, familiar mukha nung girl. or baka marami lang siyang kamukha? tama ka, walang dapat ipangamba, haha.

minsan lang nagpadala si h2b sa tao, at so far, ok naman yung kasamahan niya. on the other hand, pag may nagpapadala naman kay h2b, gusto niya laging kasama ako pag imimeet niya yung mga tao. kasi baka ma-hold-up daw siya. sabi ko nga, ano tingin niya sa akin, bodyguard? hmp. pero delikado nga talaga tuwing may nagpapadala sa kanya, yun nga lang, sayang kasi kikitain. kahit papaano kasi, nag-aabot sa kanya ng small amount yung mga nagpapadala sa kanya paguwi.

good day sa lahat. stay safe!

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #232 on: August 02, 2011, 10:31:48 am »
^ sis chie, nakakainis nga kasi wala pa. Eh kaya naman gusto ko na makuha yung allotment kasi nga gusto ko malaman kung napunta nga sa allotment ko yung kulang sa onboard pay ni hubby. Pwede ba naman yung di nila sigurado kung asan na nga. hehe

Ay ito pala, minsan naman sa asawa ko merong nagpapadala ng pera or gamit. Nakakainis yung mga asawa ng nagpadala na nasa eroplano pa ang asawa ko e tawag na ng tawag at gusto ng makuha pera nila. Mga hindi man lang makahintay e nakikiusap lang naman! hihi ang bad ko.

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #233 on: August 02, 2011, 10:47:42 am »
^sis natry mo na rin ba tumawag sa family center mismo?
atat naman sila. excited? hehe.

chasiderwin

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #234 on: August 02, 2011, 11:20:51 am »
my gulay 40 na lang ang $, ano ba yan....hayz ibalik si erap...

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #235 on: August 02, 2011, 12:04:19 pm »
health.gal sis, hindi pa ko tumatawag. sabi ni hubby intay intayin ko muna daw yung allotment bago kami tumawag. Para alam namin kung sakto ba.

keisha

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #236 on: August 02, 2011, 12:27:04 pm »
Aug. 2: Rate at BSP ... US$ 1.00 -  PhP 41.955 (headline kasi sa Phil.Star yung post ko kanina.. me time na nag 40 siguro yesterday)

sis betty, san yung pixs? wala ata me makita sa fb mo.. hehe.. (chismosa mode)  ;)

sis chie, kami ang aga july 14 pa lang me allotment na.. for a change 2 mos. ng laging ma aga. hehe.

maulang hapon sa laht... ingat!
 

sexy_07

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #237 on: August 02, 2011, 12:41:09 pm »
pasampa ulit! :)

ang bilis 12 page agad, backread muna :)

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #238 on: August 02, 2011, 11:35:07 pm »
ang saklap talaga ng dollars mga sis. kanina sa sm 41.90 palitan. sa AUD 44.56 and Canadian Dollars 42. something.

parang gusto ko i withdraw yung savings sa dollar account ko, bumababa ng bumababa yung value ng ipon ko dun. nakakatakot rin kasi financial situation ng maerika ngayon eh.

Sis nuna ang saya naman AUD sahod ng mister mo? australian company ba sya, diba sa australian ship 5 weeks on and 5 weeks off? nabasa ko lang sa isang sis natin na Australian national na seaman ang asawa from a different thread ah. mas mataas nga daw mag pa sweldo ang australian company sa seaman kasi may union sila.

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #239 on: August 02, 2011, 11:54:16 pm »
^ yes sis, aud na si hubby ngayong contract na to. Lumipat kasi sya company. Bale British-American owned cruise line sya. Mas malaki ang sweldo kesa sa sister company na pinanggalingan ni hubby. Tapos ang maganda nga, mas mataas na aud sa usd. Ang kaso lang, late daw dumating allotment. Sabi nung ibang kasama ni hubby, minsan daw late ng 1 week or mas matagal pa. Badtrip din yun.. hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close