watch now

Author Topic: Signs of labor  (Read 834575 times)

Deeyosa

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #580 on: September 09, 2013, 06:49:37 pm »
Hi mga Sis! Sobrang happy ako I saw this thread. I'm on my 18th week pa lang. Natatakot kc talaga ako manganak and reading your labor stories helps me prepare for what to expect.

Un epidural ba pag nagkamali ng saksak e mapaparalyze ka? Is this true?

pinkpotato

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #581 on: September 12, 2013, 12:34:27 pm »
di ko alam kung may epidural ba yung tinurok sa akin pero super painless sya

Yung epidural sis nilalagay usually before active labor. it is inserted sa likod mo so yung anesthesiologist mo may ginawang proseso muna dapat sayo.

Ganito:  A small area on your back will be injected with a local anesthetic to numb it. A needle is then inserted into the numbed area surrounding the spinal cord in the lower back. After that, a small tube or catheter is threaded through the needle into the epidural space.

Kung wala nyan, meaning di ka nag epidural.

Deeyosa, mine was tried 3x before it was successfully inserted. It was a nightmare for me although nung nilagay na zero pain nga talaga. di naman ako naparalyze. :) masakit lang talaga that I said to stop na lang at mag normal labour na lang ako with all the pain, pero salamat sa Diyos at eventually na ayos din naman. :) pero that's also the reason why I don't want to have it as much as possible sa 2nd delivery ko. Sana lang kayanin ko. :)

Deeyosa

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #582 on: September 12, 2013, 02:00:43 pm »
Pinkpotato: Thanks for sharing your experience. I hope things go well for you sa 2nd delivery and sana ako din maging ok if ever lagyan ako ng epidural  :)

Halee

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #583 on: September 12, 2013, 02:17:03 pm »

Ako naman Sis lovely_carrot mukhang magsecond thought sa NSD for my second child (in the future). Baka hindi na naman ako agad makaihi tas magCatherter na naman. 24 days lang naman ako nagCatheter. Don ako mas na-traumatize kesa sa paglabor (kong 19 hours).

lovely_carrot

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #584 on: September 12, 2013, 02:59:53 pm »
^oooh, that hurts sis halee..

i'm quite lucky with my first born, kasi never akong naglihi, no suka, no morning sickness, no antok, as in nothing galing nga e.. pati yung paglelabor i think i had it easy..

i'm actually 32 now, plano ko next year sundan na din daughter ko kasi baka parang manganganay ako ulit, sana naman wag ako pahirapan ng future baby namin :)

@sis pinkpotato

ay, parang hindi nga sya epidural kasi sa braso lang ako tinurukan pero twice kasi nga nagkamali [textspeak!] unang nag IE sa akin..

euwie

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #585 on: September 24, 2013, 09:33:53 pm »
Running 34 weeks. Kabado na rin pero carry pa naman. Maalala ko sana mga kwento dito para when the time comes, di ako magpanic. :)

shawliin

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #586 on: September 26, 2013, 09:05:51 am »
Sharing with you my labor story.

I gave birth to a healthy baby girl via NSD on Sept. 10. 7:45pm.

Monday, Sept 9:
Nagstart na ko ng leave from work kasi due date ko is Sept 18 so I decided na magleave na ng maaga. May konting blood na lumalabas though walang contractions. Since napraning ako, tinext ko ob ko. She suggested to go to the ER na for evaluation. So nagpasama ako sa parents ko (wala kasi si hubby sa pinas). The resident ob checked and gave me an IE. closed pa daw cervix ko and mataas pa baby so pinauwi na kami. nakapag-dinner pa kami sa mcdo kasi gutom na ko.

Tuesday, Sept 10:
I forgot anung oras basta madaling araw yun. Hindi na ko makatulog kasi nakakaramdam na ko ng pananakit ng puson at likod. Wala akong idea kung ano ang feeling ng contractions since hindi naman ako nagkaka-dysmennorrhea and first time mom. so dinedma ko lang. nag-cr ako at lumabas yung plug. tapos blood na. buong gabi ako palakad-lakad sa kwarto, punta ng cr, nagpapalit palit ng position paghiga. never ako nakatulog.

nung morning, hindi ko na pinapasok ng office mom ko. sabi ko papakiramdaman ko kasi sumasakit na. nakapag-skype pa nga kami ni hubby at kinuwento ko sa kanya na sumasakit na nga. then mga 9am, ayan na. every 20mins na interval ng contractions at napapaupo na ko sa sakit. so nagpadala na ko sa hospital.

pagdating ng ER natandaan pala ako nung mga nurses dun na andun ako the night before hehe. pag-IE sa kin nung resident ob eh 3-4cm na ako. they called my OB and my OB said na i-admit na ko. nakakapag text at call pa ko. i texted hubby na manganganak na ko that day. super panic mode naman siya. sabi ko na lang na sa nanay ko na lang siya makipagusap kasi ipapasok na ko ng labor room.

1030am nasa labor room na ko. super gutom ako kasi 8am pa last kain ko at oatmeal lang. hindi na ko pinakain. may kasama ako sa labor room na 8cm na at umiiyak na siya talaga at nagsisisigaw. nakatingin lang ako. nilapitan ako nung isang nurse sabi sa kin "mamaya ma'am ganyan ka na din". naloka naman ako.

so dumating na ob ko at kinamusta ako sabi ko kaya ko pa naman yung pain. pinalagyan nya na ng pampahilab yung IV ko. nung una ok pa nakikipagchikahan pa ko sa mga nurses. tapos nakita ko na sa monitor na taas-baba yung contraction rate. nakakaramdam na ko ng pain so nanghingi na ko ng pain reliever. na-groggy ako at medyo nakaidlip.

then bumalik na uli si OB. ni-rupture na nya waterbag ko. ang init pala nun. after a few minutes lalo akong nakafeel ng intense contractions. 7cm na kasi. hindi ko na malaman anong pwesto gagawin ko. lahat na kinagat ko, yung kumot, daliri ko, buhok ko. pinisil ko na din yung kamay nung isang nurse sa sakit.

maya't maya lumalabas si ob para magreport sa parents and inlaws ko ng mga nangyayari sa kin. 8hrs din ata ako nag-labor. hindi ako umiyak pero napapamura ako sa sakit. as in hindi ko maidescribe yung pain. parang napoopopoo na ewan.

nung 9cm na ko, dinala na ko sa operating room. dun wala na kong pakealam kasehodang nakabuyangyang ang aking everything! halos lalaki pa naman andun. wala na kong pake aba masakit na eh! 6pm dumating na uli si ob. buti magaling siya magcoach ng pagire. so ire na ko ng ire, ayaw bumaba ni baby. posterior pala siya at cord coiled pa sa neck. pero pinilit ko pa din. nakikita na ata ni ob na pagod na ko. ang sweet niya pa kasi nag-pray over pa siya sa kin. sabi nya pa "baby labas ka na kasi isang baranggay naghihintay sa yo sa labas". nung last mighty push ko, umikot si baby at nawala yung cord coil. natuwa ng sobra si ob ko. kasi sabi nya pag 8pm na at hindi pa lumalabas si baby eh CS  na ko. haay buti na lang. 745pm baby out na. narinig ko na isya umiyak nung unang yakap namin at nagpoop din siya pagkalabas. kala ko maiiyak ako. nasabi ko na lang "ikaw pala yung sumisipa sa kin". natawa na lang si pedia at ob.

wala din pala ako anesthesia all along except nung tinatahi. hinihintay ko nga na lagyan ako habang umiire kaso wala. tinanong din ako ni ob kung magpapalagay ako ng sedative. sabi ko ayoko kasi gusto ko makita agad si baby. natuwa naman si ob sa kin kasi ang lakas daw ng loob ko. parang walang nangyari after.

masakit lang yung tahi ng 3 days tapos ok na after. araw araw ba naman ako magpasingaw sa pinakuluang dahon ng bayabas tapos pinapanlinis ko pa yun alongside with betadine. ngayon super ok na ko.

sobrang happy at nailabas ko si baby ng healthy kami pareho at walang complications. happy din ang buong family lalo na si hubby na excited na makauwi.

busy ako ngayon with my bulilit pero sa november papasok na ko sa work. sa mga mangingitlog pa lang, kaya nyo yan! prayers talaga ang katapat. :)
« Last Edit: September 26, 2013, 09:18:04 am by shawliin »

Mama G

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #587 on: September 26, 2013, 04:06:27 pm »
Sa mga sis na na-CS pakisagot naman to please...

Nakaramdam ba kayo ng matinding pain after magwear off yung anesthesia nyo na dahil daw yun sa IV na nakakabit na kahit with pain killer eh meron din daw( sabi ng nurse na pinagtanungan ko) meron din daw pampahilab yun para lumabas lahat ng dugo after manganak?

Kasi yung mga CS na napagtanungan ko at nabasa kong posts wala naman daw  ganon..

2 hours kong ininda yun at sobrang sakit kaya natatakot na ako ma-cs ulit dahil dun.. :(

katd

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #588 on: September 27, 2013, 07:33:36 am »
Sis @shawliin grabe ang galing naman hindi ka nagpaepidural. What made you decide na hindi na mgpa anesthesia? knowing na first time mom ka din, ako kasi super takot sa pain. Mataas ba tolerance mo sa pain sis?

shawliin

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #589 on: September 27, 2013, 12:20:52 pm »
Sis katd naku hindi ko nga alam na hindi ako lalagyan ng epid. hinihintay ko nga the whole time kung lalagyan ako. nung 5cm na ko hinihintay ko kung lalagyan ba ko eh wala pain reliever lang nilagay sa IV ko. as in ramdam ko lahat ng contractions.

nung tinatahi lang yung sugat ko down there saka ako nilagyan ng anesthesia. ramdam ko yung turok pero di naman gano masakit. pero epidural wala talaga.

sis wag ka matakot sa pain. ako din nung bago ako manganak super takot ako sa pain at mababa tolerance ko sa pain. pero nung andun na ko nagle-labor hindi mo na maiisip yun. iisipin mo na lang na gusto mo na mailabas si baby. yung contractions expect mo masakit talaga siya. nafeel ko yung intense contractions nung 7cm na ko. pero believe me, kaya mong tiisin yun. lakasan mo lang loob mo sis at isipin mo na after ng pain makakasama mo na si baby. super iba ang feeling pag naramdaman mo na lumabas si baby :) God bless sa yo sis and galingan mo. kaya mo yan! ;)

gharz412

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #590 on: September 27, 2013, 02:29:05 pm »
Wow sis! very inspiring. I'm also a first time mom and about to give birth after a month na..:P medyo kinakabahan I really don't know what to expect but i just used to take a look at my boy's picture nagkakalakas loob ako..AJa to us soon to be mommies! ;)

shawliin

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #591 on: September 27, 2013, 04:51:02 pm »
sis gharz412 ganyan din feeling ko dati. super takot ako. nilakasan ko talaga loob ko nung manganganak na ko. kasi una wala si hubby ko sa pinas so kelangan ko talaga lakasan loob ko. saka anyan ang family an inlaws ko for support. isipin mo na lang sis na few steps closer ka na in meeting your little one. i promise you, pag nahawakan mo na baby mo mawawala lahat ng sakit. Go Bless sis!

RusselsMom

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #592 on: September 30, 2013, 07:37:40 pm »
Sharing my labor stories... I am a mom of three, and na-experience ko ang iba't-ibang klase ng labor.

First born - February 22, 2005 - When I woke up nung morning ng Feb 21, may dugo akong nakita sa undies so pumunta kami ng mother ko sa hospital, nasa interview kasi si hubby para sa bagong work. Pero 1 cm dilated pa lang daw ako, and since public hospital QMMC, pinauwi muna ako at balik na lang daw kapag lumala yung contraction. Thrice kaming nagpapabalik-balik and that time sa Pasig kami nakatira. Nung ika-third time na balik namin mga 10 pm na, in-admit na ako dahil 3 cm dilated na. Then, 4:09 am ng Feb 22, lumabas na si baby.

Second child - October 4, 2008 - Nagpacheck-up ako ng umaga and 1 cm dilated pa lang kaya pinauwi muna ako. Wala akong nararamdamang contraction or sakit sa balakang/lower back. Then nung mga between 4-5 pm pumutok ang panubigan ko, pumunta na ako sa lying in clinic kung saan ako manganganak, in-admit ako then around 6 or 7 pm nung hindi pa din ako nakakaramdam ng contraction, in-induce na ako. Lumabas si baby ng 11:00 pm.

Third Child - October 29, 2012 - Andito na ako sa Dubai kaya medyo mahirap since nanganak ako sa hospital na hindi ko naiintindihan ang language nila. The day before nagpacheck up ako and 1 cm dilated din kaya umuwi muna ako kasi mukhang matagal pa daw. Mild lang ang nararamdaman kong contraction, mas masakit pa nga ang dysmenorrhea kesa dun sa pain na nararamdaman ko. Tapos mga 30 minutes ang interval. Kaso parang may bumubulong sa akin na manganganak na ako at pumunta ng hospital kaya kahit wala masyadong nararamdaman sabi ko kay hubby punta kaming hospital kahit para magpa-check up lang. dumating kami sa hospital 5 pm, then nagdecide yung doctor na i-admit na ko since napakalayo ng bahay namin, dumayo kasi kami ng ibang emirates para mas makamura sa hospital fee. 3 cm na daw ako nun, nung pumasok ako sa labor room around 6:00 pm tinanong pa ako nung nurse ng "Are you in pain?" kasi nakakangiti pa ako. Pinahiga nila ako then around 6:30 pm sumakit siya ng husto, kahit anong change position ko hindi nawawala yung sakit. Nagkakagulo na sila, kahit alam kong manganganak na ako, nag-worry pa din ako dahil hindi ko maintindihan yung sinasabi nila sa isa't-isa. By 7:03 pm lumabas na si baby. Hindi ako makapaniwala sa bilis. hehe. Sabi nga ni hubby nagpunta siya sa admission para asikasuhin yung papel namin tapos pagbalik niya kinakamayan na daw siya ng doktor sabi niya wala pang isang oras. haha
« Last Edit: October 01, 2013, 09:03:25 pm by RusselsMom »

iyette

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #593 on: October 06, 2013, 02:48:32 pm »
hi mga sis! nag back read pa ko. hehe First pregnancy ko at 12 weeks.. nakakainspire yung mga kwento niyo kahit medyo nakakatakot.. ang dami ko natutunan, salamat!   :)

mary_gee531

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #594 on: October 06, 2013, 08:25:56 pm »
mga sis, ano ang feeling pag malapit kna maglabor? going 36 weeks na kasi kami ni baby and super likot nya na..feeling ko tuloy gusto nya nang lumabas eh..

katd

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #595 on: October 07, 2013, 03:34:27 pm »
Thanks sis @shawliiin medyo lumalakas loob ko pag nakakarinig ako ng mababa ang tolerance sa pain pero nakayanan ang labor. mababa talaga tolerance ko. Nung nag HSSG ako dati pinatigil ko doctor hahaha! anyway thanks sis! :)

shawliin

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #596 on: October 08, 2013, 06:32:39 am »
Sis katd ako nga kada may physical exam sa office kuhanan lang ako ng dugo namumutla na ko. At first time ko maospital kaya first tine ko din malagyan ng IV. Kayang kaya mo yan. Pag andun ka na gugustuhin mo na lang na mailabas si baby

lilsweetangel

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #597 on: October 14, 2013, 06:23:53 pm »
hi sis shawliiin salamat sa sharing mo. same here im very low tolerant with pain but your sharing encouraged me to fight pain for the baby :)

shawliin

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #598 on: October 15, 2013, 07:06:21 am »
Sis lilsweetangel, nakakatuwa naman at may nainspire sa labor story ko. Salamat! Basta kaya nyo yan. Expect nyo na mas masakit ang labor kesa umire hehe. Heaven ang feeling pag nafeel mo na si baby.pray ka din sis :) kwento mo labor story mo ha :-)

prettypepz

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #599 on: October 22, 2013, 01:54:19 am »
I'm on my 29th week and first time din.. Super thankful ako sa thread na to dahil alam ko na kahit papano ang gagawin ko two months from now.. Yeehh excited na ako makita baby ko... Keep posting your stories mommies! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close