hi girls! happy weekend!
andito ako ngayon sa office pero half day lang ako..
hinatid na ng parents ko si gianna sa bahay kagabi..umikot ang pwet ko kahapon at di mapalagay as in uwing uwi na ako..kaya saktong 530..umalis kaagad ako ng office.. 1 week lang lumipas ang laki kaagad nya.. mag-gagala kami mamaya pag uwi ko ng bahay...
lisa.. ang cute naman nyang sit me up cozy na yan!! gusto ko rin nya kaso over-age na si gianna!!..
re : bumbo..pinangarap ko din bumili ng bumbo..pero di ko din binili kasi at that time na bibili ako..last piece sa rustans tapos medyo panget na yung box.. so 2x isip ako.. even yung prince lionheart na similar type 1 piece lang din..eh parang ayaw ko nun kasi di ka makapili ng color.. hinayaan ko na lang..we just used her boppy pillow tapos pinalibutan na lang namin ng sangkatutak na pillow for support.. umepek naman..
di kami bumili ng play gym.. our playard/crib came with those little stuffed animals na isasabit sa parang "X" na ikakabit sa playard..(pareho tayo lisa di ba? chicco din ikaw?) hinde namin yon nagamit.. tinago ko na lang yon.. ang nilalaro laro nya noon eh may ginawa kasi mobile ang brother ko na square tsaka mga round shapes.. tapos may patterns na black and white and red.... accdg sa mga nabasa namin..nakakastimulate kasi ng utak yung black, white and red colors di ba? so ayun gumawa sya ng mobile na ganun and mga posters.. na nakadikit sa wall near our bed basta nakikita nya.... tapos nung phase nya ng ngatngat.. i made this small bimpo.. i sewed some ribbons on and yarns.. different lengths.. different textures..different colors ayun..lagi nya nginangat ngat yon noon.
medyo nag sisi ako ngayon kasi.. sobrang bili ako ng mga toys noon.. yung vtech na ball na may ilaw ilaw at sounds na umiikot ikot on it's own para matuto sya mag crawl? nako 4 binili ko nun tag 2 silang mag-pinsan.. kaso di rin nila nilaro ng matagal..sandali lang tapos they lost interest kaagad.. ngayong malaki na binigay ko uli..nako inihagis! katakot kasi baka mahulugan ang paa nya.. itinago ko na uli...yarn lang noon fascinated na sya! ngayon bigyan mo ng plastic spoon.. at isang plastic cup.. ayos na sa kanya.. mag-cook cook na sya noon.. mix mix then kunyari susubuan na nya ako..
re stroller:
nasayang din stroller namin..forever lang sya na nasa kotse.. lalagyan lang ng diaper bag at sabitan ng shinopping namin. ayaw nya din magpa-upo dun..if ever na pumayag sya na umupo don..as in sandaling sandali lang... pero kung nasa labas kami tapos nakatulog sya.. ayon! don namin sya nasusulit... pero yung mag stroll kayo at nakasakay sa stoller.. walang pag-asa!!!
may hand me down kami na car seat... hanggang ngayon di naman naikakabit sa kotse... ang saya!
usapang vaccine..
last week lang kami natapos ng pcv vaccine!!! woohoo!! achievement ko yon kasi ang mahal mahal ng vaccines ha!! ang susunod na vaccine namin 5 in 1 booster next month yon...pero after ng booster na yun at 4 years old na uli!! woohoo!!
sa mga mommies na naka pacifier/binky si baby?? when is the right age nga to wean them from their paci?? 16 months na si gianna pero naka chup chup pa din eh... sabi ko at 2 yrs old tanggalin ko na eh.. pero sabi ng brother ko..tanggalin ko na daw as early as now... pero parang ayaw ko pa

ako yung attached sa chup chup eh LOL!!
re : working mom
masarap talaga pag ang boss mo foreigner/expat...12 years na ako sa office ko Admin Asst./Secretary ng Director ng company namin tsaka suma-sideline ako dun sa isang Swede din na VP-Op namin.. swedish pareho ang boss ko.. mabait sobra.. hinde mapulitika.. and best of all hinde high maintenance.. ayaw nya nung ako yung mag handle ng schedules nya.. basta kung magagawa at magagawa nya lang din..sya na gagawa... minsan petiks ako sa work.. hinde ako masyadong stressed..
aangal na naman nito si weng... nobela na namanang post ko hahaha!! eh kasi nobela din yung nabasa ko.. 2 pages ba naman ang dagdag?? hellow! daldal nyo talaga mgfa mommies!!
eb na! ano ba?