hello GirlTalkers, gusto ko lang ishare yung sakin.
what did you do after you discovered that he cheated on you and what did you do to move on?
-umiyak, nagtanong sa sarili ko kung anong kulang, nagtanong sakanya kung may nagawa ba ako at bakit nagawa niya yun.
nagpatawad muli para makamove-on sa nangyari.
Is your relationship still ok? Are you still together?
-we're still together. pero.. biglang nagkakamalamigan kami nitong huli. don't know why. hindi naman dahil sa nangyari siguro before na cheating kundi dahil sa ibang bagay.
Do you still feel the pain of what happened?
-hindi na, siguro minsan napapaisip ako. pero hindi ko na iniiyakan katulad ng dati.
Do you still trust him after that? what did you do to bring the trust back?
-i trust him kasi nakita kong nagbago siya sakin. nung nakita ko yung pagbabago niya bigla ko nalang nalaman sa sarili kong pinagkakatiwalaan ko na ulit siya.
do you still feel that maybe he is still with someone else or still with the old sl*t that broke your trust and faith in him?
-hindi na, kasi na-trashtalk ko yung girl gamit yung phone ni fiance e tapos paniwalang paniwala yung girl na si fiance yun kaya sobrang nagalit don yung girl at may bf na si girl ngayon kaya nakampante akong wala na sila.
heto yung kwento ko, tagal ko narin hindi nakapunta sa site na ito. ngayon nalang ulit na may ganito akong nararamdaman.
mag-7 years na kami ni boyfie this year. planning to get married next year. we're classmates since gradeschool, almost 9 years kami magkasama sa loob ng classroom. and then nagkita kami sa abroad at dun nabuo yung love story namin. sobrang dami na-amazed sa love story namin kasi di ineexpect ng barkada namin. iisa lang barkada namin. i used to be one of the boys dahil may pagka-tomboy ako. dahil sa nagiisang babae sa magkakaptid at daddy's girl pa, lumaki akong lalaki ang asal ko.
sabi nila small world at naging kami pa. sa totoo lang lahat ineexpect na kami na ang magkakatuluyan. sobrang natutuwa yung classmates namin nung highschool even teachers kasi sinong mag-aakala na ang campus crush ay napunta lamang sa isang tibong katulad ko. hindi sa pag mamayabang sabi ng friends ko hiyang ako kay fiance kasi sobrang nag-transform raw ako into a beautiful swan. simula ng naging kami natuto ako mag make-up at magpapayat. sobrang taba ko kasi nun na minsan napagkakamalan akong may apat ng anak dahil sa katabaan ko. pero paulit ulit akong naiinlove kay boyfie kasi nagustuhan niya ako na ganon ang itsura ko, in short di siya sa labas na anyo tumingin.
5 years ago , may nangyari. nagkaron ako ng sakit. butas sa bituka. feeling ko mamamatay na ako. lagi niya akong dinadalaw sa bahay namin, nakatira kasi ako sa province sa abroad at siya sa center. 2 hours drive para makarating. liblib pa kaya walang bus. lagi siyang naka-taxi. na-appreciate ko lahat ng paghihirap niya,after work direcho siya sakin. minsan pa na 3 months ako na-hospitalized at dun niya ako pinupuntahan. kahit hindi na siya tumulog bantayan lang ako then pasok sa work after bumisita sakin.
naramdaman ko nung time na yun na mahal na mahal niya ko, naramdaman ko narin ang pagka dismaya ng pamilya niya sakin. simula nung nagkasakit ako, nanlamig na sila sakin. feeling ko biglang ayaw na nila sakin, kasi habang buhay na ang sakit ko at iniisip nila na kung ako ang makakatuluyan ng anak nila ay siya lang ang magta-trabaho at ako ay na-diagnose ng sakit na pang habang buhay. kumbaga disabled na ang tawag sa may mga sakit katulad ko.
naalala ko noon, laging nagaaway ang bf ko at nanay niya. sabi ni bf ko dahil raw sa sweldo niya. may nakarating saking balita na feeling ng nanay ni bf sakin napupunta lahat ng sweldo. pampagamot ko, ginagastusan raw ako ni bf, binili raw ako ng laptop. ako naman, confront ko si bf na bakit ganon ang naririnig ko. pero nagdedeny siya. alam ko ako pinag aawayan nila. samantalang gobyerno ang nagpapagamot sakin dito sa abroad. at nanay ko ang gumagastos sa lahat ng kaylangan ko. nasasaktan ako sa nangyayari. alam ko pinaglalaban ako ni bf sa nanay niya.
2 years ago, may nangyari nanaman, biglang nag-iba si boyfie sakin. nanlamig. tapos biglang umiinom , nagyoyosi. samantalang wala siyang bisyo at hate niya ang amoy ng sigarilyo. ako nagtrabaho as part timer malapit sa bahay nila. napapansin ko siya na walang tulog, laging amoy alak, amoy sigarilyo. tinatanong ko siya kung may problema ba? pero lagi niyang sinasabing wag ko alalahain. wag ko raw problemahin. pero nag-aalala na ako. nalaman ko sa kapatid niya na mag kaaway nanaman sila ng nanay niya. to the point na nagrerebelde na si boyfie at gusto naraw nya humiwalay ng bahay.
naiisip ko ako nanaman ba ang dahilan? pera nanaman ba? nalulungkot ako. pero nararamdaman ko naman na mahal niya ako gusto nya palagi ako nakikita. then.. dun ako natulog sa bahay nila, then yung parents niya nag-vacation sa pinas noon. biglang may napansin akong book ng spanish, sabi ko "nag-aaral ka?" sabi niya "oo, parang masaya kasi matuto ng spanish"
nung una deadma ako.
pero patagal ng patagal. lumalamig na siya sakin. may nararamdaman na akong kakaiba. madaling araw na siya uuwi palagi. lagi walang tulog, lasing, amoy yosi. ayaw niya ng ginagawa niya alam ko. pero dahil gusto niyang ipakitang nagrerebelde siya ginagawa niya yun.
biglang may nakita ako isang beses ng resibo sa isang restaurant, nakita ko date and time. napaisip ako. time ng work niya yun paano siya makakapunta restaurant? pero nagtataka ako kasi kanyang name, at nakalagay 2 tao., inisip ko kapatid niya pero malayo ang work ng kapatid niya hindi siya makakauwi ng ganoong oras.
biglang kinutuban ako ng malakas simula non. nagcheck na ako ng messages sa fone niya at tawag. laging burado. kinakabahan na ako. then may nakita ako sa notes na spanish, pero dinedma ko biglang kinausap ko kapatid niya, madaling araw parin raw siya umuuwi. may nakikita raw resibo na madaling araw ay kumakain pa sa labas. tapos nakalagay sa resibo "2 coffee" sabi ko sa kapatid niya may nararamdaman ako, sabi niya siya rin. na may babae ang kapatid niya. gusto niya raw hulihin.
ako, alam ko meron nang nangyayari pero di parin ako naniniwala kasi mahal na mahal ko siya.dinedeny ko sa sarili ko na meron. pero biglang isang araw nilalagnat ako habang nagwowork. dapat uuwi na ako samin. pero parang biglang may nag-udyok sakin na maghintay sa tapat ng work ko. nakita ko si bf na umalis. tapos hinabol ko siya. tapos sabi niya may pupuntahan siyang binayagan. then sabi niya isabay na niya ako sa sakayan para makauwi na ako, nilalagnat kasi ako nung time na yun. then biglang naisipan kong sumama. nagagalit siya may lagnat na nga ako e sasama pa ako ng binayagan, pero sabi ko sasama ako. nagalit siya at tinigil niya yung kotse. may tumatawag pero di niya sinasagot. lalaki yung name sa celfone. bumaba siya ng kotse para magpahangin dahil nababadtrip siya gusto na nya ako pauwiin at ayaw kong bumaba ng kotse. naiwan niya celfone at kinuha ko
[textspeak!] number nung tumatawag, pero di ko sinagot. bumalik siya ng kotse pag ka tapos pinaamin ko siya kung may babae ba siya. wala raw. hanggang sa nagkasagutan na kami pero deny parin siya. umuwi kami ng bahay nila at nagkaayos din. hindi ko kasi siya matiis.
sabi ko sakanya kung may babae siya, aminin na niya dahil handa na ako at di ako magagalit kung aaminin niya sa oras na yun. sabi niya paano kung meron nga? sabi ko tatanggapin ulit kita kung ako ang pipiliin mo. sabi niya. hindi ko magagawa sayo yun. so naging panatag ako dahil sobrang pagtitiwala ko sakanya.
makalipas ilang araw, iba parin pakiramdam ko. dun ako nakitulog sakanila, biglang nangangati akong buksan yung computer niya, alam mo yung ang lakas ng feeling na may bumubulong sakin ng dapat kong gawin. pag ka bukas ng computer niya may isang folder sa desktop. bumungad ang buong album ng babae. nasaktan ako, kasi alam kong yun na yun. wala man silang pictures together pero dun sa picture nakita ko na nakahiga yung girl sa bag ng bf ko. alam kong kay bf yun kasi regalo ko yun sakanya. sobrang nasaktan ako. nagwala ako. umiiyak ako.tinawagan ko yung number na tumatawag noon kay bf at babae ang sumagot, binaba ko at tinawagan ko bf ko na napakawalanghiya niya. ginawa ko naman lahat binigay ko lahat pero paano niya nagawa yun. nasa trabaho siya bigla siyang umuwi. sorry siya ng sorry at umiiyak. kinuha niya yung laptop binura nya pictures then sorry siya ng sorry. ako iyak lang ng iyak. sobrang sakit. tinanong ko siya kung bakit. kasi nagrerebelde raw siya at gusto na niyang babuyin sarili niya. nalaman ko na may asawa't anak yung girl at may nangyayari sakanila. lagi niya hinahatid sa madaling araw. pinupuntahan siya sa bahay at kumakain sila sa labas. nung time na gusto ko sumama sa binyagan dapat susunduin niya raw at galit na galit sakanya dahil hindi siya sumipot. inamin niya sakin lahat. as in lahat lahat. sobrang sakit. nalaman ko na hindi pinay yung girl kundi spanish. kaya pala siya may libro para matuto magsalita. napakasakit kasi feeling ko mahal niya yung babae para gawin niya ang lahat ng bagay na yun. umuwi ako sa probinsya after namin mag-away.
pagkatapos ng nangyaring yun, 1 month di ako nagparamdam sakanya. araw araw siya tumatawag, nagtetext. pati sa magulang at mga kapatid ko pero hindi ko siya sinasagot. at bilin ko sa pamilya ko na wag rereplyan. ang alam nila nagkatampuhan lang kami. wala akong sinabihan na kahit sino sa pamilya ko, yung bestfriend ko sa pinas di ko rin nasabihan dahil busy sya sa work at buntis ayokong ma-stress siya kaya inangkin ko lahat at dahil ayoko rin masira image niya sa pamilya ko. so talagang sinarili ko nalang.
alam mo yung sobrang sama ng loob ko. feeling ko wala na akong kwenta. may sakit ako tapos niloko pa ako ng nag-iisang kakampi ko na lumaban sa buhay ko tapos malalaman ko yung panloloko niya.
after a month kinakausap ako ng tatay niya. tinatawagan ako. mga tito niya. na hindi naraw kumakain si bf. laging umiiyak. nagsisisi raw sa nagawa niya na nasaktan ako. yung mga kaibigan niya lagi ako kinakausap na mahal na mahal raw ako kasi wala raw bukang bibig kundi ako. gusto niyang bumalik ako sakanya.
tapos biglang nagkita kami sa isang event. nagsorry siya. umiyak sa harapan ko. tapos nainis ako sa sarili ko kasi biglang umoo nalang ako at pinatawad ko siya agad agad. bumalik lahat sa dati.ganon ata talaga pag mahal mo. pero may kundisyon. magbabago siya ng number sa lahat at tatapusin niya lahat. sabi niya simula nung nalaman ko. tinapos naraw niya. kapal ng muka nung girl nagmemessage pa siya sa fb na niregaluhan raw siya ng kwintas at mahal na mahal raw siya.reply ko sakanya "iyo na kung sasama" pero ako parin pinili so sorry siya.
dun ko napamuka sa pamilya ni bf na hindi ako ginagastusan ni bf ko at di sakin napupunta ang pera, naging okay kami ng pamilya niya after ko siya tanggapin ulit.
2 taon narin nakalipas. masaya na kami. sobrang naging okay lahat. as in sobrang nagbago. naging mas maasikaso siya sakin. as in wala na akong hihilingin pa, kinalimutan ko lahat binuo ko ulit trust ko sakanya. kahit na pinapakita niya fone niya hindi ko na tinitignan kasi nga buo na ulit ang tiwala ko. feeling ko na tama ang naging desisyon ko na maging kami ulit.
pero heto na ang nangyari. umuwi kami ng pinas. nagkasama kami sa isang bubong for about 3 months. minsan nagkaaway kami. tapos nung bumalik kami abroad. parang nanlalamig na kami sa isa't isa.
we're planning to get married next year, pero bakit ganon. wala naman siya ginagawa for preparations. sabi niya nasabi niya na sa parents niya pero alam ko kasi pinagpplanuhan yun hindi basta basta gusto mo magpakasal e pakasal na. parang gusto magpakasal pero walang kaplano plano? biglang nanlamig ako. parang nawalan ako ng gana sakanya. parang ang gusto pa mangyari nung family niya kami pa mag-ayos para kami gagastos ? hello? babae ako at lalaki anak nila. di ko naman sinabi na dapat parati lalaki gagastos sa kasal. pero nasan hustisya don, alam nilang wala ako work then anak nila ang nagpplano na magpakasal kami next year. parang ako hindi pa ako handa. tapos gusto pa nila kami mag-aayos. so parang itong nanay ko sinasabi sakin wala akong future sa fiance ko. ako napapaisip ako. tama pa ba itong nangyayari? sobrang lamig na namin sa ngayon. hindi ko alam kung bakit, hindi nauungkat sakin yung dating nangyari. pero bigla kong nararamdaman na hindi siya ang makakasama ko habang buhay.
pasensya mahaba masyado ang nobela ko. at out of topic narin ang tanong ko.
sa 19 years naming magkakilala magkasama, at sa 7 taon na naging kami at maraming napagdaanang problema sa tingin niyo ba, tama ang iniisip kong maghiwalay nalang kami? para kasing nafefeel ko na gusto pa niya mag-enjoy sa pagkabinata. kasi di niya nagawa yun nung highschool. parang nafefeel ko na nanghihinayang na lang siya sa pinagsamahan namin at napipilitan nalang siya sakin kasi naawa siya sa kalagayan ko. at iniisip narin niya ang sasabihin ng ibang tao. ng mga kamag-anak namin. at pamilya namin. dahil sobrang boto na buong angkan ko sa kanya. pero parang nararamdaman ko hindi na healthy relationship namin. although parang halos asawa na turing niya sakin pero sa pakiramdam ko parang may mali parin.

may malaking mali sa pagitan namin at hindi ko malaman kung ano yun at kung anong dapat kong gawin. hindi na kami bata, at tumatanda narin. hanggang ngayon wala parin kami desisyon para sa next year. hindi ako nagmamadali, pero siyempre kung aayain na niya ako gusto ko handa ako. ayoko mag expect masyado tapos biglang wala palang kasal na mangyayari. parang gusto ko muna maghiwalay muna kami para malaman namin kung kami ba talaga sa isa't isa? tama ba itong magiging desisyon ko? o gagawa lang ako ng malaking gap sa pagitan namin pag ginawa ko ito?
thank you sa pagbabasa.