janix athena natawa naman ako sa family forum haha! Oo nga no, kung pwede sanang ganon

Almost same tayo, pagkakaiba lang natin, ako lang ang breadwinner, since ako nga ang pinakapanganay, si hubby ko naman is bunso so carry lang.
Nung nasa pinas pa ako, halagang 1500 masaya na nanay ko,ngayon umaabot na 10k monthly niya naku po nagkukulang pa. Pero infairness naman sa nanay ko,alam naman niya ang mga gastusin ko, at kahit papaano pumepreno na rin naman sila sa paghingi

Sinama ko ba naman siya sa abroad at nasaksihan niya hirap ng buhay namin dati

yun nga lang, sa mahal na rin kasi ng bilihin ngayon plus nagagamot pa siya, at may tatay pa akong ayaw maglabas ni singko para sa gastusin sa bahay, eh talaga namang magkukulang ang padala ko. Buti nalang mabait si hubby, although minsan nahihiya na rin ako,pero kaya nga rin ako nagwowork pa, kasi gusto ko matigil man ako sa work,may enough na money ako pang emergency fund ng pamilya ko dahil ayaw kong galawin ang para sa amin ng asawa ko dahil para rin yun sa anak namin at sa amin..
Minsan kasi kailangan prangkahin din sila, tulad ko,very vocal ako kung magkano ang bayarin namin, at magkano ang sahod namin, kasi gusto kong maintindihan nila na may sobra man sa sahod namin,nilalaan namin yun para sa future namin. At pinapaliwanag ko rin sa kanila na may extra man,di ko pwedeng ibuhos sa kanila kung di naman talaga kailangan dahil mas priority ko na pagdating ng panahon na may emergency or talagang kailangang gastusan para sa kanila eh may mahuhugutan ako at di na kailangan mangutang pa sa iba or mabawasan ang savings naming mag-asawa. Kasi ako at ako rin naman ang tutulong sa kanila.
Napatapos ko rin ang bunso namin sa college..

Ilang beses ko ring pinagsabihan ang nanay ko, na kahit 100 pesos sa bawat padala ko,itabi, di naman ginagawa,nagsawa na ako.. kaya imbes na ibigay ko ng buo allowance niya, binawasan ko at ako nalang ang nagtatabi para sa kanya, without her knowledge syempre, nagdahilan nalang ako bakit may bawas allowance niya, may tindahan din naman kasi nanay ko, i just make sure na kumpleto ang supply ng gamot niya, the rest diskarte na nila.. Sa tatay ko naman, i don't give him any allowance, may pension naman yun,kuripot lang.. pero pag pasko at bday niya, pinapadalhan ko naman

Hay... buhay ng panganay...