I hope may gumawa ng pelikula about this Filipino culture. Para magising ang mga Pinoy. I'm sure maraming makakarelate. Baka ito na gigising sa industriyang Pilipino.
Sis ang daming movies na ito ang set-up. Pero they always depict this in a positive light. Kasi nga yung bida, ang panganay, sya ang mabait, lagi nagsasacrifice at sya din yung inaambunan ng lahat ng grasya.

In fact, never humindi ang bida sa obligasyon nya sa pamilya, sa kapitbahay, sa baranggay. kaya nga bida.

Sabi nya sakin baka daw magbubusiness ako sya na lang daw tatao, kasi napapagod na daw syang magwork. Ang husay nga naman!
nope, been there, done that. it wont work out. itaga mo na sa bato. the fact that theyre not able to manage their life, what makes them think they can manage other people's business wherein they have nothing at stake sa business?
Sobrang natuto na ko sis. Lahat ng half sisters & brother ko totally na cut ko na yung communication sa sobrang galit ko. Total of 5 kids gusto ng mother ko i-support ko just because I don't have kids. Hay, pati allowance nya pinutol ko na rin since sya number 1 na nanloko sa kin. I told her kung umuwi sya ng province, may allowance ulet sya. Otherwise, eh di sya magtaguyod ng apo nya. Inalila nya kaya ako nung bata ako para sa mga half sisters ko. Ako pa tuloy yung di nagkaanak since sobrang late na when I get married dahil sa kaka support sa kanila.
sis, sobra naman yan. dahil lang may gusto silang gawin (raise the 5 kids), eh pati ikaw idadamay? Wala ba silang malasakit sa iyo? sorry ha - pero anong klaseng mom ang hindi iniitindi ang future ng anak? I mean you mentioned na you dont have kids. so you have to make sure you have enough nest egg to fall back to when you retire, kasi kung meron ka man suportahan dyan sa mga batang yan, parents nila ang uunahin nila when the time comes and baka later in life, ikaw rin ang mahirapan.
have you tried exploring adoption - it is a great joy to have babies/kids at home - na ikaw ang kinikilalang magulang.
there is really something wrong with this aspect of our culture. hindi kasi naging innate sa older generations natin ang mag-save for their own retirement. yan tuloy, while the younger adults are busy making ends meet for their children, obligated ka rin tumulong sa parents mo and mga kapatid who are not doing well.
I tried talking to these people - and try to understand their psychy on - how on earth someone in the right mind do this?
So parang nakita ko narin in their perspective. SHORT TERM sila. short-sighted kung baga. They give their all to the education of their kid/kids kung hanggang san makakaya. "Sacrifice" daw yun at sobra silang dakilang mga magulang para bigyan ng priority ang education ng anak over themselves.
Kaso mo - feeling ko - walang nagsabi sa kanila kung ilang kids lang ang kaya nila i-raise. During the time na nagdecide sila to have kids, "kakayanin naman siguro". Pangalawa, wala din nagsabi sa kanila na mahal magretire - at hindi man lang sumayad sa isip nila na once they retire, no income, wala silang makakain - so ang nakikita nila sa kapitbahay, mga anak ang nagtataguyod, eh di ganun nadin sila. And maybe in terms of life planning, somewhere between sa pag-anak nila at pagretire nila, tatama sila sa lotto.

Kaya ako, in terms of spending money, I would opt to prioritize saving for retirement kesa sa edukasyon ng anak. Pero this does not mean hindi mo ipapaaral anak mo. Puede mo naman ipaaral ang anak mo kung san mo lang afford, or kung kelangan ka mangutang, sige gawin mo - pero for COLLEGE lang ha, kasi ang HS GS may public school naman. Tsaka you have to talk to your kids about it - na if possible for them to also work or magsideline at hindi mo kakayanin lahat, at kung mangutang ka, they have to pay back the utang once they graduate/find a job. This would give your kids the sense of responsibility narin and you won't be saddled with education loans when you retire (pag graduate nila ng college more or less lapit ka na sa retirement mo kung hindi ka pa pa-retire).
Oo you may not be able to provide the full PREMIUM education to them, pero, you can guarantee them that they can pursue their dreams however they want kasi you have your retirement fund to fall back to. At kung magbigay pa sila sa iyo for your retirement, gravy nalang sya.
Ang education loan/utang - the kids have 40 years to pay for it after they graduate. Pero once you exhaust all your funds for their education, by the time they graduate, ikaw ang walang pera and old - san ka pa makahanap ng income at a retiring age, buti kung may biz pero kung wala, pano ka makapagtabi for retirement? slim chance. therefore ang normally nagiging default ng mga magulang na inubos ang money sa pagpapaaral ng anak sa magandang schools (kahit hindi kasi afford) eh talagang aasa sa anak - and here is where the conflict starts.
kahit pang-hong kong ng sister and pamangkin, ihihingi sa kanya! naman, ok lang siguro yung needs pero yung luho rin iaasa sa iba? 
sis, exactly! ang kapal ng mukha ano?
pero you see, ang reasoning kasi nila, ikaw madalas ka daw mag abroad. kaya DAPAT sila din. duh! sino kaya nagpapakahirap magtrabaho!!? Ewan, there is just this thing in Philippine culture na kung nakaka experience ka ng good things, DAPAT sila din! naiinggit b pero walang means, kaya they resort to hingi nalang ng panluho nila instead na paghirapan.