watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158933 times)

assie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #180 on: September 06, 2011, 02:04:48 pm »
ako 2nd child pero ako ang breadwinner.. maaga kasi nag asawa ang panganay at kahit medyo abunda naman sila financially sa ngayon, may pagka madamot ang napangasawa kaya walang ibang inaasahan kundi ang ako, di naman ako inoobliga pero alam ko hirap na pinagdaanan namin kaya kusa ko itong ginagawa.. pangarap ko dati na maiahon sila sa kahirapan at mapa experience sa kanila ang medyo maginhawang buhay.. ok lang sakin na lahat ng kinikita ko mapunta sa kanila.. di ko naman kaya na ako kumakain ng masarap samantalang sila wala or di naman yata ako maging masaya sa pera kung alam ko na kailangang kailangan ng pamilya ko.. sa ngayon ang pangarap ko nalang makatapos ng pag aaral ang dalawa ko pang kapatid, mabigyan ng tamang pagkakakitaan ang parents ko, naka ilang subok na akong bigyan sila ng negosyo pero walang success... pero di pa rin naman ako gumi-give up!

ang isa kung kapatid after namin ni partner pina-aral ng nursing, since hindi makahanap ng trabaho dito sa pilipinas, nag abroad na as service crew ng KFC sa kuwait.maliit lang ang sahod, kaya sabi ko sa kanya, enjoyin nya muna kung ano man sinasahod nya, ayoko matulad sya sakin na lahat kailangan ibigay, kaya ko pa naman sa ngayon pero swerte ko mabait na bata, nagpapadala pa din sa parents ko ng kusa nya kahit di naman hinihingan..

for me ang pagiging Breadwinner dapat  choice at kusa, hindi dapat obligasyon.. pero someday, ayoko gawing breadwinner ang anak ko.. gusto ko sa kanya na at magiging pamilya nya kung ano man ang kikitain nya, obligasyon ko bigyan sya ng magandang buhay, hindi na sya ang asahan ko para magkaroon nito..

miyahmah

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #181 on: September 06, 2011, 10:48:04 pm »
Hi! I'm new here. I was searching on the internet for articles pertaining to female breadwinners and I saw your thread. I really like the discussions here so I decided to register and post a reply.
I'm 22. I graduated last 2009 from UPLB. I had two scholarships in college because my parents are barely able to send me to school. Alam ko  eversince na inaasahan nila ako na tumulong sa family namin eh pero ngaun mejo nahihirapan na ako. :(

 Panganay ako sa 6 na magkakapatid. Right after ko maka-graduate nung April 2009, pini-pressure  ako ng Mama ko na mkakuha ng trabaho. Aug2009 ako natanggap sa work ko tapos ngaun, lumipat ako sa freelance part ng company namin kasi mas malaki kita dito. For the past 2 yrs ako ang super main breadwinner sa family. OFW si Papa kaso for the past 2 yrs, naging shaky remittances nya lalo na ngaun nasa Libya sya, lalo nang na-late ang dating ng remittance. Sumakto pa offpeak namin sa work ngaun so mahina kita. Graduate na sister ko na sunod sakin, Education grad sya pero kailangan pa nya muna mag-board exam. Gusto na din pla nya makatulong kaya nag-apply sya as call center agent, training palng sya ngaun. Tapos 2 namin kapatid sabay na nagaaral sa college. Buti nag-stop muna yung isa, pero sobrang hirap pa din! Gastos dito sa bahay, tuition nung kapatid ko, allowance nya, mga gastos ko mismo... etc. Lagi kami ngkakasagutan ni Mama. Ang point nya, UP grad dw ako, it won't be hard for me to find a high-paying job. Mind you, sa work ko ngaun, lalo na pag peak season, nkakabigay ako kay Mama ng aabot sa 15k/mo. peor maliit pa din sa knya yun. Sabi ko, hndi porket UP grad ako, automatic managerial level ang salary ko. Syempre kelangan ko ng work experience kaso hndi nga ako makablik dun sa field ko kasi maliit ang salary dun... Trinatry ko na bumalik sa Microbiology tapos side-line sa freelance para makita kita, sna maging maayos na lht. Sbagay, bka dahil hndi pa fixed remittance ni Papa kya ganito kahirap ang sitwasyon ko.... Mahal ko family ko. Mahal ko mga kapatid ko. Ang sakit sakit para sakin na gingwa ko na lhat, binibigay ko na lahat, pero pag ngsasalita Mama ko she makes it appear as if ako kwenta. Hndi ko kasi kaya punan LAHAT ng needs ng family ko! BTW, housewife si Mama. Sakitin sya eh, may higblood sya tsaka sya naghahatid sa school dun sa isang kong kapatid na may autism. Andami namin eh tska ang bata ko pa din naman.. Sa sobrang depression ko, dti ngkaron ako ng crazy idea na maglaslas nlng pra tapos na.. Pero sympre mali yun. Ang sakit kasi na sa kabila ng lht ng gingwa mo, hndi ka pa din na-a-appreciate ng sarili mong nanay.
« Last Edit: September 06, 2011, 10:53:10 pm by miyahmah »

whitelady17

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #182 on: September 07, 2011, 09:25:11 am »
focus ka na lang sa magandang energy sis miyahmah, siyempre kailangan i explain talaga sa mom mo ang sitwasyon, maybe since wala siyang idea sa salary ng mga nag wowork, kaya ini expect niya na malaki talaga ang ma co contribute mo. Sis, save some for yourself, kasi pagnagkasakit ka, mas lalo ka namang walang aasahan sa kanila eh, hindi masama tumulong sa family, at hindi rin masama na isipin mo rin kahit paano ang future mo ;)

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #183 on: September 07, 2011, 07:31:14 pm »
ako 2nd child pero ako ang breadwinner.. maaga kasi nag asawa ang panganay at kahit medyo abunda naman sila financially sa ngayon, may pagka madamot ang napangasawa

Sis, sorry ha, pero IMO, I don't think anyone has the right to say kung madamot ang isang tao kasi pera naman nya yun at pinaghirapan nya.  He has the right to decide ano ang gusto nya gawin sa pera nya at hindi nya kayo obligasyon. Hindi porket pinakasalan nya sis mo, sya na dapat magpakain sa buong pamilya ng sis mo.

kaya walang ibang inaasahan kundi ang ako, di naman ako inoobliga pero alam ko hirap na pinagdaanan namin kaya kusa ko itong ginagawa.. pangarap ko dati na maiahon sila sa kahirapan at mapa experience sa kanila ang medyo maginhawang buhay.. ok lang sakin na lahat ng kinikita ko mapunta sa kanila..

Sis, kahanga hanga ka pero I must warn you.  Normally conflict starts kasi if the breadwinner gets pressured on things na hindi na nya kaya.  Sa umpisa ok lang.  Habang tumatagal, parami nang parami at nanghihingi na. kasi d b kamo una, hindi ka inoobliga. Pero kapag naging regular na yan, at hindi ka mag-abot, am sure may hihingi na saiyo. subukan mo sis hindi magbigay ng 3 months, am sure baka pati ikaw masabihan ng madamot.

Kung malakas ka kumita forever, I think it will be a happy ever after ending.  Kaso mo nga, kung maipit ka sa expenses na hindi mo na kaya saluhin, you would encounter what our other sisses here are encountering - pagkadismaya sa mga daing mga pamilya nila.  Worst, if you always give all your money to your family at wala ka nang maitabi for yourself, pagdating ng panahon na nangailangan ka - san ka pupulutin?  Ok sana if matulungan ka din nila.  If not, baka mag ipon ka rin ng sama ng loob gaya ng sama ng loob mo sa sis mong nag asawa pero hindi nagsh share ng expenses sa bahay.

di ko naman kaya na ako kumakain ng masarap samantalang sila wala or di naman yata ako maging masaya sa pera kung alam ko na kailangang kailangan ng pamilya ko.. sa ngayon ang pangarap ko nalang makatapos ng pag aaral ang dalawa ko pang kapatid, mabigyan ng tamang pagkakakitaan ang parents ko, naka ilang subok na akong bigyan sila ng negosyo pero walang success... pero di pa rin naman ako gumi-give up!

Good luck sis! Super achievement talaga makapagpatapos ng kapatid. 

As for negosyo, I really dont know.  Opinion ko kasi dyan, yung nagbibigay ng negosyo HOPING that it will be successful... I am not letting you down sis ha, pero kasi, sa experience ko regarding this kasi, hindi nagiging successful. Ang katwiran ko kasi dyan, is the fact na hindi nagwork out ang mga decisions nila sa buhay such that they have to rely on their kids for the family's expenses, there is a big chance na mahirap din maging successful ang kahit anong business o trabaho for them.  Pero hindi naman 100%. May chance parin naman maging successful, yun nga slim nalang - pero baka nga swerte swerte lang din. 

for me ang pagiging Breadwinner dapat  choice at kusa, hindi dapat obligasyon..

Sis, I find this statement ironic. The fact that you are a breadwinner, it is an obligation by itself.  Kasi you cannot, as in cannot, NOT earn, otherwise may magugutom or may hindi makakapag-aral. And those are obligations.


blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #184 on: September 07, 2011, 07:47:48 pm »

Panganay ako sa 6 na magkakapatid. Right after ko maka-graduate nung April 2009, pini-pressure  ako ng Mama ko na mkakuha ng trabaho. Aug2009 ako natanggap sa work ko tapos ngaun, lumipat ako sa freelance part ng company namin kasi mas malaki kita dito. For the past 2 yrs ako ang super main breadwinner sa family. OFW si Papa kaso for the past 2 yrs, naging shaky remittances nya lalo na ngaun nasa Libya sya, lalo nang na-late ang dating ng remittance. Sumakto pa offpeak namin sa work ngaun so mahina kita. Graduate na sister ko na sunod sakin, Education grad sya pero kailangan pa nya muna mag-board exam. Gusto na din pla nya makatulong kaya nag-apply sya as call center agent, training palng sya ngaun. Tapos 2 namin kapatid sabay na nagaaral sa college. Buti nag-stop muna yung isa, pero sobrang hirap pa din! Gastos dito sa bahay, tuition nung kapatid ko, allowance nya, mga gastos ko mismo... etc. Lagi kami ngkakasagutan ni Mama. Ang point nya, UP grad dw ako, it won't be hard for me to find a high-paying job. Mind you, sa work ko ngaun, lalo na pag peak season, nkakabigay ako kay Mama ng aabot sa 15k/mo. peor maliit pa din sa knya yun. Sabi ko, hndi porket UP grad ako, automatic managerial level ang salary ko. Syempre kelangan ko ng work experience kaso hndi nga ako makablik dun sa field ko kasi maliit ang salary dun... Trinatry ko na bumalik sa Microbiology tapos side-line sa freelance para makita kita, sna maging maayos na lht. Sbagay, bka dahil hndi pa fixed remittance ni Papa kya ganito kahirap ang sitwasyon ko....

Sis, I think it is unfair for your family to demand.  But if you need to provide for everyone's expenses, you have the right to know LAHAT ng income ng family ninyo at LAHAT ng expenses, para maplano at ma prioritize ninyo ang gastusin sa bahay. Hindi tulad nyan, laging kang nagugulat at hindi alam kelan makakapagpadala dad mo, and at the same time pinepressure ka ng mom mo, na in the first place, hindi mo naman obligation.

Sis, tibayan mo ang loob mo. At hindi ka nag iisa sa ganyang sitwasyon.  Pero ito ang ma-s-suggest ko sa iyo

1.  Know how much your dad will remit and when. Add 2 wks to that para hindi naman maipit din pamilya mo sa gastusin.

2.  NEVER tell anyone how much you are really making.  NEVER tell them how much your REAL bonuses are.  You can tell them na your salary is 20k (but in fact it is 30k).  Again, hindi sa nagdadamot, pero point ko lang, you need to keep something aside for rainy days.  Kung ngayon lang nga daing sila ng daing - eh everyday expenses palang yan. Eh what if emergency na?  Kung inexhaust mo lahat ng sweldo mo sa everyday expenses, wala nang matitira for emergency. Para sa inyo din naman yan.

3.  I suggest you do this in excel - Make a calendar, monthly ang columns mo. Ang rows mo, unang mga rows ang Income from your dad at ang sweldo mong iaabot sa mama mo. 
So now everyone knows how much the available resources are for the whole year, I suggest you work with your mama, your siblings on how everyone prioritize the expenses. 
food - magkano gastos nyo, kuryente, house, transpo, allowance. Hwag mo kalimutan ang transpo at food mo rin sa work ha.  Kapag nag-agree na kayo lahat, i validate mo 1 month after ng nangyaring month kung lahat ba kayo nakasunod dyan sa expenses na yan. If not, i-adjust ninyo. Sa ganun, lahat ng expenses nyo PLANADO. Hindi kayo magkakasagutan ng mama mo, kasi alam nya how much money is available, how much EACH one needs to spend and everyone has agreed san mapupunta dapat ang pera.

Take care sis, hwag naman ikaw mag isip ng ganyan. Life is a gift! Buti nga ikaw, may work ka eh, UP pa. May iba, wala ngang work.



assie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #185 on: September 07, 2011, 10:37:09 pm »
Quote
Sis, sorry ha, pero IMO, I don't think anyone has the right to say kung madamot ang isang tao kasi pera naman nya yun at pinaghirapan nya.  He has the right to decide ano ang gusto nya gawin sa pera nya at hindi nya kayo obligasyon. Hindi porket pinakasalan nya sis mo, sya na dapat magpakain sa buong pamilya ng sis mo.

^^sis nasabi ko lang na madamot ang brother in law ko kasi kung magpa inom ng isang baranggay, ayus lang pero kung gusto mag abot ng kahit sobrang ulam nila ang sis ko, nagagalit sya at pinag aawayan nila yun, dinig na dinig lage ng parents ko kasi dun din sila nagpatayo ng bahay sa pinagpatayuan ko ng bahay para sa paraents ko. dumating din naman ang panahon na natanggal sya sa trabaho at na dengue ang dalawa nyang anak, ako ang gumastos sa ospital. di ko sila siningil kahit piso pero now na medyo nakakabangon  ulit at medyo malaki na ulit kita ng brother in law ko, wala syang ginawa kundi magpainom ng magpainom sa mga kapitbahay namin.. ayus di ba? agree naman ako sayo, right nya naman saan nya gastahin pera nya:) wala naman problema dun kasi kaya ko din naman supportahan pamilya ko, at kung tawagin ko man syang madamot kasi di ganun ;)
Quote
Sis, kahanga hanga ka pero I must warn you.  Normally conflict starts kasi if the breadwinner gets pressured on things na hindi na nya kaya.  Sa umpisa ok lang.  Habang tumatagal, parami nang parami at nanghihingi na. kasi d b kamo una, hindi ka inoobliga. Pero kapag naging regular na yan, at hindi ka mag-abot, am sure may hihingi na saiyo. subukan mo sis hindi magbigay ng 3 months, am sure baka pati ikaw masabihan ng madamot.

Kung malakas ka kumita forever, I think it will be a happy ever after ending.  Kaso mo nga, kung maipit ka sa expenses na hindi mo na kaya saluhin, you would encounter what our other sisses here are encountering - pagkadismaya sa mga daing mga pamilya nila.  Worst, if you always give all your money to your family at wala ka nang maitabi for yourself, pagdating ng panahon na nangailangan ka - san ka pupulutin?  Ok sana if matulungan ka din nila.  If not, baka mag ipon ka rin ng sama ng loob gaya ng sama ng loob mo sa sis mong nag asawa pero hindi nagsh share ng expenses sa bahay.
[/quote]


-sis 9 years na akong breadwinner but masasabi ko hinding hindi abusado ang pamilya ko kaya sobrang masarap silang tulungan.. alam ko nahihiya silang humingi kahit sobrang kinukulang minsan binibigay ko, alam naman kasi nila na kung may pera ako, ako na mismo magtatanong anong problema.. napatapos ko na ang isa kung kapatid, dalawa nalang kaya alam ko di naman forever 'to at good example ang pinapakita ko sa mga kapatid ko, alam ko, dahil alam nila ang hirap ko nag sisikap silang mag aral.. hanggat kaya ko kakayanin ko kasi pamilya ko sila, mas im[portante sila kesa sa an0mang kayamanan...maybe darating ang panahon na ako naman ang wala pero di ko iniisip yan kasi  alam ko "GOD WILL ALWAYS PROVIDE" feeling ko nga dahil sa sobrang supporta ko sa pamilya ko kaya laging may biyayang dumadating, lagi ako nananalo sa mga raffles at laging may swerte, wala din akong nararanasang problema.. BTW, wala akong sama ng loob sa brother in law ko.. sinasabi ko lang naman kung ano ang totoo..

Quote
Good luck sis! Super achievement talaga makapagpatapos ng kapatid.

As for negosyo, I really dont know.  Opinion ko kasi dyan, yung nagbibigay ng negosyo HOPING that it will be successful... I am not letting you down sis ha, pero kasi, sa experience ko regarding this kasi, hindi nagiging successful. Ang katwiran ko kasi dyan, is the fact na hindi nagwork out ang mga decisions nila sa buhay such that they have to rely on their kids for the family's expenses, there is a big chance na mahirap din maging successful ang kahit anong business o trabaho for them.  Pero hindi naman 100%. May chance parin naman maging successful, yun nga slim nalang - pero baka nga swerte swerte lang din.

Thanks sis dalawa nalang 4th year and 3rd year HS, nagsisikap naman silang dalawa mag apply ng scholarship kaya siguro konti nalang gagastusin namin, at yung nasa kuwait nagsabi na kusang tutolong;)

re business, hehe wag naman masyadong NEGATIVE sis, iba iba naman din kasi ang tao.. ang taas kasi ng HOPE ko sis, kasi alam ko masipag naman parents ko.. yes, mahirap kami, plain housewife nanay ko at security guard lang dati ang father ko, halos di kami kayang pakainin pero alam ko nagsikap naman sya, dala-dalawang trabaho ang pinasukan nya, 2 hrs sa isang araw lang ang pahinga para lang sikaping pakainin kami, pero sobrang kulang pa din.. ako naman ang nakiusap na pahintuin sya sa ganung trabaho kaya masaya ako sa ginagawa ko ngayon

sa negosyo, alam ko wala silang kaalam alam sa kahit anong negosyo pero nakikita ko naman na pursigido sila matuto at gawin, kahit ano maisip ko ipagawa, nag tatry naman din sila...need lang sila i-guide at yun ang problema kasi malayo ako :( at alam ko sa puso ko di nila kasalanan kung ang mga sinubukan kung ibigay na negosyo sa kanila hindii successful..  tamang negosyo lang hinahanap ko..at alam ko mahahanap ko din at maituturo sa kanila:)

Quote
Sis, I find this statement ironic. The fact that you are a breadwinner, it is an obligation by itself.  Kasi you cannot, as in cannot, NOT earn, otherwise may magugutom or may hindi makakapag-aral. And those are obligations.

siguro ako lang to sis, pasensya na..medyo mabigat lang siguro para sakin ang word na "OBLIGATION" kasi for me lang ito ang kasiyahan ko at di ako magsasawang gawin to kahit habang buhay pa, hanggat kaya ko naman.. si Lord naman lage nag babalik ng ibinibigay ko..


assie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #186 on: September 07, 2011, 11:00:39 pm »
OT: Thanks sa LAW OF ATTRACTION kaya di ko worry kahit ibigay ko man lage sa pamilya ko lahat lahat ng pera, alam ko kasi lage na may darating at di ako mauubusan or kukulangin:) try nyo din alamin at i-apply ang LOA mga sis ;) gagaan ang buhay kahit breadwinner tayo:)

"Discover a feeling of comfort about money, believe that money comes easily and often, and that you will always have more than enough. Put these feelings and beliefs into your vibration and whenever a negative thought about money enters your mind, state to yourself that, “money comes easily and often, and I am grateful that I always have more than enough.”-LOA"



blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #187 on: September 08, 2011, 06:49:09 am »
^ Sis, thank you for your inspiring words.  Sana naman ma-inspire din ang ibang sis natin dito.  What is difficult kasi is if ang nakapalibot sa atin eh puro gaya ng BIL mo - pero sabi nga, just focus on the positivity.  Bottomline, you are blessed with a loving family, and that is all that matters. :)  Otherwise kasi, if you are on your own, kelangan talaga laging on the defensive mode.


miyahmah

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #188 on: September 08, 2011, 10:41:50 am »
salamat sis @whitelady17, trinatry nga namin lagi iexplain kay Mama pero siguro. sa dami ng problema ngaun, naging sarado ang isip nya.. pinagpapasa-Dyos ko na ngalang. sna  maintindihan nya din ako hndi puro point-of-view nya yung nakikita nya. Pero tama ka, Kailngan  positive ang mindset.
@blooming, oo, minsan naiisp ko ang unfair  na sakin inasa lahat. Pero siguro. mabait  ako. hndi ko  sila  kaya tiisin lalo na  maga kapatid ko kasi lahat  sila honor students kaya dapt  suportahan. Si mama , napaka-unfair kasi nya minsan sakin. oo, tama  yung suggestion mo sa pagba-budget kaso magulo pa ngaun ang sitwasyon ng finances namin sa bahay. Last August  huling pdala ni Papa, tapos nung tumwag sya nung isang arw,  nya bka dw sa october pa  sunod. Grabe noh? Hay...  sister ko training pa din.. Sna pag tanggap na sya sa work., tapos pag natanggap na din ako dun sa ina-applyan ko na laboratory-based na work, magiging regular na ang income namin sa bahay. Hopefully  mga sis.)) Salamt sa mga advice nyo.
« Last Edit: September 08, 2011, 10:45:09 am by miyahmah »

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #189 on: September 12, 2011, 02:27:20 pm »
^Sis, find the right timing to talk to your mom. Tell her how you feel like how much you're willing to share the responsibility of raising your siblings. Let her know about your sacrifices just to be able to support them.  Hopefully she will realize how hard she is on you.

If this doesn't work, then tell her that you cannot continue supporting them anymore if they don't appreciate your efforts. I totally agree with Sis Blooming that they don't have the right to make demands. So make it clear that you are willing to help but they should not pass on the burden of raising the family  to you. Protect yourself by setting boundaries.

Don't feel guilty doing this sis especially ikaw ang tama.

donselle

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #190 on: September 14, 2011, 04:24:32 pm »
pasali sa discussion...

eldest ako sa family, 22y/o and one year na sa company na pinapasukan ko. at the same time, nag-aaral din ako sa law school. i'm not exactly a breadwinner, but then sa circumstances ko parang ganoon ang gustong iparating sa akin.

i decided kasi na mag-work habang nag-aaral ako para ako na ang mag-bayad ng tuition fee ko at ako na ang bahala sa pang-gastos ko. i did this because at that time (and up to this day), nag-aaral sa mga private schools ang dalawang kapatid ko, isang college (HRM) at isang grade school.

noong pumasok ako sa company na iyon, 10k pa ang net salary ko (bale 4-5k kada 15th). dati medyo malaki na ang amount na ito, but then i keep 1000 every payday para sa tuition ko (thank god two gives ang tuition ko), the rest pang-gastos ko na. dahil nga sa set-up ko na ako na ang nagpapa-aral sa sarili ko, and since working pa naman ang parents ko, hindi ako nagbibigay ng anything sa kanila, pwera na lang kung feeling galante ako (especially pag may ND or OT pays ang salary ko), nagdadala ako ng kahit pasalubong.

but then siguro dahil doon, nagsimula nang mag-expect ang parents ko na every payday, may dala ako para sa kanila, or kahit sa mga kapatid ko. and that time, medyo nagkukulang na nga ang salary ko dahil sa various circumstances (school requirements, fare increase, etc), plus hindi na rin ako nag-GY dahil naapektuhan na ng konti ang health ko, on top of puyat dahil sa pagre-review for school. and since 'single' ang status ko sa tax at sa sss, malaki ang bawas sa sweldo ko, so kaunti na lang talaga ang natitira sa akin. but still, parang nagpaparinig sila sa akin like, 'hindi ka man lang magdala dito kahit lason.'

i know it's not like anything na pinag-uusapan dito sa thread, but then the way they say things like that to me, para akong may obligasyon to at least give something to them. but then hindi ba nila naisip na hindi na nila pinoproblema ang studies ko sa law school, tuition books and all dahil ako na ang nagpapa-aral sa sarili ko? i think kasi yun na yung part ko para makabawas sila sa mga gastusin sa bahay. tama naman, 'di ba?

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #191 on: September 15, 2011, 01:05:49 am »
^ sis, when I read yung sinabi ng family mo, "hindi ka man magdala ng kahit ano..." nagulat naman ako sa pagkasabi "lason" pa talaga ang ginamit na word. Ang sakit naman nila magsalita. 

yung 2 siblings mo anong ginagawa, bakit sa iyo pinapatanong ang expectations, eh hindi ba nila nakita pagod ka nanga dahil nag-aaral ka na, nagt-trabaho ka pa.  imbis na suportahan ka nalang kung nakakain ka na etc, kung ano ano pang demands. ano ba yan. nasa katwiran ka, pero at the same time, mahirap naman umalma agad kasi kahit papano nasa poder ka parin nila. I just feel na unfair kaso hindi ka puede magtaas ng boses at lalabas magtatalo lang kayo.

di kaya mas mainam eh kausapin mo yung dalawang kapatid mo? para may kakampi ka at baka naman makatulong din sila sa pagsabi ng mga sacrifices mo sa parents mo nang matauhan naman.

donselle

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #192 on: September 15, 2011, 11:08:44 am »
^ actually medyo problem ko rin ang mga siblings ko. si middle child, nasa college na. kaso he has this habit na umaalis na lang ng walang paalam. at ang uwi eh minimum of 2AM and maximum of around 8-9PM the next day. worse, talagang hinihintay nila (my folks) na mag-text ito kung nasaan ito. ang kaso mo, ni ha ni ho wala silang marinig. as in nada, zilch. try mong tawagan, out of coverage, more likely na nakapatay ang phone niya. samantalang ako, kapag ginagabi sa daan, kapag nag-text sila kung nasaan ako, text agad ako, at laging available ang phone ko para kapag tumawag sila, masasagot ko. noong time nga na naggi-graveyard ako, ako pa ang unang nagti-text na nasa office na ako, don't worry safe akong nakarating, nag-dinner na kami ng officemates ko, etc. para hindi na sila mag-worry.

and last summer vacation, nalaman namin na he failed many subjects in the last few semesters, so third year irreg siya ngayon at inuulit niya yung mga subjects na iyon. kung tutuusin nga dapat fourth year na siya ngayon, nago-OJT na and everything. ang pinaghihinayangan ko pa ng lubos eh yung binagsak niyang mga subjects. paaral kasi siya ng parents ko, plus private school pa. okey lang sanang bumagsak kung sariling sikap ka. i have to admit na sa law school meron din akong mga failed subjects pero hindi ako super nanghihinayang na mag-repeat kasi ako naman ang gumagastos for my schooling, although medyo sayang din sa oras. anyway, ako ang mas nanghinayang kasi naghirap ang parents ko na pag-aralin siya sa private school at sa isang expensive course tapos ganoon pa ang gagawin niya? hays...

another problem ko rin yung youngest ko. grade five na siya, and ayos naman siya pero alam niyo yun, sa akin pa papagawa yung ibang mga assignments niya. maiintindihan ko pa kung major projects talaga yung papagawa. pero pati ba naman yung mga sasagutan sa mga books? there was a point na galing akong GY duty, gusto ko nang matulog, bungad sa akin eh pagawa ng assignment. I still did that kahit na antok na antok na ako at maaga pa akong gigising para mag-review for the class that evening. mula noon, talagang ayoko nang gumawa ng mga assignments niya. last time nga, nagpapagawa ulit ng assignments. since most likely ang mga answers doon sa assignment eh nasa book lang, at dahil torete pa ako noon dahil kasagsagan ng midterms namin, sabi ko in a nice way, 'tay kapag po ganyang assignment sa libro sa kanya niyo na po ipagawa. nasa libro lang naman po yung mga sagot niyan eh. grade five na siya dapat kaya na niyang gumawa ng sarili niyang assignment. sinanay niyo kasi na may taga-gawa siya eh. paano na lang kung in two years' time, high school na siya, ako pa rin ba gagawa ng mga 'yan?'

ngayon ko lang sila actually nasabihan ng ganyan, kasi sinusumbat ng mga parents ko na kapag ibang tao ang lumalapit sa akin (friends, classmates, etc), tinutulungan ko, pero yung mga kapatid ko, ang dami ko raw dahilan. saka ako raw ang matalino sa amin, kaya mas kaya ko siyang gawin. ang sa akin naman, hindi naman yan sa kung matalino ka or anything eh. kasi may ibang bagay na kahit average person kaya nang magawa. at ang sa akin, dapat nilang malaman na meron din akong ginagawa at hindi ako laging nandiyan para i-attend ang needs nila. tulad ngayon, almost the whole day akong wala (6AM-3PM sa office, then pasok agad sa school, mga 6-8PM or minsan 9PM pa). bottom line? at this point, they should learn to do things on their own, with minimal or no help from others.

mga sis tama naman ako diba?

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #193 on: September 15, 2011, 01:01:08 pm »
^Let's pray sis na sana ma-realize ng parents mo how lucky they are for having a responsible daughter like you. You did the right thing when you refused to continue doing your brother's assignments. Continue being assertive but not offensive sis. Pero pag sobra na, play hard ball!
You don't  deserve that kind of treatment.

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #194 on: September 15, 2011, 05:14:13 pm »
^ I agree.  Tsaka assignment nila yun, they are supposed to do it.  You are not supposed to do their assignment otherwise pano nila maiintindihan lessons nila?

Regarding sa paggawa ng assignments, I never did others, even sa mga bata. What I normally do, sit with them, ask them, alin specifically ang hindi nila alam and I will explain to them how THEY can arrive at the answer. Pero hindi ako ang gagawa, ano sila sinswerte? Dinaanan ko din naman yun nung studyante ako, kaya kelangan madaanan din nila noh.  :P

donselle

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #195 on: September 15, 2011, 06:26:25 pm »
^Let's pray sis na sana ma-realize ng parents mo how lucky they are for having a responsible daughter like you. You did the right thing when you refused to continue doing your brother's assignments. Continue being assertive but not offensive sis. Pero pag sobra na, play hard ball!
You don't  deserve that kind of treatment.

^ I agree.  Tsaka assignment nila yun, they are supposed to do it.  You are not supposed to do their assignment otherwise pano nila maiintindihan lessons nila?

Regarding sa paggawa ng assignments, I never did others, even sa mga bata. What I normally do, sit with them, ask them, alin specifically ang hindi nila alam and I will explain to them how THEY can arrive at the answer. Pero hindi ako ang gagawa, ano sila sinswerte? Dinaanan ko din naman yun nung studyante ako, kaya kelangan madaanan din nila noh.  :P

thanks for the advice mga sis! :)

lately naman ang ginagawa ko, whenever I have time, I sit somewhere near them but then medyo distansya so as not to distract me sa studies ko (after all, studying din ako, hehe) para whenever they need help, andyan lang ako, especially for my younger sis. kasi sa totoo lang, I care so much for my younger sis, but then at this point I have to make her understand na hindi sa lahat ng oras nasa tabi niya ako para tulungan siya.

as for my parents... thankfully magrereflect na sa next pay ko yung raise sa salary ko (15K ang gross, bale 7.5K gross per payday, hindi ko lang alam kung magkano ang net), so hopefully magiging sapat na yung salary ko for my own needs, some pasalubong, a little savings and konting luho (hey, it's my hard-earned money after all. hahaha!)

sasha``

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #196 on: September 16, 2011, 04:14:44 pm »
hindi ko alam kung ako ba ay dapat maawa, malungkot, mainis sa mga nababasa kong stories dito.  sana nga may mga pelikulang tungkol dito.  hindi kasi tama.

para sa akin, hindi tama ang gawing responsibilidad ng mga anak ang paaralin ang kanilang mga sariling kapatid.  sa magulang yon dapat.  magkaiba ang obligasyon sa tulong.  kaya nakakainis yong mga magulang na hindi pinaghandaan ang lahat.  tapos iaasa na lang sa mga anak ang lahat at pag may binigay ka, hindi pa sapat para sa kanila.   :-\

sorry mga sis, di naman sa pagmamayabang, hindi ko lang talaga maintindihan ang mga ganyang klaseng magulang.  tinuruan ako ng mga magulang ko na wag umasa kahit kanino, kaya mag-aral ng mabuti para makapagtrabaho.  at ganon din sila, hindi umaasa kahit kanino, kahit sa amin pa na mga anak nila.   pag binigyan mo, they will open a savings account as emergency fund for the entire family, so hindi para sa sarili nila.   my dad still works for himself, he's earning so much na kahit kami mga anak, we don't ask money from him.  nagiipon para sa future nya, sa mga dreams nya, and we're happy for him.  walang ka pressure pressure.     

unlike my hubby's family, the exact opposite of mine.   kaya dito kami nagtatalo madalas.   because his family expected him to shoulder the expenses.   Nagpaaral ng kapatid, sustento ng mama nya, bakasyon, birthday celebrations, etc. etc.  at kung hindi magbibigay, daig ka pang may utang.  Tatawag to remind you about your share.  nakakalungkot nga naman.  mahirap kasing magbigay kong inoobliga ka.  hindi kami mayaman, dumaan din kami sa saluyot at kamatis lang, pero the principle of working hard to earn money for yourself and for your own future is well taught to us.  Wag Umasa sa Kahit Kanino.   Magkaiba ang Tulong sa Obligasyon. 

Sa pamilya ko na may paniniwalang ganon, we respect each other's decision and honor our words.  Kapag may utang ako sa mga kapatid ko, babayaran ko sila sa agreed date.  Ganon din sila even my dad.  No resentments when it comes to debts, kasi alam namin na ang perang hiniram ay hindi nakalaan talaga para sa taong nanghiram, kundi sa future ng taong hiniraman.   Pag ganyan ang mentality, walang utang na naililista sa tubig.


Para sa mga sis natin dito na breadwinner, kung kayo mangangailangan, kanino kayo tatakbo for help?  Pano naman yong future nyo? 

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #197 on: September 17, 2011, 07:52:43 am »
hindi ko alam kung ako ba ay dapat maawa, malungkot, mainis sa mga nababasa kong stories dito.  sana nga may mga pelikulang tungkol dito.  hindi kasi tama.
sis, I think I mentioned this na in the previous page pa ata, na maraming pelikula na ang ginawa with this context.  The only problem is that it feeds into this culture, na ok lang na dapat itaguyod ng anak ang pamilya nya. Na kawawa ang bida, pero dahil sa pagtitiis ng bida sa pagprovide sa family nya, sya yung mabait at nagwawagi sa huli.

kaya nakakainis yong mga magulang na hindi pinaghandaan ang lahat.  tapos iaasa na lang sa mga anak ang lahat at pag may binigay ka, hindi pa sapat para sa kanila.   :-\
I agree.  Pero pag tanungin mo sila - pinaghandaan naman nila.  Yun nga lang their plan is they really intended to have many kids para isa sa mga bata ang magpaaral at magpakain sa kanila.  That was their plan!!! Papano naman daw sila since they gave all their savings and every single centavo they earned to their kids, bakit naman hindi sila dapat tulungan ng mga anak nila. Walang utang na loob ang anak nila if their kids did not help them since they sacrificed blood and sweat for their kids.  ::)


sorry mga sis, di naman sa pagmamayabang, hindi ko lang talaga maintindihan ang mga ganyang klaseng magulang. 
Malamang kasi yan din ang kinagisnan nila, at itinuro ng mga magulang nila.  Bahala na ang future, ipasa Diyos nalang nila. 

unlike my hubby's family, the exact opposite of mine.   kaya dito kami nagtatalo madalas.   because his family expected him to shoulder the expenses.   Nagpaaral ng kapatid, sustento ng mama nya, bakasyon, birthday celebrations, etc. etc.  at kung hindi magbibigay, daig ka pang may utang.  Tatawag to remind you about your share.  nakakalungkot nga naman.  mahirap kasing magbigay kong inoobliga ka.  hindi kami mayaman, dumaan din kami sa saluyot at kamatis lang, pero the principle of working hard to earn money for yourself and for your own future is well taught to us.  Wag Umasa sa Kahit Kanino.   Magkaiba ang Tulong sa Obligasyon. 

Sis, I feel for you.  Siguro hindi naman ganyan kagarapal ang family ni hubby, pero may difference talaga.  Lahat naman malinis intensyon, yun nga lang kasi iba talaga ang pag-iisip ng ibang tao at mahirap nang baguhin iyon.  What I do nalang is set limits, with justifications as to the why's para naman hindi mauwi sa pagtatalo.  You have to recognize din na mahal ni hubby ang family nya and he would not be with you kung wala ang parents nya.  So kelangan lang i-balance yung situation.

Sa family namin pag may occasions, tapos nagbigay kami ng something, lagi nalang sinasabi ng parents ko hwag na hwag na at ipunin nalang namin for the kids. Kasi maraming gastos, tsaka sa pagtanda namin for retirement. Sa kabilang banda naman, sa side ni hubby, pag nagdala ka ng food (at hindi lang basta basta food ha) - tipong lechon, peking duck, crab or something special, hahanapan ka pa ng regalo kung bakit daw walang regalo.  >:(  Nanibago lang ako sa umpisa. Pero yun nga nakilala ko narin family nya, importante sa kanila material things eh. Eh di yun nalang pagdating sa mga occasions. Kahit hindi ka physically present, basta may regalo, happy na sila. Pag mga ganyang bagay sis, pinapalampas ko na kasi may occasions naman talaga, and people have preferences. 

Pero yung paghingi dahil gusto magbakasyon, makabili ng celfone or kung ano-ano, yun ang hindi ko matanggap.  Parang feelin ko, hindi mo naman ma-afford, ang lakas ng loob mong humingi - tsaka para saan?  Para ipagyabang sa mga kaibigan na wala karin naman talaga? Para sakin maling mali lang talaga.  Kaya ang limits para sakin, ang needs, wala akong problema makishare so long as makatwiran.  Pero ang luho, hindi tlaga puede, kasi it can go on and on, and admittedly, sabi ko kay hubby - maaatim mo bang magsponsor ng tripS to US sa family mo, and 10 years later only to find out wala kang pangretire or pampaaral sa mga anak mo?

 
Sa pamilya ko na may paniniwalang ganon, we respect each other's decision and honor our words. 
Yes, this is very important. Kami din nga ang utang ay utang. Kahit pa P500 lang yan. Pero hindi nga namin nababanggit ang word na utang eh.  More off yung may utang ang naghahabol sa babayaran nya rather than the other way around. 

Para sa mga sis natin dito na breadwinner, kung kayo mangangailangan, kanino kayo tatakbo for help?  Pano naman yong future nyo?
sis ang sagot dyan:  IpasaDyos nalang. Since mabait ka, ikaw ang nagsacrifice, hindi ka naman siguro papabayaan ng Diyos.

bittersweetchic

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #198 on: December 13, 2011, 07:51:43 pm »
Just want to say...I admire all of you who are breadwinners.  I know it's not easy making a life of your own while at the same time taking care of your parents and siblings.  I heard this from somebody, yung iba na pinagkalooban na ng lahat, ibinigay na ng magulang lahat ng needs nila...then may narating sila sa buhay...that is just NORMAL (dapat lang).  pero those who are not rich tapos breadwinner pa...then may narating sa buhay...that is SOMETHING.  ;)

mariasans

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #199 on: December 19, 2011, 02:32:48 pm »
^
i admire all breadwinners also that have to go through this stuff. kahit mahirap and wala na titira skanila they keep on going. hands down talaga sinyo. eldest ako pero hindi ko talaga responsibility na pag aralin yung kapatid ko or magbigay for her tuition. nagbibigay naman ako sa parents ko kahit konti pero to the point na sobrang lahat hindi eh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close