watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158992 times)

Saint_Sinner

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #280 on: August 31, 2012, 12:32:19 pm »
@ sis akireyhoj

tomo! sa halip na ang saya mo at ang gaan sa loob na magbigay, nawawalan kapa tuloy ng gana. kung makapag parinig wagas din.

parang nung minsan lang, nagpaparinig mama ko, gusto daw nya ng shoes, since it's her birthday pinagbigyan ko kahit gipit ako. tapos kanina lang parinig na naman sya ng sapatos. eh 5 days ago palang nung binigay ko gift ko sa kanya eh. haaay...

dahil nagwowork na tayo kala nila ang bilis at dire-diretso lang pasok ng pera sa atin, ang hindi nila alam sa trabaho tinitiis natin yung pag nagkakamali ka at sinesermonan ka ng boss mo magka-pera ka lang.

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #281 on: August 31, 2012, 12:36:35 pm »
^nagagalit na nga bf ko eh, tulad last time nag away kami ng mom ko, sinumbatan ako na parang ang dating wala akong natutulong sa kanila. ako na nagbabayad ng bills namin, grocery namin minumura pa ako ha! tapos sabi hindi na daw hihingi sakin ng pera kasi baka utang na loob pa nila.

akin lang naman, matututo sila magtipid, eh nakakasama ng loob pinagtataguan ako ng pera para magbigay pa din ako may sarili din naman akong buhay. tapos kahapon nagtext nahiram ng pera pinahiram ko naman. di ko din naman kasi matitiis eh pero nung nag away kami iyak talaga ko sa sama ng loob. lahat pala ng naitulong ko 4 years ago, hindi nila nakikita. ayun pati daddy ko masama loob sakin tingin ata nya madamot ako.

iamoptimistic

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #282 on: August 31, 2012, 01:13:51 pm »
aww! nakakarelate ako.. im into this situation din.. but 2nd to the youngest lang ako, of 6 siblings. Pero baket ako ang bread and butter? even my nieces and nephews ako pa din. Funny, my siblings even requested me not to get married yet or marry but dapat daw mayaman o kaya foreign guy nalang daw? haler???!!! never that it cross my sane mind to use other person para yumaman. Kaloka lang! Extended pa kasi mga tiyahin and pinsan ko sa ken din takbo... Good Gad napapa-olala! nalang ako.. my greatest problem kasi its hard for me to say NO. Hindi ako nagrereklamo sa kanila. Sinasarili ko lang, but most of the times feeling ko i'll explode na. haysss... life!

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #283 on: August 31, 2012, 01:32:31 pm »
^omg!same tayo sis. i cant say NO! parangap ko kasi talaga maiahon parents ko sa hirap. ako lang kasi nakakaangat samin since youngest ako tapos ako lang yung may magandang buhay (maaga nag asawa sisters ko) kaso nawala lahat ng pangarap ko nung nakita ko na ako lang pala may gusto na iangat buhay nila. ang hirap pala mag isa ka lang. di ko talaga kaya. ngayon iniisip ko na sarili ko. tama na yung 4 yrs ako nagpauto sa kanila.

iamoptimistic

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #284 on: August 31, 2012, 01:38:43 pm »
may limitation nga siguro lahat... but di pa naman ako umaabot sa point na yon, maybe on your case ika nga nila ''napuno na ang salop'' you have reached your maximum tolerance kumbaga. Time na nga siguro for yourself to look after your own good, but wag mo naman totally i-abandon fam mo kasi kablood line mo pa rin sila. At the end of the day family mo pa rin sila. And its better to give pa rin iba yong feeling of fulfillment.  :D

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #285 on: August 31, 2012, 01:59:15 pm »
^yes sis. ayoko lang kasi yung may binibigay ka na nga nakakarinig ka pa ng masama. mas ok na wag nalang magbigay no haha! tsaka ayoko din kasi yung hinihingan ako. hindi naman ako madamot may kusa ako pero wag naman akong pangunahan. di ko kasi ugaling humingi sa iba kaya ayoko nung hihingan ako. nakakainis nga kahit ayoko magdamdam kasi pera lang yan eh, kaso tao din naman ako may puso

iamoptimistic

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #286 on: August 31, 2012, 02:07:59 pm »
KORAK!!! gets na gets ko yan.. LOL

ako naman more than willing kapag mga pamangkin ko na nag-ask.. i can never say no. Like tita, punta tayo sa album launch ni Daniel Padilla (ay naku, my 3 nieces baliw na baliw sa kanya) ok gora tayo! kasi when i am their age, hindi ko naranasan yong mga simple luxury like this. Mahirap lang kasi kami noon. (btw, i am not supah rich now huh? haha!) i love to give. Lalo na when it comes to schooling.

anyways, don't worry maraming blessings na darating sayo.. good person ka eh.  ;D

mhy_pie03

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #287 on: August 31, 2012, 02:09:43 pm »
I'm the eldest and the breadwinner. I'm in a similar predicament. I try to balance it. I just don't want later on to be bitter or resent my family for helping them more than helping myself earn my own money, and have my own life, and fulfill my own dreams, until it's too late.

I never tell them how much my income is, to avoid being trapped/blackmailed or taken advantage. How much I help, or give financially should always be up to me. The earner should decide and have a say in the house. I lost my job and didn't work for 2-3 months, actually ayoko pa rin nga sana mag work, just to see if they can survive naman, and so far parang kaya naman, may nailalabas naman silang sariling pera nila for the house expenses.

kasi pag me pera na ako ayun, lahat ng gastos reimbursible to me. even when it's their own personal things they bought, so I try my best to be strict. since I pay all expenses, I usually stick with the necessities, like for groceries for meals lang wala ng junkfoods. dati na-afford ko pa to treat them out on weekends, kaso magastos na rin kaya bihira na, like for movies or out-of-town trips parang ako palagi ang taya, kaya i prefer to go out w/ friends at least KKB kami.

kasi kung ano lifestyle ko nagiging lifestyle din ng pamilya, and it's unfair, for them to enjoy their lives more than me when it's at my expense. As the panganay dumaan ako sa lahat ng hirap, from studies to working, kaso younger siblings, lumalaki nlng sa luho. Problem ko pa minsan nagkaka-inggitan. If I buy clothes for one, I have to buy for all, kaya natuto na rin ako mag-ukay-ukay.

Mind you, it doesn't stop sa pag-papa-aral ng siblings yan. Since they learned to depend, they suddenly get married w/o being financially stable, soon you'll find yourself, sending your nieces/nephews to school na rin.

Ok lang sana if I'm male, but at my age, feeling ko maging old maid nako nito. I just want to buy my own place, my own car, and live independently. At least when I get old, I know di ako maging pabigat sa family ko, wala rin naman akong ma-aasahan sa kanila ngayon, at lalo na siguro in the future.

(similar to @mhy_pie03 bf, and @xxmiakaxx)

@mhy_pie03, don't delay your dreams, problems will always be there, you might regret it someday when it's too late, just plan and work it out. ako nga eh, even though i'm single, meron naman akong natabi enough for a big expense (like a wedding, downpayment for a car or condo) so that when the time comes, money won't be an issue. i'm trying to plan everyone's financial well-being to free myself from future obligations.

May plano na ako para sa sarili. Pero if it's about wedding and having family on my own, dapat lalaki ang gumawa kasi una matatapakan ko ego niya, pangalawa mamimihasa at ako na maging provider instead of him, pangatlo siya ang head of the family. Marami akong financial portfolios like stocks, internet marketing, multi-level, VULs tas balak ko ring magtayo ng mga paupahan, sariling condo ko at kotse pero para sa akin. Kung magkatuluyan kami pwede naman sa condo ko pero go with the flow lang ako. Mahirap kasi magplano ng may iba siyang binubuhay dahil hindi rin mamimimeet ang expectations ko dahil malaki ang agwat ng sweldo namin. Kung ready na siya dapat ako lang at magiging anak ko ang priority. He can help IF AND ONLY may emergency expenditures ang family niya otherwise hindi na yata tama na hihingi parin sila. Kaya nga sa bibliya diba kapag nagasawa ka dapat humiwalay ka kasi it shows na you are ready to do things on your own together with your spouse. Naranasan ko kasi na hindi kami ang priority ng daddy. Well fed and dressed kami pero buong sahod talaga ng daddy ko napupunta sa mga kapatid niyang forever nang umaasa sa kanya meaning hanggang ngayon.
« Last Edit: August 31, 2012, 02:11:24 pm by mhy_pie03 »

Saint_Sinner

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #288 on: August 31, 2012, 03:07:44 pm »
@ akireyhoj

sobra naman mga pinagdadaanan natin sis, even ibang sissies natin.

ako naman nag aaral pa yung 3 kapatid ko, all guys. yung pang 3rd namin gusto daw nya maging doctor sa amin at todo parinig parents ko about it. tapos sabi ko sa knila, sa kakarampot kong sweldo napaka imposibleng mapag aral ko sya, to think na baka milyon pa abutin sa tuition at allowance.

sometimes, parents need to realize yung mga ginagawa nila sa atin, at hindi por que sumasagot tayo eh lumalaban na or masama na tayong anak. minsan kasi nakakasakal na, sobra na.

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #289 on: August 31, 2012, 03:21:44 pm »
^tama ka dyan sis minsan kasi ayaw nila aminin na mali sila.

actually saludo ako sa father ng bf ko. 4 sila magkakapatid, si bf ko 2nd child and sya pa lang nakapag tapos college yung sumunod sa kanya HS yung youngest. ayaw ng dad nya na tulungan sya sa pagpapaaral ng mga kapatid nya katwiran nya magulang sya eh. bilib ako don, hes working sa isang NGO. pero lahat sila BF nag elem at hs sa private school na nasa 40k pataas tuition. si bf sa college public pero grad sya yung sumunod sa kanya private school ng college pero pasaway! hanga ako kasi tama sya eh responsibilidad ng magulang yun at admitted sya hindi sila mayaman yun lang daw mapapamana nya education.

sa case ko gusto nila ako sumagot sa pag aaral ng pamangkin ko. nag aaral palang ako ng college yan sinasabi nila sa pamangkin ko ako daw magpapaaral. hindi pa ko sumasagot non never ako umoo. pero nito pag nababanggit nila lagi ko sinasabi, aba bat ko pag aaralin yan? anak ko ba yan? gagawa gawa sila ng anak di kayang pag aralin. tsaka yung ipang aaral ko don sa anak ko nalang iipunin no. sabi ko nga di ako madamot kung may EXTRA kong pera bakit hindi pag aaralin ko sya kaso wala naman akong ganon pera.

Saint_Sinner

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #290 on: August 31, 2012, 07:20:03 pm »
^ nakakainggit naman yung may ganyang parents, how i wish ganyan din ka open minded parents ko. o kahit nga half man lang. hehe


tama naman dad ng bf mo eh, sila yung parents, responsibility nila yun sa atin.


for sure ang ganda ng pagpapalaki ng dad ng bf mo sa kanila.

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #291 on: August 31, 2012, 09:10:16 pm »
^maganda impact kay bf sis. Baligtad nga mas matino sila ng kapatid nyang lalaki kesa don sa mga babae.pag nakagrad na bunso nila magreretire na dad nila. Tsaka yun prangka sinabi nya hindi nya kayang pag aralin yung apo nya (anak ng eldest nya)

YanYanYanYanYan

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #292 on: September 08, 2012, 05:10:56 pm »
Panganay is always the sumbungan and lapitan ng bayan!  ;D

BB84

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #293 on: September 09, 2012, 11:38:15 am »
Yung jowa ko sis grabeh trato sa kanya ng family niya parang ginawa siya para pakainin lang sila, Nagstart nung highschool palang siya iniwan sila ng tatay nila for 3months and kahit may work yung kuya niya di sila tinutulungan so siya yung dumideskarte para makahanap ng food it goes on and on, whats worse is her sister got pregnant nag prduce siya ng 3 babies with 3 different father ,so dagdag palamunin nanaman hays sakit sa ulo ng role niya sa family niya' .. until mag retire yung mom nia (kahit my work mom niya kulang parin sineweldo) her mom gave her 100 thou for her future kuno and reward for everything she had done for them, pero her siblings got equal amount din kahit wala manlang silang naging hirap tulad ni jowa all those years whats sad pa is yung tatay na umiwan sa kanila at di naman sila pinapakain e got half of the retirement money and guess what naubos un within a month lang, then her mom still have the half , naubos din un in a matter of 2 months ganun sila kawalang utak gumamit ng pera, when everything has gone they turned to my jowa para bawiin yung binigay nila, inaway away siya basta lahat ng masasakit inabot niya' masama din ugali ng mom niya sabihin  ba naman galing sa kanya yun at kanya naman daw yun, e hello diba bigay mo yan? at para sa future manlang ng anak mo grabeh, so wala nagawa si jowa she gave more or less 50k of it.  then naubos nanaman nila,  wala silang kahit piso ngayon natuutlog sila sa kalye mother, father, 2 pamangkin ang kaptid niya, kasi ayaw sila tanggapin ng kuya nia, pero my jowa has her own place naman un nga lang its just for her lang. and ngaun back to zero sila, si jowa nanaman nagpapakain sa kanila, bakit ganun hindi matapos tapos naaawa nako kay jowa, and minsan apektado yung relationship namin dahil sa familya niyang sobrang palaasa!! nakakagigil na.

FayeP

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #294 on: September 09, 2012, 12:08:39 pm »
ako ang eldest samin at ako ang breadwinner since nagstart ako magwork at the age of 21, 28 going to 29 na ako at may sarili na din family with 1 kid...

di naman sinabi ng nanay ko na akuin ko lahat pero wala naman kasing ibang gagawa eh, so kesa maging out of school youth ang mga kapatid ko eh di ako nagpa aral sa kanila...

kaya ngayon, pangako ko sa sarili ko, hinding hindi ko oobligahin un anak ko na suportahan kami ng papa nya pag laki nya (or pag aralin ang mga kapatid nya if ever magkaron cya ng kapatid)...

kasi ayoko danasin ng anak ko un hirap....na dapat maenjoy nya un buhay nya ng di kami inaalala...

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #295 on: September 10, 2012, 01:31:01 am »
^sometimes, I wish that I had left the house since I started working so I wouldn't be their slave.
Mid-30's no car, no own place, no own family, tinitipid ko pa sarili ko nakikita nila yun,
pero sila hindi nagtitipid ng lifestyles nila.

buti lang my lola left us a house, kahit walang pera, di naman sila matutulog sa kalye.
pero daily expenses like food, and monthly expenses like all bills, and annual house tax and
semestral tuition ng kapatid ko (na balak pa raw mag masteral meaning he will not work yet and be
a perrenial student), at pati na rin niece/nephew ko support ko kasi kulang
sweldo nila para sa sarili nilang family.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #296 on: September 10, 2012, 01:49:31 am »
@potpotpo @CmomS @akireyhoj @akireyhoj
Wag kayo mag pa emotional black mail... like tampo, or nagpapa-awa sa inyo...

Pag nagger, nagtatalak, naku, hindi ko gusto umuwi, at hindi ako nag iiwan ng pera,
if they cannot respect me, and my financial decisions, then they can't expect as much support.
You have to train them, mahirap kasi they are adults na, and nasanay na sa financial support.

Mahina ako sa arguments, so if anyone (like my dad, aunt, brother, SIL)
keeps asking me money, tatawagin akong madamot, etc and wala talaga sa budget I go on haitus.
I leave early and go home late. Bahala sila. Enough is enough.
Emergencies and necessities I always give kahit nga out of budget, pero I expect
sa other things tipid. Yung kumuha sila ng unnecessary grocery items (like junk food),
iniiwan ko once magbabayad na sa cashier.

And for clothes I bought a lot for my Tita from UKAY para wala na syang excuse magclothes shopping pa (mahal na mga damit sa mall 500-1500/pc), what she does kasi is buy using her credit card and then make me pay kasi sayang daw interest charge if late payment. And when I buy shoes, I don't bring her with me, kasi double gastos, pati sya meron, tapos di nya rin masusuot, kasi either masikip or too high heels, di ko rin mapakinabangan kasi for me maluwag.
Special pa food ng 2 dogs namin, always going to the Vet Doctor, ako nga walang HMO now eh.

I had her credt card cut, and she said what if there's an emergency, and I said wala namang CC dati
and we survived. Kaso ayun, I trained her to use CC, so she got again another CC for herself.
As of now decline nga eh, so di nya rin magamit, bahala sya, wala na sa usapan namin yun.
Sabi ko if kumuha sya ulit, bahala na sya magbayad, besides it's under her name naman.
I don't even know why banks approve her application just because she made a cash deposit in her
bank account. Hayz.

potpotpo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #297 on: September 10, 2012, 05:29:31 pm »
^ sis sana magawa ko...kasi nahihirapan ako dahil malayo nga ako naka-rely lang ako sa anong sinasabi nila, tapos nakokonsensya ko  :( pero hopefully hinde na ko maapektuhan sa susunod :-[

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #298 on: September 10, 2012, 05:55:37 pm »
^me too. kaya gusto ko magsarili. minsan nga gusto ko ipablock sa globe yung number ng nanay ko eh. ahahaha! kasi don nya ko binablock mail. lagi kami nagtatalo pero pag dating sa bahay di din makatiis.

nakakahiya kay bf nung isang araw. kumakain kami sabi ng mom ko pahiram daw ate ko ng 1k ibabalik daw ng wed. sabi ko wala akong pera kasi sasahod palang ako (pero totoo meron wala lang akong cash that time tsaka ayaw ko na lagi na naman sila nanghihiram) nagsalita nanay ko damot ko daw. sya pa galit. tapos kahit 500 daw sabi ko wala. pahiramin ko sya ako mawawalan ng allowance. di naniniwala nanay ko kasi alam nya hindi ako papabayaan ni bf. nahihiya ako kay bf kasi kumakain kami tapos ganon sya.

nung lumabas nanay ko kinausap ako ni bf, sabi nya ano ba naman yan. sya na nanghihiram sya pa galit? tapos para sa kapatid mo yun? kinonsole nalang nya ko.

nakakakonsensya din kasi dba kesa sa iba manghiram kapatid ko, o baka kung ano sabihin ng ibang tao? na ako maluho tapos sila nagkakanda utang utang. pero sabi ni bf, alam nilang magigipit sila bakit hindi sila mag budget? ikaw nga tinitipid mo pera mo eh. well hindi kasi alam ng nanay ko yung salitang BUDGET :(

xtine

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #299 on: September 10, 2012, 06:03:02 pm »
I am the breadwinner but it was because I earn a lot than my siblings and I'm the eldest.  Normally, its not based on who's the eldest but who earns more.   

 

Latest Stories

Load More Stories
Close