watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2  (Read 95184 times)

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #180 on: February 25, 2011, 06:21:06 pm »
^^ yung size 1 RL na binili ko bago ako manganak malaki pa kay baby ngayon, eh 3.5 months na siya! size 2 binili ko this time. may  pa nga ako na size 3 eh.  ::) maliit ang paa niya, kanino pa ba magmamana kundi sa nanay. size 5 lang paa ko eh.

^ sis, if we can only afford to be a single-income household, gusto ko din maging stay-at-home mom. pero hindi kaya eh. sayang din ang income.

pedia kami bukas. finally, RV and PCV mabibigay na. pero gastos! halos 9k nanaman.

pinaalis ko na pala yung yaya ko. ok sana siya, magaling talaga sa newborn at ok makipagusap kay baby. kinakantahan pa ng mga twinkle twinkle little star, tinuturuan na mag close-open. pero dahil matanda, sinabi sa isa kong maid na masyado daw akong nagmamarunong. mas madami daw siyang alam kaysa sa akin. tanggap ko naman yon pero kasi nung una pa lang, siya tong sabi ng sabi na sabihin ko kung anong gusto ko kasi iba iba naman daw ang mga mommy at mga amo. tapos hindi naman niya ginagawa ang gusto ko, at magc-comment pa na masyado akong nagmamarunong. kaya ayon, good bye na.

buti talaga nandito mom ko. kung wala siya dito, ewan ko na. we became closer when i got pregnant. and hindi niya talaga ako iniwan mula nung nanganak ako. stranded pa nga yan sa farm nung malapit na ako manganak. ang lakas ng ulan kasi tapos baha, hindi siya makapunta sa town. pero sabi ko ayaw ko manganak ng wala siya. nugn may nakitang truck na makakalusong sa baha, nakisakay para lang makaluwas siya that same night. she arrived sunday morning, my sister gave birth monday morning, i gave birth tuesday morning. ginawan talaga niya ng way. mas naappreciate ko talaga siya ngayon.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #181 on: February 25, 2011, 07:07:01 pm »
Lisa - naku same tayo! mom ko din visits me from time to time nung preggy pa (as complicated pregnancy ako), and she's beside me too when I gave birth to Yesha. Grabe! di ko din lubos maisip that we'll be this closer. Ngayon ko lang nalaman mga sakripisyo ni mom nung may anak na ako (nagu-guilty tuloy ako minsan if I remember times na sinasagot sagot ko siya, pasaway kase ako...lol). Now that she's back abroad, I really miss mom so much.

Awww, vaccine day niyo bukas. Is that Bianca's 2nd shot na ng PCV and RV? Baby ko next month pa ulit ng PCV and RV eh. So far, eto pa lang finish niya.

1.5 months - 6in1
2.5 months - PCV and RV (1st dose)
3.5 months - 5in1

-----
4.5 months - PCV and RV (2nd dose)
5.5 months - 6in1
6.5 months - PCV and RV (3rd dose)

others...7 months up na like chickenpox, measles, flu etc etc

Nilista ko talaga eh noh? Kaw sis, what na natapos?

Sis Trendy - salamat sa PM. Naku, too big nga yung Royal Palms. Gusto ko sana yung tama lang sa laki since mga 100 guests lang naman ako.

Happy weekend mommies! :-)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #182 on: February 25, 2011, 07:41:25 pm »
Redrose, ganyan din yung feedback ko regarding Fun Ranch. We attended a party years back and the kids were enjoying the games kaso kameng adults hinde happy sa food. After the party, nag-Outback kame ng hubby ko kase gutom na gutom ako dahil hinde ko masyado nagalaw yung food hehe

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #183 on: February 25, 2011, 07:57:13 pm »
Jen, 1st dose pa lang ng rv at pcv. Dapat nung feb 5 ibibigay kaso may cough and colds siya non. Bumalik kami feb 12 pero may konting phlegm pa. Di kami nakabalik nung feb 19 kaya bukas pa lang. Ang natapos niya pa lang:

Birthday - hepa b 1st dose
1 week - bcg
1 month - hepa b 2nd dose
2 months - 5 in 1
3 months - rv and pcv pero almost 4 months na siya ngayon :(

4 months - 5 in 1 2nd dose

Gusto ko bumili ng play gym. Meron kaming gamit ngayon, hand-me-down from my brother. Kaso wala masyadong ek. Mga nakasabit na toys lang. Gusto ko yung pag sinipa may iilaw at tutunog din. Masusulit pa kaya kung bibili kami ngayon?

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #184 on: February 25, 2011, 08:08:31 pm »
Van - naku, dyahe naman yun! Naalala ko tuloy a binyag we attended a few weeks ba. Sa Aberdeen court in Makati reception, after the binyag gutom na gutom pa kame ni hubby. LOL! Di ko alam if patay gutom lang talaga kame or talagang bitin ang food  ;D

Lisa - I have 2 playgym na extra from my baby's binyag (gifts), di pa gamit or opened. One is Bright Starts tatak and the other one is baby company.  Ang gamit ni baby ngayon is yung Bright Starts na isa (deep pink ang color). Alam ko ka-FB na kita, check mo yung pix ni baby dun baka type mo. Ipanggi-gift ko sana kaso naisip ko na i-dispose just last night kase I want to get her a Bumbo seat naman. Gusto na umupo eh  ;)

Regarding vaccine, oh yeah! Sabi pala ni Didith the secretary of Dra Chen and Dra Guinto, wala daw 6in1 kay Dra Chen. Kaya I understand bakit 5in1 ang nilista mo. Separate kase bigay daw niya ng Hepa B  ;)

chic_clothes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #185 on: February 25, 2011, 08:12:42 pm »
^ sis tagal mo din pala hinintay si baby mo, I remember nov ka din ata nanganak..dapat kase pag 1 yr old na si baby sabay ngbinyag kase sa Chinese tradition Kaya Lang yung lola ng hubby ko medyo grabe na yung sakit..pag may namatay pala sa Chinese bawal mag party so nag decide Kami pabinyagan na si baby this march..
re mothers naman natin, nakaka touched noh kase they are loving us unconditional talaga :) mom ko din until now everyday nagpupunta sa bahay para paliguan and alagaan si baby, buti na Lang malapit lang house namin :) pag nagkaron ako ng anak na babae sana magawa ko din ginagawa ng mommy ko :)

trendy

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #186 on: February 25, 2011, 08:39:41 pm »
sis clueless, i suggest you use na lang your brother's play gym kasi kami we had yung tiny love na play gym na umiilaw and may music pag sinisipa pero wala naman masyadong effect. for a while naaliw sya pero nawala din agad yung aliw factor. ang mga  babies madaling mabore kaya kung may mga hand-me-downs ka naman na ok pa gamitin, yun na lang kasi sayang kung bibili ka pa ng bago kasi sandali lang rin magagamit.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #187 on: February 25, 2011, 08:53:16 pm »
Lisa, nakakaloka yang yaya mo buti pinaalis mo na. Kaya ayoko ng yaya na older saken eh kase minsan mama ko nga nagca-clash na kame tapos madadagdagan pa. About the playgym, I agree na kung may hand me down naman, go for it na lang muna. Kung meron lang din sana samin, hinde na ko bibili. pero admittedly, gusto ko din lahat ng things ni Zoe bago hehe. Yung playgym nya, Playgro yung brand. It's really nice kase we use it to play hide and seek with Zoe so mejo mas matagal nya magagamit. Pero right now, she prefers playing with the toys na hawak nya kesa yung pag nakasabit sya sa playgym mismo.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #188 on: February 25, 2011, 08:55:10 pm »
Sis chic_clothes, yup sis dapat Nov ang due ko kaso lumabas na si baby ng Oct 30 (Sakto 37 weeks). Di nagpahuli samin ng daddy niya, kaya eto 3 kaming October  ;D Oh kaya pala, naghahanap ka ng venue.

Re playgym naman, true yan sis Trendy. Si baby ko, paminsan minsan na lang namin nailalapag diyan ngayon. And oo nga pala sis Lisa, mahirap itambak lang yung 1 playgym if bibili ka ng bago, pero if gusto mo talaga, check mo yung playgym ni baby. Sayang din yun, I'll post it na sana sa ebay for 1.5K lang (orig price ata is 2.3K sa SM).

Speaking of madaling magsawa, itong baby ko naku ayaw na sa stroller. Huhuhu! Pag sa mall, gusto lagi buhat. Iiyak ng malakas pag nilagay na sa stroller  :( Buti na lang, binili ng cousin ko her other stroller. Originally kase we bought Quinny Zapp, eh after a month my SIL sent us a box pala with stroller. Buti yung padala ni SIL yung ginamit ni baby and binili ni pinsan yung Quinny Zapp. Sa car seat din, paminsan minsan na lang siya dun. Most of the time, nakakandung sakin :-(

Is it sulit kaya to get a Bumbo seat? It's kinda pricey kase knowing na baka magsawa ulit ito. Or, do you know any alternative para mapraktis pag-upo ni baby?




twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #189 on: February 25, 2011, 08:58:35 pm »
^Sis ako kase hinde masyadong fan ng Bumbo seat eh. Parang hinde maganda yung ichura tapos ang mahal.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #190 on: February 25, 2011, 09:18:37 pm »
Jen, di ko makita sa fb yung pic ng playgym. Pm mo naman sakin link pls.

Yung bumbo feeling ko di masusulit kasi sandali lang magagamit. Meron akong babinski pillow, parang boppy pillow pero mas mura. Gamit ko sya ngayon para i-lean si baby para medyo naka-elevate pag nakahiga  pero pwede sya gamitin later on pang-bakod sa kanya, parang support pag i pa kaya umupo magisa.

Nagdalawang isip na tuloy ako sa play gym...

Buti naman baby ko gustong-gusto sa stroller. At gusto din niya sa playard niya. She sleeps there during the day. Sa gabi, we co-sleep.

San nakakabili ng trumpette socks? Meron akong mga funky feet pero mas gusto ko yung designs ng trumpette.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #191 on: February 25, 2011, 09:22:32 pm »
Lisa, kame naman hindi din masyadong nasulit ang playgym nya. Buti nalang gift lang yun ng ninang nya, mahal kasi sya diba. Hehe. Yung toys din ni K, hindi masyadong nagagamit. Sana magamit pa habang lumalaki sya.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #192 on: February 25, 2011, 09:32:47 pm »
Eh ito kaya, ok ba?

http://choochoobaby.multiply.com/photos/album/457/ELC_Sit_Me_Up_Cosy_Innovative_Nest_On_Hand

So far naman yung toys na nilabas ko na eh natutuwa naman siya. Pero favorite niya yung baby einstein take along tunes and yung isang vtech na lights and sounds din.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #193 on: February 25, 2011, 09:45:46 pm »
Van - yung mga nakasabit sa playgym, pinagaalis ko na din, yun ang nilalaro ni baby ngayon kasama nung ibang rattles. Re bumbo seat, oo mahal siya nasa 3K+ eh, I'll tell hubby nga na di sulit.

Lisa - ito yung playgym ni baby:

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=1579568249178&set=a.1483637490969.2064063.1234820518&theater

Ganyan din yung unopened pero light pink ang color niya. Re play yard or play pen, I want to get one din nito. Pero ipapauwi ko muna yung wooden crib niya kase ayaw na din niya dun. Mas gusto niya nagco-cosleep samen :-)

Check mo ebay sis for the Trumpette socks, gaganda din designs niyan.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #194 on: February 25, 2011, 09:47:53 pm »
Lisa - uy mas okay ata yang Sit Me Up Cosy Innovative Nest! Yan na nga lang get ko kesa bumbo seat! I'll show it to hubby! Thanks for sharing sis! :-)

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #195 on: February 25, 2011, 10:00:20 pm »
jen, gah. maguunahan pa tayo!  :P

isipin ko yung play gym. buti nga yan maganda yung kulay. yung akin blue hues kasi under the sea na baby einstein.

pareho tayo ng owen na comforter set.  ;D


yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #196 on: February 26, 2011, 12:04:54 am »
Lisa, SAP consultant ka pala :) i like! sana ganyan din line of work ko.. hubby ko sa SAP nag wowork dito.. sa IT naman sya internal for asia pacific and japan.. sa voice sya.. ip phones and pabx.. ako din IT ang trabaho.. shifting schedule kasi global support kami for at&t enterprise clients.. sayang pala ang sale sa RL.. di mo naabutan.. pero worth it naman yung item for sure kahit hindi sale ang price

RE: Working Mom. Tama ka Lisa na being a parent is a career itself. Sa panahon ngayon nga lang, parang ang hirap pag isa lang nagwowork.. pero sa tingin ko depende naman sa kind of life na gusto mo at meron ka before you had your own family. Hindi ako sanay na walang ginagawa.. and ayoko ng trabaho na walang ginagawa.. feeling ko nasayang ang ilang taon namin sa school to just do nothing.. on the go lang din siguro ako..

RE: yaya.. nako buti pinaalis mo na sya.. hindi pwede sakin ang sya pa ang pasagot sagot ng ganyan.. she should know her boundaries.. ok lang mag suggest pero hindi pwedeng mali ang tono.. igoogoodbye ko din ang ganyan kung ako yun.

RE: playgym.. super saglit lang nagamit.. naaaliw sya sa mga sabit sabit pero for a while alng.. bumili din kami ng separate toys na isasabit kasi kung yung default lang, hindi masyadong maganda..

RE: bumbo seat.. sulit din samin ito! one of those things nya na naging favorite ko.. :)

RE: Trumpet socks, sa amazon ako nakabili.. ang cucute nito.. may mga mickey and golf sila.

Weng, mas maganda kung ang shoes ni baby ay fit sa kanya.. hindi recommended na malaki size ng pinapasuot na shoes.. hindi magiging comfy.. meron certain measurement lang kung gano allowance iaallot.. aba si yaya mag bbday celeb ah! san kayo nag punta?

Trendy, ano nga pala name mo and baby's name and age? di ko pala naupdate ang thread.. san ka pala nagwowork and ano field? dito ka SG din di ba?

Re: FUNRANCH.. di pala masarap food :( sayang ganda pa man din ng facilities nila and activities for kids.. hindi pwede magpa cater outside?

RE: stroller.. grabe sobrang nasayang samin to since nagstart sya maglakad :( gusto lagi karga.. nasanay na lang din ako.. nakakaawa din naman kasi nanlalambing.. but then ang sakit sa likod ah! lol

ang cute ng sit me up cosy!!!!!!!!!!! girlie na girlie! i like!

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #197 on: February 26, 2011, 12:21:20 am »
Pia, yes, yan lang ang trabahong alam ko gawin. 12 years na akong SAP professional. actually, nag-work ako sa singapore nung 2001. SAP work din pero 3 weeks lang ako nagstay. na-homesick ako. binisita ako ng then-boyfriend-now-husband ko tapos di niya alam nagbook nako ng ticket kasama niya pauwi. hindi ko kinaya. wala kasi akong kakilala masyado at walang maid!  :-\

tingin ko di ko din kaya na sa bahay lang at magalaga ng anak. gusto ko araw-araw lalabas kami. hehe. pero di namin afford talaga. lalo na ang mahal magka-anak.

Jen, nag-order nako ng sit me up. yung pink bunny sana gusto ko pero lamb na lang daw available. ewan ko kung ilan though. 250 shipping to manila.

ano yung play gym na bebenta mo? baka pwede mo send sakin link sa bright starts website mismo? napapaisip pa din ako eh.

naglabas pala ako ng shoes ni baby kanina. sa wakas, may 2 pairs nang kasya! size 0-3 na old navy, pasalubong ng niece ko nung umuwi sila from canada last month. isusuot na niya bukas pagpunta sa pedia! na-excite ako.  ;D

trumpette socks wala masyado sa ebay.ph. madami nga sa amazon pero ang mahal pala. ok na ako ulit sa funky feet ko. hehe. and meron na ding mga ganon sa SM department store.

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #198 on: February 26, 2011, 01:15:04 am »
Del, meron na pala akong name mo dun sa start ng thread.. hehe.. sorry naman :D

Lisa, nung una ko din dito mamatay matay ako sa homesick.. wala pa kasi masyado pinoy nun.. parang DH lang laganap dito.. pero kasi iba na environment dito.. anywhere meron pinoy.. pwede din naman mag maid pero medyo expensive compared satin.. gusto na din namin umuwi ng pinas.. pero hindi pa kami decided.. gusto ko talaga yang SAP na yan.. pero ang dream job ko sa hotel.. hehe.. or basta yung job na nag aayos ako. hindi like sa IT na anything goes.. 1 out of 7 ang babae dito sa office namin.. mga HR ang mga girls.. friends ko tuloy puro boys..

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #199 on: February 26, 2011, 07:04:40 am »
Lisa - wow nakapag order ka na? ako ngayon pa lang kokontakin yang seller. Oo, same tayo comforter set :-)

Re Working Mom - ay naku, nakakainip ang walang ginagawa noh at syempre mas maganda ang may sariling pera. Kaya super thankful ako nung nagkarun ako ng home based work. Kaya aside from being a hands on mom, may side job pa ako. And I'm really loving it! Feeling ko kase pag wala ginagawa, sayang oras. And, I get to buy gusto ko for baby (kahit palihim kay hubby). LOL!

Re Fun Ranch - di daw pwede pa-cater outside eh. Yun nga, ganda pa naman ng activities. Parang mas type ko na nga sana kase most of the kids na bisita ko eh mga niece and nephews ko na nasa province, kakaiba sana for them. Kaso, di ko din masacrifice ang food kundi kawawa naman bisita, yun ang least na gustuhin ko, ang di sila mabusog.

Re Playgym - Lisa, check mo itong link below:

http://www.brightstarts.com/p-112-pretty-in-pink-play-gym.aspx

Yung kay Y, ganito itsura di ba?

http://www.brightstarts.com/p-228-petals-friends-activity-gym.aspx





 

Latest Stories

Load More Stories
Close