watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2  (Read 95312 times)

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #200 on: February 26, 2011, 09:36:01 am »
Jen,matagal ko na kasing nakita yon. Di langbak maka-decide kung bibili ako.

Isipin ko yang play gym mo ha. Papakita ko kay hubs. 1500?

Gap pala yung shoes na kasya na, hindi old navy.

chic_clothes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #201 on: February 26, 2011, 09:46:19 am »
my cousin got my orders na from old navy :) kanina lang daw dumating sa house niya, buti umabot before siya pumunta dito sa phils..pwede na pala umorder using our cc pero yung billing ad is sa us..

trendy

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #202 on: February 26, 2011, 10:17:38 am »
thanks sis pia, yup sg-based ako. stay-at-home mom.  :)

re bumbo seat, meron din kami nyan and super sulit. dyan natrain baby ko to sit on her own.

ako rin gusto ko magwork sa hotel pero goodluck naman sa kin kasi wala naman akong pwede maging work dun. IE grad kasi ako e.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #203 on: February 26, 2011, 12:18:36 pm »
hi girls! happy weekend!
andito ako ngayon sa office pero half day lang ako..
hinatid na ng parents ko si gianna sa bahay kagabi..umikot ang pwet ko kahapon at di mapalagay as in uwing uwi na ako..kaya saktong 530..umalis kaagad ako ng office.. 1 week lang lumipas ang laki kaagad nya.. mag-gagala kami mamaya pag uwi ko ng bahay...

lisa.. ang cute naman nyang sit me up cozy na yan!! gusto ko rin nya kaso over-age na si gianna!!..

re : bumbo..pinangarap ko din bumili ng bumbo..pero di ko din binili kasi at that time na bibili ako..last piece sa rustans tapos medyo panget na yung box.. so 2x isip ako.. even yung prince lionheart na similar type 1 piece lang din..eh parang ayaw ko nun kasi di ka makapili ng color.. hinayaan ko na lang..we just used her boppy pillow tapos pinalibutan na lang namin ng sangkatutak na pillow for support.. umepek naman..

di kami bumili ng play gym.. our playard/crib came with those little stuffed animals na isasabit sa parang "X" na ikakabit sa playard..(pareho tayo lisa di ba? chicco din ikaw?)  hinde namin yon nagamit.. tinago ko na lang yon.. ang nilalaro laro nya noon eh may ginawa kasi mobile ang brother ko na square tsaka mga round shapes.. tapos may patterns na black and white and red.... accdg sa mga nabasa namin..nakakastimulate kasi ng utak yung black, white and red colors di ba? so ayun gumawa sya ng mobile na ganun and mga posters.. na nakadikit sa wall near our bed basta nakikita nya.... tapos nung phase nya ng ngatngat.. i made this small bimpo.. i sewed some ribbons on and yarns.. different lengths.. different textures..different colors ayun..lagi nya nginangat ngat yon noon.

medyo nag sisi ako ngayon kasi.. sobrang bili ako ng mga toys noon.. yung vtech na ball na may ilaw ilaw at sounds na umiikot ikot on it's own para matuto sya mag crawl? nako 4 binili ko nun tag 2 silang mag-pinsan.. kaso di rin nila nilaro ng matagal..sandali lang tapos they lost interest kaagad.. ngayong malaki na binigay ko uli..nako inihagis! katakot kasi baka mahulugan ang paa nya.. itinago ko na uli...yarn lang noon fascinated na sya! ngayon bigyan mo ng plastic spoon.. at isang plastic cup.. ayos na sa kanya.. mag-cook cook na sya noon.. mix mix then kunyari susubuan na nya ako..

re stroller:
nasayang din stroller namin..forever lang sya na nasa kotse.. lalagyan lang ng diaper bag at sabitan ng shinopping namin. ayaw nya din magpa-upo dun..if ever na pumayag sya na umupo don..as in sandaling sandali lang... pero kung nasa labas kami tapos nakatulog sya.. ayon! don namin sya nasusulit... pero yung mag stroll kayo at nakasakay sa stoller.. walang pag-asa!!!

may hand me down kami na car seat... hanggang ngayon di naman naikakabit sa kotse... ang saya!

usapang vaccine..
last week lang kami natapos ng pcv vaccine!!! woohoo!! achievement ko yon kasi ang mahal mahal ng vaccines ha!!  ang susunod na vaccine namin 5 in 1 booster next month yon...pero after ng booster na yun at 4 years old na uli!! woohoo!!

sa mga mommies na naka pacifier/binky si baby?? when is the right age nga to wean them from their paci?? 16 months na si gianna pero naka chup chup pa din eh... sabi ko at 2 yrs old tanggalin ko na eh.. pero sabi ng brother ko..tanggalin ko na daw as early as now... pero parang ayaw ko pa :P ako yung attached sa chup chup eh LOL!!

re : working mom
masarap talaga pag ang boss mo foreigner/expat...12 years na ako sa office ko  Admin Asst./Secretary ng Director ng company namin tsaka suma-sideline ako dun sa isang Swede din na VP-Op namin.. swedish pareho ang boss ko.. mabait sobra.. hinde mapulitika..  and best of all hinde high maintenance.. ayaw nya nung ako yung mag handle ng schedules nya.. basta kung magagawa at magagawa nya lang din..sya na gagawa... minsan petiks ako sa work.. hinde ako masyadong stressed..


aangal na naman nito si weng... nobela na namanang post ko hahaha!! eh kasi nobela din yung nabasa ko.. 2 pages ba naman ang dagdag?? hellow! daldal nyo talaga mgfa mommies!!

eb na! ano ba?

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #204 on: February 26, 2011, 06:15:10 pm »
Lia, ang haba ng post!

Yes, same tayo ng playard. Kinabit ko na dati yon para magamit. Ok sana kaso pag nakakabit yon, ang hirap kunin at ilapag ni baby kasi tatama sya. So yung toys non sinabit ko din sa baby einstein play gym para madagdagan. Pati yung isang tiny love at si lamaze puppy sinabit ko din.

Yum sit me up buti pala lamb yung inorder ko kasi may play gym sya. Yung bunny wala. Kaya din pala mas mahal yung lamb.

Nakapagpa-vaccine na kami kanina. Pcv and rv 1st dose. 8300 binayaran namin. And finally din, nag-prescribe na ng vitamins si dr chen. Ayaw kasi nya pag less than 3 months. Ceelin kami and ferlin for iron.

May diaper rash si baby. Nilalagyan ko ng earth mana bsby bottom balm. Nawawala namsn paunti-unti peto lagyan ko na daw ng zinc oxide para mas mabilis mawala. San ba nakakabili ng aveeno diaper rash cream? Yung hindi online sana kasi kung online, most likely sa tuesday ko pa makukuha. Need ko na sana asap.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #205 on: February 26, 2011, 06:54:39 pm »
Lisa, merong Aveeno Diaper rash cream sa rustan's supermarket. Less than 500 yun sis :)

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #206 on: February 26, 2011, 07:00:47 pm »
Lisa - yup sis 1500 lang. Di ko muna pinost sa ebay. Isipin mo na muna  ;D At last, na-vaccine na din si baby mo sis. Naku, mahal ng 200 sa Pedia ko, 8500 kay Pedia. Butas talaga bulsa if yang 2 yan ang vaccine na naka-sked. LOL!

Lia - wow haba nga ng post! hehe! talagang accomplishment sis ang matapos ang PCV at RV. kame 2 dose pa. Hayst!

Nag-ikot ikot kame kanina sa GB5, hay naku as usual nakadami na naman ako ng napamili for baby. Yung budget ko for myself, sa kanya na lahat. Sarap kase pag girl ang anak eh noh? parang may manika tayo na binibihisan.

Re diaper rash - prior ba sis, may gamit ka ba for baby? Ako, I use Desitin every after diaper change for Y eh. Isip ko kahit ba gumagamit ng ganun, magkakaroon pa din ng diaper rash? na-curious lang ako.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #207 on: February 26, 2011, 07:13:09 pm »
Jen, dati Desitin and Aveeno diaper rash cream gamit ko. Pero ngayon wala na din ako ginagamit hindi naman nagkakaron ng diaper rash si K.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #208 on: February 26, 2011, 07:51:19 pm »
Tin, sa makati ba yan? Galing ako don kanina, wala akong nakita. Pati sa s&r fort wala. Aveeno at desitin wala.

Nagpunta nga ako agad para maghanap pagkagaling namin st lukes global.

Bukas maghahanap ako ulit. Kung wala, order ko na sa mutiply. 400 yung aveeno na nakita ko kay quigle.

Jen, anong pinamili mo? Inggit ako kasi ako walang budget approval para sa ganyan.  :(

Earth mama bottom balm gamit ko pero pag may namumula lang. Ngayon lang siya nagkaron ng rashes talaga kaya sabi ni dr chen lagyan ko na ng zinc oxide nga.

Mukhang mapapagamit na din ako ng aveeno parati. In denial pa ako dati na kakailanganin ko yan.  ::)

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #209 on: February 26, 2011, 08:12:55 pm »
Tin - hanggang kelan pala gagamit ng diaper rash cream?

Lisa - naku sis, meron akong items na nabili sa mothercare (swimsuit, leggings, socks) atsaka sa Big & Small (1 dress at 2 naka sale na baby shirt), other stuff ni baby mga usual na kelangan niya (cycles, cradle, mamypoko, giggle wipes) bumili na ako ng refill para pag naubusan meron kagad. Magastos nga talaga magka-anak  ;D

Mag 4 mos na si baby supposedly 30th, kaso nawawala ang birthday niya sa calendar  ;D So Feb 28 na lang ba? or March 2? LOL!

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #210 on: February 26, 2011, 09:39:51 pm »
Jen, inngit ako talaga! Anong size ng leggings nabili mo and how much? Kailangan ko na din bumili ng next size eh. Sale ba leggings na nabili mo?

Last na pumunta ako nung january, pati pang boys na pajamas pinatulan ko kasi may nabili ako 150 lang.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #211 on: February 26, 2011, 10:06:43 pm »
^Lisa - 3-6 mos siya, 400 na ang 2 - different designs. Yup, naka-Sale siya  :D Daming sale eh pero yung 3 items lang puntirya ko.


clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #212 on: February 26, 2011, 10:24:07 pm »
^ ah malaki pa. New baby pa lang size ni baby sa mothercare ngayon eh pero medyo kasya na din yung 0-3.

Bagong sale ba yan o continuation lang nung dati pang sale?

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #213 on: February 26, 2011, 11:17:32 pm »
Lisa, yup last na punta ko sa rustan's supermarket, may nakita ako. Last week lang yun. Desitin sis, wala ako nakikita talaga. Yung desitin ko galing sa Canada, bigay ng cuz ko. Pero may desitin sa mercury sis eh, pati sa sm dept store baby section. Pero iba ng packaging dun sa made in US.

Jen, hindi na ko everyday naglagay nung napansin ko na hindi naman sya nagrarash kahit minsan nakakalimutan ko maglagay. Hehe.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #214 on: February 27, 2011, 02:34:02 am »
Tin, san section mo nakita sa rustans supermarket?

Yung desitin creamy may nakikita ako sa s&r alabang dati. Out of stock daw sa fort eh.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #215 on: February 27, 2011, 08:14:11 am »
^Lisa, try Calmoseptine. Yun pinagamit ng pedia ni Zoe when she got rashes after using Pampers Active Baby. Hinde nga lang sya sa tube nakalagay, parang sachets sya but it works like wonders.

Pia, I read your status sa FB! Whoever took your wallet, si God na bahala sa kanya. I remember tuloy nung nasa SG pa ko and working for SIA, one of my Pinay friends nilooban yung house nila sa Woodlands and took her newly bought ipod and laptop. Hay, kahit san ka talaga pumunta may mga masasamang loob.

Tin! Noh ba yan, miss naman kita! Ang daming nice stuff sa Baby Gap in Bonifacio High Street! Pigil na pigil ako mag-shop ngayon mejo nagtitipid ako kaya sana mapanindigan ko hahaha!

Liya, Zoe uses binky din ngayon. At first sabe ko dapat during bedtime lang kase when I started working again, nahihirapan sya pag gabi kase comfort nurser sya. Hinde ko napansin na pati daytime naps nya, nagbi-binky na din sya :( Sana hinde ako mahirapan mag-wean.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #216 on: February 27, 2011, 11:53:41 am »
Lisa, dun sis sa gilid, lahat ng Aveeno products nandun eh. Malapit sa bilihan ng mga nail polish ata yun. Try mo muna sis tawagan para sure, inquire mo kung meron sila, para hindi ka babalik balik if ever. Eto contact number ng rustan's supermarket 028939275.

Van!Ako ba?  Malamang ako! Hahaha! Miss na kita kachikahan! Lol. Galing ka sa Gap? Dame ba stuff? May sale? Preorder ka nalang kay Shally! Mahal naman kasi dito. Pero lam ko naman kahit mahal, eh hindi ka makakapagpigil! Go na, kahit ilang piraso lang. Payag naman si hubby diba? Lol! Shopping na girl! :)

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #217 on: February 27, 2011, 12:15:39 pm »
van, meron ako niyang calmoseptine na yan! yan bigay nung unang pedia ni baby. may 1 sachet ako unopened pa. hanapin ko nga. thanks!

tin, don din na area ako nagtingin. wala eh. kakaorder ko lang ng aveeno kay quigle. sinabay ko na pati yung dr browns 8oz bottles.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #218 on: February 27, 2011, 07:04:54 pm »
Van, ginamit ko na yng calmoseptine kanina. Gaano katagal mo ginamit kay zoe bago nawala rashes niya?

Jen, as usual ayaw ni hubby yung sit me up cosy. :( i cancelled my order. Kunin mo na. :)

First time namin sinakay si baby sa car seat kagabi. Di siya fussy. Tingin ko gustong-gusto niya kasi natulog siya halos buong trip. Pati kanina. Natutuwa ako!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #219 on: February 28, 2011, 07:46:33 am »
^Lisa mga 1-2 days lang. May desitin din kase ko but pedia said masyado daw mainit sa skin yon.

Tin, in fairness napigil ko sarili ko when we last went to Gap kaso hinde ako makatulog hahaha! Actually shoes talaga hinahanap ko ngayon kase malapit na sumakto kay Zoe yung Guess shoes nya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close