watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158993 times)

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #300 on: September 10, 2012, 11:21:27 pm »
@xtine,

Yes, sometimes who earns more. But isn't it unfair? Their lifestyle should depend or be proportionate to how much money they earn for themselves, not how much the unofficial breadwinner (sibling)earns. What if you have your own family na? What if ang breadwinner ang mawalan ng work? they should learn to be independent or at least learn to budget and save.

xtine

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #301 on: September 11, 2012, 12:46:05 pm »
^Hi Agape,

I do agree that the lifestyle should depend or proportionate on the the earnings.  In my case, I let my sisters pay for bills that they can shoulder.  I do not let myself pay for everything because its also moral obligations and taking responsibilities of the other family members.

They can have the liberty of lifestyle that they can afford, as long as they will not forget their responsibilities in paying the other bills.

Me and my sisters are all single.  But even with or without family.  Our sharing of bills depends on the earnings of each other. 

alexii

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #302 on: September 27, 2012, 01:24:36 am »
I'm the eldest as well and yan talaga ang nangyayari s realidad. Bata p lang din ako sobrang yan na yung ipinamulat sakin ng mama ko. Na ako daw ang pag-asa nila at makakatulog sa mga kapatid ko. Ganon din nangyari sakin, sumusweldo ka pero sakanila napupunta lalo na sa mama ko.May natitira pero saktong sakto lang.

Nkakapagod din minsan, so parang gumive up na ako at gusto ko ng mag-asawa (which is mali). Nagdecide kami ng bf ko na magkababy na para makapgsama na kmi. So preggy na ko ngaun. Pero [textspeak!] mama ko pa din [textspeak!] nagdecide para samin magjowa at sa baby ko. After ko daw manganak dapat daw magabroad ako para mkatulong pa din ako sakanila.. Waaaaa  :'( :'(

Ito na talga yata ang kapalaran ng mga PANGANAY.  :'(

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #303 on: September 30, 2012, 07:40:42 am »
Hay ako rin, naisahan ng pamangkin ko. Humingi ng laptop since kelangan daw nya pang research sa homework. Since mataas yung grades nya last year, binigyan naman namin. Eto na po, nag follow up ako sa card at hindi pa sinend sa min. Yun pala 75 sa Math for first grading! Sobrang nagalit ako since ang dahilan is pinag initan daw ng teacher. So sabi ko, how come yung score nya sa games sa Facebook ang tataas?  Grade 5 pa lang, niloloko na yata ako. Ayun, pasensyahan na lang. Instead na 5K yung monthly allowance, ginawa kong 3K. Sabi ko, Im giving him another chance. Sa 2nd grading, pag ang average is lower than 85 wala ng allowance.

Mahal ko lang yung brother ko kaya ko sila tintutulungan pero once hindi nag improve, sorry na lang. Yung pamangkin naman ng husband ko ang suportahan namin.

whitelady17

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #304 on: October 02, 2012, 10:37:15 am »
sis alexii, you always have a choice, choice to stand on your ground and stand by your decisions. Ganyan rin si fiance before, I informed him talaga na hindi habang buhay siya ang mag susupport sa family nila, and that iwanan niya ng business para matuto, ayun as of now maayos naman na sila na nag mamange ng computer shop doon. So si fiance hindi na nag susupport sa kanila financially kasi alam naman nila ikakasal na kami.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #305 on: October 04, 2012, 02:08:20 am »
^gusto ko rin sila big yan ng business, syempre puhunan ko pa rin, kaso Baka ipalugi Lang nila so back to square one. If ever hands on pa rin ako sa business but at least di na manga galling sa fixed salary ko.

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #306 on: October 07, 2012, 12:19:11 pm »
Here's what my friend recently told me > What you put up with, you end up with, ouch!

babypink1109

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #307 on: November 04, 2012, 12:35:14 pm »
I'm a breadwinner too. I started working at the age of 18. Pagkatapos ko ng college, ako na sa lahat. Nakapagpatapos na ako ng isang kapatid; bunso nalang inaantay ko. Last year na next year. 5 years kasi course nya.

Ang nakakalungkot lang, nagkagalit kami nung una kong napagtapos. Nagkaroon kami ng issues sa hatian ng bills sa bahay. Dumating na sa point na ayaw na nya magbigay and she decided to leave the house. Naiwan na naman sakin lahat. Parang walang katapusan. Super nakakapagod na. I'm 30 na and I'm a single mom so nahihirapan ako talaga.

Mga sis, kayo ba may hawak ng money and kayo ba nag bu-budget? Kasi sa amin, nasa mother ko ang money and she only gives me allowance every payday. Pano ko ba sasabihin sa mother ko na ako nalang mag bu-budget? O tiisin ko nalang tutal last year na naman ng bunso at baka pagmulan naman ng tampuhan? Hay.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #308 on: November 04, 2012, 01:58:29 pm »
^Sorry to hear na parang ungrateful yung kapatid mong nakatapos na.
Yung bunso nga na malapit ng grumaduate, humirit pa na mag ma-masteral daw siya, sabi ko mag work na muna sya kasi delayed na sya sa college e ma-de-delay pa sya sa experience (and salary increases na rin) para maka-rest naman ako sa pagpapa-aral na sa kanya.

I guess [textspeak!] kapatid mo natuto, kasi wala talagang katapusan yan. Maganda sana if your burden is shared by ALL your siblings kaso hindi. Hindi mo rin naman talaga hawak ang mga choices and dreams nila sa life. As for your Mom, ikaw din ay mommy na, I don't know lang bakit ganun ang setup ninyo. Do some trial and errors na lang siguro on what will work sa household mo, or wait it out until next year. Kasi for me, parang she doesn't trust you with your own money, especially if wala syang income herself.

Maybe next year you can just give your Mom a Budget that she can budget on, instead of giving her all your money. And also, di ba dapat makuha rin ng Mom mo salaries ng siblings mo para fair? Kumbaga dapat lahat kayong siblings same lifestyle lang, in a sense, same allowances lang binibigay ng Mom mo. Anyways, sana maging better ang situation mo. Baka after grumaduate yung isa e, iwanan din kayo. Siblings kasi tend to compare, bakit sya di nagbibigay (kasi maliit sahod), bakit ako dapat more ang ibigay (like bigger salary kasi), bakit sya mas malaki ang allowance (more expensive lifestyle brought about a certain job situation, call center life magastos sa taxi fares, food 24hrs, etc).

babypink1109

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #309 on: November 04, 2012, 04:49:49 pm »
^Thanks sis. Tama ka, dyan kami nag ka problema ng sister ko kasi nag kumparahan ng binibigay. Medyo naiiintindihan ko naman kasi mahirap talaga kapag hindi mo masunod yung gusto mo. Ang sakin lang naman kasi sana inantay nyang matapos yung bunso.

Balak din mag masteral nung kapatid kong yun. Sabi ko tulungan kami hanggang matapos sya. Buti nalang at hindi natuloy!!!

Iintayin ko nalang matapos yung huling taon ng bunso namin. Ayaw ko rin naman makatampuhan pa yung mother ko eh may edad narin kasi. Iniisip ko nalang konting tiis nalang naman. Hindi ko narin ako mag e-expect ng sobra sa bunso. Nadala ako sa isa kong kapatid eh. Hay.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #310 on: November 05, 2012, 12:48:04 am »
^try to talk to your siblings and plan out how all of you plan on taking turns or in taking care of your Mom, i mean how much effort ang share nila, be it money, time, etc. If one cannot give much financially, s/he can compensate for it some other way na lang. Para hindi mo solo ang burden, kasi me life ka rin, and being the eldest, if malayo ang agwat nyo in years, baka ikaw ang unang magsisi if you let life pass you by, i mean, like nauna na silang mag-family, tapos ikaw single pa rin.

babypink1109

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #311 on: November 05, 2012, 12:58:37 am »
^Sige sis. Hindi pa naman alagain yung mother ko, malakas pa yun nga lang daming gamot. Yun siguro yung sasabihin ko sa sumunod sakin. Na hati kami sa gamot kasi ang mahal ng maintenance nya eh.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #312 on: November 05, 2012, 01:43:01 am »
^not to scare you sis na mag isip ng masama about your dad, pero san nga ba napupunta ang pera nya, does he have a vice? Like toys, gadgets, alak babae sugal, utang, big purchase like property or car? Kasi if he can afford before, why can't he afford now? Nagbago ba ang lifestyle nya?

meowskitty07

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #313 on: November 12, 2012, 09:59:29 am »
mga sis ako hindi ko alam kung nagiging madamot ako sa pamilya ng partner ko. shempre may baby na kami. tapos mga kapatid nya nasanay na asa sa kanya. ang sa akin magbigay ka kung may extra pero kung dahil sa pagbibigay ikaw naman nadelay sa obligasyon mo wag mong bigay. kaso iba kasi pagpapalaki sa kanila, iba rin pagpapalaki sa akin. 2 lang kami magkapatid and hindi man kami mayaman never umasa parent sa amin ng kahit ano. kaya ako ganun rin view ko.

minsan nga nagdadasal na lang ako to be more understanding, patient and generous. kaso pag nalalaman ko mga kapatid nya hihingi ng pera sa kanya sabay kain ng kain sa labas. or bibili ng celphone. tapos hindi marunong mag-alaga ng gamit so nasisira tapos bibili ng bago, nakakainis lang kasi ako tinitipid ko sarili ko. kapag bayaran na ng mga bills sa akin manggaling na dapat ipon ko sana kaya naiinis ako sa partner ko. nakakasira sa relasyon namin dahil kung ano ano nasasabi ko sa kanya. e pamilya nya yun. hayyyy.


hanson15

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #314 on: December 31, 2012, 10:06:35 pm »
pano bang gawing speech yan sa kasal mga sis dahil nabubuisit ako hahaha. Here is our story. My bf and I are both breadwinner. But on my part may usapan kami ng parents ko na ganitong amount ako magbibigay. So yung sobra dun kahit hindi kalakihan may savings ako. But my bf lahat ng financial problem sa kanya. Lahat ng pera niya diretso sa parents niya. At nasanay ang parents niya ng ganun. This is the only thing that we fight about. 2 years ago bibili kami ng bahay nakapag down na kami but hindi kami nakapagtuloy tuloy ng hulog kasi he's running out of money. Hindi pwedeng ako lahat dahil masyado siyang swerte. Due to financial crisis he decided to go to saudi for me kuno. pero itong nanay niya nakialam binibigyan na nga sila gusto lahat ng pera sa kanya. And i decided to let go. By november 2014 it will be our wedding. Ang dami nakikialam sa side niya at violent reaction kesyo dapat daw bahay muna etc. labas tenga. ngayon as a sweet revenge ano kayang magandang sabihin sa parents niya for our speech hahaha. But i doubt matuloy yang kasal na yan. Nakapagdown na kami ng mga suppliers at as usual utang niya lahat. Dahil busy siya kakabayad sa financial ng family niya. Good Luck to us!!

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #315 on: January 01, 2013, 04:46:52 am »
^His parents are not being good parents, ano ba pinagkaka-gastusan nila? Wala na bang sariling income ang parents nya? Mahirap talaga makatakas sa financial 'obligations', usually you have to leave the house para masanay sila and little by little i-withdraw ang financial support.

Ako kung nasa ibang bansa siguro, hindi ako magpapadala, I mean it would be easier to ignore them parasites, di naman nila ako pwede sugurin abroad para hingan ng pera eh. I could cut off all communication easily like what my uncle did to us.

hanson15

  • Guest
Re: Madel's Cuisine Brides
« Reply #316 on: January 01, 2013, 06:47:12 am »
heto sis yung ate niya 3 ang anak tapos ang may trabaho yung lalake lang at hindi kalakihan ang sweldo. yung kids mga babies at bata. magastos ang babies 2 yun. yung kapatid niya hindi nagaral walang trabaho. yung ipon ng bf ko pinambili ng bf ko to start up a computer shop for them para hindi parasite. yung isa pa niyang kapatid graduate ng 3 years course. walang job ayaw sa call center. yung mother niya walang work. father niya walang work din. hindi sapat ang kita ng computer shop for them. nangutang ng 100k with 5% interest per month wala naman pambayad. ayun obligado bf ko magbayad. time is running out pag hindi kami nagkaanak ng bf ko buong angkan niya sisihin ko. gusto ko imessage yung concern namin sa kasal baka sakaling tamaan. but i doubt manhid yung mga yun wala naman silang choice matanda na patents niya. hindi nagaral yung kapatid. yung isa 3 years course. yung isa baby maker buisit hahaha

choby tisay

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #317 on: January 31, 2013, 09:06:11 pm »
Grabe sarap mag basa ng thread ba ito akala ko ako lang may ganun problem sa bf ko. Akin naman mga sis share lang ah buntis ako and 3mos. From now manganganak na ako pero eto wala pa din pang ospital pano naman yung family ng bf kohingi ng hingi parang hindi na nila inisip na manganganak ako at hindi naman ibang tao itong dinadala ko. Ang pinaka masakit na part sakin yung ang baba na nga ng sweldo ng bf ko tapos hahatiin pa sa dalawa hays. Yung mama niya at papa niya kasi parehas na matanda pero nag wowork pa din.  Yung 2 kapatid niya naman yung isa tomboy na may asawang babae na buntis grabe baby daw nila yun anak  sa ibang lalaki. Yung isa naman hs pa lang and mahina utak hindi na ata makatapos yun bisexual naman. Ngayon ko lang narealize magulo pala family ng bf ko buti na lang bf ko pa lang siya pwede pa ako kumalas anytime kasi feeling ko hindi na matatapos yang paghingi ng family niya sakanya. Sabe ko din sa bf ko pag wala kang binigay sakin na pampa anak hindi ko isusunod sa surname mo itong  anak mo.


Sabe ng pinsan ko mali na daw kasi dapat daw mamulat na family ng bf ko na mag kaka pamilya na siya at hindi naman malaki sweldo kulang pa nga yung sweldo niya sa pag sustento samin ng anak niya eh.

potpotpo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #318 on: February 01, 2013, 12:58:20 am »
^ parang parehas tayo ng sitwasyon sis. sa akin lang e ako ang bigay ng bigay sa pamilya ko. Ng nabuntis ako (unfortunately nawala baby ko  :'() sinabi ko sa pamilya ko na hinde muna ko papadala ayun inaway ako ng inaway. Kung ano ano sinasabi tungkol sa hubby ko madamot daw ganun ganyan. Pero iniiyak ko nalang at di talaga ako nagpadala ng pera hanggang sa matanggap nila. Ngaun since wala na nga yung baby ko, pero madami nagastos hubby ko sa ospital syempre at ako naka-leave ako ng matagal so wala talaga ako gaano pera. Eto nanaman hingi nnaman sa akin, pero hinde ko pa din balak magbigay kasi ang kapal naman ng mukha ko isingit pa yun e malaki na nga nagastos ni hubby.

Dapat sis yung bf mo marunong tumanggi dahil may work pa naman ang parents niya ah. Mahirap sa una lalo na kung nasanay sila na bigay lang ng bigay si bf mo pero kailangan nyang gawin yun para sa inyong mag-ina niya.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #319 on: February 01, 2013, 09:50:59 am »
@choby tisay, Sana pagnanganak ay maging priority na ang baby mo. Minsan Kasi mahirap malipat ang expenses pag wala pa.

@potpotpo, di ba na konsensya family mo when you lost your baby? Sorry to hear that. Dagdag stress for you Kasi na away in ka pa nila during your pregnancy e. also wala na silang right sa Pera ng hubby mo, in the first place di naman ka-dugo.

Minsan Talaga me family members and relatives tayo na ang tinginsa atin ay di ka mag-anak kundi Pera pwedeng pagkakitaan, either lokohin or hihingi-an
 
Right now I have no work, pero ayun tuloy Lang ang expenses sa house. Ayoko na nga minsan mag work Kung para Lang sa Kanila e, not enough motivation for me. Habang walang work Kasi may excuse ako para magtipid, but not enough excuse para totally cut-off ang financial support Kasi alam naman na me savings ako e, saka I live in the same house kaya walang freedom.
« Last Edit: February 01, 2013, 02:14:53 pm by agape »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close