sis mehg, para sakin kasi pag may asawa kana dapat naka bukod kana. kasi dun ka matuto sa buhay, swerte ka nga at afford mo bumukod kasi yung iba kahit mag tipid hindi kaya maka bukod kasi maliit sweldo. saka tama sila sis kung ikaw comfortable ko sa situation nyo baka si hubby mo hindi kasi hindi nya bahay yun.
mga sis may ishare lang ako sa inyo, kasi inis na inis ako at diring diri ako sa seaman na to pero hindi ko pwedeng ipaalam kay hubby, habang onboard sya. nung umalis kasi si hubby nagpadala sya ng dollars dun sa bumababa, usually hindi ako nakikipagmeet sa mga bumababa na seaman na may dalang padala sakin mula kay hubby. ang protocol ni hubby lagi sa welfare's office ko pinipick up yun. Tapos tinitext lang ako ng mga seaman na naibigay na nila sa office at iconfirm ko na lang sa kanila kung nakuha ko. kaso etong mokong na to pasaway 4 days nang nakababa bago pa nag report, eh sa manila pa office ni hubby, manggagaling pa ako ng imus so sabi ko kay seamanloloko itext nya ko kung on the way na sya sa office para siguradong naibigay na nya sa office bago ako umalis kasi kako malayo pa bahay ko, kasi 2nd day pa lang lagi nya sinasabi after lunch mag rereport sya tapos mag tetext na nakatulog kaya bukas na lang.
So nagtext etong si seamanloloko ng mga 10 am papunta na raw sya office, umalis ako 11 am sa bahay kasama baby at yaya nag commute lang kami tantya ko kasi darating ako sa office ng 1pm at tapos na ang lunch time kaso ang bilis ng byahe 12:15 nandun na ko. wait naman ako sa waiting area, nakita nya ako dun tapos nag text na kung ako daw ba yung nag hihintay sa waiting area at iaabot na lang daw nya sakin para hindi na ako mag antay ng lunch break, syempre sabi ko oo para nga naman hindi na ako mag antay. tapos nung lumapit sakin ang chaka matanda na, naki pag shake hands pa, nagtatanong kung kumain na daw ba kami treat daw nya kami sa moa, lapit lang kasi office ni hub dun. sabi ko tapos na uwi na kami. sabi nya taga saan daw ba ako at hatid na lang daw ako, naku dun pa lang asar na ako sa dating nya, e sinabi ko na ngang sa imus ako nakatira sa text, sabi ko imus pa ako at saka may lakad pa ako, at nako humangin na ng malakas kesyo taga parklane daw sya pero hindi sya mukhang taga parklane. anyway nag paka polite parin ako at majonda na sya pinipilit ko nang iend yung conversation buti nag kulit na yung baby ko. sabay banat ba naman na dalawin daw nya ako sa bahay habang bakasyon sya, tutal malapit lang daw pala bahay namin. hindi na ako sumagot umalis na ako.
Tapos nag tetext pa sya simula nun mga quotes at kamusta pero never akong nag reply, tumatawag pa nga pero hindi ko sinasagot, hindi naman ako makapag palit ng sim kasi magtataka si hubby, pag ganyang bagay ayaw ko nag kwekwento kay hubby habang nasa barko sya kasi maprapraning yun. so binabalewala ko lang. nung umalis yun mga june yata nung nag text aalis na daw sya, kain daw kami sa labas. sa isip, hay salamat wala ng mag tetext na nakakakilabot.. hindi naman araw araw nag tetext, madalang naman kaso diba umuuwi si hubby nun every 2 weeks takot nga ako na pag nandito sya eh matyempuhang mag text yung mokong.
So kanina nag ring phone ko international number, syempre akala ko baka si hubby. walang hiya ang panget na matandang yun. salamat daw at narinig nya ulit boses ko, gusto ko pa daw eh internetional call bago ko sagutin tawag nya. hay sabi ko pwede ba wag kanang tatawag ulit sakin hindi naman kita kakilala, hindi tayo magkaibigan at higit sa lahat wala akong balak makipag kwentuhan sayo tungkol sa kahit ano, kaya wag mo na ako ulit iistorbohin. sabay baba ng phone. nakakadiri saka napaka walangya nya, seaman din sya, ano tingin nya sa mga asawa ng seaman, pag wala ang asawa naghahanap, o kaya puro pera lang alam. disente naman sana ako manamit at may hawak pa akong baby nung nagkita kami, nakakangilabot at nakakabastos.
ewan ko lang kung pwede kong isumbong kay hubby yun pag dating.