hindi ko alam kung ako ba ay dapat maawa, malungkot, mainis sa mga nababasa kong stories dito. sana nga may mga pelikulang tungkol dito. hindi kasi tama.
sis, I think I mentioned this na in the previous page pa ata, na maraming pelikula na ang ginawa with this context. The only problem is that it feeds into this culture, na ok lang na dapat itaguyod ng anak ang pamilya nya. Na kawawa ang bida, pero dahil sa pagtitiis ng bida sa pagprovide sa family nya, sya yung mabait at nagwawagi sa huli.
kaya nakakainis yong mga magulang na hindi pinaghandaan ang lahat. tapos iaasa na lang sa mga anak ang lahat at pag may binigay ka, hindi pa sapat para sa kanila. 
I agree. Pero pag tanungin mo sila - pinaghandaan naman nila. Yun nga lang their plan is they really intended to have many kids para isa sa mga bata ang magpaaral at magpakain sa kanila. That was their plan!!! Papano naman daw sila since they gave all their savings and every single centavo they earned to their kids, bakit naman hindi sila dapat tulungan ng mga anak nila. Walang utang na loob ang anak nila if their kids did not help them since they sacrificed blood and sweat for their kids.

sorry mga sis, di naman sa pagmamayabang, hindi ko lang talaga maintindihan ang mga ganyang klaseng magulang.
Malamang kasi yan din ang kinagisnan nila, at itinuro ng mga magulang nila. Bahala na ang future, ipasa Diyos nalang nila.
unlike my hubby's family, the exact opposite of mine. kaya dito kami nagtatalo madalas. because his family expected him to shoulder the expenses. Nagpaaral ng kapatid, sustento ng mama nya, bakasyon, birthday celebrations, etc. etc. at kung hindi magbibigay, daig ka pang may utang. Tatawag to remind you about your share. nakakalungkot nga naman. mahirap kasing magbigay kong inoobliga ka. hindi kami mayaman, dumaan din kami sa saluyot at kamatis lang, pero the principle of working hard to earn money for yourself and for your own future is well taught to us. Wag Umasa sa Kahit Kanino. Magkaiba ang Tulong sa Obligasyon.
Sis, I feel for you. Siguro hindi naman ganyan kagarapal ang family ni hubby, pero may difference talaga. Lahat naman malinis intensyon, yun nga lang kasi iba talaga ang pag-iisip ng ibang tao at mahirap nang baguhin iyon. What I do nalang is set limits, with justifications as to the why's para naman hindi mauwi sa pagtatalo. You have to recognize din na mahal ni hubby ang family nya and he would not be with you kung wala ang parents nya. So kelangan lang i-balance yung situation.
Sa family namin pag may occasions, tapos nagbigay kami ng something, lagi nalang sinasabi ng parents ko hwag na hwag na at ipunin nalang namin for the kids. Kasi maraming gastos, tsaka sa pagtanda namin for retirement. Sa kabilang banda naman, sa side ni hubby, pag nagdala ka ng food (at hindi lang basta basta food ha) - tipong lechon, peking duck, crab or something special, hahanapan ka pa ng regalo kung bakit daw walang regalo.

Nanibago lang ako sa umpisa. Pero yun nga nakilala ko narin family nya, importante sa kanila material things eh. Eh di yun nalang pagdating sa mga occasions. Kahit hindi ka physically present, basta may regalo, happy na sila. Pag mga ganyang bagay sis, pinapalampas ko na kasi may occasions naman talaga, and people have preferences.
Pero yung paghingi dahil gusto magbakasyon, makabili ng celfone or kung ano-ano, yun ang hindi ko matanggap. Parang feelin ko, hindi mo naman ma-afford, ang lakas ng loob mong humingi - tsaka para saan? Para ipagyabang sa mga kaibigan na wala karin naman talaga? Para sakin maling mali lang talaga. Kaya ang limits para sakin, ang needs, wala akong problema makishare so long as makatwiran. Pero ang luho, hindi tlaga puede, kasi it can go on and on, and admittedly, sabi ko kay hubby - maaatim mo bang magsponsor ng tripS to US sa family mo, and 10 years later only to find out wala kang pangretire or pampaaral sa mga anak mo?
Sa pamilya ko na may paniniwalang ganon, we respect each other's decision and honor our words.
Yes, this is very important. Kami din nga ang utang ay utang. Kahit pa P500 lang yan. Pero hindi nga namin nababanggit ang word na utang eh. More off yung may utang ang naghahabol sa babayaran nya rather than the other way around.
Para sa mga sis natin dito na breadwinner, kung kayo mangangailangan, kanino kayo tatakbo for help? Pano naman yong future nyo?
sis ang sagot dyan: IpasaDyos nalang. Since mabait ka, ikaw ang nagsacrifice, hindi ka naman siguro papabayaan ng Diyos.