Experience ko sa 1st ko, madaling araw around 4am nagising ako, basang basa yung kama ko. Ako lang mag isa kasi nagwowork husband ko and kailangan niya mag stay sa house nila para tipid sa pamasahe. Tapos mayat maya gising ko kasi para akong naiihi na hindi ko naman gusto. Dedma lang kasi wala pa ko idea nun so tulog muna ko ulit.
Nagising ako around 7am, same parin. Mayat maya ako sa Cr, then sinabi ko na sa mom ko. Tatawa tawa pa ko kasi di masakit. So sabi ko mga after lunch samahan niya ko pacheck up.
Mga 2pm nag ready na ko, bigla ko naisipan mag shave at mag poop, trip ko lang (buti nalang ginawa ko) wala pa kong kagamit gamit kasi di ko alam yun na pala yung big day. As in sarili ko lang dala ko and my mom kasi nga check up lang talaga nasa isip ko. From our house, naglakad lang kami papunta sa Lying In (Well-Family) so mga 30-45 mins of walk. Wala ko nararamdaman habang naglalakad kundi basa lang talaga panty ko.
Pagdating dun check up na, gulat yung OB and ask niya "hindi ba masakit?" I said "hindi po." Sabi niya "ang galing naman, manganganak ka na ngayon" Forgot ko na how many cm ako that time kasi nga 1st time mom ako then di pa ako mahilig magbasa that time.
Since nag leak na yung waterbag ko e dineretso na ko agad sa delivery room. Pinahiga na ko at bumukaka don. Nag picture picture pa kami at nakangiti pa ko with matching peace sign, haha!

Wala parin masakit. Dumating husband ko, tumawag pala sya sa bahay. Ang sabi ng dad ko manganganak na daw ako kaya nag undertime.
Then they found out na di pa totally break panubigan ko. So pinutok na nila. at AGUY ! Dun na nagsimula ang sakit. Sobrang sakit pala nun, mataas ang pain tolerance ko pero after nun all i could remember e tawag ako ng tawag sa mommy ko. "Mommy! Ayoko na! Papainless mo na ko! Di ko na kaya! Arayyy!" yan mga nasasabi ko, imbes na husband ko tawagin ko e dun ako nakakapit sa mommy ko.

Too bad late na for painless kasi lalabas na sya.
Kakaiba yung sakit grabe talaga, di ko maipaliwanag. Yung hilab e daig pa nag LLBM ng 10x. Maliit daw sipit sipitan ko kaya ginupit which is di ko naramdaman. Habang in pain ako, yung nagpapa anak sakin pati mga aid niya e nagchichismisan pa! Langya, pinag uusapan yung kukunin nilang cp plan sa sun cellular, hehe!

Natagalan ako sa pag ire kasi di ako marunong, so dinaganan tyan ko nung isang midwife. Hindi naman ako makahinga. After last push, mga 7pm na yun ayun lumabas din si baby Carley Ayesha. Nilagay sa dibdib ko, nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Totoo pala yun

Nilinisan na sya, habang nililinisan sya e tinatahian naman ako. Ramdam ko yung bawat pagbaon ng sinulid at pag hila kahit may anesthesia na. Sakit! Tapos ng tahi pahinga konti then nilipat na ko sa room. Sinunod agad si baby sakin para mapadede, we stayed 2 days. Bago umuwi nag IE pa, tinignan kung maayos pagkakatahi. Grabe! Parang gusto kong tadyakan yung sumundot ng pepechu ko!

After that umuwi na kami,
Now sa 2nd baby ko di ko pa alam mangyayari, i think mas mahihirapan ako kasi ang laki ng tyan ko now compare sa dati. Few days/weeks nalang lalabas na sya
Post modified. Please refrain from using big/bold fonts and use the forum's default font.