watch now

Author Topic: Re: Seafarer's Family Part 6  (Read 89625 times)

chasiderwin

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« on: July 11, 2011, 03:31:17 pm »
mga sis baka ma lock ang thread natin continue natin dito 31 page na kasi

for last thread : http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,238201.msg6545439.html#msg6545439

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #1 on: July 11, 2011, 03:46:13 pm »
new thread na ahhhh,,tnx sis chasiderwin for being active ;)

sis ren woot woot,,,ganyan talaga ang mga dyosa ng kagandahan! pinananabikan palagi! ;) kahit 5star hotel carry mong bayaran noh :),,,,kailan dating ni hub mo?

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #2 on: July 11, 2011, 04:07:55 pm »
sis chie, ideal sana yang percentage pero it really never works in reality hehe
mostly mas spoiled si husband when it comes to expenses kase hes the one working ang bihira sya andito.

i also earn on my own but not as big as hubs salary. he also dont meddle with it and what i earn goes to my children.

sis ren, magastos asawa ko onboard cause he buys mineral water,cigarette and other vices pa.

huminto na ang ulan!! salamat

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #3 on: July 11, 2011, 05:47:21 pm »
sis chasiderwin, thanks for starting a new thread.

thank you po sa lahat for sharing your thoughts and ideas. actually matagal nang kasama sa repressed thoughts ko yung tanong na yun, kaya lang, i find it too early to even think about it. next year pa naman ako magiging wife talaga. or should i rather say, its not really too early, takot lang ako na harapin pa as of now. part ba ito ng wedding jitters? hehe.

sis ren, thanks ha. may dilemma nga nanaman ako at work, pero saka na ako magshashare nun. naku po, ang ultimate dream ko eh hindi na magtrabaho at maging housewife. kelan kaya mangyayari yun? pag sinasabi ko nga yung pangarap ko na yun sa ibang colleagues ko, natatawa sila, bakit yun LANG daw pangarap ko. ayoko na makipag argue, opinion nila yun eh, pero sa isip ko, anong "LANG"? ang HIRAP kaya na maging housewife. by the way, HPP ka pala na. enjoy (ang get well soon)!

sis iggy, thanks po. isa ka sa napaka konti na nagsabi na maganda nasa isip ko. hehe. almost everyone says im being too idealistic and bookish, etcetc. kaya nga nai-open ko na rin para makita ko opinion ng mga real seafarers' wives.

sis betty, i soooooooooo love what you said: "pero it really never works in reality". ouch, pero totoo. thanks ha.

sis celsky, i sent you a pm about what HPP means.

have a nice day everyone  :)

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #4 on: July 11, 2011, 06:01:51 pm »
yipee!!! kaka text lang ni hubby himala may flight details na agad kahit na 1  month pa uwi niya....hay 32 days to go na lang ..HPP na naman!!! ;D

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #5 on: July 11, 2011, 06:44:50 pm »
sis Chie, di lang ang pagiging housewife, napakademanding kaya ng work nato.
wow madami pa lang uuwi

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #6 on: July 11, 2011, 06:52:42 pm »
thanks chasiderwin!

sis ren go na sa HK! naku kung ako yan mabilis pa sa alas kwatro LOL! basta ba sagot niya airfare  ;) naku mag bedrest ka na para gumaling agad, haha bedrest talaga!

sis betty salamat nga at huminto na ulan, kaso sis nahawa ata ako sayo, ikaw ba yung may sakit din? or si ren? haaaay hirap ng may sakit!

sis health-gal naku it's never too early na mag-plan. at yung sinasabi ng colleagues mo na maging housewife lang ang pangarap mo, dapat hindi nila "small-in"!!! aside from mahirap ang role ng isang housewife, mahirap dumating sa point na pwede ka na lang maging simpleng housewife. kase that would mean may savings ka na at higit sa lahat may stable source of income kahit hindi mag-work :D

hi sis nicolle!

silverbarrow PLDT na! LOL!!!!  ;D ;D

sharks

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #7 on: July 11, 2011, 08:08:55 pm »
@healthgal, tama...what's "lang" about being a housewife? hehe! dream ko din yan, pero sabi ko naman sa bf ko...habang wala pang baby na dumadating syempre work pa din muna ako.  ;)

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #8 on: July 11, 2011, 08:22:42 pm »
wow bagong thread na pang 6 na pala toh, dami nang bago dami na rin hindi sumasampa lately?

about sa hindi nareregaluhan, ako na mismo nag pa stop kay hubby ng mga flowers kasi sayang lang pera. pero dahil nga si hubby ang taga budget nalulusot nya sa budget yung mga gifts nya. at dahil proud ako sa pagiging wise na ng asawa ko ibubulgar ko na sa sanglaan sya bumibili ng gifts nya sakin, hehe. yung mga subasta, may lay away din dun kaya nailulusot nya sa budget, saka pag dun daw sure na mataas ang appraisal kasi hinihiram nya sakin minsan yung gifts nya pag kulang sya sa budget.

Kasi what we find works for us is yung maging strict sa monthly budget, 1k dollars kasi ang alloted sa montly expenses, pag nandito sya sa lupa 1k din binibigay ko sa kanya kasi dollars din naman sweldo ko not unless hindi umabot dun yung kinita ko yun pagkakasyahin nya, pag lumagpas na sya sa 1k at wala pang katapusan ng buwan, hindi namin gagalawin yung savings or hindi ko sya bibigyan ng sobra(kasi anything more than 1k usd deposited agad sa savings namin), sya gagawa ng paraan, either may raket sya like mag wewelding, or mangungutang yan sa iba or sanla then pag end of the month na magpapapalit ulit kami ng dollars saka nya babayaran yung utang nya or tutubusin kung may sinanla man sya, pero once pa lang naman nangyari yun kasi inutangan sya ng kapatid nya ng 10k pesos, awa ng diyos lista sa tubig, naospital kasi yung anak kaya hindi namin mahindian.

sana yung metal works business ni hubby kumita na pag uwi nya, mukhang barko na ang mag dedesisyon kelan sya uuwi at ibebenta yata, hindi talaga tumatagal ng more than 5 months tong asawa ko eh.

mahirap nga maging housewife, tanong nyo sa asawa ko. hehe.

sis iggy sana wag mag apply kay hubby yung he treats his wife like his mom, salbahe kasi si hubby sa mother nya.

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #9 on: July 11, 2011, 10:05:01 pm »
Inggit ako kay sis Ren kasi hpp sya! hehe!  ;D

sis healthgal - palagay ko sis okay naman at fair naman yung plan mo. pero malalaman mo lang talaga kapag kasal na kayo. =) depende kung ano magwwork senyo. Tungkol sa pagiging housewife, naku.. yung mga nagla LANG, hindi kasi siguro nila alam gano kahirap at the same time gano rin kasarap maging housewife. (lalo na't seafarer ang mga asawa natin)

--yung nagagastos ni hubby onboard, sa totoo lang hindi ko alam. basta kung anong iuwi nya or ipadala sakin na onboard pay, yun na. di ko na nakkwenta. hehe! kase di din naman malaki gumastos hubby ko. Konting shopping lang, minsan kain kain sa labas kasama assistant nya (e minsan nililibre pa sya ng kain, hehe) ang bisyo lang naman nya dati e inom. pero hindi sa crew bar, sa kabina lang tapos libre yung alak. natuto talaga mag tipid simula magka anak!  ;D

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #10 on: July 12, 2011, 12:59:47 am »
hello new thread na pala. nag back read din ako.. dami kong natutunan. Na-inspire ako sa sinabi ni sis Iggypop at sa iba pa nating sis dito. Wag na tayong magpaka-stress as long as di naku-compromise ang budget ng pamilya. okey lang tumulong esp sa parents. Nung una stress din ako pagdating dyan. Sa sobrang stress nai-vent out ko na din dito before hehe. like si hub ang halos gumastos sa pagpapakasal ng isa nyang kapatid, si hub ang sumagot sa lahat ng gastos ng chemo ng isa pang kapatid.. Nagkautang na kami sa parents ko at hanggang ngayon di pa bayad hehe..yung isa kasi nyang nakakaluwag sa buhay na kapatid laging nagtatago pagdating sa pagtulong. But now, siguro dahil na din sa mga nababasa ko dito from our sissies at dahil sa mga experiences ko na rin medyo nagbago na ang pananaw ko. Life is short.. wag na nating gawing kumplikado ang buhay natin. Kung pwedeng at peace with all the in laws at sa lahat ng tao sa paligid natin mas happy.. Minsan talaga may mga abusado pero pag-usapan lang ng maayos with our hub. I realized it when my sis passed away at the age of 33, two months ago. Let's enjoy every moment with our loved ones para no regrets..

sis Ren wow sis.. ang bilis ilang months lang si hub mo onboard.. Excited for you sis.. Sige na sis sunduin mo na sa HK. hehe.

Mukhang madami ang pauwi this July.. si hub between July 20-30 daw ang uwi nya. wala pang definite schedule.

Sis Chie tama silang lahat.. It depends sa inyong dalawa kung anong mag-wo-work na set-up. Pero I'm so confident na okey na okey ang tandem nyo ng soon-to-be hub mo pagdating sa budget at sa percentage.

Sis yang thanks sis.. hehe oo naka-chat na nga pala kita sa FB.. sorry sis ha.. medyo nalilito lang ako minsan madami na kasi tayo.. Kakainggit naman sis galing mo mag-bake. Pag nagka oven kami.. paturo ha. hehe (kidding)

sis Jhen have a safe delivery sis... Pray for you :)


celsky

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #11 on: July 12, 2011, 08:31:23 am »
good morning sissies!  :)

health.gal thanks! now I know ano yang HPP na yan.. yun lang pala yon! try niyo kaya sa SEX forum magbasa minsan, mas malala pa diyan.  :) ;D  :D

sa mga padating ang hubbies, enjoy! prepare na mga acrobatic skills :D

chasiderwin

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #12 on: July 12, 2011, 09:37:32 am »
sis nuna na intriga tuloy ako sa HPP na yan

sis health.gal naku ha sila kaya ang maging housewife at sasabihin nila na sana nagwowork na lang ako  :P, yun ang pinakamahirap na trabaho ng isang babae, lahat ng work pwede mong maniin in a months or year na kahit nakapikit ka alam no ang ginagawa mo at minsan stagnant na ang natututunan, pero ang housewife, kahit 10 taon na ang anak mo, marami ka pa ring natututunang bago.

sis silverbarrow buti ka pa uwi na hubby mo, ingit naman ako, hubby ko august pa mag pasa ng repat niya nov 2010 siya umalis. naiinip na ako sa august last week para mag pasa na ng repat.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #13 on: July 12, 2011, 09:48:20 am »
sis jonna, expect namin today ang uwi nya kaso wala pa ring details till now eh.

buti pa kayo sis tet kahit malayo pa meron na. kami naman laging ganito. hay! ang galing nga sa cruise ship. may kilala ako, kakaalis pa lang ng hub nya, sa december uwi, pero may flight details na!!

sis iggy mas nauna magkasakit si betty then sumunod ako. malakas naman ako, nung ibalita ni hub pauwi na sya, bigla akong nagkasakit. malamang sobrang excitement lang. hehe. ngayon tuloy till now wala pa rin. una kasi sabi last friday daw.

sis lie, 6 months lang sya. 7 months contract nya kaso nabenta yung barko kaya uwi na daw sila. kala ko nga last month pa yung bentahan na yun eh tapos di naman natuloy pa. papalitan daw ng chinese crews lahat.

saludo ako sa mga fulltime mom! sobrang nakakaiyak ang pagod pag wala akong yaya! sa lagay na yan e bata lang alaga ko. paano na lang pala kung pati helper e wala. praning na siguro ako ! mahirap pero kung kakailanganin e kakayanin ko rin yan.pero sooobbbrraaannggg hirap talaga! waaa. kakaguilty nga minsan na naiiwan sa yaya si baby pero sa ngayon think ito pa ang pinakamaganda sa amin. sana pag stable na rin kami gaya nila sis iggy at sis jonna hehe.. mga bongga at donyang-donya na housewife hehe!!

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #14 on: July 12, 2011, 10:33:17 am »
good am sisses

sis ren baka naman i-surprise ka ni hub? malay mo,kunyari lang wala pang flight details pro may plano na pala si hub 8)...wowww iupdate moko ha hehhehe (chizmosa)
oooppps sis TABLE pa lang meron ako hindi pa "STABLE" ;)


God bless to all of us!!

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #15 on: July 12, 2011, 10:41:04 am »
^ hindi siguro sis.kasi ang sabi nya pag may details na, sasabihin nya agad para makapagpareserve na hehe.. gusto nya from airport, diretso na duuunnnn...hahahaha!!kaaliw!

celsky

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #16 on: July 12, 2011, 10:51:45 am »
babymom20 - inggit mode! to all the wives here, ano kadalasan surprise niyo sa mga hubbies niyo pag uwi niya?? aside sa HPP ha

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #17 on: July 12, 2011, 10:53:43 am »
wow sis ren mukhang matindi ang pagka mis ni hub mo sayo ahhhh,,,,go!go!go go ...masusundan na si nica uso pa naman ang preggy ngayon 8)

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #18 on: July 12, 2011, 01:56:03 pm »
sis ren....,actually ngayon lang nangyari to na maaga binigay flight details, usually ilang araw bago siya umalis saka lang binibigay ticket niya. hmmm, napagisip mo ko sa pag re reserve...tamang tama last flight uwi ni hubby LOL!!!! ;D

myh

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #19 on: July 12, 2011, 02:44:02 pm »
hi bago ko lang nakita tong thread na to pero mga sis last march sumampa si hubby tas may 2 kids kami tas nakabukod na kami etong yr lang na to kami bumukod ako na ang luto tas share sa mga bills tas budget ko yung alote ko..tuition don na din..pero may nabasa ako tama sya yung alote lang ang dapat ginagastos hindi na yung padala pa para naman makaipon kahit papano kasi kaawa naman si hubby kung pati yung special e nagagalaw..minsan kasi yung ibang mga wiffie one time millionaire e..pero hirap ha kasi housewife lang ako..mga sis may tanong lang ako may alam ba kayong work yung home based lang..kasi kailangan [textspeak!] lang sa bahay kasi ako din nagluluto pinipilit kong magluto kahit hindi ako marunong paulit ulit lang ang luto ko...hehe..thank you at may ganitong thread... :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close