Author Topic: After discovering that he cheated, how did u move on? ok pa kayo or hindi na?  (Read 182636 times)

bonita111809

  • Guest
yup agree with you on that..
hindi pare pareho ang lalaki.. there are those who think straight and faithful to the core.. there are also those who you know look but they don't touch.. there are also those who touch but pajab jab lang. BUT an exception to the exception are those who look, touch, womanize and then leave their wives to the kabits who are willing to give everything at first (yes best foot always forward). Ganun naman talaga sis mga nangaagaw they will give it their best otherwise hello paano maagaw.. hahaha. no hard and fast rule sabi nga.
ako im speaking based on my own experience. yes i tried to bear everything hoping and wishing it will change. it came to a point di ko na lang pinapansin because it's stressful kung huhulihin ko pa.. until wow! boom.. in love na daw siya after two months of having a relationship with another woman while me busy with my career and taking care of the kids.
but you know what, i should have ended it early on when i saw the signs that this man is incorrigible and "recidivist" (in legal parlance) rather than spending 12 years of my life with someone who do not know how to give "value" to a relationship. six months after that fateful incident, i'm coping and dating a chinese doctor from the US, an american engineer na super funny and a pinoy marketing manager.
Life is too short to keep on making "tiis tiis " kung how many times mo na nahuhuli. once yes give it a chance, twice? hmm.. sige give it another try and pray to the heavens he would change.. pero mga sis kung paulit ulit (like mine six times) realize that this man has an insatiable appetite with women, there is something wrong with them and NOT with you. Kawawa naman tayo mga babae kung niloloko na nga tayo tapos kapag nagkabistuhan pa we get all the blames and questioned kung tayo ba still ay "karapatdapat". Yes we have worth and we should keep on improving. But not for that two-faced cheater anymore.  Just a piece of advice lang po.. ;)


I understand that you're speaking from experience sis. and I am, too. naloko na din ako. pero thankfully hindi ng asawa ko.

if these mistresses can give everything they have, why can't we? tayo ang asawa kaya tayo dapat ang nagbibigay ng lahat sa mga mister natin.

nung hindi mo na pinapansin, umabot ba sa point na napabayaan mo sya? sabi mo rin kasi busy ka sa career mo at sa mga anak mo. did you ask him the first time he cheated kung baket?

we should make our husbands #1 in our lives. bakit ba tayo nagpakasal? para sa career? para sa anak? when our children are all grown up and we're already retired, all that's left is our husband. anong memories ang babalikan natin sa mga panahon na yun?bitterness?happiness?tayo ang gagawa nun early on the relationship and we should maintain the happiness and the bond with our husbands kahit na busy tayo and kahit may anak na. ang siste eh nakakalimutan na natin sila pag may trabaho at pag may mga anak na.

para saken, the woman holds the key to happiness in marriage. many of you here might disagree but it is what it is. :D

manangjuday

  • Guest
haha.. sis if i won't work who would? his income is only good to sustain himself.  :) and you know one thing i have realized thank God i know how to work and how to save otherwise saan kame pinulot ng anak ko.  ::)
sis ako kasi this is what i believe in, NO perfect relationship. kahit ano pa sabihin there will always be at one point na magdidisagree kayo or may pagkukulang bawat isa. we are but only humans. both babae at lalake. but you do not seek answer outside your home and find it at the lap of another woman. otherwise you did not save the family, hindi mo inayos.. lalo mo lang sinira. agree?
ako sis, very realistic ako. Walang lalake hindi nambabae, at one point in their lives magluluko din yan, it might come soon or it may come later.. pero dapat marunong ka magdala. you don't play a game you do not know the rules. First, family comes first. Second, never discuss pagkukulang ni misis sa kabit otherwise gagatungan ka lang at mamagnify mali ni misis later on tag team na pala kayo ni kabit while si kawawang misis naloko na nga napagtulungan pa. Third, know your limitation kapag masyado na kapit si kabit learn naman to control and stop, hello nagkatikiman na tama na iyon.
kung may pagkukulang asawa do not make that as a license to womanize. kung di niyo na talaga matake makipaghiwalay na kayo. but never with a lady love waiting on the wings, masama yon. it is never good to cheat and betray people. especially those who love you. matindi ang karma niyan.
--P.O.V. ko lang po ito because I know there are also men lurkers at GT threads.. ;)
« Last Edit: June 19, 2014, 06:25:49 pm by manangjuday »

bonita111809

  • Guest
haha.. sis if i won't work who would? his income is only good to sustain himself.  :) and you know one thing i have realized thank God i know how to work and how to save otherwise saan kame pinulot ng anak ko.  ::)

did you rub it in his face that his income is not enough? if you did, that's where the problem started.
 
sis ako kasi this is what i believe in, NO perfect relationship. kahit ano pa sabihin there will always be at one point na magdidisagree kayo or may pagkukulang bawat isa. we are but only humans. both babae at lalake. but you do not seek answer outside your home and find it at the lap of another woman. otherwise you did not save the family, hindi mo inayos.. lalo mo lang sinira. agree?

I agree with you on this. but your imperfections shouldn't hinder you to be a good wife. when a man cheats and his reason is his wife's treatment or attitude towards their relationship, most often he did not plan it. imagine when couples fight, and the wife is not receptive to explanations and has thrown hurtful words towards her husband, she shooed him away from her. he will go outside, maybe drink with his friends or alone. then a woman notices him, could be a colleague, a friend, or a complete stranger. then he vents out. then the woman says "I understand you." do you know what would run on his mind? "Finally, someone understands." He doesn't have to go outside to look for understanding and sympathy. the wife should be able to give this to her husband. it doesn't take a perfect person (if a perfect person exists) to have this trait, does it? :)

ako sis, very realistic ako. Walang lalake hindi nambabae, at one point in their lives magluluko din yan, it might come soon or it may come later.. pero dapat marunong ka magdala. you don't play a game you do not know the rules. First, family comes first. Second, never discuss pagkukulang ni misis sa kabit otherwise gagatungan ka lang at mamagnify mali ni misis later on tag team na pala kayo ni kabit while si kawawang misis naloko na nga napagtulungan pa. Third, know your limitation kapag masyado na kapit si kabit learn naman to control and stop, hello nagkatikiman na tama na iyon.

ako din, realistic ako. and what I'm saying here is a reality that some women find hard to accept. my husband cheated with me when we were still dating. may gf sya at other woman ako. but then I realized that I've been cheated on and I know how it feels. his reason was his gf doesn't have time for him. which is true. but then again I thought, what if magkaron na ng time yung gf nya, eh di echapwera na ako? I broke up with him after a month or so of dating. my advantage was wala pang nangyayari sa amin so wala pa akong masyadong emotional attachment. Now that we've been together for five years, never did I feel that he cheated on me and never din akong nag-isip na gagawin nya. I learned from my past mistakes and the mistakes of his ex gf. you can't really say na kelangan hindi malaman or sabihin sa kabit na ganito or ganyan si misis kasi in the first place, yun ang rason ni mister at si kabit ang naging confidant nya. kaya nga sila umabot sa kabitan dahil sa rason na yan.

 
kung may pagkukulang asawa do not make that as a license to womanize. kung di niyo na talaga matake makipaghiwalay na kayo. but never with a lady love waiting on the wings, masama yon. it is never good to cheat and betray people. especially those who love you. matindi ang karma niyan.
--P.O.V. ko lang po ito because I know there are also men lurkers at GT threads.. ;)

while it is true that the wife's shortcomings is not a license for a man to cheat, I would label it as a medium. cheating is not right and will never be. no one has the right to cheat on anybody but then again, cheaters don't think of their deed as righteous or just or good. they know in their heart of hearts that what they're doing is wrong. cheating is their diversion. their escape from the unhealthy relationship. again, not all men who cheat have no love for their wives. deep in their hearts, they're still wishing that the wife would change and that's why he's still holding on. and when the time comes that their relationship can't be salvaged and he felt like he's falling out of love, that's the time he leaves and he chooses the mistress. come to think of it, if we love our husbands, why do we mistreat them? hindi laging ang misis ang api. minsan, talagang si mister ang dehado sa relasyong mag-asawa.

manangjuday

  • Guest
oh wow.. ang tiyaga mo ha.. talagang dinisect mo yun post ko and answered it point by point. you have soo many time. ;)
anyway, well i shared what i learned and as they say "experience is the best teacher".. iba din naman kasi pala yun history ng iba so now we know where they are coming from.  :) all my posts are directed to all the readers and not to any particular person. its up to you guys to decipher what is or is not applicable in your case..  ;)

bonita111809

  • Guest
Hahaha!true sis dami kong time. Anyway, sana maging happy ka sa next relationship mo. Totoo talagang experience is the best teacher. Kaya nga ganito ako mag-isip dahil sa mga natutunan ko over the years.

I was also resentful to men before. Na-generalize ko sila and it affected my past relationships. And then it suddenly hit me, may mali din pala talaga ako. But I'm still thankful na napagdaanan ko lahat nang yun. It made me a better person and the best wife. ^_^

toydoll

  • Guest

back to the question of TS,,,,

after the cheating, ok pa ba o ndi na? trying to be ok,,,

Pero sa inyo sisses na naging ok pa,, di ba naglaro sa isip nyo ito:

1) na kaya sya nagpakaayos kasi yung kabitch na ang umiwas or umiwan sa kanya....
2) na baka kaya sya nakikipag ayos kasi pinagpalit na sya ng kabitch nya sa iba?
3) na kaya sya nakikipag ayos kasi NO CHOICE naman na sya, kasi wala na sya matatakbuhan,,,,

parang ang hirap.... nakakawala ng self esteem,,,,

in my case,, hindi ko alam,,, pero naglalaro yan sa isip ko......

bonita111809

  • Guest
back to the question of TS,,,,

after the cheating, ok pa ba o ndi na? trying to be ok,,,

Pero sa inyo sisses na naging ok pa,, di ba naglaro sa isip nyo ito:

1) na kaya sya nagpakaayos kasi yung kabitch na ang umiwas or umiwan sa kanya....
2) na baka kaya sya nakikipag ayos kasi pinagpalit na sya ng kabitch nya sa iba?
3) na kaya sya nakikipag ayos kasi NO CHOICE naman na sya, kasi wala na sya matatakbuhan,,,,

parang ang hirap.... nakakawala ng self esteem,,,,

in my case,, hindi ko alam,,, pero naglalaro yan sa isip ko......

sis, wag ka nang mag-isip ng mga ganyan. lalo kang mahihirapan maka-move on. eh paano kung hindi yan ang mga rason nya kung baket sya bumalik sayo? paano kung mahal ka nya? kasi ang lalake, kahit iwan ng kabit kung talagang hindi na masaya sayo, hinding hindi na yan babalik. pwedeng bumalik pero para sa mga anak. mararamdaman mo naman yan eh. mag-pray ka nalang and at the same time, be a better wife than you were before. malalampasan mo din lahat yan.

toydoll

  • Guest
sis, wag ka nang mag-isip ng mga ganyan. lalo kang mahihirapan maka-move on. eh paano kung hindi yan ang mga rason nya kung baket sya bumalik sayo? paano kung mahal ka nya? kasi ang lalake, kahit iwan ng kabit kung talagang hindi na masaya sayo, hinding hindi na yan babalik. pwedeng bumalik pero para sa mga anak. mararamdaman mo naman yan eh. mag-pray ka nalang and at the same time, be a better wife than you were before. malalampasan mo din lahat yan.

oo nga sis, wala naman ng use para isipin ko yan,, i will just feel low,, well he kept on telling me everyday na mahal nya ko,, pero syempre, i just cant find myself to be in that certain comfort level - na oo nga mahal nya nga ko,, - ang hirap,,,, sumasagi sa isip ko na kaya sya ganyan kasi walang choice,,, ako na yung nandito para sa kanya,,

although last night, just last night literally, umiyak na naman sya sakin,, and over and over telling me how much he loves me, and how much he is sorry as well,, he told me kasalanan nya lahat lahat,,, at pinakita daw sa knya ni GOD kung paanong muntik na nyang sirain ang pamilya nya,, at never never daw mangyayari na talaga yun sa amin,,, - though nakita ko sya crying and all,, sasagi pa rin sa isip ko,, na kaya siguro sya umiiyak nag break sila or something like that ng kabitch nya,,,,,

hayyyyyy,,,,,, wattah situation,,,,,

bonita111809

  • Guest
oo nga sis, wala naman ng use para isipin ko yan,, i will just feel low,, well he kept on telling me everyday na mahal nya ko,, pero syempre, i just cant find myself to be in that certain comfort level - na oo nga mahal nya nga ko,, - ang hirap,,,, sumasagi sa isip ko na kaya sya ganyan kasi walang choice,,, ako na yung nandito para sa kanya,,

although last night, just last night literally, umiyak na naman sya sakin,, and over and over telling me how much he loves me, and how much he is sorry as well,, he told me kasalanan nya lahat lahat,,, at pinakita daw sa knya ni GOD kung paanong muntik na nyang sirain ang pamilya nya,, at never never daw mangyayari na talaga yun sa amin,,, - though nakita ko sya crying and all,, sasagi pa rin sa isip ko,, na kaya siguro sya umiiyak nag break sila or something like that ng kabitch nya,,,,,

hayyyyyy,,,,,, wattah situation,,,,,

Oh sis..naluluha ako. Your husband has already humbled himself. Please give him a chance and trust him fully. Ang lalake hindi basta basta iiyak sa harap ng babae kase it's a sign of weakness for them. Please believe him. He's telling the truth.

Your doubts will affect how you treat him. Kalaunan magtatamang hinala ka, paghihigpitan mo sya, mauungkat mo yung kasalanan nya kasi hindi ka pa talaga nagpapatawad. Alam ko mahirap pero kelangan mong kayanin kung gusto mong mabuo ulet kayo. Kasi he's ready to move on at dapat pati ikaw. Sa ginagawa mo, he's taking 1 step forward and you 2 steps back, so stagnant kayo.

Mas maging mabuting asawa ka sa kanya and everything will be just fine. I suggest you read self-help books baka sakaling makatulong. I recommend Steve Harvey's books and Secrets of Fascinating Womanhood by David Coory.

langley

  • Guest
back to the question of TS,,,,

after the cheating, ok pa ba o ndi na? trying to be ok,,,

Pero sa inyo sisses na naging ok pa,, di ba naglaro sa isip nyo ito:

1) na kaya sya nagpakaayos kasi yung kabitch na ang umiwas or umiwan sa kanya....
2) na baka kaya sya nakikipag ayos kasi pinagpalit na sya ng kabitch nya sa iba?
3) na kaya sya nakikipag ayos kasi NO CHOICE naman na sya, kasi wala na sya matatakbuhan,,,,

parang ang hirap.... nakakawala ng self esteem,,,,

in my case,, hindi ko alam,,, pero naglalaro yan sa isip ko......

I feel you sis kasi naramdaman ko din yan. Tama ka nakakababa ng self-esteem. And because of that thought naging bitter ako. Ilang months din ako na bitter nun, ang bigat bigat sa dibdib sis. At hindi lang asawa ko naapektuhan pati na din tao sa paligid ko. Lagi kasi ako nakasimangot nun at madali magalit.

And then I surrender everything to God. I asked my husband for forgivenessss for the way I treated him. At iyon unti unti gumaan ulit pakiramdam ko. Pag may bitter thoughts na gustong sumagi sa utak ko lagi ako nagdadasal sa Diyos. I did my wifely duties. Si Lord lang talaga ang masasandigan natin.

oo nga sis, wala naman ng use para isipin ko yan,, i will just feel low,, well he kept on telling me everyday na mahal nya ko,, pero syempre, i just cant find myself to be in that certain comfort level - na oo nga mahal nya nga ko,, - ang hirap,,,, sumasagi sa isip ko na kaya sya ganyan kasi walang choice,,, ako na yung nandito para sa kanya,,

although last night, just last night literally, umiyak na naman sya sakin,, and over and over telling me how much he loves me, and how much he is sorry as well,, he told me kasalanan nya lahat lahat,,, at pinakita daw sa knya ni GOD kung paanong muntik na nyang sirain ang pamilya nya,, at never never daw mangyayari na talaga yun sa amin,,, - though nakita ko sya crying and all,, sasagi pa rin sa isip ko,, na kaya siguro sya umiiyak nag break sila or something like that ng kabitch nya,,,,,

hayyyyyy,,,,,, wattah situation,,,,,

kahit mahirap magtiwala ka ulit sa asawa mo. Believe him. Kung nagsisisi na siya then give him a chance. Always focus on the positive.

I tell you hanggang ngayon may negative thoughts pa din ako pero di na ko nagpapa apekto. Do not let your emotions control you. Just do your wifely duties.  :)

toydoll

  • Guest
And then I surrender everything to God. I asked my husband for forgivenessss for the way I treated him. At iyon unti unti gumaan ulit pakiramdam ko. Pag may bitter thoughts na gustong sumagi sa utak ko lagi ako nagdadasal sa Diyos. I did my wifely duties. Si Lord lang talaga ang masasandigan natin.

Sa tingin ko sisses, ito yung hindi ko pa completely magawa, to surrender everything, hanggat di ko magawang mag trust ulit kay hubby, ito yung sign na di ko pa na susurrender ka Lord lahat... andito pa rin yung feeling kong low self esteem... kasi kahit anong puri ng ibang tao, kung pakiramdam mo di ka totally ma appreciate ng asawa mo,, hay parang wala din,, i have this feeling na physically hindi ako talaga type ni hubby,, kasi from his past relationships puro petite and sort of skinny ang mga exes nya,,, eh ako - tall (5'6") at di naman ako skinny,, pero di naman din ako mataba, ma butt ako (which feeling ko he is not a butt guy)... pati face features ko yata di nya type,,, kasi two exes nya magkahawig and very different personality ko sa kanila physical-wise,,, ewan ba,,,

Oh sis..naluluha ako. Your husband has already humbled himself. Please give him a chance and trust him fully. Ang lalake hindi basta basta iiyak sa harap ng babae kase it's a sign of weakness for them. Please believe him. He's telling the truth.

Your doubts will affect how you treat him. Kalaunan magtatamang hinala ka, paghihigpitan mo sya, mauungkat mo yung kasalanan nya kasi hindi ka pa talaga nagpapatawad. Alam ko mahirap pero kelangan mong kayanin kung gusto mong mabuo ulet kayo. Kasi he's ready to move on at dapat pati ikaw. Sa ginagawa mo, he's taking 1 step forward and you 2 steps back, so stagnant kayo.

Mas maging mabuting asawa ka sa kanya and everything will be just fine. I suggest you read self-help books baka sakaling makatulong. I recommend Steve Harvey's books and Secrets of Fascinating Womanhood by David Coory.

thanks sis,,, enlightening ang thoughts mo,, naramdaman ko tuloy na may pag asa pa nga talaga kami na maayos,,,

i know marami pa kong di nagagawa sa kanya that will resemble na best wife ako,,,
1) hindi ako mahilig magluto;
2) hindi ko talaga sya naasikaso ( he is the type na di naman nagpapa asikaso) - but now pinaghahain ko na sya at i ask him kung ano type nya kainin
3) this one is i guess VERY CRITICAL - super not good ako in bed,,, as in i dont find pleasure on it,, ewan ko ba,,, ganito na ko eversince,, hindi ako talaga into it,,,, (personal ito sakin - but i trustfully share.... - somehow ito talaga yung sinabi nya na kulang sakin,,,,,

sk8rboyswife

  • Guest
back to the question of TS,,,,

after the cheating, ok pa ba o ndi na? trying to be ok,,,

Pero sa inyo sisses na naging ok pa,, di ba naglaro sa isip nyo ito:

1) na kaya sya nagpakaayos kasi yung kabitch na ang umiwas or umiwan sa kanya....
2) na baka kaya sya nakikipag ayos kasi pinagpalit na sya ng kabitch nya sa iba?
3) na kaya sya nakikipag ayos kasi NO CHOICE naman na sya, kasi wala na sya matatakbuhan,,,,

parang ang hirap.... nakakawala ng self esteem,,,,

in my case,, hindi ko alam,,, pero naglalaro yan sa isip ko......

with me, my husband went back when the girl resigned sa office kaya madalas maglaro sa isip ko yan and then suddenly i'm having meltdowns again.

we are also trying to be ok, pero di na kame nagsama ulit. he still stays with his family (even before when the cheating started), i stay with mine kasama ko son ko. umuuwi lang sya samen every weekends. di na ako nag demand sa kanya ng kung ano. i just stayed away and kept quiet. he is still trying to reach out pero sa ginagawa nyang yan, parang di enough.

SweetieNela

  • Guest
hello GirlTalkers, gusto ko lang ishare yung sakin.

 what did you do after you discovered that he cheated on you and what did you do to move on?

-umiyak, nagtanong sa sarili ko kung anong kulang, nagtanong sakanya kung may nagawa ba ako at bakit nagawa niya yun.
nagpatawad muli para makamove-on sa nangyari.



Is your relationship still ok? Are you still together?

-we're still together. pero.. biglang nagkakamalamigan kami nitong huli. don't know why. hindi naman dahil sa nangyari siguro before na cheating kundi dahil sa ibang bagay.

Do you still feel the pain of what happened?
-hindi na, siguro minsan napapaisip ako. pero hindi ko na iniiyakan katulad ng dati.

Do you still trust him after that? what did you do to bring the trust  back?
-i trust him kasi nakita kong nagbago siya sakin. nung nakita ko yung pagbabago niya bigla ko nalang nalaman sa sarili kong pinagkakatiwalaan ko na ulit siya.

do you still feel that maybe he is still with someone else or still with the old sl*t that broke your trust and faith in him?
-hindi na, kasi na-trashtalk ko yung girl gamit yung phone ni fiance e tapos paniwalang paniwala yung girl na si fiance yun kaya sobrang nagalit don yung girl at may bf na si girl ngayon kaya nakampante akong wala na sila.

heto yung kwento ko, tagal ko narin hindi nakapunta sa site na ito. ngayon nalang ulit na may ganito akong nararamdaman.

mag-7 years na kami ni boyfie this year. planning to get married next year. we're classmates since gradeschool, almost 9 years kami magkasama sa loob ng classroom.  and then nagkita kami sa abroad at dun nabuo yung love story namin. sobrang dami na-amazed sa love story namin kasi di ineexpect ng barkada namin. iisa lang barkada namin. i used to be one of the boys dahil may pagka-tomboy ako. dahil sa nagiisang babae sa magkakaptid at daddy's girl pa, lumaki akong lalaki ang asal ko.

sabi nila small world at naging kami pa. sa totoo lang lahat ineexpect na kami na ang magkakatuluyan. sobrang natutuwa yung classmates namin nung highschool even teachers kasi sinong mag-aakala na ang campus crush ay napunta lamang sa isang tibong katulad ko. hindi sa pag mamayabang sabi ng friends ko hiyang ako kay fiance kasi sobrang nag-transform raw ako into a beautiful swan. simula ng naging kami natuto ako mag make-up at magpapayat. sobrang taba ko kasi nun na minsan napagkakamalan akong may apat ng anak dahil sa katabaan ko. pero paulit ulit akong naiinlove kay boyfie kasi nagustuhan niya ako na ganon ang itsura ko, in short di siya sa labas na anyo tumingin.

5 years ago , may nangyari. nagkaron ako ng sakit. butas sa bituka. feeling ko mamamatay na ako. lagi niya akong dinadalaw sa bahay namin, nakatira kasi ako sa province sa abroad at siya sa center. 2 hours drive para makarating. liblib pa kaya walang bus. lagi siyang naka-taxi. na-appreciate ko lahat ng paghihirap niya,after work direcho siya sakin. minsan pa na 3 months ako na-hospitalized at dun niya ako pinupuntahan. kahit hindi na siya tumulog bantayan lang ako then pasok sa work after bumisita sakin.

naramdaman ko nung time na yun na mahal na mahal niya ko, naramdaman ko narin ang pagka dismaya ng pamilya niya sakin. simula nung nagkasakit ako, nanlamig na sila sakin. feeling ko biglang ayaw na nila sakin, kasi habang buhay na ang sakit ko at iniisip nila na kung ako ang makakatuluyan ng anak nila ay siya lang ang magta-trabaho at ako ay na-diagnose ng sakit na pang habang buhay. kumbaga disabled na ang tawag sa may mga sakit katulad ko.

naalala ko noon, laging nagaaway ang bf ko at nanay niya. sabi ni bf ko dahil raw sa sweldo niya. may nakarating saking balita na feeling ng nanay ni bf sakin napupunta lahat ng sweldo. pampagamot ko, ginagastusan raw ako ni bf, binili raw ako ng laptop. ako naman, confront ko si bf na bakit ganon ang naririnig ko. pero nagdedeny siya. alam ko ako pinag aawayan nila. samantalang gobyerno ang nagpapagamot sakin dito sa abroad. at nanay ko ang gumagastos sa lahat ng kaylangan ko. nasasaktan ako sa nangyayari. alam ko pinaglalaban ako ni bf sa nanay niya.

2 years ago, may nangyari nanaman, biglang nag-iba si boyfie sakin. nanlamig. tapos biglang umiinom , nagyoyosi. samantalang wala siyang bisyo at hate niya ang amoy ng sigarilyo. ako nagtrabaho as part timer malapit sa bahay nila. napapansin ko siya na walang tulog, laging amoy alak, amoy sigarilyo. tinatanong ko siya kung may problema ba? pero lagi niyang sinasabing wag ko alalahain. wag ko raw problemahin. pero nag-aalala na ako. nalaman ko sa kapatid niya na mag kaaway nanaman sila ng nanay niya. to the point na nagrerebelde na si boyfie at gusto naraw nya humiwalay ng bahay.


naiisip ko ako nanaman ba ang dahilan? pera nanaman ba? nalulungkot ako. pero nararamdaman ko naman na mahal niya ako gusto nya palagi ako nakikita. then.. dun ako natulog sa bahay nila, then yung parents niya nag-vacation sa pinas noon. biglang may napansin akong book ng spanish, sabi ko "nag-aaral ka?" sabi niya "oo, parang masaya kasi matuto ng spanish"
nung una deadma ako.

pero patagal ng patagal. lumalamig na siya sakin. may nararamdaman na akong kakaiba. madaling araw na siya uuwi palagi. lagi walang tulog, lasing, amoy yosi. ayaw niya ng ginagawa niya alam ko. pero dahil gusto niyang ipakitang nagrerebelde siya ginagawa niya yun.

biglang may nakita ako isang beses ng resibo sa isang restaurant, nakita ko date and time. napaisip ako. time ng work niya yun paano siya makakapunta restaurant? pero nagtataka ako kasi kanyang name, at nakalagay 2 tao., inisip ko kapatid niya pero malayo ang work ng kapatid niya hindi siya makakauwi ng ganoong oras.

biglang kinutuban ako ng malakas simula non. nagcheck na ako ng messages sa fone niya at tawag. laging burado. kinakabahan na ako. then may nakita ako sa notes na spanish, pero dinedma ko biglang kinausap ko kapatid niya, madaling araw parin raw siya umuuwi. may nakikita raw resibo na madaling araw ay kumakain pa sa labas. tapos nakalagay sa resibo "2 coffee" sabi ko sa kapatid niya may nararamdaman ako, sabi niya siya rin. na may babae ang kapatid niya. gusto niya raw hulihin.

ako, alam ko meron nang nangyayari pero di parin ako naniniwala kasi mahal na mahal ko siya.dinedeny ko sa sarili ko na meron.  pero biglang isang araw nilalagnat ako habang nagwowork.  dapat uuwi na ako samin. pero parang biglang may nag-udyok sakin na maghintay sa tapat ng work ko. nakita ko si bf na umalis. tapos hinabol ko siya. tapos sabi niya may pupuntahan siyang binayagan. then sabi niya isabay na niya ako sa sakayan para makauwi na ako, nilalagnat kasi ako nung time na yun. then biglang naisipan kong sumama. nagagalit siya may lagnat na nga ako e sasama pa ako ng binayagan, pero sabi ko sasama ako. nagalit siya at tinigil niya yung kotse. may tumatawag pero di niya sinasagot. lalaki yung name sa celfone. bumaba siya ng kotse para magpahangin dahil nababadtrip siya gusto na nya ako pauwiin at ayaw kong bumaba ng kotse. naiwan niya celfone at kinuha ko [textspeak!] number nung tumatawag, pero di ko sinagot. bumalik siya ng kotse pag ka tapos pinaamin ko siya kung may babae ba siya. wala raw. hanggang sa nagkasagutan na kami pero deny parin siya. umuwi kami ng bahay nila at nagkaayos din. hindi ko kasi siya matiis.

sabi ko sakanya kung may babae siya, aminin na niya dahil handa na ako at di ako magagalit kung aaminin niya sa oras na yun. sabi niya paano kung meron nga? sabi ko tatanggapin ulit kita kung ako ang pipiliin mo. sabi niya. hindi ko magagawa sayo yun. so naging panatag ako dahil sobrang pagtitiwala ko sakanya.

makalipas ilang araw, iba parin pakiramdam ko. dun ako nakitulog sakanila, biglang nangangati akong buksan yung computer niya, alam mo yung ang lakas ng feeling na may bumubulong sakin ng dapat kong gawin. pag ka bukas ng computer niya may isang folder sa desktop. bumungad ang buong album ng babae. nasaktan ako, kasi alam kong yun na yun. wala man silang pictures together pero dun sa picture nakita ko na nakahiga yung girl sa bag ng bf ko. alam kong kay bf yun kasi regalo ko yun sakanya. sobrang nasaktan ako. nagwala ako. umiiyak ako.tinawagan ko yung number na tumatawag noon kay bf at babae ang sumagot, binaba ko at tinawagan ko bf ko na napakawalanghiya niya. ginawa ko naman lahat binigay ko lahat pero paano niya nagawa yun. nasa trabaho siya bigla siyang umuwi. sorry siya ng sorry at umiiyak. kinuha niya yung laptop binura nya pictures then sorry siya ng sorry. ako iyak lang ng iyak. sobrang sakit. tinanong ko siya kung bakit. kasi nagrerebelde raw siya at gusto na niyang babuyin sarili niya. nalaman ko na may asawa't anak yung girl at may nangyayari sakanila. lagi niya hinahatid sa madaling araw. pinupuntahan siya sa bahay at kumakain sila sa labas. nung time na gusto ko sumama sa binyagan dapat susunduin niya raw at galit na galit sakanya dahil hindi siya sumipot. inamin niya sakin lahat. as in lahat lahat. sobrang sakit. nalaman ko na hindi pinay yung girl kundi spanish. kaya pala siya may libro para matuto magsalita. napakasakit kasi feeling ko mahal niya yung babae para gawin niya ang lahat ng bagay na yun. umuwi ako sa probinsya after namin mag-away.

pagkatapos ng nangyaring yun, 1 month di ako nagparamdam sakanya. araw araw siya tumatawag, nagtetext. pati sa magulang at mga kapatid ko pero hindi ko siya sinasagot. at bilin ko sa pamilya ko na wag rereplyan. ang alam nila nagkatampuhan lang kami. wala akong sinabihan na kahit sino sa pamilya ko, yung bestfriend ko sa pinas di ko rin nasabihan dahil busy sya sa work at buntis ayokong ma-stress siya kaya inangkin ko lahat at dahil ayoko rin masira image niya sa pamilya ko. so talagang sinarili ko nalang.

alam mo yung sobrang sama ng loob ko. feeling ko wala na akong kwenta. may sakit ako tapos niloko pa ako ng nag-iisang kakampi ko na lumaban sa buhay ko tapos malalaman ko yung panloloko niya.

after a month kinakausap ako ng tatay niya. tinatawagan ako. mga tito niya. na hindi naraw kumakain si bf. laging umiiyak. nagsisisi raw sa nagawa niya na nasaktan ako. yung mga kaibigan niya lagi ako kinakausap na mahal na mahal raw ako kasi wala raw bukang bibig kundi ako. gusto niyang bumalik ako sakanya.

tapos biglang nagkita kami sa isang event. nagsorry siya. umiyak sa harapan ko. tapos nainis ako sa sarili ko kasi biglang umoo nalang ako at pinatawad ko siya agad agad.  bumalik lahat sa dati.ganon ata talaga pag mahal mo. pero may kundisyon. magbabago siya ng number sa lahat at  tatapusin niya lahat. sabi niya simula nung nalaman ko. tinapos naraw niya. kapal ng muka nung girl nagmemessage pa siya sa fb na niregaluhan raw siya ng kwintas at mahal na mahal raw siya.reply ko sakanya "iyo na kung sasama" pero ako parin pinili so sorry siya.

dun ko napamuka sa pamilya ni bf na hindi ako ginagastusan ni bf ko at di sakin napupunta ang pera, naging okay kami ng pamilya niya after ko siya tanggapin ulit.

2 taon narin nakalipas. masaya na kami. sobrang naging okay lahat. as in sobrang nagbago. naging mas maasikaso siya sakin. as in wala na akong hihilingin pa, kinalimutan ko lahat binuo ko ulit trust ko sakanya. kahit na pinapakita niya fone niya hindi ko na tinitignan kasi nga buo na ulit ang tiwala ko. feeling ko na tama ang naging desisyon ko na maging kami ulit.


pero heto na ang nangyari. umuwi kami ng pinas. nagkasama kami sa isang bubong for about 3 months. minsan nagkaaway kami. tapos nung bumalik kami abroad. parang nanlalamig na kami sa isa't isa.


we're planning to get married next year, pero bakit ganon. wala naman siya ginagawa for preparations. sabi niya nasabi niya na sa parents niya pero alam ko kasi pinagpplanuhan yun hindi basta basta gusto mo magpakasal e pakasal na. parang gusto magpakasal pero walang kaplano plano? biglang nanlamig ako. parang nawalan ako ng gana sakanya. parang ang gusto pa mangyari nung family niya kami pa mag-ayos para kami gagastos ? hello? babae ako at lalaki anak nila. di ko naman sinabi na dapat parati lalaki gagastos sa kasal. pero nasan hustisya don, alam nilang wala ako work then anak nila ang nagpplano na magpakasal kami next year. parang ako hindi pa ako handa. tapos gusto pa nila kami mag-aayos. so parang itong nanay ko sinasabi sakin wala akong future sa fiance ko. ako napapaisip ako. tama pa ba itong nangyayari? sobrang lamig na namin sa ngayon. hindi ko alam kung bakit, hindi nauungkat sakin yung dating nangyari. pero bigla kong nararamdaman na hindi siya ang makakasama ko habang buhay.

pasensya mahaba masyado ang nobela ko. at out of topic narin ang tanong ko.

sa 19 years naming magkakilala magkasama, at sa 7 taon na naging kami at maraming napagdaanang problema sa tingin niyo ba, tama ang iniisip kong maghiwalay nalang kami? para kasing nafefeel ko na gusto pa niya mag-enjoy sa pagkabinata. kasi di niya nagawa yun nung highschool. parang nafefeel ko na nanghihinayang na lang siya sa pinagsamahan namin at napipilitan nalang siya sakin kasi naawa siya sa kalagayan ko. at iniisip narin niya ang sasabihin ng ibang tao. ng mga kamag-anak namin. at pamilya namin. dahil sobrang boto na buong angkan ko sa kanya. pero parang nararamdaman ko hindi na healthy relationship namin. although parang halos asawa na turing niya sakin pero sa pakiramdam ko parang may mali parin. :( may malaking mali sa pagitan namin at hindi ko malaman kung ano yun at kung anong dapat kong gawin. hindi na kami bata, at tumatanda narin. hanggang ngayon wala parin kami desisyon para sa next year. hindi ako nagmamadali, pero siyempre kung aayain na niya ako gusto ko handa ako. ayoko mag expect masyado tapos biglang wala palang kasal na mangyayari. parang gusto ko muna maghiwalay muna kami para malaman namin kung kami ba talaga sa isa't isa? tama ba itong magiging desisyon ko? o gagawa lang ako ng malaking gap sa pagitan namin pag ginawa ko ito?


thank you sa pagbabasa.

bonita111809

  • Guest
sis sweetienela, ang ganda ng story nyo. para saken, meant to be kayo at parang hindi ngayon ang tamang panahon para mag give up sa kanya. may mga tanong lang ako.

*hindi ba kayo matutulungan ng parents mo sa pagpapakasal nyo?
*yung parents ni guy hindi rin ba makakatulong?
*ikaw ba nagplaplano ka para sa kasal nyo?
*anong klaseng kasal ba ang gusto mo? enggrande o simple?

kame ng asawa ko sis kame lang talaga yung nagplano ng kasal namin. wala din akong trabaho nun. nag-loan si hubby and pinaalam namin sa in-laws ko, tumulong sila kahit wala kame hinihingi. wala ngang naitulong yung relatives ko nun pero nakaya naman namin. simpleng kasalan lang talaga. ang importante kasal kame. ako ang naging hands-on sa pagplaplano. ang lalake kase money matters ang forte nila. planning is sa babae.

balik balikan mo lang yung magagandang memories nyong dalawa. tanggapin mo kung anong kahinaan nya at lagi mong titingnan ang good side nya. hindi sya perpekto at pag naging mag-asawa na kayo, you will deal with it everyday of your lives. so ngayon pa lang kelangan mo nang matutunan syang intindihin at tanggapin kung ano man sya. kung nanlalamig sya sayo, ikaw ang gumawa ng move. female pride lang ang pumipigil sayo para gawin yun. remind him why you fell in love. maa-appreciate nya yun I assure you. good luck sa inyong dalawa and best wishes! :)
« Last Edit: June 25, 2014, 12:11:54 pm by bonita111809 »

SweetieNela

  • Guest
hi sis thanks sa reply,
may nireply na ako kanina pero di ko ata napost. ulitin ko nalang

*hindi ba kayo matutulungan ng parents mo sa pagpapakasal nyo?

-matutulungan ako ng parents ko, pero hindi yung kami lahat. sabi ng mom ko sagot niya sa gamit ko. pero yung kay fiance syempre dapat mag share din siya. kahit nasa abroad kami nagigipit parin kami, mom and dad ko lang work, kami ng kuya ko disabled dahil sa sakit yung 2 brothers ko pa nag-aaral. so talagang hindi ganon kalaki ang maisshare ng family ko. at ayoko rin naman na mangyari na magulang ko ang iikot para mairaos ang kasal, kung hindi kaya ok lang sakin. di ko ipipilit.


*yung parents ni guy hindi rin ba makakatulong?

-sa totoo lang medyo nagtatampo ako sa side nila, kasi nung nalaman nilang nagbabalak magpakasal ang sabi nila wala raw silang ilalabas na pera sa kasal na yan. to think na lahat sila may work at above average ang pamumuhay nila rito, dapat magipon raw kami kung gusto namin magpakasal. well, tama naman yun ayaw kong sila ang gumastos. pero tama ba naman sabihin na wala silang ilalabas ni kusing. pero iimbitahin lahat ng buong sambayanang pilipino dito sa abroad =,= nagtatampo rin si boyfie kasi sa ibang tao nakakatulong sila walang alinlangan samantalang sa sariling anak hinihigpitan.

*ikaw ba nagplaplano ka para sa kasal nyo?

-marami ako plano, pero kung di ko naman nakikita na kumikilos siya parang nawawalan nadin ako ng gana. ayoko magexpect na may kasal next year tapos di matutuloy. madidisappoint lang ako. minsan sa pananalita ni boyfie naguguluhan ako. kasi pag may nagtatanong kung kelan kasal namin ang sagot niya. "wala pa po , hindi pa po enjoy muna kami" parang 50-50. kaya feeling ko di rin siya handa.

*anong klaseng kasal ba ang gusto mo? enggrande o simple?
-sobrang simple lang mga 50 guests lang kung maari at puro kamag anak lang at pinaka close friends. dito sa abroad halos nasa 20s ang bilang ng mag-anak ko samantalang sakanila mga nasa 300+ gusto ng mom niya iimbitahin namin lahat yun kasi magtatampo raw pero ayaw niya naman magshare kaya ayaw ng boyfie ko dito abroad. mas gusto niya sa pinas kung ikakasal man kami. kasi dami nagcclaim na pinoy na kapamilya nila minsan makakain lang sa handaan. di naman sa pagdadamot pero kesa ipunin namin na babayad sa restaurant para ipakain sa hindi namin mga kakilala. kaya nakakawalang gana talaga. gusto nila sila masusunod pero wala naman silang gustong ishare. super tampo rin si boyfie sa parents niya kasi wala siyang nakukuhang support. tapos ako nakikita ko nasstress siya kaya parang di namin pwede ipilit kung hindi kaya. saka nito ngang huli nagkakalamigan na kami. di ko alam kung dahil sa wedding na yan o talagang nagkakasawaan na kami. :(

sorry guys out of topic na.

Girltalker2

  • Guest
I understand that you're speaking from experience sis. and I am, too. naloko na din ako. pero thankfully hindi ng asawa ko.


Pero sis, nung naloko ka ba, naisip mo kung anong mali mo?  Super nagger ka ba or what's wrong with you kaya ka niloko dati ng partner mo?

Ano ang ginawa mo or hindi mo ginawa at bakit nagloko partner mo?

But good thing you are able to move on. Kaya ba this time when you got married, kelangan lagi kang trying hard to please your man and making sure you are a perfect wife para hindi ka iwan or hindi mangaliwa ang asawa mo?





we're planning to get married next year, pero bakit ganon. wala naman siya ginagawa for preparations.


Puede naman kayo mag usap. Anong klaseng kasal gusto ninyo, paano ang gastos, sino sino ang mga gusto ninyong imbitahin, etc.


parang gusto magpakasal pero walang kaplano plano?


Sis, walang kaplano plano sa wedding preps or plans after the wedding? 

Para sakin, yes, importante ang wedding preps. Pero feeling ko mas importante ang life after the wedding.

Dito sa statement mo, parang there is something amiss.  Parang hindi kayo nag uusap mabuti or hindi kayo nagkakaintindihan. Baka ine-expect nya ikaw ang magp-plano, pero para sayo, dapat sya - pero hindi ninyo nililinaw. At para sa yo naman, kung ikaw ang gagalaw parang ikaw lang ang may gusto magpakasal at sya ok lang kahit hindi kayo makasal.



parang ang gusto pa mangyari nung family niya kami pa mag-ayos para kami gagastos ? hello? babae ako at lalaki anak nila. di ko naman sinabi na dapat parati lalaki gagastos sa kasal. pero nasan hustisya don, alam nilang wala ako work then anak nila ang nagpplano na magpakasal kami next year. parang ako hindi pa ako handa. tapos gusto pa nila kami mag-aayos.


Sis, to be fair, I think it is just right na kayo ang mag ayos ng kasal ninyo at kayo rin gumastos. Kung may maitulong ang ibang tao, thank you. Pero it is not their obligation to arrange your wedding for you. Wedding ninyo iyan eh.

Kung wedding preps palang hindi nyo na magawa - feeling ko parang tinatamad ba kayo?  Kung ganun din lang, baka nga mas mabuti huwag na muna kayo magpakasal? 

Secondly, kung wedding preps palang hirap na kayo, daming issues at di lang financial, what makes you think na ready na kayo magpakasal, whereby more complicated issues can come your way. Isang katiting lang ang issue on wedding preps on who will do it or spend for it compared to marital issues you two can potentially face. Kaya suggest ko, ayusin ninyo muna ang relationship ninyo to be strong enough tsaka na kayo ulit mag isip magpakasal.


so parang itong nanay ko sinasabi sakin wala akong future sa fiance ko. ako napapaisip ako. tama pa ba itong nangyayari?


Paano nasabi ng mom mo na wala kang future sa fiance mo?

Kasi tingin ko ang root cause ng issue ninyo eh hindi kayo nag uusap mabuti.  Pero tingin ng mom mo dahil hindi gumagalaw ang BF mo sa wedding preps, wala ka ng future with him? 

Baka naman ang gusto ng BF mo mag elope nalang at ayaw na nya magpakasal sa simbahan?



sa 19 years naming magkakilala magkasama, at sa 7 taon na naging kami at maraming napagdaanang problema sa tingin niyo ba, tama ang iniisip kong maghiwalay nalang kami?


Alam mo sis, I knew my husband for over 30 years and nothing stopped me from leaving him, and up  to this day, naniniwala ako, I left him for the right reasons. 

Ngayon in your case, staying in the relationship just because 19 years na kayo magkakilala or dahil 7 years na kayo is not the right reason. BUT staying in the relationship because you both still love each other and would like to spend the rest of your lives together, then, that should be the reason.



para kasing nafefeel ko na gusto pa niya mag-enjoy sa pagkabinata. kasi di niya nagawa yun nung highschool. parang nafefeel ko na nanghihinayang na lang siya sa pinagsamahan namin at napipilitan nalang siya sakin kasi naawa siya sa kalagayan ko. at iniisip narin niya ang sasabihin ng ibang tao. ng mga kamag-anak namin. at pamilya namin. dahil sobrang boto na buong angkan ko sa kanya. pero parang nararamdaman ko hindi na healthy relationship namin. although parang halos asawa na turing niya sakin pero sa pakiramdam ko parang may mali parin. :( may malaking mali sa pagitan namin at hindi ko malaman kung ano yun at kung anong dapat kong gawin. hindi na kami bata, at tumatanda narin. hanggang ngayon wala parin kami desisyon para sa next year. hindi ako nagmamadali, pero siyempre kung aayain na niya ako gusto ko handa ako. ayoko mag expect masyado tapos biglang wala palang kasal na mangyayari.


There you go, parang hindi nga kayo nagkakaintindihan. "Feeling" mo hindi pa nya na-e-enjoy ang pagkabinata nya, what makes you say that?  Sure ka ba? Nag uusap ba kayo mabuti - this is the third time I am saying this because I think this is the root cause why you feel something is wrong in your relationship. Di mo na nakikita yung connection.


parang gusto ko muna maghiwalay muna kami para malaman namin kung kami ba talaga sa isa't isa? tama ba itong magiging desisyon ko? o gagawa lang ako ng malaking gap sa pagitan namin pag ginawa ko ito?


I always believe na kung hindi na healthy ang relationship or hindi na kayo masaya, you really have to let go. In the hopes of finding happiness.  Pero it has always been a difficult decision to break it off with someone. 

Tingin ko naman sis, kapag humiwalay ka tandaan mo - dapat tama ang reason.  Not to TEST kung kayo ba talaga and put your fate at risk. Pero kung humiwalay ka - kasi hindi ka na masaya at alam mong hindi mo na iyan mababago, kasi alam mo at naniniwala ka na there is someone out there meant for you, kasi alam mo makakahanap ka pa ng more happiness WITHOUT him, etc.  These should be your reasons for leaving and not to "test" na kung talaga ba kayo.

Magiging tama lang ang decision mo kung bukal sa loob mo ang gagawin mo at clear sayo ang reason. The essence of relationships kasi should complement your being - kaya tayo nagrerelasyon kasi we want a more meaningful life, not a more stressful life.





SweetieNela

  • Guest
^
sis thanks sa effort na sagutin yung iba kong questions. pero ako rin sa sarili ko dami ko questions.

sinasabi niya lang kasi na magpapakasal kami. pero hindi niya sinasabing magprepare na ako ng kaylangan. alam mo yung words lang? sabi lang siya ng sabi pero paano ako maguumpisa mag prepare eh ni wala siyang binibigay na signal? lagi niya sinasabi malayo pa naman eh para sakin malapit na yun at dapat inaayos ang mga bagay hindi basta magpapakasal lang. sa totoo lang bf ko kasi hindi siya nakakapag decide ng wala nanay niya. kahit ano pang isuggest ko hindi siya nakikinig sakin. di siya makapagdecide din ng sarili niya. lahat kaylangan niyang iconsult pero sakin di siya nagsasabi.

sa relation namin siya kasi lagi nasusunod at siya nagdedesisyon ng bagay, kaya ako ang naghihintay ng go signal niya. pero lagi niya sinasabi wag magmadali pero next year raw balak niya. sa totoo lang naguguluhan ako. kasi siya yung tipong ayaw niyang pakelaman ko yung problema niya. kaya pag may problema siya hindi ko alam kasi ayaw niyang sabihin. tama ka. kulang kami sa communication. di kasi siya yung palasalitang tao. eh hindi ko malaman yung nasa loob niya kung di niya sasabihin sakin.

sa tagal na namin magkasama sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang tunay niyang ugali.. never siyang nag-open ng problema about sa family nila kahit alam ko minsan na nagtatampo siya pero sinasabi niya "wala lang to" minsan kahit sa work. ayaw niyang nangengelam ako. kahit minsan na nangungulit ako at sinasabi ko feeling ko wala akong silbi sakanya dahil wala ako kwenta kasi kahit sang aspeto di ko siya matulungan. ayaw niyang nagoopen sakin.

hindi ko maramdaman na mahal pa niya ako. minsan nakikita ko sa messages sa fb kausap pinsan niya,na gusto niya makameet ng ibang girls. tapos confront ko siya sabi niya naman wala lang yun. joke lang raw. minsan sa harap ko may flirt siyang girl pero sabi niya jinojoke niya lang daw. nasasaktan ako, sinasabi ko sakanya yun na naiinsecure ako pero sabi niya kung nanloloko raw siya bakit niya gagawin sa harap ko. dahil nga may history ng cheating kaya kahit may asawa't anak naiinsecure ako. :( sobrang nadedepress talaga ako ngayon.

kaya nasabi ng mom ko na wala akong future sakanya. this year nag-umpisa ako mag-chemotherapy pero ni isang beses di man lang nagoffer na samahan ako. kaya nasabi yun ng mom ko.

feeling ko dahil narin sa sakit ko kaya nagsstay pa siya sakin. pero kung ayaw na niya talaga willing akong ilet go na siya pero lagi niya sinasabi hindi raw siya papayag. pero bakit iba naman ang pinapakita niya sakin. :( parang hinihintay niya na ako nalang ang mang-iwan. para wala siyang excuse. 

Girltalker2

  • Guest

^ Sis, sana gumaling ka na. Parang mahirap din nga ang sakit na pinagdadaanan mo.
Kung hindi ganun ka supportive ang BF ko, mag iisip din ako.  I would not oppose you leaving him kung medyo malabo nga sya.  But the thing is, make sure he loves you too.  Consider that in stayin in the relationship.  Huwag mo lang isipin na mahal mo kasi that's why you are staying. The biggest factor satin mga babae to stay or not stay in a relationship, I believe, should be kung mahal pa tayo ng partners natin.  Kasi at the end of the day, ikaw ang makakaramdam nyan. Kung mahal ka pa - masaya ka, and everything follows. Pero if his love is not enough (puede naman kasi mahal, pero mas mahal pa nya sarili nya), then it is really something to think about.

Matagal din naging kami ng hubby ko. Due to sentimental reasons, at matagal narin kami magkakilala, we decided to get married. Pero syempre wedding preps kami pareho naghanda.  But you see, our marriage did not last long. Nasanay din ako na sya lahat nagd-decide. Mga bata palang kami, sanay nako umasa sa kanya in terms of decision making.  I guess at some point, we outgrew each other.  Pero hindi sya nagsh-share. Parang sayo, inaako nya kung may problem sya. So hindi ko alam anong nangyayari. Hanggang nagkaron din sya ng sarili nyang mundo. He has changed a lot after kami kinasal vs from the time we were BF/GF.  Hindi na sya yung kilala kong maalagain. Kasi may iba na pala syang babae.  Pero nung nalaman ko, ganun din, ayaw ako iwan. So yun yung hindi ko maintindihan.  Anyway, nagsawa din ako and had to find my own happiness.  And I did find it!   :D

Pero syempre iba iba parin tayo ng kapalaran.  Mainam talaga you make your own decisions for yourself din.  Kasi di naman sya yung hindi masaya, ikaw.  Oo, we may need someone/a partner para mas maging makubuluhan ang buhay, pero tingin ko mas importante ang maging masaya.  Kahit wala tayong partners or meron.  Yun ang mas importante kesa being with someone na hindi naman tayo masaya.

 

 




langley

  • Guest
^
sinasabi niya lang kasi na magpapakasal kami. pero hindi niya sinasabing magprepare na ako ng kaylangan. alam mo yung words lang? sabi lang siya ng sabi pero paano ako maguumpisa mag prepare eh ni wala siyang binibigay na signal? lagi niya sinasabi malayo pa naman eh para sakin malapit na yun at dapat inaayos ang mga bagay hindi basta magpapakasal lang. sa totoo lang bf ko kasi hindi siya nakakapag decide ng wala nanay niya. kahit ano pang isuggest ko hindi siya nakikinig sakin. di siya makapagdecide din ng sarili niya. lahat kaylangan niyang iconsult pero sakin di siya nagsasabi.

Kung ako sa'yo ms. SweetieNela paniwalaan mo na lang 'yun sinabi ng boyfriend mo na magpapakasal kayo. Let him initiate. Hayaan mo na siya dumiskarte. Lalake 'yan eh, ayaw niyan ng pinangungunahan. Kasi kung ngayon pa lang pangungunahan mo na siya what more kung kasal na kayo? Eh di lagi ikaw masusunod? Nako ayaw ng mga lalaki niyan. Kaya don't fret. Hayaan mo na siya mismo dumiskarte paano maayos kasal niyo. At wag mo siya kukulitin. Wag mo isipin na wala lang sa kanya yan. Nag-iisip din yang boyfriend mo. Ngayon ang dapat mo gawin kung kayo pa, eh be a sweet girl friend. Maalaga, maasikaso, masayahin. Ngayon palang praktisin mo na kung paano maging mabuting maybahay.  :)

^
sa relation namin siya kasi lagi nasusunod at siya nagdedesisyon ng bagay, kaya ako ang naghihintay ng go signal niya. pero lagi niya sinasabi wag magmadali pero next year raw balak niya. sa totoo lang naguguluhan ako. kasi siya yung tipong ayaw niyang pakelaman ko yung problema niya. kaya pag may problema siya hindi ko alam kasi ayaw niyang sabihin. tama ka. kulang kami sa communication. di kasi siya yung palasalitang tao. eh hindi ko malaman yung nasa loob niya kung di niya sasabihin sakin.

mas mabuti nga na siya ang nasusunod eh kasi siya ang lalake. Ang pangit naman kung under mo siya di ba? Tayong mga babae natural satin ang maging submissive. Ngayon wag mo pilitin mag-open up sa'yo ang boyfriend mo. Lalo mong pipilitin lalong hindi magoopen-up yan. Ang gawin mo be pleasant around him. Just say, "feeling ko may problema ka kung gusto mo mag-open up dito lang ako ha" with matching smile tapos ipagluto mo ng gusto niyang food. Natural sa mga lalaki ang di masalita.


^
hindi ko maramdaman na mahal pa niya ako. minsan nakikita ko sa messages sa fb kausap pinsan niya,na gusto niya makameet ng ibang girls. tapos confront ko siya sabi niya naman wala lang yun. joke lang raw. minsan sa harap ko may flirt siyang girl pero sabi niya jinojoke niya lang daw. nasasaktan ako, sinasabi ko sakanya yun na naiinsecure ako pero sabi niya kung nanloloko raw siya bakit niya gagawin sa harap ko. dahil nga may history ng cheating kaya kahit may asawa't anak naiinsecure ako. :( sobrang nadedepress talaga ako ngayon.

ano ba gusto mo gawin ng boyfriend mo para maramdaman mo ulit na mahal ka niya? Ilang years na nga kayo ulit? 7 years? Ang tagal niyo na pala para na siguro kayo mag-asawa kulang na lang kasal. Ngayon kung ganyan na kayo katagal expect mo na talaga na ang lalaki medyo komportable na sa'yo. Kasi ikakasal na nga kayo next year eh kelangan pa ba ng sweet nothings?
About naman sa FB flirtings na nakita mo? sabi ng boyfie mo wala lang yun. Baka wala naman talaga para sa kanya. Ngayon kailangan mo bawasan ang pagiging insecure mo. Ayaw ng mga lalaki ng babaeng insecure. Mahirap yan pag mag-asawa na kayo at insecure ka eh baka mangaliwa ng tuluyan partner mo.

Ngayon kung hindi mababawasan ang insecurity mo, kung yun past eh naaalala mo pa din wag ka na magpakasal sa boyfriend mo.

Ngayon kung gusto mo makasal kayo eh work on yourself. Kasi sarili mo lang mababago mo.

SweetieNela

  • Guest
2009 simula magkasakit ako at hanggang ngayon nagsusuffer parin ako. nagsimula siya magloko nung nagsimula rin akong magkasakit. Actually ilang beses na siya nagloko sa text at fb. pero mas pinakagrabe yung may nangyari dun sa huli. napapatawad ko siya palagi. nung una nakikitaan ko pa siya mag-effort na bisitahin ako. gaya ng sabi ko halos long distance kami dahil nga nasa province part ako. pero patagal ng patagal yung sakit ko napapansin kong nagbabago narin siya. hindi na siya gumagawa ng effort para makita ako. ako yung may sakit pero para magkita kami ako yung gumagawa ng effort pumupunta sakanila kahit ayaw akong paalisin ng parents ko sa bahay na ako lang mag-isa kasi delikado magbyahe.  pero hindi niya nakikita yung effort ko. pero siya nakikita ko sa facebook na lumalabas kasama ng friends niya lately tapos sinasabi niya sakin na wala siya time pumunta sakin and now naka schedule ako for major operation sa intestine sinasabi  niya busy siya kaya di niya ko mapuntahan.  2 days na siyang hindi nagtetext o tumatawag. hindi madali yung pinagdadaanan ko pero sumasabay pa siya. imbes na supportahan niya ko parang iniiwan niya ko sa ere, dun ko nararamdaman kung bakit di na niya ko mahal. kasi konting effort lang naman ang gusto ko pero di niya magawa yun. kagabi nga nakausap ko mom ko bigla niyang tinanong kung tuloy pa kasal namin. sabi ko di ko na alam. sabi ng mom ko nararamdaman naman daw niyang walang effort na ginagawa si boyfie matagal na raw niyang sinasabi sakin pero di rin ako nakikinig sakanya na humiwalay na ako. kasi nga nakakadagdag lang raw sa stress na dalahin ko. pero parang ako parin yung talo kasi mahal ko nga siya, pag nakikipaghiwalay ako hindi siya pumapayag pero gaya ng sabi ko girls iba talaga yung pinapakita niya sa sinasabi niya. kaya sobrang gulong gulo na ako ngayon.  :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close