Dahil sa hindi ako masyadong busy ako naman mag share

EDD: Sept 23, 2013
Delivery Date: Sept 13, 2013
Sept 6 (Fri): Last day ko sa office
Sept 7 (Sat): Weekly checkup. Sarado pa ang cervix. Niresetahan ako ng primrose oil and buscopan. Tapos kinagabihan super lakad to the max.
Sept 8 (Sunday): Nag try kami magpatingin sa Lying-in malapit sa amin kung kaya akong paanakin. Last minute ito na mag decide kami mag Lying in nalang since kaya kong i-normal dahil hindi naman malaki si baby and may on-call OB naman din sa lying in. So dala-dala ko lahat ng laboratory results, ultrasounds para may record ako.
Sept 9 (Monday): Morning, nagising ako na ang feeling ko wet ang panty ko, so punta ako sa CR tapos nakita ko may brownish-red ako discharge, pinakiramdaman ko ang sarili ko wala namn akong kakaibang nararamdaman

Pero tumawag ako dun sa midwife hindi na sa OB ko kasi decided na ako dun manganak. Tinan0ng ako kung humuhilab ba yun tiyan ko tapos kung anong kulay ng discharge etc. etc. wala akong nararamdamang hilab. Pero nung afternoon na hanggang hapon pasakit sakit na ang puson ko na parang magkakaroon lang.
Nung gabi, nagpunta kami sa Lying in, kasi nga spotting pa din ako, tapos IE pero sarado pa din ang cervix ko.. observe observe pa daw basta anytime na mag water broke balik daw ako agad or if dumami ang blood. Lakad lakad ulit..
Sept 10-11 (Tue-Wed): may spotting pa din tapos pasakit-sakit ang puson at balakang ko pero keri lang.. Lakad pa din ng lakad

Sept 12 (Thurs): Napapadalas na yung sakit ng puson ko lalo na ang balakang. Nag download pa ako ng app para sa pag monitor ng contractions ko, ang narerecord kong pagitan ng pagsakit at paghinto is 6-8mins. Pero hindi pa ganun kasakit ang hilab, kering keri pa. Nagpunta kami ulit sa lying to check. 1cm palang daw ako. Then sabi ng midwife if kinabukasan daw ng afternoon at hindi pa din nagpo-progress ang dilation ko sa hospital na daw dapat ako for induced labor, hindi daw kasi sila allowed nun. And possible na ma CS pa ako pag hindi talaga bumaba ang baby. Worried na din daw si midwife kasi ang tagal ko na nag-spotting. NUng chineck niya din heartbeat ni baby mabilis daw na parang distress sa loob.
Thurs night till morning ng Sept13 hindi na ako pinatulog ng sakit ng balakang na najejebs na hindi maintindihan. Naglalakad lakad ulit kami ni hubby nun.. tapos sobrang sakit na ng hilab kaya habang naglalakad pag humuhilab napapatigil talaga ako tapos halos madurog na yun braso ni hubby sa pagkakakapit ko haha
Nag try ako matulog kasi feeling ko pagod na pagod ako at puyat na puyat pero hindi ako makatulog dahil sa sakit ng balakang, hanggang sa naramdaman ko may lumabas na tubig sa akin.. then, yun na nagpadala na ako sa lying in. Tapos pag-IE sabi niya manganganak na daw ako

tinawagan na niya yun OB tapos si hubby umuwi para kunin yung mga gamit, ako naman palakad-lakad pa sa lying in nakadalawang balik ako sa CR kasi naiihi ako at najejebs nung pangatlong paalam ko mag CR hindi na ako pinayagan, humiga na niya ako haha!

Ilang push bago lumabas si baby kasi hindi ako marunong

sabi pa ni OB ang taas daw ng pain tolerance ko. Pag humihilab sinasabi ko pa kay doc "Doc game na!" sabay ire..

paglabas ni baby sabi ko pa.. "Picture! Picture!" at may wacky pic pa ako haha! Nakita ko pa nilagay sa may table si baby iyak ng iyak... nakakaramdam na ako ng antok pero sabi ko pa "bakit umiiyak si baby?" sabi nung OB "mommy tulog ka na, magpahinga ka na.
Ayun na!