In my case, it's going 3 months since I found out about the cheating, about 6 months since I found out about hubby's other flirting/chatting affairs. I've been through hell, as in depression, nearly taking my own life, I lost a lot of weight, it ruined me. Di ko ma avoid mag post ng kung ano ano, as in affected ako to the nth level, if hindi ko need mag work talagang hindi na ako magtatrabaho, pero di naman ako mayaman.
Di ko kasi mapaniwalaan, na after 8 years namin together magagawa nya yun. After ng lahat ng trust, love and respect I gave him, magagawa nya mag cheat. Kaya ko sya minahal regardless sa iba pa nyang pagkukulang dahil alam ko he would never cheat, mali pala ako.
With moving on, I tried everything in the book, I tried talking to friends, going out, drinking, nearly cheated (di ko talaga kaya), revenge (konti lang naman), but nothing helped. I just continued praying and let time heal me.
Alam ko mahal ako ng asawa ko, siguro lang during those times magulong magulo pa isip ko, hindi ko matanggap lahat ng nangyari, pero naisip ko rin tao lang din sya, kami, na nagkakamali, siguro lang naging mahina sya, at sa panahon na ito, mas kailangan ko syang intindihin gaya ng pag intindi nya sa pinag daaanan ko. Kahit madalas ko syang awayin out of really simple things, pag isipan na kung ano ano nanaman ang ginagawa nya kahit alam ko sa sarili ko na wala syang ginagawa. I have been treating him so bad pero pilit nya ako inuunawa dahil alam nya sa sarili nya that he created this monster in me. Ang skype namin minsan lasts 31 hrs straight, naka monitor ako sa kanya na parang may cctv. I know it is wrong, pero still he's keeping his promises about change, na nagbabago na sya for us. na kaya sya uuwi from abroad is because gusto nya kami maayos na dalawa. Mahal na mahal ko rin sya, napatunayan ko sa sarili ko na matapang ako for facing all of these para sa relationship namin.
In less than 2 weeks pauwi na husband ko, panatag akong maayos pa namin ang lahat, umaasa ako sa changes namin, na ako mas magiging sweet, mas irerespeto ko sya bilang asawa, mas pahahalagan ko ang nararamdaman nya. Sya rin, nangako na magiging loyal, at kakausapin ako sa kung ano ang nararamdaman nya.
Kahit na masaya na ako I still have doubts once in a while, pero I try na alisin sa sistema ko kasi di nakakatulong. Umaasa parin ako na wala ng susunod, pinagdadasal ko na sana last na yun. Na sana nalagpasan na namin ang pinaka matindi naming pagsubok sa relationship namin. Sa totoo lang, hindi ko na kakayanin kung may kasunod pa, pero we'll never know, sabi nga nila, what doesn't kill makes you stronger.