watch now

Author Topic: Re: Seafarer's Family Part 6  (Read 90011 times)

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #260 on: August 06, 2011, 08:41:28 am »
morning sis! oo nga maulan pa din, sarap matulog. nakakainis kung kelan weekend saka naman maaga ako nagigising!

oo nga sana may 13th month pay husbands natin... eto tambay ako sa gt hanap ng raket!

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #261 on: August 06, 2011, 09:00:36 am »
Hello. mga sis! Good morning!
Sana nga may 13th month pay. Para may dagdag naman. Haha! Kainis, wala palang employee of the month awards ek ek sa bagong company nila hubby. Dun sa inalisan nya company merong ganun. Tapos may pera na binibigay. Lagi pa naman employee of the month asawa ko dun.. sayang! Hahaha!

Nag-away kami ni hubby kagabi. Iyak talaga ako. Huhu! Matanong kasi ako masyado, ganun talaga ko lahat inaalam ko. Pero wala lang naman sakin. Eh feeling nya naman minamasama ko na yung paginuman nila at party sa barko para sa birthday nya. Napikon. Pero okay na, bago kami matapos magusap nagbati naman kami. Pero tampo pa rin ako. Hmp!

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #262 on: August 06, 2011, 11:49:21 am »
hugs sis Nuna. pero buti na lang at nagbati na kayo bago kayo matapos magusap.

oo nga, sana may 13th month pay. hay, sarap nun oh.

kwento ko lang, medyo sad lang ako ng konti at i was faced with another reality of life. pero maigi na rin yung naeexpose ako sa totoong buhay. naks, lalim. hehe.
   - nothing beats your family talaga, and a mother's love. kasi kaninang umaga, super sakit ng tiyan ko. i vomited once and made p*pu several times. siguro kasi hindi fresh yung oysters na kinain ko kagabi sa isang restaurant (yun lang nakikita kong culprit). takaw ko kasi. i sent a message to h2b's tatay, na hindi ako makakapunta sa kanila today kasi sakit nga ng tiyan ko, and since sarado bank nila ipapa western union ko na lang pera. naka schedule kasi ako pumunta para ihatid ang allowance nila for the month. ang sagot ba naman sa akin (in a friendly tone naman) eh what time ko daw ipapadala pera, tapos bisita pa rin daw ako sa kanila para makapagkwentuhan daw kami re boyfie (mas madalas kasi sa akin kumontact si boyfie eh). medyo na-off lang ako kasi instead na kamustahin muna nila yung pakiramdam ko (alam naman nila that i live alone, at sinabi ko na super sakit ng tiyan ko at nagsuka pa ako), eh yung pansarili nila muna inuna nila. samantalang mommy ko, kahit na madalas kami mag-away, when i texted her para tanungin anong gamot ba pwede inumin dahil nga sakit ng tiyan ko. ayun, every 30 mins tumatawag sa akin mom ko para kamustahin ako. kahit gaano kabait ang in-laws (or future in-laws in my case), blood will always be thicker than water. i just loved my mom more.

sorry napahaba. i had to unload. senti lang siguro kasi ang sakit ng tiyan ko! haha.

good day sa lahat!

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #263 on: August 06, 2011, 12:48:05 pm »
maulan na hapon sa lahat. habang back read na a. My sympathy is with you sis healthgal. nothing beats the love of a mother. hehe. pero sa akin mas maalalahanin si father ko sa akin. daddy's gurl. hehe. as in merong 13th month pay?naku matanong nga si Mr. mukhang di ko to alam a. hehe.

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #264 on: August 06, 2011, 01:29:49 pm »
swit_squiggle, kung meron lang sana hehe

chie, take care, drink your meds tas take some rest. eat banana para di na p*pu much.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #265 on: August 06, 2011, 03:29:56 pm »
^^sis chie drink gatorade din to replenish the water. eat apples also. sick mode ka kaya medyo emotional pero amazed pa rin ako sayo, kahit medyo tampo ka na, "friendly tone" pa rin dating ng text ni inlaw mo sayo hehe.. get well soon..

kagabi bisita namin isang long lost bff ni hub. midnight na sya nakauwi. kakatawa kasi "nilaglag" nya si hub. nirecall lahat ng pinaggagawa nilang dalawa noong nakipagbreak ako ki hub. inaabangan daw nila ako sa babaan ng jeep, lahat ng jeep daw tinitingnan nila kung sakay ako, tagal na nilang nilamok pero wala  raw ako. tawa ng tawa eh. kasi para daw silang t**** na nakatanghod sa mga jeep hehe. tapos daw kinaumagahan pagpasok ni hub sa training center e mugtong-mugto daw mata. buti na nga lang daw pumasa pa nung exam nila. gulat nga raw sya nung nalamang nagkatuluyan kami, sabi nya ki hub, hindi daw talaga ako binitawan at ginive-up haha! kaaliw pa ibang mga kwentuhan nila kagabi. tagal kasi nilang hindi nagkita eh. lalo lang ako nainlove ki hub hehe!

isa sa mga nagustuhan kong sinabi kagabi ng bff, ganun daw talaga, piliin daw talaga ang tao na gustong makasama habang buhay. kasi sa parents at kapatid daw hindi tayo makakapamili. asawa oo, kaya dapat lang na ipaglaban ang "chosen one".

zheane0127

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #266 on: August 06, 2011, 04:48:37 pm »
mga sis pwede din ba ako maglabas ng sama ng loob?

seaman din si hubby and may baby na din kami na 4 months old and hindi pa niya nakikita since nasa barko pa siya.  Dito ako sa antipolo nakatira and my hubby's family were in davao.  Tumira ako sa kanila noon for 6 months kasi nabuntis ang SIL ko at ako ang nagbantay sa knya sa hospital hanggang manganak siya.  Noong hindi pa nanganganak ang SIL ko, lagi niya ako inaaway.  Pinagseselosan niya ako dahil ako na ang nagsisilbi sa [textspeak!] paggaling sa bukid nila.  Pinapahiya niya ako sa harap ng ibang tao.  Pero lahat yun tiniis ko at wala siyang narinig sa akin dahil ayaw ko pagmulan ng away namin mag asawa iyon.  Dahil hindi ko din alam kung ano ang iniisip nila laban sa akin baka siraan nila ako sa asawa ko.  Hanggang sa nanganak nga siya.  Ako lahat ang nagbantay hanggang lumabas siya sa ospital.  Puyat, laba ng mga damit niya. 

Now that me ang hubby have our own little angel.  Mga IL's ko ni hindi man lang nila makamusta ang baby ko.  Kahit ang baby ko na lang ang kumustahin nila.  Magtetext lang pag kailangan ng pera.  Lalo na ang SIL ko, magtetext sa asawa ko at sasabhin KUYA PAHINGI AKO PERA PAMBAYAD NG UTANG KO.  Nagsabi sa akin ang hubby ko na nanghihingi nga ng pera ang sis niya.  Nagbigay ang asawa ko pero pinag awayan namin iyon.  Na paano matututo ang kapatid niya kung lahat ng luho niya binibigay nila.  May kaya sila sa buhay, malaki ang lupain nila sa davao.  May SIL graduated as CUM LAUDE in one of the biggest university in Mindanao.  Pero kulang sa diskarte sa buhay.  Hanggang ngayon tambay at umaasa na lang sa bigay ng mga kapatid.  Nakabuntot lagi sa lalaking nakabuntis sa kanya na tatlo na ang panganay. 

Now i realize bakit ni hindi nila magawang kumustahin ang anak ko.  Their stepmother once told me na sinabi sa knya ng [textspeak!] ko, na pag yung anak daw niyang babae ang nanganak sure daw na apo niya iyon.  Pero pag ang anak niyang lalaki ang nagkaroon ng anak hindi daw siya sure na apo iyon.  Tama ba iyon!!

Hay mga sis, pasensiya na napahaba..madami pa akong dala dalahin dito sa dibdib ko.  Pero thanks to God binigyan niya ako ng mahabang pasensiya.

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #267 on: August 06, 2011, 04:57:16 pm »
sis what sagot ng husband mo regarding dun?

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #268 on: August 06, 2011, 05:49:35 pm »
haaaay sis. ang hirap ng situation mo. heto lang ang sa akin.                                                                                                                                         
Genesis 2:24  Therefore a man shall leave his father and mother and be joined (cleave) to his wife, and they shall become one flesh

Ephesians 5:25-27 Husbands, love your wives, just as Christ also loved the church and gave Himself up for her; 26 that He might sanctify her, having cleansed her by the washing of water with the word, 27 that He might present to Himself the church in all her glory, having no spot or wrinkle or any such thing; but that she should be holy and blameless.

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #269 on: August 06, 2011, 10:15:27 pm »
sis zheane, taga antipolo din ako!! saan ka banda? ako dito sa may checkpoint sa sumulong hiway malapit sa assumption :)

 mahirap talaga pag may ganyang mga in laws, parang ang tingin sa mga asawa natin isang malaking ATM. Basta I suggest sis, magusap kayo ng seryoso kasi ayaw mo naman umabot sa punto na patago  siya magpadala diba?

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #270 on: August 07, 2011, 11:13:13 am »
korek sis chie... hope your okey now...tama sis, nothing beats "family" talaga! Ewan ko pero in my case, civil lang kami with my in laws.. di masyado concern about me and kids..iba talaga. hehe. but my parents super caring.. pag nalaman may lagnat dami na agad bilin. Mostly makipag communicate lang if may kelangan hehe  ;)

sis zheanne kalungkot naman sis ng ganyang sitwasyon. buti na lang sis malayo ka sa kanila. Pag ganyan ka negative in-laws mas mabuti talaga na nakabukod at malayo sa kanila. As long as okey kayo ni hub mo yun ang importante. deadma mo na lang mga sinasabi nila. Dapat pag-usapan nyo rin ng maayos ang extent ng tulong/ bigay/ allowance na bibigay nya sa family nya. Mahirap talaga pag OFW in general ginagawa nilang atm. eh ang hirap kitain ng pera. :(

swit squiggle nice verses ... :)

happy sunday everyone! Godbless..




barefoot_taka

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #271 on: August 07, 2011, 11:59:22 am »
sis health.gal kaasar naman ILs mo! pero realte ako dyan. one time kasi magdedeposit din ako dapat pero di ko kinaya i forgot anong sakit ko nun. tapos si MIL tinext ko and she texted me din na ok lang daw the next day ko na ideposit. pero after that at nagkausap sila ni hubby eh nagreklamo reklamo naman sya. hmp! ..hope ok ka na now.
sis zheanne MIL ko naaalala lang din ako itext pag need ng money.  ::) pero naman sa comment nya ha! sya na ang pinakaduderong nalaman ko! pakitanong nga sa kanya kung pano nya nasiguro na yung mga anak nya eh anak nya talaga? hay naku! pampainit ng ulo! 

zheane0127

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #272 on: August 07, 2011, 01:10:16 pm »
thanks mga sis, especially to swit_squiggle ganda ng verse na bigay mo.

Me and my hubby talked about it na since ayaw ko magtago ng sama ng loob sa kanila ng family niya.  She understand me naman kasi brat daw talaga yung sister niya.  And hindi talaga sila close na magkakapatid.  Mas close ang hubby ko sa grandma niya.  My hubby told me na palakihin ko daw ang baby namin ng kagaya ng pagpapalaki sa amin ng mother ko.  Kasi dalawa lang kaming magkapatid and super close talaga kami kahit may kanya kanya na kaming pamilya. 

Regarding naman sa pera, dadaan at dadaan talaga sa akin kasi sa agency ng hubby ko wala sila hawak na pera.  Lahat ng sahod nila makukuha lang nila pag uwi nila.  Kaya sabi ko sa kanya una at huling hingi na yun ng kapatid niya.

sis  silverbarrow - dito ako banda sa lampas lang ng tikling paakyat ng antipolo.

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #273 on: August 07, 2011, 05:01:40 pm »
mga sis napadpad ako sa sex thread and got interested sa topic ng hpv test.
we should have ourselves pala tested kahit in a monogamous relationship.
6 months after last contact tsaka magpatest para accurate daw.

may mga free test, read it here http://hivpos27.blogspot.com/2008/07/free-hiv-test-using-rapid-test.html

angie_dp

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #274 on: August 08, 2011, 12:42:25 am »
mga sis pa join [textspeak!] sa inyo...bf ko seaman din..kya nkakarelay ako s mga kwento nyo

sweetylicious143

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #275 on: August 08, 2011, 10:02:15 am »
after almost 10months kung pag aantay sa kanya nagkasama na ulit kami almost 3weeks na si boyfie andito but 3times pa lang kami nagkakasama sandalian oras pa i dont know pero feeling ko magkalayo pa rin kami...busy sya somewhere na ewan ko kung excuses nya lang yun hindi ko nakikita ang effort nya na mas gusto nya ko kasama rather than anything alam naman nya na anytime soon aalis ulit siya btw. he's a seafarer hindi ganito ang ini expect ko pag andito na sya iniisip ko na lang busy pa sya sa family nya kasi sila naman talaga ang first priority nya kesa sa kin...minsan nakakatampo kasi mag 2yrs. na kaming mag bf/gf but never pa niya ko naipakilala sa parents nya or sa mga kapatid nya ng isang araw nakita ko sa fb. nya picture ng family nya lumabas sila whole family kasama dun mga gf. at asawa ng mga kapatid nya...but take note pati ang katulong nila kasama sa isip ko buti pa ang katulong nakakasama sa family bonding nila ako hindi....siguro dipa nga lang siya handa ipakilala pako may anak din kasi sya sa una nyang asawa hiwalay na sila dipa raw nya kasi kaya biglain yung anak nya na ipakilala ako baka magalit sa kanya or magtampo close kasi sila ng anak niya anyway i try to understand the situation na lang...sensya na kung off topic ako wala lang kasi ako malabasan ng sama ng loob.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #276 on: August 08, 2011, 10:15:13 am »
^ hiwalay na raw sila ng asawa nya? magkalapit lang ba kayo ng lugar? or manila - mindanao ang distance nyo?

sweetylicious143

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #277 on: August 08, 2011, 10:23:40 am »
yup sis alam ko naman talaga hiwalay na sila ng wife nya kasi pinakilala niya sa kin sa fb. and may iba ng kinakasama yung ex wife nya at may anak na din dun....taga tanay rizal sya ako naman from valenzuela kaya medyo malayo din..

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #278 on: August 08, 2011, 10:35:51 am »
sis sweetylicious143, hindi mo lang ba namemeet personally yung family nya or talagang they don't know you exist? Ako 2nd wife din lang ako sis, pero never naman akong itinago ng ganyan nililigawan pa lang ako I met na his family and kids. Saka nung hindi pa kami nag sasama as in nakabuntot sakin yun. Pero give him the benefit of the doubt na talagang busy sya like baka may training or what.

Well sis sabi sakin ng tatay ko pag pumili daw ako ng lalaki dapat yung mas mahal ako, dapat yung ako ang hinahabol at hindi ako ang nanghahabol.. tatay ko nag sabi nyan. hehe.

Hindi ako usually negative at pala gatong pero sis tanong mo rin si boyfie kung seryoso ba sya? ang hirap hirap kaya mag antay tapos lokohan din pala. matagal na yung 2 years, demand proof na seryoso sya sayo by meeting his family, kahit hindi muna yung anak nya.

sweetylicious143

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #279 on: August 08, 2011, 11:07:11 am »
hindi ko pa nami meet family nya sis kasi nga hindi pa nya ako ipinapakilala in person..pero sila mga parents at kapatid nya na meet ko na pinakilala nya sa kin isa isa yun nga lang sa fb. hehe...
pero ok lang hindi pa din naman ako handa humarap sa family niya kasi may kaya ang family nila lahat ng mga kapatid nya professional na lahat at stable na ang work...ako high school grad. lang and still jobless may anak din ako dalawa sa una kong asawa buti anjan kapatid ko tumutulong sa min....minsan yun din naiisip kong reason kaya dipa nya ako kaya ipakilala sa family nya kasi yung background ko ano nga naman ang sasabihin sa kanya bakit sa kin lang sya papatol hehe mukang masusungit pa naman itsura ng family nya...

8months n kami bago sya sumakay ng barko akala nga nya hindi ko kakayanin na maghahanap ako ng iba at hindi ko sya kaya antayin but still nagawa ko kasi hindi naman sya nagkulang ng communication ng nasa barko pa sya everyday sya may email at pag may signal nagtitxt sya kung wala siguro kami communication nun at bihira lang magparamdam siguro pa mag give up ako na appreciate ko naman effort nya....pero sabi naman nya sa kin before sya umalis nun pagbalik nya ipapakilala daw nya ako sa family nya kahit sa mga kapatid nya lang daw kaso mag 1month na parang wala sya balak nagaantay na lang ako may sabihin sya...siguro pag dina nga sya busy! naintindihan ko naman kasi na miss nya ang pinas ng ilang months puro work sa barko kaya hinahayaan ko na lang pag nagpapaalam sya pupunta sa mga friends nya or pinsan nya makipagkwentuhan..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close