Sharing with you my labor story.
I gave birth to a healthy baby girl via NSD on Sept. 10. 7:45pm.
Monday, Sept 9:
Nagstart na ko ng leave from work kasi due date ko is Sept 18 so I decided na magleave na ng maaga. May konting blood na lumalabas though walang contractions. Since napraning ako, tinext ko ob ko. She suggested to go to the ER na for evaluation. So nagpasama ako sa parents ko (wala kasi si hubby sa pinas). The resident ob checked and gave me an IE. closed pa daw cervix ko and mataas pa baby so pinauwi na kami. nakapag-dinner pa kami sa mcdo kasi gutom na ko.
Tuesday, Sept 10:
I forgot anung oras basta madaling araw yun. Hindi na ko makatulog kasi nakakaramdam na ko ng pananakit ng puson at likod. Wala akong idea kung ano ang feeling ng contractions since hindi naman ako nagkaka-dysmennorrhea and first time mom. so dinedma ko lang. nag-cr ako at lumabas yung plug. tapos blood na. buong gabi ako palakad-lakad sa kwarto, punta ng cr, nagpapalit palit ng position paghiga. never ako nakatulog.
nung morning, hindi ko na pinapasok ng office mom ko. sabi ko papakiramdaman ko kasi sumasakit na. nakapag-skype pa nga kami ni hubby at kinuwento ko sa kanya na sumasakit na nga. then mga 9am, ayan na. every 20mins na interval ng contractions at napapaupo na ko sa sakit. so nagpadala na ko sa hospital.
pagdating ng ER natandaan pala ako nung mga nurses dun na andun ako the night before hehe. pag-IE sa kin nung resident ob eh 3-4cm na ako. they called my OB and my OB said na i-admit na ko. nakakapag text at call pa ko. i texted hubby na manganganak na ko that day. super panic mode naman siya. sabi ko na lang na sa nanay ko na lang siya makipagusap kasi ipapasok na ko ng labor room.
1030am nasa labor room na ko. super gutom ako kasi 8am pa last kain ko at oatmeal lang. hindi na ko pinakain. may kasama ako sa labor room na 8cm na at umiiyak na siya talaga at nagsisisigaw. nakatingin lang ako. nilapitan ako nung isang nurse sabi sa kin "mamaya ma'am ganyan ka na din". naloka naman ako.
so dumating na ob ko at kinamusta ako sabi ko kaya ko pa naman yung pain. pinalagyan nya na ng pampahilab yung IV ko. nung una ok pa nakikipagchikahan pa ko sa mga nurses. tapos nakita ko na sa monitor na taas-baba yung contraction rate. nakakaramdam na ko ng pain so nanghingi na ko ng pain reliever. na-groggy ako at medyo nakaidlip.
then bumalik na uli si OB. ni-rupture na nya waterbag ko. ang init pala nun. after a few minutes lalo akong nakafeel ng intense contractions. 7cm na kasi. hindi ko na malaman anong pwesto gagawin ko. lahat na kinagat ko, yung kumot, daliri ko, buhok ko. pinisil ko na din yung kamay nung isang nurse sa sakit.
maya't maya lumalabas si ob para magreport sa parents and inlaws ko ng mga nangyayari sa kin. 8hrs din ata ako nag-labor. hindi ako umiyak pero napapamura ako sa sakit. as in hindi ko maidescribe yung pain. parang napoopopoo na ewan.
nung 9cm na ko, dinala na ko sa operating room. dun wala na kong pakealam kasehodang nakabuyangyang ang aking everything! halos lalaki pa naman andun. wala na kong pake aba masakit na eh! 6pm dumating na uli si ob. buti magaling siya magcoach ng pagire. so ire na ko ng ire, ayaw bumaba ni baby. posterior pala siya at cord coiled pa sa neck. pero pinilit ko pa din. nakikita na ata ni ob na pagod na ko. ang sweet niya pa kasi nag-pray over pa siya sa kin. sabi nya pa "baby labas ka na kasi isang baranggay naghihintay sa yo sa labas". nung last mighty push ko, umikot si baby at nawala yung cord coil. natuwa ng sobra si ob ko. kasi sabi nya pag 8pm na at hindi pa lumalabas si baby eh CS na ko. haay buti na lang. 745pm baby out na. narinig ko na isya umiyak nung unang yakap namin at nagpoop din siya pagkalabas. kala ko maiiyak ako. nasabi ko na lang "ikaw pala yung sumisipa sa kin". natawa na lang si pedia at ob.
wala din pala ako anesthesia all along except nung tinatahi. hinihintay ko nga na lagyan ako habang umiire kaso wala. tinanong din ako ni ob kung magpapalagay ako ng sedative. sabi ko ayoko kasi gusto ko makita agad si baby. natuwa naman si ob sa kin kasi ang lakas daw ng loob ko. parang walang nangyari after.
masakit lang yung tahi ng 3 days tapos ok na after. araw araw ba naman ako magpasingaw sa pinakuluang dahon ng bayabas tapos pinapanlinis ko pa yun alongside with betadine. ngayon super ok na ko.
sobrang happy at nailabas ko si baby ng healthy kami pareho at walang complications. happy din ang buong family lalo na si hubby na excited na makauwi.
busy ako ngayon with my bulilit pero sa november papasok na ko sa work. sa mga mangingitlog pa lang, kaya nyo yan! prayers talaga ang katapat.
