Author Topic: to all married...if given a chance would you choose to become single again???  (Read 55006 times)

cruxito

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
oh what can i say? im the husband lolz... well I'm happy with my life right now with my wife and a daughter besides me... ang medyo nakakamiss lang talaga sa pagiging BF/GF namin before is we spent much time together.. now sobra busy sa work... hindi pa kami parehas sched.. kaya minsan HI, hello and goodbyes na lang... pero ganun talaga buhay kesa magkasama kami wala naman paglalaanan ng pinaghirapan.. so NO din ang sagot ko kasi never din ata ako naging single... para kasi ako nagta trabaho with the rule of the thumb na "hanap ng malilipatan bago mag resign" lolz

cosmochick

  • Not Your Average
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1530
No, coming from a broken family and growing up with no parental figure, Ive always longed for someone to love me and to care for me. Now, bumabawi si God sakin, mga hindi Nya binigay noon, binigay Nya sa akin ngayon. He gave me a wonderful husband. I may not have been lucky sa parents ko pero I'm a lucky wife naman. So Im grateful to the end.
I want a life that sizzles and pops and makes me laugh out loud.

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2144
No, kahit nasa honeymoon stage pa lang kami. Nagawa ko na at nakuha ko na ang mga bagay na gusto kong gawin nun single ako. Kaya nun nag asawa ko alam ko gusto ko na ng panibago steps sa buhay. Ang asawa ko ang isa sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko sa ngayon. Nararamdaman ko meron pang hihigit pang saya habang sabay namin tinatahak ang buhay.

SnowBall

  • Love my Stars!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2787
  • yebah!
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #243 on: November 09, 2015, 11:40:41 am »
Been married for 12 years na, and hindi ako magsisinungaling, there are times na minsan naisip ko kung mas masaya kaya ako kung naging single na lang ako.

Siyempre naiisip ko na sana naging single na lang ako kapag yung times na nagaaway kami ni hubby, kapag nahihirapan na ako with being a mother of two, kapag stressed out na ako..

Pero kapag nakapahinga na ako, at bati na kami ni hubby eh, naiisip ko na I would rather have them (husband and two kids), than single hood.

My husband and my kids are my family now, they are the ones who make me happy, kahit sila din yung source ng stress ko most of the time, pero iba pa din yung happiness na dala nila at the end of the day.

Hinding hindi ko sila ipagpapalit sa kahit anong kayamanan, or kaginhawaan.

so, ang answer ko is: NO.
POV lang, Walang Personalan ;)


"Don't get down in the mud with the pigs. You will both get dirty and the pigs will love it."

kymmiiee

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 195
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #244 on: November 09, 2015, 12:10:58 pm »
No. Kahit I got married on my early 20's I didn't regret it. He was my boyfriend since I was in college, I seriously can't imagine myself with any other man but him. Though yes, nakakamiss yung single life mo na all the money that you earned are all yours alone, you can go out all you want, party and sleep all day tsaka yung BF GF days namin kasi we all have the time in the world. We always go out every weekend, do out of town trips, go to the movie, eat-all-you-can spree. Nakakamiss but I wouldn't trade my married life now with our daughter for anything, they're my life now. 9 months pa lang yung baby namin so we don't have the time to splurge on the things yet na gusto namin gawin ulit kasi hindi pa pwede iwan ng matagal si baby. Doing grocery shopping is our "date" nowadays. Haha. Pero he promised me naman na we'll have a "day-off" and go out like we were nung BF GF pa lang kami.

antithesisofbarbie

  • Ineffable.
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 77
    • wordpress blog :)
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #245 on: November 10, 2015, 04:43:43 pm »
as a newbie wife and a newbie mom... NO. :)

siguro dahil nagawa ko naman lahat ng gusto ko gawin before I got hitched. plus I am taking my new role as a wife and mom like an achievement. I'm blessed with a very responsible hubby and an amazing baby girl kaya thankful ako.

at this point na-lessen ang dates namin ni hubby and out of town trips because we need to be wise pagdating sa budget plus we need to consider na we have a baby to take care of. pero the sweetness is still there.. and yung time for each other din.. siguro nag iba lang kami ng gimik... from late night coffee sessions naging late night taking care of the baby moment na...

hindi ko din naman nakita si hubby na nanabik sa pagkabinata... actually ramdam na ramdam nya na father and husband na siya :)
I measure the moment in the heartbeats I skip.

FayeP

  • mom of three boys and a princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2087
  • life's good! praise the Lord!
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #246 on: November 11, 2015, 01:24:36 am »
isang malaking NO!

when I got married I was already 26 and at that point kasi talagang feeling ready ako, since nagawa ko naman na un mga trip ko noong dalaga ako at parang sawa na din ako sa ganun na kahit sino magyayang barkada na gala gora ako...

my hubby and I got married 3 months after we got together so parang nawindang un mga kakilala ko at kamag anak na akala nila preggy ako kaya ako magpapakasal, kako bakit requirement ba muna na preggy bago ikasal haha di ba pwedeng mahal namin isa't isa kaya gusto na namin??? hehe

but now that we have two kids, talagang masasabi ko na di ko maaimagine ang sarili ko na single at wala sila, kasi sila talaga un kasiyahan ko...di ko maiimagine sarili ko na wala un mga bagets ko...kahit madalas nahihirapan ako sa gastos kasi ako lang ang working pero di ko pa din sila ipagpapalit sa singlehood....
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

mackygurl

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #247 on: November 12, 2015, 10:21:23 am »
YES.

I've been 9 months married. And before kami kinasal 3 years kaming mag bf/gf. For the first 2 years, our relationship was cloud 9. then there came the 3rd year; dito na pumasok ang planning ng wedding at construction ng bahay namin magasawa. of course the planning was stressful plus sasabay pa ang kanya kanya namin work and problema. sa ika-3rd year ng relasyon namin dito ko na-experience na makatikim ng masasakit na salita from him, murahin ako in front of my mother, at makarinig ng sumbat at ipahiya ako sa social media. to make long story short, ayaw na ng mga relatives, family, officemates and friends ko na ituloy ang kasal dahil sa mga ginawa nya sa akin. pero nagbulag-bulagan ako sa ugali nya dahil "mahal ko siya". inspite of the situation, tinuloy ko magpakasal sa kanya. then nabuntis ako, akala ko nagbago siya. nung buntis ako, naging cloud 9 ulit ang pagsasama naming mag-asawa. at eto na, nanganak na ako. disappointed siya sa akin dahil na emergency CS ako. 1month din niya akong sinisi at sinumbatan kung bakit ako CS (balik na sya sa ugali nya) then months passed, ang nakasagutan naman niya ay ang mother ko. nagbitiw sya ng masasakit na salita sa pamilya ko. ngayon, nagsisisi ako kung bakit pa ako nagpakasal sa kanya. sobrang pagsisisi ko na pati anak ko naapektuhan. gusto ko ng annullment dahil hindi ito ang marriage na gusto ko. i thought kapag nagpakasal ako, lalagay na ako sa tahimik at masayang buhay. yun pala hindi, baligtad. naging miserable ang buhay ko ngayon. malungkot at walang peace of mind dahil masama ugali ng asawa ko :(

momentum

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1521
  • ♠ Get What You Give ♠
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #248 on: November 12, 2015, 10:29:19 am »
gusto ko ng annullment dahil hindi ito ang marriage na gusto ko. i thought kapag nagpakasal ako, lalagay na ako sa tahimik at masayang buhay. yun pala hindi, baligtad. naging miserable ang buhay ko ngayon. malungkot at walang peace of mind dahil masama ugali ng asawa ko :(

same sentiments sis. that is exactly what I felt when I realized I married the wrong person for me.
----♣ Get Busy Living, or Get Busy Dying ♣----

deiz

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 74
  • Dream Big and be Patient. Your time will come.
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #249 on: November 13, 2015, 09:44:10 am »
A big NO!

Masaya ako na mag-asawa na kami, dahil 10 years kami naging BF-GF. Naging kami nng college years ko.

 We waited kasi, gusto ko handa na sya financially na i-sustain kami pareho at isa pa gusto ko magawa muna namin lahat ng gusto naming gawin. Kasi once nag-asawa ka na, hindi mo na hawak ang buhay mo, priority mo dapat ang relationship nyo hindi yung puro gimik at barkada. At ang pinakamahalaga, gusto ko makilala muna namin ang sarili namin. Kapag bata ka pa kasi wala ka pang experiences.

Ngayon we are married I can say na mas stable and ready na kami sa kahit anong bagay na ibato ng buhay sa amin. Kasi before we got here,sangkaterbang problema pinagdaanan naming dalawa. Ang mahalaga pinaguusapan namin pareho. In the end dahil may pagmamahal kayo at generosity sa bawat isa, nasu-sustain ang relationship.

mackygurl

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #250 on: November 13, 2015, 12:01:32 pm »
same sentiments sis. that is exactly what I felt when I realized I married the wrong person for me.

ang hirap sis ng sitwasyon ko ngayon kasi kaaway na nya ang pamilya ko. gusto ko ng annullment pero iniisip ko ang anak ko. kung wala lang kami anak, agad agad hihiwalay na ako. ibang usapan na kasi kapag binabastos na ang pamilya ko. ngayon nagsasama na lang kami dahil sa anak namin. wala ng love wala ng affection ang natitira sa feelings ko para sa kanya. minsan nga gusto ko na lang bigla maglaho. para matapos na itong problema ko.

momentum

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1521
  • ♠ Get What You Give ♠
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #251 on: November 13, 2015, 02:01:40 pm »
^actually you will come to a point rin sis when na kahit may anak ka mas okay ng humiwalay kesa to be in a miserable marriage.

ganyan din thinking ko nuon pero then I realized my daughter and I are better off without him.
----♣ Get Busy Living, or Get Busy Dying ♣----

deiz

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 74
  • Dream Big and be Patient. Your time will come.
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #252 on: November 13, 2015, 03:22:03 pm »
ang hirap sis ng sitwasyon ko ngayon kasi kaaway na nya ang pamilya ko. gusto ko ng annullment pero iniisip ko ang anak ko. kung wala lang kami anak, agad agad hihiwalay na ako. ibang usapan na kasi kapag binabastos na ang pamilya ko. ngayon nagsasama na lang kami dahil sa anak namin. wala ng love wala ng affection ang natitira sa feelings ko para sa kanya. minsan nga gusto ko na lang bigla maglaho. para matapos na itong problema ko.

@mackygurl Naalala ko lang yung episode na nag-guest si Sunshine Cruz sa Kris TV she talked about kung bakit nakipag-hiwalay siya kay Cesar Montano. Sabi nya na puro babae kasi mga anak nya, ayaw nya na maging ganoon ang example ng acceptable na marriage para sa mga anak nya.

Only you can decide kung okay lang ba sayo na laging nakikita ng mga anak mo na nag-aaway kayo ng asawa mo. It sets a precedent na pagdating ng araw at nag-asawa mga anak mo.

gabrielasilang

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #253 on: November 16, 2015, 11:41:04 am »
YES YES YES YES!!! gusto ko maging single again!

NinaSarah

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #254 on: December 12, 2015, 12:12:06 pm »
yes. i think  mas ok pa naging buhay ko if single mom ako.

yn061515

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 747
No. Never.

I am perfectly happy being my husband's wife and Y's momma.
I wouldn't change a thing, ever. #PweraUsog

lovebelle

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
A big YES. I miss being single! :(

momentum

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1521
  • ♠ Get What You Give ♠
I'd trade anything just to go back in 2009 and disagree to marry that guy, no matter what the consequences i'd face
----♣ Get Busy Living, or Get Busy Dying ♣----

mommylyn

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 67
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #258 on: September 03, 2016, 06:54:24 pm »
Some years ago, my answer to this question would be different. I would rather be single. But, since we are now happier and more successful, I would say that I love my married life now. But still, I wish I could have stayed single a bit longer. We had our first child when I was 21 pa lang and he's 25. Hindi ako prepared but, I forced myself to be a responsible adult and parent. I sacrificed alot just so I could give my children a good future and a whole family. I know I would have accomplished more for myself had I stayed single for a bit longer or pursued my dream profession. Maybe Attorney na ako and my life would be entirely different. Pero no regrets. I believe that all of what I have now is a blessing from God. :-) I am happy Na kahit paano hindi naman nasayang ang mga pagtitiis at pagsasakripisyo ko.
God always answers our prayers. Maybe not with a YES, but always with what is BEST.

jowvxyz

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 45
  • Vito, Xavi, Ynigo, and Zechariah. My VXYZ. :)
Re: to all married...if given a chance would you choose to become single again???
« Reply #259 on: September 14, 2016, 10:05:27 am »
I wish I've stayed single for a longer time, I wish I chose a better man. I got married at the age of 18 because I got pregnant, I wouldn't say that it was a shotgun marriage or what, but I was really emotionally unprepared that time. We had a rough start because I had 5 miscarriages on 3 consecutives years. Sabi pa nga eh, pinakasalan lang naman ako kasi nabuntis ako tapos nakunan pa. But when we migrated here in Canada 13 years ago, finally nakapag-start ng family and our married life became way way better. But right now, I realized that my husband never loved me as much as I love him. I just settled because of my kids. Ang hirap ng ganito. Oh how I wish I could turn back time.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close