watch now

Author Topic: Signs of labor  (Read 834437 times)

ross24

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #620 on: January 02, 2014, 12:36:03 pm »
^hi sis, naku hindi mo pa naramdaman yung labor talaga. Yung feeling mo mamamatay ka na and gusto mo na talaga ilabas si baby para matapos na yung pain. Hehe.

Almost all moms gusto ng normal delivery pero ako kung mababalik ko lang, magpapa-CS ako :) inggit nga ako sa mga CS na moms :)

Halee

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #621 on: January 03, 2014, 02:03:15 pm »

Sis nageinna pareho tayong induced labor kase konte na lang amniotic fluid ko. Naglabor ako for 19 hours bago lumabas si baby ko. Nagretract pa cervix, napakatagal bumuka non nsa 8-9cm naman na eh mataas pa si baby ko kaya hirap na hirap ako. Habang umiiri nga nagmamakaawa na akong i-CS. Hindi naman ako pwedeng mag painless NSD kase kailangn kong magpush. Ayaw na rin i-CS kase ang tagal ko nang naghirap.

May baby is turning 1 yo next month.  :)

con0120

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #622 on: January 04, 2014, 02:21:55 am »
Lucky ako kasi saglit lang ako ng labor, yung una nafeel ko masakit lang parang dysmenorrhea lang, keri ko pa, hanggang nagkaron ng spoting kaya ako pumunta na sa clinic ng OB ko, nung nasa delivery room na ako, dun ko naramdaman ang sobra at di maipaliwanag na sakit. luckily wala pa 1hr lumabas na si baby... (that was 10 yrs ago) Now I'm 32nd week sa 2nd baby, and honestly natatakot ako. Praying na sana parehas lang nung una ko.

prickyslime

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #623 on: January 10, 2014, 08:22:40 am »
Hi! medyo off topic po ako pero ask ko lang, ano ba pwede gawin para umikot si baby? Breech position padin siya. 35 weeks na ko. Nag-false labor ako last January 8, January 7 naman lumabas na mucus plug ko. :( Kung maglalabor man ako ngayong week, ayoko naman macesarean! Help!

prettypepz

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #624 on: January 10, 2014, 02:43:13 pm »
My Labor Story

EDD: Jan 1, 2013
Delivery Date: December 19, 2013
Labor hrs: 6hrs and 30mins :)

Weekly check up ko lang that day, nag hesitate pa ako magpa check up dahil tamad na tamad ako that time.. Pinilit lang ako ni hubby.. :) So yun, pagdating ko ng clininc super dami ng tao, kasi last week na yun ni OB mag check up dahil papunta sya ng Japan for Christmas vacation (super lucky na nanganak na ako that day dahil kung hindi, wala si OB sa due ko)..

Mabait ang baby ko, hindi nya ako pinahirapan (lagi namin sya kinakausap na sana normal kami and wag nya ako pahirapan hehe I guess it worked). 2pm pagka IE sakin, 5cm na daw ako, I didn't know what to feel (excited na biglang kinabahan) sabi pa ni OB "etong pasyente ko pa chewing2 gum pa eh 5cm na" so ayun natuwa si OB dahil within the day papaanakin nya ako so bago sya umalis ok na.. :) hindi na nya ako pinauwi ng house, derecho agad sa Hospital.. so my sister whom I was with called her BF to get my and baby's things na dalhin sa hospital (ayaw kasi syang paalisin sa hospital need ko daw ng kasama).. so ayun the usual, several nurses asked me infos, filled out etc.. relax na relax lang ako sabi ko pa wala ako nararamdaman haha then my OB told me "mamaya mo mararamdaman yan"

Hindi ko na alam ginawa nila sakin basta ang sabi patutulugin daw muna ako (I think yun yung sedation na tinatawag), that was past 2pm, inantok ako pero saglit lang, every 30 mins nagigising ako pero light lang yung naffeel kong contraction.. we're waiting na mag dilate ako.. from 5cm I dialted to 7cm bandang 5pm.. (ang bilis lang) super sakit na pero hindi ako nanghingi ng kahit anong turok.. hehe so yun as my cervix progresses, pasakit ng pasakit.. kapit na ako sa nurse ng mahigpit sabi ko ang sakit2.. najejebs ako na ewan basta THE MOST UNCOMFORTABLE FEELING :D ..

Then dumating si OB to check, I forgot ilang cm ako nung ni rupture  nya yung water bag ko at doon nagsimula ang pinaka matinding sakit... around past 8pm ako nag fully dilated.. then dinala na ako sa delivery room.. saglit lang ako umire.. hindi nyo mapipigilan kasi talagang mapapaire kayo once 10cm na.. kaya madali lang..

After several pushes, ayun nakita ko na si baby at knocked out na ako... haha.. sulit naman ang sakit at pagod... :)

Sorry ang haba yata... hehe

peenitokss

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #625 on: January 10, 2014, 03:01:09 pm »
^ sis anong anaesthesia ginamit sayo? Yon ba yong twilight? kasi sabi mo pinatulog ka?

Sorry po OT

prettypepz

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #626 on: January 10, 2014, 10:55:51 pm »
^ sis anong anaesthesia ginamit sayo? Yon ba yong twilight? kasi sabi mo pinatulog ka?

Sorry po OT

Hehe naku sis hindi ko alam eh.. Para kasing wala na akong pakelam kung anong iturok sakin.. Sa excitement ko :D

Shey031211

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #627 on: January 11, 2014, 05:18:05 am »
38 weeks na po kami ng baby ko. Due date ko po sa Jan. 25. Pero hindi pa din po labas yung pusod ko, normal lang po ba yun ? tsaka ang tigas na po ng tiyan ko.
Hindi na po masyadong nagalaw baby ko. normal lang po ba yun? Need ko po ng Res[onse Im 18 years old only and malayo po yung mom ko sa tabi ko. Salamat po God Bless  :-\

ross24

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #628 on: January 11, 2014, 03:16:16 pm »
^wow swerte mo naman sis! Sana ganyan din ako. 38th week nako. Naglalakad lakad ka ba or exercise? :)

prettypepz

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #629 on: January 11, 2014, 04:35:45 pm »
Sis ross24: oo sis mahilig ako mag mall nung preggy ako.. Tsaka nag wwork kasi ako non hanggang 5 months.. 2hrs ang byahe ko everyday :)

danicahappy

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #630 on: January 13, 2014, 06:51:32 pm »
38 weeks na po kami ng baby ko. Due date ko po sa Jan. 25. Pero hindi pa din po labas yung pusod ko, normal lang po ba yun ? tsaka ang tigas na po ng tiyan ko.
Hindi na po masyadong nagalaw baby ko. normal lang po ba yun? Need ko po ng Res[onse Im 18 years old only and malayo po yung mom ko sa tabi ko. Salamat po God Bless  :-\

Hi sis, I'm currently 38 weeks na din and sabi ng OB ko normal lang na di na masyado magalaw si baby kasi waiting nalang din siya na lumabas. Wag ka magworry sis. =) Lapit na tayo!

GMGravity

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #631 on: January 14, 2014, 02:15:52 pm »
sis prettypepz congrats! sana mabilis lang din ako maglabor like you, and nacurious na talaga ako if gaano kasakit yung napakasakit  ;D worried lang ako baka mahimatay ako. Plan ko magwork hanggang kabuwanan ko like isang officemate ko, dito na inabutan hehe. Madalas pa nga ko nag imagine if possible kaya manganak ako bago pa dumating sa ospital para walang tusok tusok at tahi tahi  ;D

missFB

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #632 on: January 14, 2014, 05:56:27 pm »
Dahil sa hindi ako masyadong busy ako naman mag share  ;D

EDD: Sept 23, 2013
Delivery Date: Sept 13, 2013

Sept 6 (Fri): Last day ko sa office

Sept 7 (Sat): Weekly checkup.  Sarado pa ang cervix.  Niresetahan ako ng primrose oil and buscopan. Tapos kinagabihan super lakad to the max.

Sept 8 (Sunday): Nag try kami magpatingin sa Lying-in malapit sa amin kung kaya akong paanakin.  Last minute ito na mag decide kami mag Lying in nalang since kaya kong i-normal dahil hindi naman malaki si baby and may on-call OB naman din sa lying in.  So dala-dala ko lahat ng laboratory results, ultrasounds para may record ako.

Sept 9 (Monday):  Morning, nagising ako na ang feeling ko wet ang panty ko, so punta ako sa CR tapos nakita ko may brownish-red ako discharge, pinakiramdaman ko ang sarili ko wala namn akong kakaibang nararamdaman  ;D Pero tumawag ako dun sa midwife hindi na sa OB ko kasi decided na ako dun manganak.  Tinan0ng ako kung humuhilab ba yun tiyan ko tapos kung anong kulay ng discharge etc. etc. wala akong nararamdamang hilab.  Pero nung afternoon na hanggang hapon pasakit sakit na ang puson ko na parang magkakaroon lang.

Nung gabi, nagpunta kami sa Lying in, kasi nga spotting pa din ako, tapos IE pero sarado pa din ang cervix ko.. observe observe pa daw basta anytime na mag water broke balik daw ako agad or if dumami ang blood.  Lakad lakad ulit..

Sept 10-11 (Tue-Wed): may spotting pa din tapos pasakit-sakit ang puson at balakang ko pero keri lang.. Lakad pa din ng lakad  ;D

Sept 12 (Thurs): Napapadalas na yung sakit ng puson ko lalo na ang balakang.  Nag download pa ako ng app para sa pag monitor ng contractions ko, ang narerecord kong pagitan ng pagsakit at paghinto is 6-8mins.  Pero hindi pa ganun kasakit ang hilab, kering keri pa.  Nagpunta kami ulit sa lying to check.  1cm palang daw ako.  Then sabi ng midwife if kinabukasan daw ng afternoon at hindi pa din nagpo-progress ang dilation ko sa hospital na daw dapat ako for induced labor, hindi daw kasi sila allowed nun.  And possible na ma CS pa ako pag hindi talaga bumaba ang baby.  Worried na din daw si midwife kasi ang tagal ko na nag-spotting.  NUng chineck niya din heartbeat ni baby mabilis daw na parang distress sa loob.

Thurs night till morning ng Sept13 hindi na ako pinatulog ng sakit ng balakang na najejebs na hindi maintindihan.  Naglalakad lakad ulit kami ni hubby nun.. tapos sobrang sakit na ng hilab kaya habang naglalakad pag humuhilab napapatigil talaga ako tapos halos madurog na yun braso ni hubby sa pagkakakapit ko haha

Nag try ako matulog kasi feeling ko pagod na pagod ako at puyat na puyat pero hindi ako makatulog dahil sa sakit ng balakang, hanggang sa naramdaman ko may lumabas na tubig sa akin.. then, yun na nagpadala na ako sa lying in.  Tapos pag-IE sabi niya manganganak na daw ako :o  tinawagan na niya yun OB tapos si hubby umuwi para kunin yung mga gamit, ako naman palakad-lakad pa sa lying in nakadalawang balik ako sa CR kasi naiihi ako at najejebs nung pangatlong paalam ko mag CR hindi na ako pinayagan, humiga na niya ako haha!  ;D

Ilang push bago lumabas si baby kasi hindi ako marunong  ;D sabi pa ni OB ang taas daw ng pain tolerance ko. Pag humihilab sinasabi ko pa kay doc "Doc game na!" sabay ire..  ;D

paglabas ni baby sabi ko pa.. "Picture! Picture!" at may wacky pic pa ako haha! Nakita ko pa nilagay sa may table si baby iyak ng iyak... nakakaramdam na ako ng antok pero sabi ko pa "bakit umiiyak si baby?" sabi nung OB "mommy tulog ka na, magpahinga ka na.

Ayun na!

prettypepz

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #633 on: January 15, 2014, 12:27:49 am »
sis prettypepz congrats! sana mabilis lang din ako maglabor like you, and nacurious na talaga ako if gaano kasakit yung napakasakit  ;D worried lang ako baka mahimatay ako. Plan ko magwork hanggang kabuwanan ko like isang officemate ko, dito na inabutan hehe. Madalas pa nga ko nag imagine if possible kaya manganak ako bago pa dumating sa ospital para walang tusok tusok at tahi tahi  ;D

Thank you sis! haha maffeel mo na rin yan.. naku hindi ka mahihimatay.. instead magigising ka sa sakit :D If I were you mag leave ka na kasi mahirap sumakit at abutan ng malayo sa papanganakan mo.. :) Goodluck sa delivery mo sis.. keri mo yan :)

EJ2526

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #634 on: January 15, 2014, 09:39:46 am »
38 weeks na po kami ng baby ko. Due date ko po sa Jan. 25. Pero hindi pa din po labas yung pusod ko, normal lang po ba yun ? tsaka ang tigas na po ng tiyan ko.
Hindi na po masyadong nagalaw baby ko. normal lang po ba yun? Need ko po ng Res[onse Im 18 years old only and malayo po yung mom ko sa tabi ko. Salamat po God Bless  :-\

Magka age pala tayo. Ako nga 29 weeks pa lang pero minsan feeling ko nag-lalabor nako eh. Haha lalo na pag may ginagawa ako. Im trying to keep myself up kasi para hindi ako mahirapan manganak. :)

GMGravity

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #635 on: January 15, 2014, 09:54:33 am »
prettypepz hehe wish ko lang talaga sis kasi noon teenager ako pinaputok ng pinsan ko ang pigsa sa braso ko nahimatay ako sa sakit paghampas niya sa bote haha. Siguro nga magleave na ako by first week ng June, gusto ko pa sana lumagpas ng June 12 sayang Holiday hehe kaso sobrang lapit na sa EDD ko non

missFB dami ko natutunan sa story mo sis, so dapat pala di matagal magspotting kapag malapit na manganak. First baby mo ba iyan sis? Parang gusto ko din maglying in kasi para super lapit lang sa house namin kaso ayaw ako tanggapin ng classmate ko na midwife doon kasi first baby daw. Gaano katagal pala noong nagstart ka umire sis bago lumabas si baby? And last ng lang, how much nagastos mo sis? hehe



missFB

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #636 on: January 15, 2014, 10:26:57 am »
Sabi nung midwife hindi daw normal na mag spotting, nung sinabi ko nga daw na nag spotting na ako inexpect niya na kinagabihan mag po-progress na ako, pero inabot pa ng ilang araw, kaya worrried na din siya baka kung anong mangyari kay baby. Nag plan B na nga kami na sa hospital na ako manganganak at kasi nga baka ma CS daw ako.  Buti nalang talaga nai-normal ko pa din  :)

Oo sis, first baby ko.  :)   sasabihin naman sayo yun kung kaya ka paanakin o hindi eh. Kaya inaalam din talaga nila yun history, kung tumataas ba ang BP, mataas ang sugar.. mga ganyan.. Pero ang alam ko nga karamihan ng lying in hindi nag aaccept pag first baby tsaka yun mga may edad na kasi mas risky unless kumpleto sila sa facilities.  Eh ako nga 32 nung nanganak e.  ;D

Hindi ko na matandaan kung ilang ire.. 5 to 6 na ire yata or more pa..  ;D buti nalang hindi naglalabas pasok si baby kasi nakakapa na nung OB yung ulo ni baby at nakikita na niya yun hair hehe.  Sabi nung OB dahan dahan sa pagbawi after umire para hindi pumasok ulit si baby  ;D tinuruan lang ako nung OB. Nagastos ko lahat lahat is 7k. 5k sa OB at 1500 sa midwife tapos un excess sa mga ginamit na baby soap, bulak ect. pero nasa P300 lang yun nag keep the change nalang kami, feeling mayaman hahaha. ;D less philhealth na yun.

GMGravity

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #637 on: January 15, 2014, 10:58:34 am »
i-try ko nga kasi hindi naman mataas sugar ko and hindi ako highblood, kaso anemic ako pero nag iron supplement na ako mga two months ago na. Ang laki kasi ng difference ng expenses, para may magamit pa kami sa mga needs ni baby after. Iyon nga din kwento ng isang officemate ko, dapat daw diretso mahabang ire para di nabibitin. Isang officemate ko kasi, nailabas na ang ulo ibinalik pa daw, tapos na emergency CS siya??? posible pala ang ganon kasi maliit daw sipit sipitan niya.

immy

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #638 on: January 15, 2014, 03:09:53 pm »
I gave birth last August 31, 2013 via emergency CS.  :)

I was 38 weeks and 5 days pregnant then. Almost 6PM nun, nag mani pedi pako. (I know bawal pero matigas ulo ko. Sabi ko baka hindi pa naman ako manganganak hehe). Nag CR ako to pee. Tapos biglang may lumabas na sobrang daming water. Ayun pala my water bag broke na. Super kalmado ako because based from what I read here sa GTALK pag nangyari yun, stay calm lang. So sabi ko sa parents ko, punta na kami hospital. My mom was so ngarag then. Hindi nya na matawagan OB ko kasi d na nya mapindot yung cp nya sa sobrang nanginginig na sya. hehe I called my husband and informed him na pupunta na nga kami sa hospital. He was in Manila at that time and ako nasa Bicol. He took the bus immediately pauwi. Nung nasa hospital na kami, tinusukan nako ng pang induce. Nag start yung labor pains at around 12mn. I knew d nako makakatulog so nag ttext lang kami ni hubby the whole time, nagiinternet ako and nag mmake up. haha! At around 5:30AM, super sakit na talaga and sumisigaw nako. At 6AM, dumating si hubby, then at around 6:30AM. my OB arrived to check if ilang cm nako. 6cm palang ako nun pero according to my OB, wala na ko masyado water so diretso nako sa delivery room. Nagmake up pa pala ko before ako dalhin! hihi!

When I was in the delivery room, hindi ako kinabahan. Super sakit lang talaga lalo pag hummihilab. In between my contractions, super chika pa kami nung 2 nurses and si Doc. They were asking me if ano brand ng make up ko etc. :) After 1 hour of pushing, hindi pa rin bumababa si baby. Ayaw nya lumabas. Dry labor nako and wala na water. Lahat na blood lumalabas. That's the time when my OB decided to have an emergency CS.

Pagpasok ko sa operating room, super hug ako sa OB ko. Tapos my anesthesiologist arrived. After nya itusok yung anesthesia sa spine ko, groggy nako but I was still able to say "Doc, allergic po ako sa Ibuprofen.." Then, I just felt na parang kinakamot nila yung tummy ko, but I knew at that time na binibiyak na sya.

The next thing I knew, nasa recovery room nako with my husband and parents beside me. Unang sinabi ng husband ko, wala na raw make up ko. Hahaha!

The recovery was so difficult since allergic ako sa pain killers. Biogesic and Tramadol lang nag serve na pain killers ko.

Na CS man ako pero na experience ko pa rin mag labor. Now, my baby boy is exactly 4 months and 15 days old.  It's all worth the pain.    :D

shobepotter

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #639 on: January 16, 2014, 07:45:21 pm »
Sis immy nakakatawa naman yung story mo!! hahaha. Ang dami ko nang nabasa sobrang kabado na ko, I'm due on March sana rin makuha ko pang magmake up before ako manganak ^_^ sana hindi ako pahirapan huhu

 

Latest Stories

Load More Stories
Close