Author Topic: para sa mga housewife and stay at home moms  (Read 23913 times)

BDJ

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 336
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #60 on: March 03, 2014, 09:54:43 pm »
Homebased job ako so yun nga stay at home pa rin kaso seems that my in law is expecting me na pagsilbihan ang husband ko which is yung apo niya. Okay ako sa husband ko pero my in law is expecting me that much. Iniintindi ko na lang because of being old. But I told my hubby nung una pa lang this is the reason why I don't really like living with in laws. Kasi ako mismo hindi makakilos ng maayos at uma umaga na lang puro sermon naririnig ko.

angellouise06

  • simple pero rock.... happy & proud to be SAHM
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 114
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #61 on: March 04, 2014, 02:03:02 pm »
stay at home din ako. nung bago pa lang kami ikasal alam ko na ganito magiging set up namin. after giving birth nag decide na kaming magresign na ako kasi wala mag aalaga sa anak namin, yung yaya na kukunin dapat namin nagka cancer. parehas ng wala ang mom namin at yung father in law ko eh ayaw naman mag alaga, yung father ko naman na stroke so talagang no choice. plus kaya din di na ako nakapagwork kasi may problem yung anak namin so nagtetherapy sya mas pinili kong ako na ang tumutok. ofw si hubby kaya kahit papano nakakasustain kami, madalas nga napapagalitan nya ako kasi puro yung anak na lang namin ang binibilhan ko ng gamit. nahihiya din kasi ako na wala nga akong work tapos mag gagastos pa ako. pero nagsisideline na ako ngayon pang dagdag saka para din di ako ma burn out, hirap din kaya ng sa bahay lang!

thatprettyghoul

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 104
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #62 on: September 03, 2019, 03:20:04 am »
Hello! Buhayin ko kang tong thread. I started working in 2013 right after college. Got married last year and we were blessed kasi I got pregnant this year despite having PCOS and a thyroid condition. Pero 6wks palang pinagbubuntis ko may bleeding so naka sick leave na ko then eventually turned to resignation kasi at 12wks may spotting pa din.

Naging say at home preggy mom ako. I consider it by circumstance, not really a choice. Kasi gusto ko pa magwork kaya lang natatakot ako na magmiscarriage eh 8months din kami nagwait for this baby. 20wks na kami now and my baby and I are in a good condition. Dati may kasama ko na auntie nung strict bed rest ako pero for 3wks na, I am on my own sa bahay. Ang ginagawa ko lang ay magluto ng breakfast at lunch. So basically, kain, tulog, netflix and youtube.

Pero nalulungkot ako. Di ko din ma explain mga sis bakit ako naulungkot! Haha. Basta parang gusto ko nga mag work na ulit. Naiisip ko nga dapat ata hindi ako nagresign kasi ngayong 20wks na kami mas magaan na pakiramdam ko. Pero sabi naman ng husband ko okay na yun kesa magtake ng risk baka pag working ako magka spotting na naman. Then sabi din nya naaga lang pagre resign ko kasi eventually paglabas ng baby ako din mag aalaga talaga kasi ayaw nya ng yaya. Tapos mas lalo ako natatakot ngayon kasi naiisip ko ito na ba buhay ko? Talaga bang sa bahay nalang ako talaga. Di ko kasi inexpect na ang aga ko naging stay at home. Usapan kasi namin magre resign ako pag malapit na manganak eh kaso nga may mga nangyari. Share naman kayo mga co stay at home moms.

kaythrielle

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 554
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #63 on: September 03, 2019, 05:50:59 am »
^hi sis, baka hormones lang yan... and you can go back to work naman after you give birth. No one can (or should) force you to be stay at home mom if you do not want to.

But you?ll see once nanganak ka na, gugustuhin mong laging nakikita at nayayakap baby mo. :) if ever you do decide to be one, take note that it is not forever. Kids grow up fast. So while baby pa make the most out of it.

Tulad ng mga anak ko. SAHM ako for more than 10 years. And i love every minute of it.  24/7, no holidays or leaves, lagi pang OT. oh but the rewards are priceless naman :) Parang kelan lang i can still remember how tiny they were, ngayon mas matangkad na sa akin. LOL time flies sooo fast. Now they are old enough so i am working part time na.

On topic, i did not have any concern or issue being sahm because my husband was very helpful and appreciative. Kahit nung maliliit pa mga anak namin he helped with housechores kasi wala kaming kasambahay and we are based abroad. Spoiled pa ako dun :)

I think if the husband is unappreciative sa hardwork ng wife nya being sahm, naku nakakairita nga yun. Maghanap na lang ng work para hindi nakadepende financially sa asawa.
I wonder whats the update of TS.

thatprettyghoul

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 104
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #64 on: September 04, 2019, 10:33:32 am »
Good morning! Thank you sa response.

Nagmuni muni ako kahapon. I think it is the hormones nga kaya may mga days na emotional ako. Valid naman yung kaba ko sa pagiging stay at home mom from now on pero nagreflect din ako sa sinabi mo na once nandyan na si baby may change na mangyayari sakin. I am looking forward to that. Plus, ayun nga, it is my choice after all kung hanggang kelan so tignan ko in the future ano mangyayari. Nakaka inspire din na for 10 years SAHM ka dahil hindi talaga yun madali. Daig pa ang may full time work. Hehe.

So far, appreciative naman si husband sa cooking ko (since yun lang allowed ako gawin for now). Ganun din naman ako appreciative sa kanya dahil he does the dishes, laundry and cleaning sa house apart from providing financially for us.

simang

  • Acts like a lady, thinks like a man.
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5855
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #65 on: September 04, 2019, 12:31:20 pm »
Mahirap talaga mag transition from working full time to being a stay at home mom. I was in a good place career wise when I got pregnant. I stopped working when I was ~4 months pregnant and natuwa naman ako kasi that was my first long vacation since I started working, hehe. Maraming nanghihinayang sa career ko, pero I never felt na i gave up anything. Mahirap yung transition lalo na pag andyan na si baby. I was diagnosed with PPD 7 months post partum, and dun ako nagstart ulit mag work part time just to keep my mind out of full time mothering. It helped a lot with the depression na may iba akong pinagkakaabalahan. My daughter is now 3, I work full time from home and run a few businesses on the side. No regrets really, feeling ko kasi mas naging flexible ako and mas maraming doors ang nagopen. Looking back, malamang sa malamang hindi ako makakapagstart ng business namin had I been in my previous job still. So for me, the transition is hard but the rewards are priceless. I get to be fully hands on with my child and I also grew personally and professionally.

It's normal to be scared lalo na sa first baby. But it's usually just a phase. You'll get through it. And I agree with kathryelle, a strong support system helps a lot.
...all adventurous women do.

milkyway28

  • Newbie
  • *
  • Posts: 30
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #66 on: September 16, 2019, 01:47:59 am »
I'm a work-at-home mom with a 2 year old son. What I like is ako mismo nagbabantay sa anak ko because I have anxiety and can't entrust him with anyone else. But it is hard balancing a full time job, a super likot toddler, and housework! What I hate most is, my husband expects me to do all chores when I also have a job! Sooo unfair. :'(

superneneng

  • Newbie
  • *
  • Posts: 11
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #67 on: November 16, 2019, 06:37:58 am »
work from home and stay at home housewife ako... wala pa kami anak... guys naghahanap pa ko ng isa pang work... kung may ma-irerecommend kayo pm nio lang ako.para maging busy ako at may pakinabang ang internet namin. i worked as instagram commenters as of now 2 months ongoing. kelangan rumaket para makapagipon. mostly data entry ang work experiences ko...

Tinymissb

  • Probationary
  • Posts: 5
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #68 on: November 18, 2019, 01:20:12 pm »
^ hope our partners/husbands can understand that being a SAHM is actually difficult

 


Latest Stories

Load More Stories
Close