watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 159022 times)

NightSky

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #220 on: March 25, 2012, 01:25:16 pm »
Feel ko eto ako eh. Magbibigay ako ng amounth per payday ko (di ganun kalaki sweldo ko kaya maliit [textspeak!] [textspeak!] nabibigay ko). Gusto ko makapag-ipon dahil fund na yun para sa emergency at pang-HS ng bunso sana. Eh ang nangyayari lagi nila na uutang, at madalas di nababayaran. Yung ipon kong 12k mukhang byebye na. Ganto na ever since college ako. Money issues, kasinungalingan, utang. Kaya traumatized ako pag nalalaman ko wala na akong pera after kong makapag-bigay. I end up being so depressed kasi kahit anong gawin ko, it feels like it's not enough. Natatakot tuloy ako magkapamilya dahil baka yung financial responsibility di ko kaya dahil yung pagtulong pa nga lang sa family naiiyak na ako dahil dahil feeling ko kulang ang ginagawa ko.

janix athena

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #221 on: March 26, 2012, 01:41:47 am »
Hay kawawa naman tayo. :) Ayoko sana mag-emo. Looking back, if I can live my life over, the moment I started working sana nag-family forum na kami and asked my family what they can bring to the table. Once it starts kasi it's like a hard habit to break. I was a breadwinner for 7 years, and until now na may asawa nako I still give my mom a fixed amount. I'm 29 na, started working at 21. Now yung hubby ko is breadwinner din. Ahahay! His mom, sister (single mom) and nephew all depend on him. I was open sa kanya to urge his sister to work, and let MIL care for the nephew. Problem is mukhang special child yata si SIL (28 yrs old) and ayaw magtrabaho. Si MIL housewife for many years and ngayon pa lang nagtatry magdevelop ng skills sa TESDA. My hubby was a scholar ng tito nya so they have this expectation na sya naman bubuhay sa family nya. Ok lang kay hubby he's super bait. Ang kinakatampo ko talaga is yung kapag may mga family issues and sinasabihan sila ni hubby kung anong tama, sasabihin pa ni MIL "Nakatulong lang ng konti kala mo kung sino na". Gosh! I remember my mom gave me this line too. Sabi nya "Tutulong ka lang andami-dami mo pang sinasabi" I replied "Kung ayaw nyong mapagsabihan wag kayo humingi ng pera. " Hahaha.

janix athena

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #222 on: March 26, 2012, 01:53:51 am »
Ewan nga ba bakit marami tamad sa Pinas. And the elderly don't think about their retirement. As in asa lang talaga sa anak. If di kaya ng anak sa ibang kamag-anak mangmo-molestya. Minsan mas gusto ko yung western culture na pag 18 yrs old na labas na ng nest, then you can find your place in the world without the obligation to send your other siblings to school or remit the salary to parents. And the elderly have retirement funds/pension and sometimes even leave an inheritance sa naulila.

NightSky

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #223 on: March 26, 2012, 08:52:45 am »
^Oo nga eh. Bf ko american kaya napag-usapan namin yung tungkol sa family at yung pagbibigay ng pera. He understands pero he reminded me na wag ko lang mapapabayaan sarili ko kasi that money is something I worked hard for. He admires that I help my family daw kahit di ko responsibilidad. Yung lola ko kasi, siya nag-paaral sa mga kapatid. Halos lahat well-off, siya ang naiwan, na natatakot akong mangyari sa akin. Kapatid ko di pa ulit naghahanap ng work kaya parang mabigat sa pakiramdam. 

kvandenhaak

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #224 on: March 26, 2012, 10:01:37 am »
Ewan nga ba bakit marami tamad sa Pinas. And the elderly don't think about their retirement. As in asa lang talaga sa anak. If di kaya ng anak sa ibang kamag-anak mangmo-molestya. Minsan mas gusto ko yung western culture na pag 18 yrs old na labas na ng nest, then you can find your place in the world without the obligation to send your other siblings to school or remit the salary to parents. And the elderly have retirement funds/pension and sometimes even leave an inheritance sa naulila.

It's because for them life with dignity is important. Nahihiya sila na umasa pa sa iba kapag old enough na sila to work or strong enough to still take care of themselves. No wonder maunlad sila.

simplecathy143

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #225 on: March 26, 2012, 05:11:39 pm »
I'm also the eldest in the family pero hindi naman ako totally breadwinner kasi my work pdn naman ang parent ko at hindi naman nila totally inaasa saken lahat ng mga expenses sa bahay.. kusang loob akong nagbibigay at ako nrn ang nagkukusa na magpaaral sa kapatid ko.. sila pa nga nagsasabi na magtabi ako para sa sarili ko..  Sabi ko nga sa sarili ko dati once na magkawork nko babawi ako sa paghihirap nila saken..

janix athena

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #226 on: March 26, 2012, 09:29:43 pm »
^Masarap kung ganyan. Yung kusang loob na pagtulong. Yung you give what is maluwag sa dibdib. Ang mahirap sa kaso ng maraming breadwinner is inoobliga sila, so kahit di na nila kaya magbigay, or kahit gusto naman nila magpundar for themselves, eh sori tiis na lang. Nawawalan ka kasi ng free will so you have all this resentment. But again I maintain we always have a choice. If we will be firm we can always ask them to help us financially para in time pwede na silang tumayo on their own feet.

kimberly428

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #227 on: April 08, 2012, 03:14:35 am »
I am also the eldest in the family and semi-breadwinner....sa situation naman namin, 3 kaming magkakapatid but my mom passed away when I was 14 yrs old... so instant mommy duties na ako 14 yrs old pa lang... late na nagasawa dad ko sa by the time na highschool ako, halos pa-retire na sya... so, in short ako ang sumalo nung mga tuition fees ng mga kapatid ko nung nagtrabaho na ko, lahat na ata ng malo-loanan eh na loanan ko... pero thankful lang ako na nakahanap ako agad ng trabaho at hindi tamad yun mga kapatid ko at alam nila yun situation sa pamilya na umaasa lang kami sa sweldo ko at sa pension ng dad ko.... eventually nakatapos naman yun sis ko sa college, at yung bunso nagaaral pa ng college (2yrs na lang siguro)...

In the course of all these, medyo na-sacrifice ko lang yun personal life ko, hindi natuloy yun plans ko of getting married at a certain age (kasi nga ayoko na sanang gayahin yun sa dad ko na late na sya nagasawa) pero iniisip ko na lang, baka talagang eto yun destiny ko.... na tumulong sa mga kapatid ko at sa pamilya ko, kasi wala na din naman ibang tutulong...mahirap din kasi umasa at humingi ng tulong lagi sa kamaganak lalo na kung emergency...

Masaya naman ako at kahit papano nakakatulong ako sa dad ko at sa mga kapatid ko, pero yun nga, until now wala pa akong matinong savings hahaha... yun na lang din siguro yun isang regret ko, pero pwede pa naman magawan ng paraan lalo na ngayon at tapos na yun sis ko at may trabaho na :)

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #228 on: April 16, 2012, 03:00:29 pm »
I purposely cut my ties with my family after all the lies & deceptions. Tama na, kakapagod na, most of all abuso na talaga. It hurts, but I finally found the courage to tell them to clean up their own mess. I had a hard life growing up since I took care of all my siblings including my half sisters. My mother wants me to continue helping them but I said no. Ang lakas ng loob nilang mag anak ng mag anak, wala naman silang stable job. Very irresponsible. I will never allow them to take advantage of me again!

izabelle

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #229 on: April 17, 2012, 06:04:33 am »
eldest din ako.. well dalawa lang naman kami magkapatid.. never ako naging breadwinner.. in fact, never akong nagbayad ng bills sa bahay namin when i was still single.. always parents ko.. lahat ng sahod ko sa akin lang :D even my sister ganon ngayon.

i think swerte lang din kami because my parents have a stable job and a family business.. minsan kasi, hindi maiiwasan hindi maging bread winner depende sa case e.. pero i agree na sana huwag abusado ang family.

cindylcontreras

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #230 on: April 17, 2012, 06:32:22 am »
I was the eldest child too..and was a breadwinner before, pero when my brother already graduated and find a good job, hindi na. Dalawa lang kaming magkapatid, pero never naman ako inobliga ng parents ko to be the breadwinner. When my dad retired, na feel ko na yung responsibility na ako na yung bubuhay sa pamilya ko. Kusa ko lang ginawa, siguro dahil na din nakita ko naman sa parents ko yung tulong na ginawa nila saken para makatapos ako. Lahat naman din ng luho nung bata ako nakuha ko, so getting the responsibility wasn't hard for me to accept. It wasn't easy, kase kahit pambili ng yelo or candy saken nanggagaling. Pinapaaral ko din yung kapatid ko, na nung time na yun was on college kaya mahirap talaga. Grabe, I remember myself na never kong pinipili ang morning shift (since I was working in a call center) kase alam kong super mababa sweldo sa umaga. Never akong umaabsent unless nilalagnat na ko talaga, no lates, no VL or SL para lahat mai-convert ko sa money! hahaha! Grabe ako mag work nun, wagas talaga. But when my brother graduated, and he was able to get a good job I was proud of myself. Imagine, at my young age (nung time na yun..hehe) nakapagtapos na ko! haha! Funny it may seem pero fulfilling din yung feeling. When I got married, my mom never had an issue letting me go (yung dad ko lang, alam mo naman mga tatay dramatic actors talaga pag ikakasal ang mga unica hija..hehe). Siguro nga kase I was able to give them everything I should as a daughter, so wala na silang mahihiling pa. For me, it was the greatest achievement that I've done in my life! ;)

marssie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #231 on: April 24, 2012, 08:17:57 pm »
janix athena natawa naman ako sa family forum haha! Oo nga no, kung pwede sanang ganon :) Almost same tayo, pagkakaiba lang natin, ako lang ang breadwinner, since ako nga ang pinakapanganay, si hubby ko naman is bunso so carry lang. 

Nung nasa pinas pa ako, halagang 1500 masaya na nanay ko,ngayon umaabot na 10k monthly niya naku po nagkukulang pa. Pero infairness naman sa nanay ko,alam naman niya ang mga gastusin ko, at kahit papaano pumepreno na rin naman sila sa paghingi :) Sinama ko ba naman siya sa abroad at nasaksihan niya hirap ng buhay namin dati ;D yun nga lang, sa mahal na rin kasi ng bilihin ngayon plus nagagamot pa siya, at may tatay pa akong ayaw maglabas ni singko para sa gastusin sa bahay, eh talaga namang magkukulang ang padala ko. Buti nalang mabait si hubby, although minsan nahihiya na rin ako,pero kaya nga rin ako nagwowork pa, kasi gusto ko matigil man ako sa work,may enough na money ako pang emergency fund ng pamilya ko dahil ayaw kong galawin ang para sa amin ng asawa ko dahil para rin yun sa anak namin at sa amin..

Minsan kasi kailangan prangkahin din sila, tulad ko,very vocal ako kung magkano ang bayarin namin, at magkano ang sahod namin, kasi gusto kong maintindihan nila na may sobra man sa sahod namin,nilalaan namin yun para sa future namin. At pinapaliwanag ko rin sa kanila na may extra man,di ko pwedeng ibuhos sa kanila kung di naman talaga kailangan dahil mas priority ko na pagdating ng panahon na may emergency or talagang kailangang gastusan para sa kanila eh may mahuhugutan ako at di na kailangan mangutang pa sa iba or mabawasan ang savings naming mag-asawa. Kasi ako at ako rin naman ang tutulong sa kanila.

Napatapos ko rin ang bunso namin sa college.. ::)

Ilang beses ko ring pinagsabihan ang nanay ko, na kahit 100 pesos sa bawat padala ko,itabi, di naman ginagawa,nagsawa na ako.. kaya imbes na ibigay ko ng buo allowance niya, binawasan ko at ako nalang ang nagtatabi para sa kanya, without her knowledge syempre, nagdahilan nalang ako bakit may bawas allowance niya, may tindahan din naman kasi nanay ko, i just make sure na kumpleto ang supply ng gamot niya, the rest diskarte na nila.. Sa tatay ko naman, i don't give him any allowance, may pension naman yun,kuripot lang.. pero pag pasko at bday niya, pinapadalhan ko naman ;D

Hay... buhay ng panganay...

rheinfall18

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #232 on: May 10, 2012, 05:57:59 pm »
young_maiden, hindi mo siguro mahal ang mga kapatid mo kaya ganyan ang naiisip mo. subukan mo lumagay sa sitwasyon nila at yang iniisip mo ngayon ang nasa isip din nila. wala ka nga talaga magagawa at hindi mo kasalanan na ipanganak ng mas maaga pero hindi ibig sabihin nun gagamitin mo yun dahilan at hindi rin yun maling set-up. wala ako nakikita mali dito unless you are being forced to do it.

eldest din ako at bread winner pero after i graduated, nag-usap kami ng parents ko sa hatian ng gastusin sa bahay. sabi ko sa kanila, since kapatid ko sila at anak nila ang mga kapatid ko, para fair sila dapat ang magpa-aral sa mga kapatid ko katulad ng responsibility na ginawa nila sakin. so majority ng income ko is for family use as a whole (grocery, electricity, etc.)

kung tutuusin mas swerte nga ako sa mga kapatid ko kasi almost lahat ng savings nila napunta sakin, especially sa education ko. ang nangyari tuloy nag-scholar yung sumunod sakin dahil kulang na ang budget, buti na lang mas matalino naman sya sakin. ngayon, yung bunso na lang namin ang nag-aaral kaya swerte din dahil tatlo na kaming pwedeng mag-support sa kanya so hindi na mabigat yung burden.

what i mean is, it is just a matter of proper management. kung lahat naman nagtutulungan, walang mahirap gawin di ba. another is, lahat ng bagay nadadaan sa maayos na usapan. talk to your parents about your issue, sila din naman ang makakatulong sayo. ^^

young_maiden

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #233 on: May 11, 2012, 02:04:52 pm »
^ don't get me wrong. I love my brothers very much. Ayoko lang na sa kanila umikot mundo ko. Handa ako tumulong sa kanila at sa parents ko. Ayoko lang dumating sa point na ako na lang LAHAT at yung mga magulang ko na di pa naman ganun katanda at kahina ay aasa na din sa akin para maitaguyod ko pamilya ko. Ayoko din yung wala na ako naipon para sa sarili ko.

mbeeyap

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #234 on: May 12, 2012, 07:21:02 am »
i wouldn't mind helping out with the finances sa bahay and sa education ng mga kapatid if nahihirapan talaga mga magulang ko. but to be the primary source of monetary support eh mahirap naman yun. siyempre adult ka narin and would soon start your own family, so you will have to save. pano mo naman magagawa yun if magiging breadwinner ka. for me dapat responsibility talaga yan ng magulang. tulong, yes. pero ang akuin ang lahat ng responsibilidad kasi kaw ang eldest eh di ako sang-ayon. hindi porket nakatapos na si eldest eh natapos na rin ang responsibility ng parents na pag-aralin ang ibang anak.

janix athena

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #235 on: May 12, 2012, 01:42:44 pm »
^Tumpak na tumpak! I suggest once we feel na umaasa na lang sayo ang family mo when physically able naman sila mag-work, kausapin na natin ng masinsinan. Sabihin natin na alam ba nila sa abroad ang mga senior citizen hindi nagre-retire ng age 65, kundi nagwo-work pa hangga't kaya nila. And doon people think of their own retirement hindi umaasa sa mga anak kasi kapag may pamilya na tayo ng sarili yun na ang obligasyon natin. Hangga't kaya pa nila wag sila mag-retire tutal nakakainip kapag idle lang.

Pangalawa, it's human nature na hindi ma-satisy ang tao. Kung pabayaan natin sila umasa sa atin, never sila masa-satisy sa binibigay nating tulong. Lagi at lagi pa ring kulang. When you lend your hand, they want your arm. Kapag hindi mo binigay ikaw pa ngayon ang madamot at masamang ugali.

So dapat ang mindset ng pamilya natin, tulungan, let's all carry our own weight para walang isang tao lang na nabibigatan.

angeleigh

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #236 on: May 12, 2012, 02:45:50 pm »
I am the eldest, although hindi naman talaga solely breadwinner, coz my mom is still working. Single parent na siya coz my father died some years ago. Kaya i have no choice but to help with my siblings' schooling.

Okay lang naman. Sino ba naman ang tutulong sa kanila kung hindi ako. Actually i am proud that i was able to help them. Graduate na mga kapatid ko ng college. At 30, biruin mo i was able to send them both to college. It is such an achievement for me!

Now i can face my own life. :)

Superjoie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #237 on: May 12, 2012, 04:33:38 pm »
me i dont want to face my own life pag 30 na ko, i want to start now. mahirap mapagiwanan, hehe kaya Kahit na i send my siblings s school, di ko kinakalimutan to save for myself. i also always say to them na khit studying they need to raise their own money  tulong lang baga. ayun naman, parang it helps naman parang training na rin. i must say natutoto sila sa buhay. im a proud ate. :)

janix athena

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #238 on: May 12, 2012, 05:26:52 pm »
^Good for you sis! Keep it up. Kumbaga give them responsibilities too so they will develop a backbone. It's for their own benefit rin naman. :)

Margaritabythebeach

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #239 on: June 05, 2012, 02:58:46 pm »
wow, I admire all of you. Pero sana magtira kayo para sa sarili niyo. Let your siblings and parents know na may sarili kayong buhay and that one day magkakaroon kayo ng sailing family. God Bless you all.  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close