watch now

Author Topic: Signs of labor  (Read 834572 times)

popi

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #600 on: October 28, 2013, 01:01:03 pm »
Gave birth na last October 23 via emergency CS - 37 weeks and 5 days na si baby that time.

Napansin ko kasi kumonti yung movements nya and hindi kasing lakas ng dati.  Sanay kasi ako na malikot si baby and malakas takaga yung mga ikot and stretches nya, to the point na napapa-aray ako.

Last October 22, morning pa lang during breakfast, nabanggit ko na kay hubby na di ko pa naramdaman na gumalaw si baby, eh usually sya pa nga gumising sa akin. So throughout the day, pinakiramdaman ko na sya, binibilang ko movements nya.  Once lang sya naka 10 movements in one hour, and sobrang hina pa ng mga galaw nya.

So around 7pm, I texted my OB na and told her my observations.  Pinapunta na nya ako sa ER to have my baby checked.

Sa ER, inspect sandali ng mga resident, though malakas naman heartbeat ni baby, pina-admit pa din ako para malaman ano ang cause ng pagbagal ng movements.  Naka fetal monitoring kami overnight.  Di na in-explain sa akin yung results ng monitoring pero around 1am ininduce na ako - nag inject ng for contractions and pang open ng cervix.

By 8am, 1-2cm pa lang ang opening ng cervix and wala masyadong contractions. Pagdating ng OB ko around 9am, sinabihan ako na kailangan na daw ilabas si baby and since ayaw mag open ng cervix, kailangan na i-CS.

Lumabas si baby at 10:18 am on October 23.  Naka cord coil na pala sya - nakapulupot sa left leg and sa neck nya yung umbilical cord.

So ayun, sobrang thankful kami na naagapan yung pagka cord coil. We now have a healthy baby boy - 6.8lbs and 53 cm at birth  ;D

mary_gee531

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #601 on: October 29, 2013, 07:32:27 pm »
thanks for sharing your labor story sis popi! 38 weeks na rin kami ni baby at waiting na rin for signs of labor.  reading ur story, i should monitor baby's movements more often pala.  last week napansin ko na din na di na ganun kalikot si baby pero sa ultrasound ok naman daw.  sa monday pa next ultrasound ko for biophysical scoring naman..

mommyniuja

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #602 on: October 29, 2013, 09:36:01 pm »
Mga mommies wag masyado kabahan. Dun sa bunso(3rd baby) halos wala akong naramdaman na labor pain kahit naininduce ako ng ob. Ang nafeel ko lang is parang nangangawit [textspeak!] likod ko. Yun pala 8cm na ko. Wag kayo kakabahan basta hinga lang ng malalim. Tsaka lagi nio iisipin na kung kaya ng ibang mommy mas kaya nio din. Good luck sisses!

nageinna

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #603 on: October 30, 2013, 02:31:37 pm »
thank you sa mga sissies na nag share ng labor stories. pampalakas lang ng loob. first time mom kaya kinakabahan din ako. somehow nakakabawas ng kaba pag nagbabasa ako dito. napaplitan ng excitement. 34weeks narin kami, hopefully maging ok lahat sa amin. keep on sharing sissies! :)

Carley Ayesha

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #604 on: November 07, 2013, 10:47:16 am »
Experience ko sa 1st ko, madaling araw around 4am nagising ako, basang basa yung kama ko. Ako lang mag isa kasi nagwowork husband ko and kailangan niya mag stay sa house nila para tipid sa pamasahe. Tapos mayat maya gising ko kasi para akong naiihi na hindi ko naman gusto. Dedma lang kasi wala pa ko idea nun so tulog muna ko ulit.


Nagising ako around 7am, same parin. Mayat maya ako sa Cr, then sinabi ko na sa mom ko. Tatawa tawa pa ko kasi di masakit. So sabi ko mga after lunch samahan niya ko pacheck up.


Mga 2pm nag ready na ko, bigla ko naisipan mag shave at mag poop, trip ko lang (buti nalang ginawa ko)  wala pa kong kagamit gamit kasi di ko alam yun na pala yung big day. As in sarili ko lang dala ko and my mom kasi nga check up lang talaga nasa isip ko. From our house, naglakad lang kami papunta sa Lying In (Well-Family) so mga 30-45 mins of walk. Wala ko nararamdaman habang naglalakad kundi basa lang talaga panty ko.


Pagdating dun check up na, gulat yung OB and ask niya "hindi ba masakit?" I said "hindi po." Sabi niya "ang galing naman, manganganak ka na ngayon" Forgot ko na how many cm ako that time kasi nga 1st time mom ako then di pa ako mahilig magbasa that time.


Since nag leak na yung waterbag ko e dineretso na ko agad sa delivery room. Pinahiga na ko at bumukaka don. Nag picture picture pa kami at nakangiti pa ko with matching peace sign, haha!  ;D Wala parin masakit. Dumating husband ko, tumawag pala sya sa bahay. Ang sabi ng dad ko manganganak na daw ako kaya nag undertime.


Then they found out na di pa totally break panubigan ko. So pinutok na nila. at AGUY ! Dun na nagsimula ang sakit. Sobrang sakit pala nun, mataas ang pain tolerance ko pero after nun all i could remember e tawag ako ng tawag sa mommy ko. "Mommy! Ayoko na! Papainless mo na ko! Di ko na kaya! Arayyy!" yan mga nasasabi ko, imbes na husband ko tawagin ko e dun ako nakakapit sa mommy ko.  :P Too bad late na for painless kasi lalabas na sya.


Kakaiba yung sakit grabe talaga, di ko maipaliwanag. Yung hilab e daig pa nag LLBM ng 10x. Maliit daw sipit sipitan ko kaya ginupit which is di ko naramdaman. Habang in pain ako, yung nagpapa anak sakin pati mga aid niya e nagchichismisan pa! Langya, pinag uusapan yung kukunin nilang cp plan sa sun cellular, hehe!  ;D Natagalan ako sa pag ire kasi di ako marunong, so dinaganan tyan ko nung isang midwife. Hindi naman ako makahinga. After last push, mga 7pm na yun ayun lumabas din si baby Carley Ayesha. Nilagay sa dibdib ko, nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Totoo pala yun  :)


Nilinisan na sya, habang nililinisan sya e tinatahian naman ako. Ramdam ko yung bawat pagbaon ng sinulid at pag hila kahit may anesthesia na. Sakit! Tapos ng tahi pahinga konti then nilipat na ko sa room. Sinunod agad si baby sakin para mapadede, we stayed 2 days. Bago umuwi nag IE pa, tinignan kung maayos pagkakatahi. Grabe! Parang gusto kong tadyakan yung sumundot ng pepechu ko!  >:( After that umuwi na kami,


Now sa 2nd baby ko di ko pa alam mangyayari, i think mas mahihirapan ako kasi ang laki ng tyan ko now compare sa dati. Few days/weeks nalang lalabas na sya  ;)


Post modified. Please refrain from using big/bold fonts and use the forum's default font.
« Last Edit: November 07, 2013, 08:11:59 pm by mama squeak! »

eihsy11

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #605 on: November 08, 2013, 09:20:49 am »
sis Carley Ayesha ganda naman ng story mo. Nakakatuwang basahin. ako naman natatakot kahit matagal pa EDD ko kasi di ako sanay sa mga turok turok. Pero I know naman na God is always here kaya everything will be ok pag time na ng delivery ko.

prettypepz

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #606 on: November 13, 2013, 04:26:28 am »
Excited na ako manganak haha! Laking help nitong thread na to!

32weeks here :)

meow_pao1

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #607 on: November 13, 2013, 10:34:47 am »
newbie here and pregnant again (2nd baby)

Anyway, I would like to share my labor story during my first pregnancy. I don't know kung may factor ba yung nagpamassage ako nun pero siya yung masahista ko before pa ako naging pregnant.

Kabuwanan ko na din yun and out of the blue, bigla na lang nablurt out ni ate masahista na kung gusto ko na ba daw manganak, sabi ko why not? kabuwanan na eh. Sabi nya "sure ka ma'am ha" sabi ko "OO"

so massage massage si ate and natapos kami around 11.30PM na. So around 2.00AM, I went to the washroom para magpee and then went to bed, suddenly, feeling ko, umiihi ako uncontrollably!

I went back sa CR to check and may konting blood na. I called my husband who was working in night shift that time. I told him na my water bag broke and I need to go to the hospital na.

My husband called the reception area namin to inform my situtation while on his way siya sa place namin. Yung mga guards sa condo namin even helped us nun, pinahinto nila lahat ng elevator sa tower namin except sa isa na nag aantay sa akin.. Nagdala pa yung mga guards ng wheel chair. First time lang daw nila makakaranas na may dadalhin sa hospital na mangaganak hehe

anyway, my husband came in within 15mins. I told him na since walking distance lang Makati Med, maybe we can walk na lang pero ayaw ng asawa ko, natataranta na siya. So bitbit yung baby bag and other stuff, nagtaxi na kami going to the hospital.

Pagdating sa emergency room ng Makati Med, parang ayaw pa maniwala ng mga nurses na pumutok na water bag ko, naconvince lang sika yung hinawakan yung dress ko and sinabi "ay oo basang basa na damit nya pumutok na nga" wth diba.

They brought me sa labor room (I was at 3cm that time) and yung nag 7cm na ata ako nun, nagpa shot na ako ng epidural and ang bilis magprogress ng dilation ko nun. by 11.00AM, nag 10cm na ako. 11.29AM, nanganak na ako via NSD :)


Hay grabe its been 4 years but I can still remember the exact details on what happened / transpired during my labor and delivery time :)

Now, I'm on my second pregnancy and I am more excited than ever!

eihsy11

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #608 on: November 13, 2013, 02:09:56 pm »
sis prettypepz, Saan mo plan manganak?

danne

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #609 on: November 13, 2013, 02:21:27 pm »
Medyo kinabahan naman ako after reading.. sana hindi ko naman ma-feel sobrang sakit kapag tinatahi na. I remember kasi my mom noong nanganak siya sa youngest namin, ni hindi namin narinig nagsisigaw sa house lang siya nanganak that time. Sana ganoon lang din ako kadali manganak.

prettypepz

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #610 on: November 17, 2013, 12:20:14 pm »
sis prettypepz, Saan mo plan manganak?

Sa Antipolo Doctors ako sis si ce yun ang nearest hospital from our house and affiliated by my OB :)

eihsy11

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #611 on: November 19, 2013, 01:45:45 pm »
Sa Antipolo Doctors ako sis si ce yun ang nearest hospital from our house and affiliated by my OB :)

ok sis. ako sana ma approved green card application ko sa makati med para dun na lang ako mag labor. babalik ako for requirements.

Carley Ayesha

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #612 on: November 19, 2013, 02:09:07 pm »
My Birth Story
"Chloe Annika 11-12-13"
Well Family Lying In Clinic (Pasig)


Nov 10 -Weekly check-up ko, i was informed na may Internal Exam ako so expected ko na yun. Pagdating sa lying-in check up na agad, 36 weeks and 6 days ako that day. Pag IE sakin, i was 1-2cm with soft open cervix (Salamat sa Pineapple na kinakain ko lagi) Niresetahan parin ako ng Eveprim para daw di ako mahirapan manganak. Masakit yung pag IE pero keri lang, lagi kong iniisip e mas masakit manganak.


Nov 11 -12am to 1am nakaramdam ako ng strong contractions, pero since di ganun kalapit intervals e keri lang. Natulog nalang ako kasi sobrang antok pa ko.


12pm to 1pm mas lumakas na yung contactions na nararamdaman ko, nararamdaman ko na bumaba yung baby ko kasi sa puson ko na gumagalaw. Ayaw ko sana papasukin husband ko sa work kasi iba na yung feeling ko, kaso sabi ko keri ko pa naman kaya pumasok na siya at his 2pm to 10pm shift.


3pm pag CR ko nakita ko may mucus plug konti lang pero wala pang blood. Nagready na ko ng sarili ko. Ligo, shave, poop. Kaso inantok naman ako kaya natulog muna kami ng panganay ko.


7pm worried na ko dahil sa contractions ko kaya i decided na magpa check kung ilang cm na ko, sinama ko cousin kong 7 y.o. naglakad lang kami para pampa tagtag na din. Pagdating dun nagulat sila kasi sabi nandun lang ako kahapon, sabi ko e sumasakit na tyan ko. Pinahiga na ko sa check up room then IE, 3-4cm. Nung tinanong ko kung ilang cm pwede magpa admit if Painless Delivery, pwede na daw ng 3cm. Natuwa at naexcite ako kasi alam ko mailalabas ko na agad yung baby, since malapit lang bahay namin at wala akong kadala dala sabi ko uwi muna ko and antay ko din husband ko. Nagpack na ko ng gamit pag uwi and inantay ko nalang husband ko dumating ng 11pm. Ang nararamdaman ko lang na sakit e yung pag IE at mild contractions.


Nov 12 -12am dumating na kami sa lying-in and nagpa admit na ko.


12:30am nilagyan na ko ng suero. Ang nakakainis na isang midwife pinag practice-an ang ugat ko! Tusok sya sa bandang kanan ko sa malaking ugat, aguy! Ayaw dumaloy, naka ilang hugot at saksak ganun padin. Sabi butterfly nalang daw para sure, sa kaliwa naman. Ayun ok na, di na ko nagreklamo kasi gaya nga ng laging nasa isip ko, mas masakit manganak.


Around 12:45am nilagyan ng pampahilab yung dextrose at buscopan para mas mag open at lumambot yung cervix.


1:40am nararamdaman ko yung contractions every 5 mins, tolerable pa naman. So natulog muna ko.


5am nagising ako, parang may nag sisigawan. May umiiyak ng malakas. Yung isa palang kasabayan ko e nanganganak na, sabi ko sa isip ko buti pa sya nakaraos na. Naiinip na ko kaya text2 muna ko sa mom ko to update since husband ko lang kasama ko.


7am another shot ng buscopan.


9am IE ulit, pero this time sa Delivery Room ako pinwesto. Since IE ang nasa isip ko e di ko na ginising husband ko na nakatulog na. Sobrang sakit ng pag IE sakin this time, parang buong kamao ang pinapasok at napapangiwi talaga ko sa sakit. 3-4cm parin ako, so di pa bumababa si baby. Sabi sakin puputukin nila panubigan ko, parang may sinusundot sa loob tapos biglang nag gush yung tubig sa ano ko, parang fountain lang nakakatawa. Dun ko na naramdaman yung sinasabing nag aactive labor ka na. Pag IE sakin after nun 7-8cm na, mangiyak ngiyak na ko sa sakit. Pinagising ko na sa isang midwife yung mister ko kasi lalabas na nga daw. Dumating na yung Doktora na magpapa anak sakin, umire lang daw ako pag humihilab para bumaba si baby then lumabas muna sya. Iba yung pag hilab nya parang x10 masakit ang puson, balakang, pwetan, katawan, lahat2 na. Halos madurog ko na kamay ng mister ko sa pag press kada humihilab.


Bago mag 10am pumasok ulit si doktora, pag kapa nya 8-9 cm na, kita na nya yung head kaya pinapush na nya ko. Advice nya yumuko then impit na pag ire na walang sound at mahaba at isabay sa pag hilab. May nilagay na gamot sa dextrose pero di ko na inusisa kung ano dahil puro sakit na ang nararamdaman ko. Habang umiire ako aba nag chichismisan pa sila ng mga assistant nyang midwife, nakakatuwa sila tignan kasi parang usual lang na may nanganganak. 3-4 pushes lumabas na si baby. Laking ginhawa! Pag labas na pag labas Knock Out ako, ni hindi ko alam na hiniwaan at tinahian ako. Di ko na din maalala kung paano ako napunta sa room. As in tulog.


Ginigising gising ako para magpa dede. Mga after lunch dumating mom ko at dad ko. Kahit nung pag gising ko daldal daw ako ng daldal na di ko alam mga pinag sasasabi ko, haha! Kinagabihan 7pm umuwi na kami agad kahit sobrang hilong hilo pa ko, ayaw ko na mag stay dun asi gusto ko makatulog ng maayos.


Now nagrerecover na ko, nag girdle ako agad and malaki yung tulong nya kasi nakaka tayo na ako ng deretso at nababawasan sakit ng puson ko kasi naka press. Naka gala na din ako sa mall kahapon, hehe! Ang feeling ko now ayaw ko mag stay masyado sa bahay kasi naiinip ako, pero kailangan sa bahay lang ako kasi breastfeed si baby. Thank God ayaw nya sa bote.

eihsy11

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #613 on: November 19, 2013, 04:37:49 pm »
sis Carley Ayesha ang galing naman. bilib ako sa mga mommy na ilang days or weeks pa lang kakapanganak eh malakas na agad, tsaka like you, nakakagala na... ikaw na sis. :) sana ganyan din ako. and praying na healthy at mabilis lumabas si baby ko. magkano inabot ng cost ng panganganak mo sis?

Carley Ayesha

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #614 on: November 19, 2013, 04:56:26 pm »
sis Carley Ayesha ang galing naman. bilib ako sa mga mommy na ilang days or weeks pa lang kakapanganak eh malakas na agad, tsaka like you, nakakagala na... ikaw na sis. :) sana ganyan din ako. and praying na healthy at mabilis lumabas si baby ko. magkano inabot ng cost ng panganganak mo sis?


Sis, dapat P12,000 yun kasi Painless ako. Pero since may Philhealth si husband, yung 12,000 naging 5,000 nalang. Nag extra payment lang kami for Miscellaneous fees ng P238 for Diaper ko, Suction tip ni baby. Tapos extra medicines P550. All in P5,788 lang. Kung di ako nag painless wala pang P500 ibabayad namin kasi Free yung normal delivery sa pinagpa anakan ko if with Philhealth  ;)

eihsy11

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #615 on: November 20, 2013, 10:05:48 am »

Sis, dapat P12,000 yun kasi Painless ako. Pero since may Philhealth si husband, yung 12,000 naging 5,000 nalang. Nag extra payment lang kami for Miscellaneous fees ng P238 for Diaper ko, Suction tip ni baby. Tapos extra medicines P550. All in P5,788 lang. Kung di ako nag painless wala pang P500 ibabayad namin kasi Free yung normal delivery sa pinagpa anakan ko if with Philhealth  ;)

wow, ang mura naman sis. sa ganyan na lang din kaya ako manganak. hehe. I don't know pa kasi if saan ako manganganak, pinag uusapan pa namin ni hubby ko.. sa ngayon inaayos ko green card ko sa makati med para if ever doon na lang. pero ayun nga basta pag uusapan pa namin. mas gusto ko kasi medyo lesser yung amount kaya lang sya yung may ayaw. mas prefer nya talaga sa hospital. basta bahala na. next year pa naman. :) pag uusapan na lang muna namin.

angelpat

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #616 on: December 11, 2013, 10:18:16 am »
3 Unmistakable Signs You’re Going into Labor
By Mariel Uyquiengco

Every woman has a different labor experience. One mother might “just know” when she’s about to pop, but another might be in the middle of labor already before she even realizes it. Some even give birth without knowing that they were pregnant, but that is another story! Though other moms and even doctors will tell you that “you will definitely know” when you are about to give birth, it is still best to have an idea of real labor symptoms that might indicate you need to call your doctor right away.


Close, intensifying contractions

Pregnant women feel some contractions after the 20th week. Called Braxton Hicks, these are just “practice” contractions that get the uterus ready for the real ones on the big day.  But how would you know if what you are feeling is the real thing?

Real contractions, according to the pregnancy guide “What To Expect When You Are Expecting” by Heidi Murkoff et al, generally get closer to each other and intensify as real labor advances. Try walking around a bit. Real labor intensifies with walking, whereas false labor is not affected by activity. Sometimes, contractions may also feel like an upset stomach and even comes with diarrhea.


Bloody show

One of the things to watch out for is a “bloody show” wherein you get a pink or blood-tinged mucous discharge. It is one of the real labor symptoms that signify that the baby is on his way. However, as every labor experience is different, a “bloody show” can mean dilation can be an hour, or even two days away.

If the discharge is bloody or is bright red, however, you need to contact your doctor right away as it could mean that the placenta has prematurely separated from the uterus.


Water breaking

Imagine your baby floating inside a plastic bag filled with fluid: this is the amniotic fluid. When the bag springs a leak, it is referred to as “water breaking.” In movies, a pregnant character usually bends over, cries in pain, and looks down to see water gush down to her legs to signify that the baby is about to arrive. While true, “water breaking” can also be just a constant trickle of fluid that you cannot control.

When your bag of water ruptures, it is likely that you will experience the first contraction within twelve hours, if you haven’t yet.


Before anything else, however, take your due date to heart.

This might be quite obvious but bears great importance that it warrants a reminder.  Knowing your baby’s due date helps you right away if you are just having false labor symptoms. Abdominal pains felt more than two weeks before due date will probably not herald the coming of your bundle of joy. This information is also helpful in discerning if you and your baby are in danger. Watery discharge several weeks before you are due may signify a premature rupture of membranes, a condition that has serious consequences for your baby not acted upon by your physician.

As always, it is always safer to err on the side of caution. If you believe you are having real labor symptoms, do not be afraid to ask your obstetrician even if it entails a phone call in the middle of the night. A trip to the hospital may be necessary even if it means coming home a few hours later following a false alarm.

prettypepz

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #617 on: December 17, 2013, 04:49:16 pm »
Going 38 weeks na kami ni baby.. Super kakainip na ganitong stage.. Nag eenjoy pa yata sya sa tummy ko ayaw pang lumabas :( gusto ko na sya kargahin sana bago mag pasko..

As of signs ng labor madalas masakit yung balakang ko pero no contractions parin..

ross24

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #618 on: December 31, 2013, 07:38:26 pm »
My experience with my 1st baby is nagpa-epidural ako para painless kaso sobrang naramdaman ko pa din [textspeak!] labor/hilab. Yung hindi mo alam san ilalagay pwet mo or kung anong position gagawin mo. Sobrang sakit. Then after pinapaire na ko ng ob ko kita na daw nya yung ulo kaso ire ako ng ire paramg walang nangyayari, hindi daw ako marunong umire. Eh kasi nga naka-anesthesia ako so wala na ko maramdaman from waist pababa. Tinulungan ako mag-push ng 3 nurse! Ang tagal ko din push ng push grabe before lumabas si baby. Pagkalabas nakita ko pa sya then knock out nako.

It's my 36th week and ngayon parang ayoko na ng painless baka ganon pa din mangyari na matagalan lalo paglabas ni baby nakakatakot naman yung tahiin ng walang anesthesia?? Haays.

nageinna

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #619 on: January 01, 2014, 05:17:23 pm »
gave birth last december 17 to a healthy baby boy via emergency CS.

i was one week overdue na, so last december 16, ob asked me to undergo biophysical scoring ultrasound to see if we could wait pa for another week to start labor. NSD talaga plan namin sa umpisa palang. ultrasound result ok naman. very good si baby inside though medyo malikot nga. but ob decided pa admit na ko the next day kasi amniotic fluid was a bit low na daw. not sure if water inside could last for another week so induced labor nalang. one week narin akong stuck sa 1cm. gulat kami ni hubby kasi agad agad admit na. but at the same time excited kasi ang tagal namin nag aabang ng labor signs pero wala talaga.

10am nagpa admit na ko. resident ob dilated my cervix. 4cm na ko sa first ie. i thought things would go fast na kasi from being stuck sa 1cm nag 4 na agad. they even asked me kung saan na yung gamit ni baby, i told them nakay hubby lahat. pina poopoo din muna nila ko. then kinabitan na ng pampahilab. ang tagal ko nanaman ng stuck sa 4cm. and grabe i super hate mag pa ie talaga. hirap na hirap ako sa part na yan. halos mainis na mga resident ob sakin dun kasi hirap din silang ie ako haha. my ob arrived nasa labor room na ko. she was surprised pa nga bakit daw pinasok na ko agad sa labor room. ang bagal ng pag open ng cervix ko, ilang hours din bago ako nag 5cm. ie ulit si ob this time mas madalas na like every hour na ata yun. buti nalang my ob was very patient sakin. alam niya hate ko magpa ie kaya kahit aray ako ng aray siya pag nag sosorry sakin. kaya ko pa sana tiisin yung contractions. but nagpa anesthesia na ko agad nung 5cm ako kasi ayaw ko talaga yung pain sa ie. finally nag 7cm na ko around 6:30pm, problem naman, heartbeat ni baby up and down. hanggang sa nag stay na sa mababa and never went up. they called my ob agad na nag clinic pa downstairs. ob immediately went up and told me and mukhang need namin mag CS. kita ko parang na sad din si ob kasi alam niya and usapan talaga namin we'll go for NSD as much as possible. she said tawagin niya husband ko so we could talk. husband went inside and naiyak na ko. ewan ko, siguro sa pagod narin and sa takot for my baby. doc said kahit 9cm lang mag NSD kami but hindi niya alam how long bago ako mag 9cm and ayaw niya mag risk. husband asked me if gusto ko mag wait for another 30mins to see if mag iimprove cervix ko. i said wag nalang. CS nalang. kasi hindi naman sasabihin ni doc na mag CS kami if its not urgent kasi nag promise siya samin mag NSD hanggat kaya and bumaba na heartbeat ni baby sa 60. so we both agreed na CS na. after we signed the waiver, ang bilis na lahat, nilipat ako agad sa operating room, my ob was there na agad. basta fast paced lahat eh. i can sense the urgency. hindi ako pinatulog ni anesthesiologist ko kasi makakatulog din daw si baby pag ganon. we have to hear his cries daw kasi pag labas. i said ok. while performing the operation grabe lang hindi ko mapigilan tulo ng luha ko. parang nasayang lahat nung pagtitiis ko through out my labor mauuwi din pala sa cs. after a while naramdaman ko nalang pinupush nila tummy ko pababa medyo masakit kaya napapa ungol ako. then i heard them "ayan na si baby, 7:44pm" i was trying to fight the grogginess hanggang sa marinig ko iyak ni baby, kaya lang wala akong marining na iyak. thankfully after who knows how long, narinig ko na siya umiyak. then sabi ng nurse, mommy baby mo yung umiiyak ha. later on i found out pumulupot sakanya yung cord kaya nag decline heartbeat niya. and when he came out, he didnt start crying hanggang sa inalis yung cord sa leeg niya. then i fell asleep. i woke up nililipat na ko sa recovery room. i heard the nurse told me mommy dont worry ok si baby mo ha.

ewan ko parang very clear pa sakin yun mga nangyari that time. kahit pag gising ko sa room, nakuwento ko pa lahat kay hubby. super na trauma pa ko kasi sabi ko kay hubby stop na tayo sa isa. una kasi 3 plan namin haha. and sabi ko pa kay hubby, if i knew ganon lang kadali labor sa cs sana nagpa cs nalang tayo una palang. nakaka drain kasi physically and emotionally yung whole labor process ko. but looking at my baby, all worth it naman. siguro matatagalan pa bago ulit masundan haha. sorry sissies if napahaba :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close