watch now

Author Topic: Re: Seafarer's Family Part 6  (Read 90013 times)

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #200 on: July 27, 2011, 09:47:51 am »
^ sis betty,so unlikely of you yata yung magkakaron ng feeling of helplessness. you're such a strong and very independent woman,, hindi kaya sis hormonal change na yan? baka may kasunod na si lucas..wahahahahaa

nagbake rin ako kanina, if baking nga ang tawag dun hehe.. basta nilagay ko sa oven naman. recipe nya galing sa magnolia, toad in a hole yung name ng recipe. hotdog lang na may bacon at pancake batter. first time, masarap naman hehe.. hindi ko lang sure yung cooking time, kasi half lang ng recipe ginawa ko. dko sigurado kung pati yung cooking time na 30 mins e hatiin ko rin at gawing 15 mins nalang. haha. nagustuhan naman ni baby.  ;D

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #201 on: July 27, 2011, 11:47:06 am »
wala kaming pasok sa office, yehey! wala naman ako nakaschedule na ibang raket, kaya tambay mode sa bahay.

sis betty, pareho kami ni sis serendipity ng way ng pagluluto ng champorado, except for the milo part. ako naman ang nilalagay ko tinunaw na tablea. yumyum.

sis ren - penge. hehe  ;D

walang makain sa bahay ngayon. tinatamad naman ako magluto. ayoko naman pumunta sa parents ko. sarap kasi mag laze around at magbasa ng love fiction habang nakikinig ng love songs. so i guess im having mcdo delivery for lunch. hehe  :D

masayang araw sa lahat  ;)

serendipity02

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #202 on: July 27, 2011, 12:26:33 pm »
nakakainis mga sis kung kelan naman pauwi na si h2b sa aug 11 saka naman parang biglang bumagal ang araw..
para akong mababaliw..hehe!

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #203 on: July 27, 2011, 12:58:17 pm »
ren, walang kasunod im on contraceptive pag andito sya pero feeling ko hormonal nga sya. im feeling down lately.

chie, katamad din lumabas kamo..try ko yang champorado na yan bukas hahaha

mehg

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #204 on: July 27, 2011, 01:50:46 pm »
hi everyone i'm new here
 :D

gsto ko lang mag seek ng advice,,seaman kce c hubby,,my baby kmi 1 year old,,nkyra kmi dito sa bahay nmin nila papa at kasma dlwa kong kapatid,libre bills at food naman, kya lang npagusapan nmin ni hubby na bumukod sa isang bahay na pinapaupahan ni papa pero libre kami dun..sa tingin nyo ba need pa bumukod kahit palagi naman siyang wala dito at nasa barko?,,may deperensya din ako sa paa kce post operated sa spinal cord last year..may yaya anak ko lolo niya nagpapasAHOD..18 aso dito sa bahay kaya di komportble para kay baby di kami makbaba sa sala kce may tatlong aso,dfi ako makpagdecide kung bubukod na kami ni baby,,medyo gastadorA Din ako pag mga kapatid ko na ang humingi hindi ako makatanggi..pag bumukod siguro ako matututo na ako to budget money,,haay

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #205 on: July 27, 2011, 01:56:52 pm »
eh sis baka nahihiya na din kase husband mo sa papa mo.
you can ask your husband why he wants to leave your parents house.
from thrre pwede mo assess yung situation

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #206 on: July 27, 2011, 05:54:57 pm »
^^ welcome sis mehg!!  Tama si sis betty, pag usapan niyo nang mabuti ng asawa mo ang mga reasons bakit gusto niyo bumukod. Si hubby kasi mga after 4 years na siya nagbabarko nang nakapundar kami ng sariling bahay. Wala naman siya naging problema sa mga magulang ko nung nakatira kami dun noon pero sabi niya, mas nakakagalaw kasi siya ng gusto niya sa sarili niyang bahay. Lumipat kami sa isang village na malapit din sa house ng parents ko.

    Malayo ba yung lilipatan niyo if ever? kaso kung malapit lang naman why not give it a try, para at the same time makadiskarte ka rin sa paghahawak ng pera kasi ikaw na ang gumagastos unlike dun sa bahay ng parents mo na libre lahat. Ako rin naman gastadora eh, pero I guess it's just a matter of knowing your priorities lang. Kung sa mga kapatid mo naman, siguro maiintindihan naman nila na may mas importante ka na pagkakagastusan, and pagiipunan  at the same time. I hope u don't mind me asking ha, pero nagtratrabaho ba mga kapatid mo? At yung hinihingi nila sayo is for "needs" or "wants" lang. madadala naman yan sa maayos na usapan sis eh.  Kung hindi mo talaga mahindian, ikaw na bahala dumiskarte. Hope this helps  :)

mehg

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #207 on: July 27, 2011, 07:07:37 pm »
slmt mga sis s payo ninyo..pg nsa puerto na c hubby paguuspn nmin maigi,,yung sister ko my asawa na at pareho kmi my nrrcve n pera monthly gling s paupahan ni papa [textspeak!] husby nya ngtetraining pla s dti,,yun bro ko highschool plang,,cgro ako [textspeak!] mali kce kht alm kong masasaid nko ngbbgy pa din pra sa mga wants nila,,mlpt [textspeak!] dto isang kanto lanu [textspeak!] plan nmin lipatan,,hay slmt [textspeak!] sa inyo,,

keisha

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #208 on: July 28, 2011, 09:06:19 pm »
hi mga sis.. kamusta? naka uwi din ng ma aga.. laging OT.. over tawad sa office.. hehe. samantalahin till pwedeng mag OT pag dito na hub. 5.01 na uli ang uwi.. hehe.

hi sis mehg.. welcome sa thread. malapit naman pala yung lilipatan nyo, so convenient pa din even on-board hub mo sis. madali kang makaka lipat/dumalaw sa inyo if you want to.. iba pa din kasi ang galaw nyo mag asawa if naka bukod kayo, especially on your hubby's side, kahit anong bait kasi ng parents mo, me pangingilag pa din yan sa pag kilos nya. saka tama sila, you can learn how to handle your finances pag naka bukod na kayo.

sweetylicious143

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #209 on: July 28, 2011, 11:48:04 pm »
hi mga sis...mag ask lang sana ako baka may marirecommend kayong magandang mag review ng exam kasi plan mag take ng bf. ko na soon to be hubby na rin sa iloilo pa eh ang layo sayang ang pamasahe wala sya ganu alam dito sa manila kung san maganda mag review sa engine nga pala sya....TIA

celsky

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #210 on: July 29, 2011, 10:33:38 am »
Argonaut & Golden Success sis try mo search sa google

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #211 on: July 30, 2011, 03:10:20 am »
sis mehg, para sakin kasi pag may asawa kana dapat naka bukod kana. kasi dun ka matuto sa buhay, swerte ka nga at afford mo bumukod kasi yung iba kahit mag tipid hindi kaya maka bukod kasi maliit sweldo. saka tama sila sis kung ikaw comfortable ko sa situation nyo baka si hubby mo hindi kasi hindi nya bahay yun.

mga sis may ishare lang ako sa inyo, kasi inis na inis ako at diring diri ako sa seaman na to pero hindi ko pwedeng ipaalam kay hubby, habang onboard sya.  nung umalis kasi si hubby nagpadala sya ng dollars dun sa bumababa, usually hindi ako nakikipagmeet sa mga bumababa na seaman na may dalang padala sakin mula kay hubby. ang protocol ni hubby lagi sa welfare's office ko pinipick up yun. Tapos tinitext lang ako ng mga seaman na naibigay na nila sa office at iconfirm ko na lang sa kanila kung nakuha ko. kaso etong mokong na to pasaway 4 days nang nakababa bago pa nag report, eh sa manila pa office ni hubby, manggagaling pa ako ng imus so sabi ko kay seamanloloko itext nya ko kung on the way na sya sa office para siguradong naibigay na nya sa office bago ako umalis kasi kako malayo pa bahay ko, kasi 2nd day pa lang lagi nya sinasabi after lunch mag rereport sya tapos mag tetext na nakatulog kaya bukas na lang.

So nagtext etong si seamanloloko ng mga 10 am papunta na raw sya office, umalis ako 11 am sa bahay kasama baby at yaya nag commute lang kami tantya ko kasi darating ako sa office ng 1pm at tapos na ang lunch time kaso ang bilis ng byahe 12:15 nandun na ko. wait naman ako sa waiting area, nakita nya ako dun tapos nag text na kung ako daw ba yung nag hihintay sa waiting area at iaabot na lang daw nya sakin para hindi na ako mag antay ng lunch break, syempre sabi ko oo para nga naman hindi na ako mag antay. tapos nung lumapit sakin ang chaka matanda na, naki pag shake hands pa, nagtatanong kung kumain na daw ba kami treat daw nya kami sa moa, lapit lang kasi office ni hub dun. sabi ko tapos na uwi na kami. sabi nya taga saan daw ba ako at hatid na lang daw ako, naku dun pa lang asar na ako sa dating nya, e sinabi ko na ngang sa imus ako nakatira sa text, sabi ko imus pa ako at saka may lakad pa ako, at nako humangin na ng malakas kesyo taga parklane daw sya pero hindi sya mukhang taga parklane. anyway nag  paka polite parin ako at majonda na sya pinipilit ko nang iend yung conversation buti nag kulit na yung baby ko. sabay banat ba naman na dalawin daw nya ako sa bahay habang bakasyon sya, tutal malapit lang daw pala bahay namin. hindi na ako sumagot umalis na ako.

Tapos nag tetext pa sya simula nun mga quotes at kamusta pero never akong nag reply, tumatawag pa nga pero hindi ko sinasagot, hindi naman ako makapag palit ng sim kasi magtataka si hubby, pag ganyang bagay ayaw ko nag kwekwento kay hubby habang nasa barko sya kasi maprapraning yun. so binabalewala ko lang. nung umalis yun mga june yata nung nag text aalis na daw sya, kain daw kami sa labas. sa isip, hay salamat wala ng mag tetext na nakakakilabot.. hindi naman araw araw nag tetext, madalang naman kaso diba umuuwi si hubby nun every 2 weeks takot nga ako na pag nandito sya eh matyempuhang mag text yung mokong.

So kanina nag ring phone ko international number, syempre akala ko baka si hubby. walang hiya ang panget na matandang yun. salamat daw at narinig nya ulit boses ko, gusto ko pa daw eh internetional call bago ko sagutin tawag nya. hay sabi ko pwede ba wag kanang tatawag ulit sakin hindi naman kita kakilala, hindi tayo magkaibigan at higit sa lahat wala akong balak makipag kwentuhan sayo tungkol sa kahit ano, kaya wag mo na ako ulit iistorbohin. sabay baba ng phone. nakakadiri saka napaka walangya nya, seaman din sya, ano tingin nya sa mga asawa ng seaman, pag wala ang asawa naghahanap, o kaya puro pera lang alam. disente naman sana ako manamit at may hawak pa akong baby nung nagkita kami, nakakangilabot at nakakabastos.

ewan ko lang kung pwede kong isumbong kay hubby yun pag dating.

sweetie28

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #212 on: July 30, 2011, 02:48:33 pm »
^grrr, kagigil nga ng matandang yon ah, ano palagay niya sa atin huh, kung sa akin nangyari sis di ko na lang muna  sasabihin kay hub baka kasi lumala pa o lumaki pa , anyway napagsabihan mo naman na yong matandang hukluban na yon  :), na wag na tatawag pa, pero pag talagang umulit pa at di tumantan eh takutin mo na makakarating sa asawa mo yong ginagawa niya, pag talagang makulit pa din eh i think that's the time na sabihin na sa hub mo..

have a nice day mga sisses ko here..

hello29

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #213 on: July 30, 2011, 03:24:12 pm »
present, backread muna ako mga sisses, na lock na pala yung previous thread. kakaalis lang din ni hubby, car ship nga sinakyan nya ngayon e, ang hirap pala ng work dun sobra, wala pang internet kaya puro call ang gastos tuloy.

meron nga pala akong nakitang site na pwede din nating pagtambayan din ;)

celsky

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #214 on: July 30, 2011, 09:01:23 pm »
guilleanne

akoy gigil na gigil habang binabasa ko ang kwento mo sis. gusto ko siyang buhusan ng kumukulong acido. kapal naman ng mukha ng matandang yon. baka pag nalaman yan ng asawa mo, eh baka pag nagsama sila ulit sa barko eh yan pa maging lamat. kaya tama lang sis na wag mo ng patulan.

nakakainis naman yong kwento mo!

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #215 on: July 30, 2011, 10:42:30 pm »
guilleanne ang kapal naman ng muka ng matandang yon! Parang nangyari sakin ito dati, kase yung asawa ko nagpadala sa isang crew. Preggy na ako nun, 5 months na. Maliit talaga tyan ko pero halata na din naman yung bump. At kung di man halata, e alam naman nya kasi binanggit ng asawa ko. Dapat dadalahin nya sa bahay ng parents ko yung padala ni hubby kase malapit lang sya don. Pero nagtext sakin at ang dami daming dahilan. So pinagtapusan, nagmeet kami sa City. Kasama ko mga kapatid ko kasi nga buntis ako, nahihirapan akong mag-isa. Edi kamu-kamusta sya ask pa nya ilang months na yung tummy ko. Nung macheck ko naman yung padala, umalis nako. Ni hindi nga ko umupo kasi wala ko balak makipagkamustahan o chikahan.

Paguwi ko sa bahay, nung gabi.. text ng text sakin. Kamusta na daw ako, bla bla bla. Nireply ko kasi dami na ng text at nagmi miss call. Sabi ko mali sya ng number kasi ako yung asawa kako nung nagpadala sa kanya. Sabi nya, ah ibang nuna pala yun. Kala ko yung batchmate ko bla bla bla, so kamusta ka na, kwento ka naman.. kelan pa kayo nagsimula magf ni ano, bla bla bla. ang dami nyang tanong na personal or mga di naman dapat pakelaman o itanong. Eh di hindi nako sumagot.  Kahit un mga text text sa sumunod na araw dko pinapansin. Tapos after ilang days may tawag ng tawag sakin, una diko pinapansin kasi di naka save sakin un number. Nung ang dami dami na, sinagot ko. Aba, sya pala! at ibang number ginamit. Sabi ko misis to ni B, mali ka ng natawagan. Sabay baba. Tawag pa sya ulit at gusto ng kakwentuhan. Nag-usok na tenga ko at bakit tawag ng tawag at gusto makipagusap. Alam mo naman un mga lalaking nanlalandi kung makakalusot. Sabi ko, kung may tanong ka, itanong mo nalang sa asawa ko kasi kayo naman ang magkakilala. Wag ka nang tatawag dito. Ayoko naman pagmumurahin kasi iniisip ko naman din baka mapaaway ang asawa ko pag nagkasama sila ulit.

Nakakainis! Jusko naman, juntis na juntis ako, di na sya kinilabutan! Di na sya nahiya sa asawa ko. Nakakakilabot talaga! Meron palang mga ungass na kahit sa buntis nagpapapansin! After na nung contract ng asawa ko, tsaka ko nalang naikwento sa kanya. Inis na inis asawa ko, sabi g*go yun ah. Eh ang matindi non, after 2 contracts yata, biglang nagkasama sila ulit sa isang barko. Galit na galit ang asawa ko, kapag nakikita nya gusto nyang sapakin. Kapag tatawag sya sakin gigil na gigil sasabihin na nakasalubong nya daw tapos gusto daw nya sapakin dahil naalala nya yung pagtetext text sakin. Buti at nagiisip tong asawa ko, nakapag pigil sa sarili. hehe

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #216 on: July 31, 2011, 07:55:23 am »
nako kung sakin nangyari yun, mura na inabot nun hahahaha

buti na lang if may padalang extra si hub sinasabay sa alate.

celsky

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #217 on: July 31, 2011, 10:33:28 am »
grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!! ano ba naman yan. now i know, bakit everytime na me pinapadala eh, lagi sinsabi sa akin na never daw ako makipag meet in person. sa office ko lang daw kunin. iba daw kasi takbo ng mga utak nila kahit pag nasa barko. bakit naman kasi me mga taong ganyan. ano ba naman yan!

move on na nga tayo. nakakagigil kasi. good vibes naman!!!

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #218 on: July 31, 2011, 10:35:48 am »
maulang umaga sa lahat..

kainis hindi natuloy swimming namin.

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #219 on: July 31, 2011, 11:23:46 am »
hay naku mga mare..kwento kwento lang.may mga ganyan talagang mga lalaki. walang ka breeding2. minsan nga naitanong ko lang ang oras sa katabi ko, naku ba naman, akalain ko bang, gusto na nya akong ligawan. kahit ba naman sabihin kong may asawa na po ako at anak. ayaw talagang magpaawat. nagiging naice na nga ako, upang huwag masaktan ang kanilang ego o kung ano pa ag tawag dun. hindi maawat. yun isang fire blow lang kailangan. tumigil din!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close