Author Topic: para sa mga housewife and stay at home moms  (Read 24644 times)

rianne_mallows

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 778
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #40 on: March 08, 2011, 07:44:33 am »
si hubby ang nagdecide na huwag na ko magwork.. actually, college pa lang sinasabi na nya yan sakin :P... nakakainis nga eh sagot ko palagi bakit pako nag-aral..
pero now thankful ako kasi sahm ako.. i get to see my baby grow :)

sa amin naman ni hubby, wala naman kaming pinag-awayan tungkol sa pera ever.. even if he was the one earning, i get to budget our money..

laging ganito.. nakaseparate ang money for the baby, my allowance, his, allowance, and our savings.. ngayon yung personal stuff namin dun sa allowance namin bahala kami mag ipon.. pero kapag mahal na items ang bibilin, we talk first...

ok naman yung ganun na set up.. and never ako nahiya kasi mas mahirap ang maging sahm kesa mag work! susme!
hindi naman ako masamang tao
sadyang kapag nasasabi ako ng totoo
tumatama at tumatagos sa pagkatao mo

h_winx

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
  • Certified Mom
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #41 on: March 08, 2011, 07:12:41 pm »
jhenrheign bagong kasal palang kami 1 year and 6 months pero we've been bf/gf for 8 years before we got married, hirap magadjust pag magasawa na kayo tapos malayo pa sya sanay ako na lagi ko sya na kikita unlike yun magbf palang kami, since mapasensya sya na iintindihan nya mga emote moments ko especially now na buntis ako. pero in fairness mas mature na relationship namin, di na kami nagaaway more mga kinaartehan ko ang pageemote ko lol

HeartHeart

  • PEACE in your heart, SUCCESS in your path, and ANSWERS to your prayers
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 257
  • Live life with a joyful heart!
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #42 on: March 08, 2011, 09:07:05 pm »
sa ngayon, the only problem lang is kulang nase-save namin kasi si hubby lang nagwowork.  gusto na sana naming bumili ng lupa, and magpatayo ng sarili naming bahay pero unahin muna namin si baby.   :-*
Me: PCOS                    HSG: Patent Tubes
DH: Normal                  IUI#1: BFN

Puregon: BFP               Now a MOM  :)

j27

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 806
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #43 on: March 08, 2011, 09:33:10 pm »
stay at home mom din ako.

early in the morning, prepare ko na foods and baon ng panganay ko for school, and ni hubby for work. pag alis nila, since tulog pa si bunso, matutulog muna din ako sandali. pag gising na bunso, pakainin ko na and then tuloy tuloy na trabaho ko sa bahay. maglinis ng kwarto, ayusin mga gamit ni bunso. maglaba, magplantsa, magluto, bago pa dumating yung mag ama ko.

ayoko kasi ng pagdating nila kung anoano pa ginagawa ko. gusto ko pag nasa bahay na lahat, kakain na, kwentuhan nalang, watch ng movie, play with kids. family time kahit bago lang matulog.

everyday ganyan ako ginagawa ko dito sa bahay. parang kulang pa nga ang oras. hehe.

sis gabrielle andre, nasa uae ka din ba?

snowyice

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1144
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #44 on: March 09, 2011, 08:31:24 am »
I've been married for almost 7years now since nagka baby kami nahirapan na akong magstay sa isang work dahil kapag walang yaya magreresign me kaya I decided na maging SAHM na lang. At first, ang hirap kasi lagi na akong nagwowork totoo sabi nila una mong kalaban sarili mo, ang bigat bigat ng una kasi I was earning good din hindi na ako makapagshopping galore pero nasanay din ako. Masaya maging SAHM dahil nakikita kong lumaki si baby and honestly masaya siya every morning kasi ako ang gumigising sa kanya unlike before na lagi siyang may sumpong kapag yaya ang gumigising sa kanya. Si hubby wala namang problem dahil lahat money nasa akin as in he doesn't care kung paano ko ibubudget medyo nahihirapan lang ako kasi may loan kami but kaya naman and nakakabili pa rin naman ako ng mga gusto ko pero hindi na kagaya ng dati na pag nagustuhan bili now pinagiipunan pa. Ang isa pang gusto ko sa SAHM eh wala ng mga plastic na officemates, hehe lahat ng taong nakikita ko araw araw eh mga taong gusto ko.  ;D  ;D  ;D

anjeli

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
    • cardsandpresents
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #45 on: March 09, 2011, 11:46:58 am »
stay at home mom din ako kasi  twice na  ako nagkamiscarriage kaya nag decide ako to resign from work , ang na mi-niss ko lang pag sho shopping kasi medyo nahiya din ako  bumili ng luho ko pag di ko sariling pera , try ko ring mag sideline para me extra money 

j27

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 806
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #46 on: March 09, 2011, 12:25:23 pm »
^anjeli, 11years na ako SAHM. nag try din ako mag sideline (nung nasa pinas). luckily, malaki laki rin kinikita ko nun, lalabas lang ako ng house kapag may imi-meet na buyer. pero usually, by shipment ang transactions ko. nakipag coordinate ako sa air21 kaya less hassle, delivery & pick-up sila sakin.

tuwang tuwa ako nun, kasi nabibili namin lahat ng gusto namin. kaya lang, nothing is permanent, nung nagtagal, iba na gusto ng mga suki ko. nawalan na ako ng gana, ni-give up ko na yung sideline. nakaasa nalang kami kay hubby.

seasonal, nagbe-bake ako pag may nag oorder. pero ngayon andito na kami sa dubai, wala akong maisip na sideline. siguro pag may nag order lang sakin ng mga cakes & pastries. :-)

dawngal

  • Newbie
  • *
  • Posts: 11
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #47 on: March 09, 2011, 01:34:33 pm »
stay at home mom din ako, matagal na, never naman ako nakarinig sa hubby ko ng hindi magandang salita.. maybe because alam nya, I handle our finances well.. minsan nagugulat na lang siya, may savings ako..
and siguro dahil alam din nya na may sarili akong pera, I can buy anything I want with my own money. pero kahit ganon, nagpapaalam pa rin ako sa kanya pag may gusto ako bilhin, sasabihin nya lang bakit ako nagpapaalam eh may pera naman ako..
i'm very happy being a SAHM.. the best decision i've ever made..

anjeli

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
    • cardsandpresents
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #48 on: March 10, 2011, 11:25:31 am »
sana nga sis  j27  maging successful tayo  and other sisses natin dito sa  sidelines natin and sis dawngal   , ganyan din ako pag pansarili ko bibilhin ko nagpapaaalam din ako .

khengzky

  • It’s hardware that makes a machine fast. It’s software that makes a fast machine slow
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 48
  • simply me
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #49 on: March 12, 2011, 11:43:56 am »
nakoo parang bigla ata ako napaisip to stop working sa totoo lang kasi nakakapagod din kaya working mom though you earn & help hubby financially nakakapagod din & namimiss ko baby namin ng sobra, si hubby ko kasi sinasabihan na ko to stop sa work & maging full time saknila wala kasi si hubby ofw seaman sya & wala pa 2 months ang vacation nya nakakasakay sya ulit kaya sya din halos gawa lahat ng house chores pero syempre nahihiya din ako sakanya, i have a strong personality din kasi i admit ma pride ako kahit nung mag bf/gf pa lang kami & kilala naman nya ako na ganun, but hanggan ngayon nakikiusap parin sya sakin na mag stop na sa work & maging full time saknila ang akin naman kasi tama yung ibang sisses natin iba pa din pag may sarili kang income though hindi naman nagkukulang si hubby samin waaaaaahhhh ang gulo!  :o  ???
everything happens for a reason.

twix

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 792
    • Itawad
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #50 on: March 12, 2011, 02:27:34 pm »
sa mga SAHM, why don' you use some of that "free" ( kasi di ba alam naman natin, with kids and all the household chores, do we really have that free time nga ba?) time to pamper your husbands more :D

before I got married, i was working na, hindi ko na nga tinapos pag-aaral ko kasi i was in a rush to be a part of the family business kasi i was earning good. there was even a time when after hubby didn't go back to his employer abroad, ako muna bumuhay sa amin for like 6months.

but after we had our baby, he wanted me to stay home na lang. never ko naman na feel na nahihiya ako sa asawa ko mag-ask ng pera, kasi from the start of our relationship, we made it a point na ang sa kanya, sa akin na rin yun and vice versa, kahit nung mag boyfriend pa lang kami ganun na. i was the type of wife who knew exactly how much money my husband has, lahat ng properties niya, investments, at pati yung kinikita niya sa mga sideline niya, kasi he was very honest to me. one time nga bigla nalang siyang umiyak while we were talking on the phone (he was working in the UAE while i was here in the Phils pa,) kasi daw hindi siya nakapag-paalam sa akin na he would use his credit card to treat his sisters, and friends to a bar for his birthday.

nung time na magkakasama na kami family abroad, and i was just a SAHM doing nothing but take care of the baby, cook and clean, hindi ako nahihiyang manghingi sa kanya kasi magkatuwang naman kami sa lahat ng bagay, he just did the earning part...ako naman money management. yung ATM niya where his salary is deposited, lahat ng credit cards niya, binigay niya sa akin, he would just ask for pocket money everyday.

 He would say na "I'm doing all these for you and our baby and for our dreams. Kaya you deserve to enjoy the fruits of my labor".  He made me quit working nga, kasi he wanted to pamper me, ego na rin niya siguro na gusto niyang patunayan sa sarili niya kaya niyang bumuhay ng pamilya at kaya niyang bigyan family niya ng desenteng buhay. HIndi naman malaki sahod niya, kaya he let me do the budgeting part. There were times I suggested na mag work ako para pandagdag sa income but he said no. So I obeyed without resentment. And I'm glad I did that, and for everything that happened, at least nagkaroon ako ng few years being a full time wife to him bago siya kinuha ni Lord :D

kaya be thankful din kung SAHM mom kayo, at least you have husbands who take care of your financial needs. If you feel na he resents the fact na he's the only one earning, talk to him, or better, make him feel and know that you appreciate his efforts to give you a good life. Give your husband the opportunity to spend for your wants and needs, to pamper you. Based sa nakwento ni hubby saken, men love it when they know that their independent wives depend on them, it makes them feel strong and worthy. Just be good money managers
sis, touch naman ako sa iyo,
Make time to enjoy life, relax, smile and giggle everyday! :)

marge070407

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1549
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #51 on: January 19, 2014, 06:10:27 pm »
wow super responsible naman ng husband mo sis!

libra_rians

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #52 on: January 29, 2014, 08:32:28 pm »
2yrs na akong SAHM, simula nagabroad hubby ko pinastop na niya ako magwork para alagaan ko na lang anak namin mahirap wala siya dito at working pa rin ako kasi kawawa ang bata maghahanap ng alaga galing from us. Nasanay ako na may sariling pera bili ng bili kahit di na tinitingnan ang price pero ngayon nakabudget talaga kung magkano lang gagastusin in a month, titingnam ang mga price kung kaya ng budget. Nagbakasyon si hubby last year lahat ng dala niyang pera binibigay niya sa akin sabi ko naman ikaw na magtabi pero sa totoo lang nahihiya ako. Everytime aalis kami laging hati ang pera namin, sa kanya kalahati bago akin naman ang kalahati at bilhin ko daw gusto ko pero ako hiya talaga...last christmas binigyan nia ako ng 13th month hahaha...gift niya daw sa akin kasi mahirap daw mag alaga ng bata at pumuputi na daw buhok ko hahaha....binibiro niya ako lagi...

mom_of_3

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #53 on: February 01, 2014, 12:47:26 am »
hi pretty SAHMs!
can't help but share...
It's been almost 2 years since I resigned, I regret it sometimes lalo na kung nagigipit na ko but I'm happy I get to see my kids (I have 3) everyday.
I plan to work again to help my husband...parang hindi na kasi uubra pag 3 kids na nag-aral plus bayaran pa sa lupa & emergency expenses. This time, what I want is normal office schedule para hindi na ko zombie just like before.
And, I'm not sure kung wala lang ako talent sa pag save or kulang lang talaga na for us pay ng husband ko.  ;D

bluegintonic

  • I am loved and now a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 430
  • I am the cat's MEOW.
    • Ana Banana
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #54 on: February 05, 2014, 06:44:01 pm »
It's been 4 years since I last worked and hindi ko naramdaman ito.It's not because I wanted to quit working but circumstances made us think it's for the best.

I'm a nurse by profession and my last work was in a military hospital sa Mid-East.Di sa pagmamayabang, I was making really good money.Then I got married, hubby got assigned to Singapore.HIndi pa ako sumunod agad kasi hindi ko maiwan work ko. That time nagta-try kami to get pregnant and hindi mangyari kasi halos hindi naman na kami magpang-abot. So I quit work after 2 months niya sa Singapore. We thought ok lang, apply ult as nurse sa Sinapore.Hindi pala ganun kadali yun and ambaba ng pasahod.May nahanap naman akong work pero after ikaltas lahat-I would be taking home 700 SGD-sobrang liit! Minimum wage sa SG is 2,200 yata back in 2009. SO he told me wag na,it's not worth it, sa bahay na lang daw ako.

Hindi naman nagkukulang sa finances si hubby.When we first started out na di na ako working, siyempre di ako maka-adjust na hindi ko kinita yung pang-gastos so sobrang tipid ako sa sarili ko. SAbi niya, bakit daw hindi na ako nagsha-shopping for myself and if I do, laging yung mumurahin lang.I'm frugal naman kasi by nature,kahit malaki ako sumahod noon, my spending is very much accounted for.Sabi niya, relax, go enjoy yourself,wala ka namang budget talaga.So I did ;D

Majority of the spending goes for baby and the house and yung luho, basta happy ako sa binili ko, wala namang reklamo ;D Nasabi naman niya kasi mahirap din maging stay at home,yaya na,ina pa,katulong pa (we're in Australia now for the last 2 1/2 years) so he said to me don't feel baD IF YOU SPEND ON YOURSELF THIS WAY.Kesa naman daw ipambayad ko pa sa yaya/maid na OA ang rates (minimum rate is anywhere from 16-20 $, max 8 hours lang ang nanny/maid).So yung gastos ko, sahod ko yun for what I do-sort of. ;D

Pareho lang kami magaling mag-manage ng finances kaya masasabi kong maluwag kami.
It is our choices that show what we truly are,far more than our abilities

babyluvs_78

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 225
  • i LuV u WiD oL My HeaRT!!!!
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #55 on: February 11, 2014, 01:42:10 pm »
Hi! I'm also a stay at home eversince i got pregnant with my son who is 5 years old now. Sometimes i feel lang na I'm bored kasi everyday same old thing ang ginagawa ko. I do have small income thru online selling pero syempre d naman lagi may benta. I also have cerebral palsy that's why I can't go out by myself even if i want too. No friends that i can call anytime na gusto lumabas.


Dumarating lang talaga siguro sa isang araw na you feel sad and lonely. Hubby is very busy working.


Hope i can find a new friends here. Thanks! 😊
LoVe iS a SpeCiaL FeeLinG thAt cAn OnLy BeGiN wHen U OPen uP uR HeaRT  AnD LeT SumBodY In....

Chakadoll22

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 115
  • Mom of two beautiful & sweet little princesses
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #56 on: February 20, 2014, 01:23:28 am »
^let's be friends sis :)

im a SAHM too. hubby is abroad. we have two babies. at first, nag usap kami na tutukan si baby at least 2 years then saka nako mag work ulit. kaso nasundan kagad so i cant leave them with the yaya and unfair naman kay buns kung di ko tututukan like what i did to her sister. saka sabi ni hubby malayo na nga sya lage pa ako mawawala kung mag work.

minsan lang nakakalosyang sa bahay esp that hubby is away. but i have plans kung papano magpaganda before dumating si husband ;)

 im trying my best na lang to make my babies happy. and of course, skype everyday with hubby  ;) I'm so happy to be with my babies!
It's so hard when I have to, and so easy when I want to ;)

yani090479

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 179
  • Work Hard for the Family
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #57 on: February 20, 2014, 04:45:26 am »
joining mga sis... ;D

I am a WAHM for 5 years now and I am so happy that I was able to watch my kids and at the same time working. Though, I really miss my outside work, I miss friends, eating outside, and more. Medyo iba lang set-up ko compared sa ibang mga sis natin dito but bottom line is, I do experienced yung times na bored ka...na parang wala ka  nang ME time...na yung buong mundo mo umiikot nalang sa pamilya.

Yani

graZiousa

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 208
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #58 on: February 20, 2014, 09:40:16 am »
Sis tanong ko lang, ibig ba sabihin na ask ka ng money kay hubby mo if may gusto kang bilhin hindi nya binibigay sayo ang kita niya ang ikaw ang magbudget ng expenses? or u mean pag may extra na bibilhin aside sa mga kailangan sa bahay tsaka ka ask kay hubby.. Sa amin ng hubby ko sis, nung una since magkalayo naman kami lagi. Ngrerent sya dun and ako nakatira sa house ng parents ko. Every weekend lang kami nagkikita pumupunta ako sa kanya or sya ang uuwi. Una nun sis, naging issue namin ang hatian ng gastusin kasi nga di naman kami iisa ng bahay. Ako sa bahay lahat ng gastos, sya naman may sarili rin expenses. But naniniwala ako nakahit magkalayo kami dapat ako pa rin humahawak ng sweldo nya kasi aside sa sweldo may commissions naman sya every week, so  I told him na yong commission nya ang gastusin nya weekly and yong sweldo nya ako hahawak para dagdagan ko if kulang sa pambayad namin ng utang.. Yong feeling na nanliliit ka sis, depende yan kung ano pinapakita ni hubby sayo at ano rin pagkakaintindi mo. Dapat dyan pag usapan sis, walang hindi nadadaan sa mabuting usapan kung maganda naman ang relasyon ninyong mag asawa dahil sadyang may taong iba ang attitude pagdating sa money kahit gaano pa sabihin na mahal ka. Tulad ni hubby ko ramdam ko nun guna na talagang andun yong feeling ko na ayaw nya bigay atm nya kasi nga may work naman ako at kung ako lang sobra sakin ang sweldo ko.. If gusto naman sis, pwede ka mag online selling para may income ka..

Chakadoll22

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 115
  • Mom of two beautiful & sweet little princesses
Re: para sa mga housewife and stay at home moms
« Reply #59 on: February 20, 2014, 01:01:11 pm »
masarap nga din ang merong sariling income. kami kc since nasa abroad si hubby, pinapadala nya yung allowance namin for one month-galing lang yun sa basic salary nya. kinukuha nya na allowance nya and kung may OT pay or commission pambili nya na yun ng gusto nya. dati mas magastos ako kesa kay hubby, pero nung nagkaanak nagbago ako. ang lake kc ng gastos sa babies especially vaccines. well, health is wealth naman.

if shopping ng babies, go lang ako. minsan if may gusto ako bilhin for myself, i'll ask my husband and sasabihin nya go buy it and saka nasayo naman ang money dba? but sometimes kc takot ako na baka ma-short kami and i have to save for emergency kaya hindi na din natutuloy kung ano man gusto ko. but i don't feel bad kc decision ko naman yun. althou minsan nagsi-self pity din ako, hihi. pero makita ko lang ang babies namin na happy and well provided for, am happy na  ;)
It's so hard when I have to, and so easy when I want to ;)

 


Latest Stories

Load More Stories
Close