watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2  (Read 95222 times)

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #220 on: February 28, 2011, 09:54:58 am »
may sakit si gianna... :(
lagnat sya on and off mula nung saturday PM... di kami nakatulog kagabi kasi every hour gising sya.. nagpapakarga pa.
walang sipon at ubo.. walang gana mag milk at kumain ng kanin..matamlay sya ngayon... ngayon daw wala na lagnat pero wala pa din gana.. kapag hinde nag improve papa-laboratory ko na tom then check up..
isip ko kasi baka teething langlumabas na kasi [textspeak!] first molars nya... parang lalabas na din yung 2nd nya..

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #221 on: February 28, 2011, 10:08:07 am »
Good morning mommies :)

Tin, naiwan ko sa taxi yung wallet.. sure ako dun ko nalaglag.. i hailed the taxi 2mins after I realized na wala sakin ang wallet.. nag stop naman ang taxi driver. Pero wala sa loob wallet ko. Wala din naman sa road. Ang bilis ng pangyayari. Fault namin hindi namin nacheck yung socks nya baka naipit dun.. Wala kwenta yung police kasi hindi thorough yung pag check sa taxi driver.. But anyway, nakuha ko naman ang wallet.. medyo malaking pera lang ang natangay nya.. Matandang driver yun.. feeling ko nangangailangan talaga.

Re: Binky.. few months lang nag binky si kyle. Sya na din ang umayaw.. Ngayon pag pinapa try namin pagamitin, hindi nya alam pano isuck.. hhahaha.. nalalaglag.

Re: Diaper rash cream.. Aveeno kami nung first year. Then switched to emu oil. Until ngayon we still use it. Until he's using diapers we'll use emu oil.
 
Tin, hahaha.. natawa ako sa advise mo kay Van.. pinilit mag shopping ha.. hehe

Lisa, buti pa baby mo sanay sa carseat.. i guess pag mas malaki laki na si kyle saka lang matuturuan mag car seat and stroller.. Hindi pa mapakiusapan ngayon eh.

Lia, looks like teething nga.. si kyle ganyan pag nag iipin noon.. lagi may kasama fever.. sometimes cough and colds pa..

si kyle din ngayon may sugat daw gums dun sa pinaka likod na part.. meron naman na sya molars.. hindi ko alam kung dahil ba sa mga meds for cough nya.. baka singaw or something.. complete naman na kasi teeth nya kaya di ko alam ano yun.. Nilagyan na namin daktarin.. buti ok naman sya kumain and dede..

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #222 on: February 28, 2011, 10:21:47 am »
pia..paano nabalik sa iyo ang wallet mo?? nabasa ko din sa FB yan nung weekend eh...

diaper rash... we use vaseline petroleum jelly.. every diaper change nya ayun gamit namin..

medyo worried akoi..kasi baka UTI din di ba?? on and off ang lagnat eh.. wala naman rashes apart from the insect bites she got nung saturday morning..kung dengue man..may incubation period pa.. tom dalhin ko na sa e.r. ng makati med first thing in the morning para covered ng health card namin.

question...
pano ginagawa nyo kapag time na ng scheduled meds ni baby pero tulog sya?? ginigising nyo ba sya or hinayaan na lang lumipas ang oras at antaying magising sya then give the meds when  they wake up tapos adjust na lang ang oras?
« Last Edit: February 28, 2011, 10:23:38 am by liyapot »

trendy

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #223 on: February 28, 2011, 10:33:20 am »
^sis yung baby ko nagkauti nung 2 months pa lang (kawawa no?) pero kahit may lagnat sya nun, energetic sya and malakas pa din dumede. binigyan sya ng antibiotic so kahit tulog sya wala kaming choice kundi gisingin sya kasi alam ko pag antibiotic kelangan consistent. pag homeopathic meds naman, di namin binibigyan ng meds pag tulog. hintay namin gumising saka iadjust yung time. pag paracetamol, check namin muna kung super taas ba ng lagnat. kung di naman, hayaan na lang matulog si baby. sana sis gumaling na baby mo.

sis pia, isipin mo na lang na may malubha syang sakit kaya nya nagawa yun. ganun kasi ginagawa ko everytime nawawalan ako, iniisip ko nakatulong ako sa ibang tao para di ako mainis.

« Last Edit: February 28, 2011, 10:40:05 am by trendy »

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #224 on: February 28, 2011, 10:41:12 am »
naawa kasi ako gisingin atsaka si hubby super maawain din.. ayaw nya gisingin pag ganun  eh medyo pahirapan painumin ngayon kasi nagmumuryot..
energetic naman si gianna kahapon.. naglaro pa kami kaso pag nakikita nya ako nagngunguyngoy....
may dinadamdam sya talaga kaya nag-da-drama.. haaayy

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #225 on: February 28, 2011, 10:50:07 am »
hello mommies! whew! haba ng backread ko.

ako din 12 years na ako nagwowork hehe! labasan na to ng edad o! i swear, kung kaya lang talaga na single income household, di na ako magwowork. kaso si project bahay nag kick-off e. so that means, another 20yrs of working pa? wahahaha! we'll find a way na mabayaran lahat yun earlier!!!

lia, kaya pala tahimik ka nun friday hehe! kahit ako din siguro di mapapakali kung 1 week di makita si chloe. wow, molars ito?! kumusta na mga yaya mo? di na sila away? hehe. teka may pm pala ako sa yo ha! meds, ako hinahayaan ko na lang sya sleep. then adjust ko na lang ulit. kailangan din kasi yung sleep e.

pia, naku sorry naman at hindi ako updated sa wallet mo. matindi pangangailangan ni uncle ah! amazed lang ako, may ganun pala sa SG?

lisa, super effective yang calmoseptine. pag severe rash yan din gamit namin, mura pa! :D parang wala pang 40 pesos ang 1 sachet.

bumbo - meron ako nito. super love ko, gusto nyo hiramin? di na kasi kasya si chloe :D pm nyo na lang ako, basta for pickup lang dito sa makati and sana isoli pa sa akin ng maayos keri lang!

play gym - sayang pera lang ito hehe.

yaya celeb - ayun sosyal nga e! nandito kasi tita ko from canada, eh gusto mag beach. so nagpunta kami sa nasugbu. then boat ride ng mga 15mins. grabe! virgin beach pa ito! then ihaw lang food, plus lobsters!!! woo hoo! though friday night, nag mini party na kami sa house, nagluto ako ng spaghetti,chicken, and cake. sabi ko kay yaya, ice cream na lang saka clown, children's party na. as in whole day kami wala ng saturday! sobrang saya. dun ko lang nadiscover na yung anak ko mahilig sa water. as in may point na nag blue na yung lips nya sa lamig pag inahon mo nagagalit. tapos super nakakatawa pa, tinitikman nya yung water! as in nakanganga sya tapos sisimple na iinom! as in ewwwwww!!! nasulit namin yung swim diapers nya from ecobaby, nag poop, hindi tumagas! then washable sya :D so linis ko lang then suot na ulit. super traffic na pauwi sa tagaytay, specifically dun sa bag of beans!!! ayan, nawalan tuloy akong energy mag shopping sa outlet store dun sa paseo sta. rosa.

next weekend naman, company outing sa laiya. ayan, mag aadik na naman anak ko :D hinahanda ko na sarili ko sa sakit ng katawan hehe.

then weekend after next, nasa SG kami! saya! :D butasan ng wallet ito.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #226 on: February 28, 2011, 11:01:55 am »
Ngek - haba din ng binack-read ko!  ;D Ang dadaldal natin!

Lisa - parang extension pa siya nung mga dating Sale eh. Di ko pa na-contact si Sit me up cosy kase nag-alangan itong si hubby. Gusto pa din Bumbo seat  :) Sis wengerts! ay type ko yan! hiramin blues, PM kita! wooohooo! girl din ba baby mo?

Pia - naku, tama nga! isipin mo na lang nakatulong ka! naman o, di na binalik pera. Well, medyo bihira na din naman kase ang nagbabalik ng laman ng wallet sa panahon ngayon.

Liyapot (sorry di ko maalala names) - sana gumaling na baby mo sis! hirap pa naman pag may sakit ang baby.

Wengerts - wow naman! pasyal galore ka sis! hahaha! project bahay talaga ha. Goodluck satin!

Naku naman, lunes ulit! mahaba habang week na naman ito! LOL! Anyway, 4 months si baby ko ngayon. Dapat 30th kaso walang 30 sa Feb, musta naman di ba? laking pasalamat ko kase healthy and happy baby anak ko sa awa ng Diyos  :D


clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #227 on: February 28, 2011, 11:09:16 am »
van, weng, mukhang effective nag yung calmoseptine kasi medyo nawawala na yung rashes. pero nagorder na ako ng ng aveeno. advisable ba gamitin ito kahit walang rashes for prevention? o mas maganda petroleum jelly? iniisip ko nga kung bibili na din ako ng vaseline baby pj eh.

pia, nagulat din ako may ganyan din pala sa SG!

pia, tuwang-tuwa nga kami na gusto ni baby sa car seat. ang mom ko pa naman sabi ko wag ko na ilagay kasi paano daw pag umiyak. sabi ko naman subukan muna. buti naman talaga!

lia, get well soon kay gianna.

jen, sorry , mukhang di na yung play gym. na overrule lahat ng gusto ko eh. pagbigyan ko na si husband, di ko bibilhin. para next time, pag may gusto ko ulit bilhin, di na siya makakatanggi.  ;D

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #228 on: February 28, 2011, 11:10:58 am »
^ yung yaya ng nephew ko ang birthday feb29. since nawawala wala itong date na to, minove nila to march1 ang birthday nya hehe.

wala lang napakwento lang! happy 4months!!!


redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #229 on: February 28, 2011, 11:18:04 am »
Lisa - okay lang yun sis! atska may existing naman si Bianca di ba, pwede na yun. Buy ka na lang more rattles.

Weng - nag PM ako! Sinabi ko kay hubby about Bumbo seat, sabi niya if pang-girl daw baka gusto mo na lang siya ibenta!LOL! Pero okay na din if hiram, balik na lang  ;)

Nga pala, may question ako. Medyo nagda-dry kase skin ni baby. Gamit ko kase sa kaniya dati eh zwitsal na baby bath, then nung naubos, bumalik ako sa J&J since di pa ubos yung big bottle (head to toe). Now, sabi ni Pedia try ko Cetaphil and Physiogel. So bumili ako ng Cetaphil small bottle lang and Physiogel na din (ang mahal! one size lang daw ito eh). Question is: yung Cetaphil cleanser ba, good as soap and shampoo na? or do I still need to use a separate shampoo for baby?

« Last Edit: February 28, 2011, 11:23:05 am by redrose »

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #230 on: February 28, 2011, 11:45:04 am »
Jen, happy 4months kay baby! Yung cetaphil, pwede na sa hair and body. Mahal nga ang physiogel, cleanser ba sis or cream? Para daw ba sa face? Si K kasi, nung nagkaron ng seborrheic dernatitis, yan na pinagamit samin para sa face nya, both cleanser and cream. Effective to :)

Pia, aww, sayang ang money! Pinaghirapan pa naman, pero kahit papano naibalik yung wallet at kung may imp ids dun, pwede na din. Pero sayang talaga yung malaking amount. Haha, kulit ng payo?

Lia, sana gumaling na kagad si Gianna sis. Sana din teething lang, hindi UTI or kung ano pa. Get well soon baby.

Van, aba talagang napigilan mo sarili mo? Hehe, sabagay, sa dame ba naman ng damit at shoes ni Zoe eh. Si K naman, kahapon umalis kame, pinatry ko yung ibang shoes nya, nyak, kasya na! Akala ko hindi pa, eh sakto na. Buti nalang napagamit ko na yesterday, or else, kaliliitan na at sayang nanaman lang.


huckleberry

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #231 on: February 28, 2011, 11:48:17 am »
Lia - antibiotic ba ipapainom kay Gianna? hmm..ako kasi depende sa gamot. pag round the clock ang inuman ng gamot ginigising ko kahit tulog. may mga gamot kasi na mas effective pag same time pinapa-inom.  sana lagnat laki lang dahilan ng fever ni Gianna.

Pia - nakalusot pa talaga si manong driver ha. di bale, sigurado doble ang kapalit ng nawala sa iyo.

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #232 on: February 28, 2011, 11:52:59 am »
Lia, Nireport ko kasi sa police and they responded 15mins after the incident. Tinulungan nila ako hanapin pero wala nakita.. Hindi naman nila kinapkapan ng maayos. Few hours after that, tumawag sila and said an auntie went to their station to return the wallet. Nakita daw sa roadside where I dropped the wallet. Nyak! parang ako.. hello??? hindi ako umalis kaya sa kinatatayuan ko nung lumabas ako ng taxi. Nung ni-hail ko ang cab andun lang ako mismo kung san ako bumaba. Ang laki ng wallet ko para mamiss ko yun. I know I dropped it inside. I am sure. And ni-hocus pocus ng driver yun while he was making a U-turn out of the parking area.

Lisa, ate ko PJ din gamit as diaper rash cream sa baby nya noon.. pero sabi nya mainit daw ito sa skin.. malamig kasi sa kanila..

Re: Medicine: pag antibiotic, ginigising namin kasi hindi pwede ito mamiss. Pag paracetamol, pag hindi naman high grade fever, ok lang makatulog. Depends sa gamot kasi.

Del and Jen, i think he needed it badly.. matanda na kasi sya.. from the start sya na suspect ko pero talagang pigil ako sa pag diin sa kanya kasi ang tanda na nya.. pero ang sarap siguro nun kung caught in the act sya.. hehe

Weng, nakakaloka nga.. first time ako nawalan ng wallet and sad to say dito pa sa SG.. yung laptop noon (2004 pa ito), naibalik sakin ng bus driver.. nakatulog ako sa bus eh bus stop ko na pala nung naalipungatan ako.. bumaba ako without my laptop.. sa company yun.. tinawagan ako ng driver nung hapon.. buti na lang andun ID ko.. paramdam ka pag andito ka na ah!!!!

HAPPY 4TH MONTH YESHA!

Dette, mag dilang anghel ka sana please !!!! :D

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #233 on: February 28, 2011, 11:58:37 am »
Tin - lotion siya eh. Siguro sa katawan lang ito noh? [textspeak!], gamitin ko na din sa hair yung Cetaphil. Sana Ok kay baby.

Speaking of shoes - si Y din, 1st time nakasuot ng shoes kahapon nung nagsimba kame! yes naman! nag-kasya yung old navy shoes niya na bigay ng sis ko. Kaso yung isa na white, di na kasya :-( di ko kase na-check kagad. Hay sayang!

Salamat sa mga pagbati, later pa ako prepare sa simple celebration. Buy lang ako cake and luto dinner! tutal, kame lang naman ni hubby dito and si kasambahay :-) Or, baka lumarga na lang siguro kame pag di ako tinamad. LOL!


liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #234 on: February 28, 2011, 12:06:17 pm »
thanks mga mommies!
i think she looks ok na ngayon..naglalaro na sya ngayon eh.. (naka ip cam kami sa bahay bantay guwardyado) sabi ni yayay wala na daw lagnat eh..

weng,
ang sosyal ng yaya mo ipinag celebrate mo pa talaga ang birthday ha! :P btw, nabilhan mo ba sya gn ticket to SG? kasama nyo ba sya?

in-imagine ko ang floating poop ni chloe sa beach hahahaha!! pano ba yang swim diapers na yan?

pass ako sa shoes weng.. at ang daming shoes ni gianna di nagagamit. pero kunin ko si chinelas..just pm me pag dala mo na sa opis mo..then pa kuha ko sa cadete.

huckleberry... paracetamol lang ito ngayon kasi kinukulit ko si hubby kagabi.. kasi kelangan tandem kami painumin dahil nagwawala pag bigyan mo ng gamot.. kaso ayaw na nya ipagising.. so nadelay ng 2 hours ang paracetamol nya kagabi.. ina-adjust ko na lang,.,.

pia
di bale karma na lang nya yan

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #235 on: February 28, 2011, 12:43:24 pm »
Floating poop.. lol.. swim diapers para din syang diaper pants.. pero iba lang siguro material nya kaya pag nabasa, hindi tulad ng ordinary diapers na magsa-sag kasi puno ng tubig..

May dysmenorrhea ako ngayon.. nakakainis.. ang sakit ng lahat lahat.. puson, likod, ulo.. lahat na.. whattamonday :(

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #236 on: February 28, 2011, 01:14:31 pm »
i hate dysmenorrhea....

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #237 on: February 28, 2011, 01:49:37 pm »
Same here. Kainis kapag meron ako lalo nung dalaga pa ko, as in dapat kong uminom ng advil para mawala yung pain. Kasi usually legs at balakang ko ngawit at masakit talaga. Pati puson, eh hindi ganun kataas tolerance ko sa pain kaya kelangan ng pain reliever. Buti after ko manganak, medyo nawala na, hindi na ganun kagrabe.

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #238 on: February 28, 2011, 02:01:15 pm »
lia, 18th birthday kasi e! oops baka mapagalitan ako dito employing a minor :P ang sabi kasi sa min dati 18 daw sya, nabuking ko sa kakakwento nya ng buhay nya hehe. ayos naman, mabait sya kay chloe e (sa mga gamit lang namin hindi, dami na nya nabasag na gamit! ugh)
sige text kita tom pag nadala ko para padaanan mo sa cadete :P
bruhi ka, di ko sama si yaya sa SG! wala pa nga passport yun e. siguro pag nangyari yun, sobrang yaman ko na chos! haha! pero sa august mag bora kami kasama na sya. (nabbwisit na ako sa kaka-sale nyang mga eroplanong yan)

pia, pa pm ng number mo please? para makaparamdam ako :P haha todo search na nga ako gusto ko mag no signboard hahaha!!!

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #239 on: February 28, 2011, 02:12:55 pm »
hahaha kala ko sa SG mo sya kasama! soshall!


si yayay ko.. panay ang day off huh! day off nung katapusan ng january 30 to 31... tapos nag off na naman nung feb 13 to 14... tapos nag request na naman ng day off this weekend ha!
every sweldo day off?? sabi ko kay hubby parang nakakahalata na ako.. sabi nya pagbigyan ko na.. kasi nga demanding ang asawa ni yayay!! haaaaaayyyy

dysmenorrhea.. noong kabataan ko..as in hinihimatay ako sa sakit ng puson :P dinadala ako sa clinic..

hanggang ngayon tulogacion pa ang junakis ko pati si yayay... mukhang napuyat kakagising sa akin at magpakarga..sana lang mamayang gabi di na syang sumpungin at matulog na sya ng direcho kasi panay ang laklak ko ng kape ngayong araw just to get by...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close