ganyan din kami sis noon, i googled then nag inquire kami ni hubby with our son (para ma feel nya kung saan nya gustong environment, he was 4 yo then)..we had our top 3.. actually 4 sana, included ang IS sa may the fort, kaso ayaw ni hubby, sabi nya, ano yon, hindi na tayo kakain?!

so we went to CSA, CSR (colegio de sta rosa) and don bosco all in makati..
sa don bosco they accept 6 yo up, so no na.. and nahirapan kami sa parking and parang nasikipan kami, ang layo ng nilakad namin kasi sa kabilang gate pa pala registrar's ofc nila..pero maganda ang turo sa don bosco bec i have friends na magagaling from that school.. dun ko sana talaga gusto..
then CSR, coed ang preschool nila, then you have to transfer (if boy) to another school para mag gradeschool.. hindi ko masyadong feel, ayoko ng palipat lipat, nahirapan kami sa parking..though friendly ang staffs na andon when we inquired..may seminars pa daw ang parents etc.. average naman ang tf.. ok lang..
then last, sa CSA, pagpasok pa lang namin, super luwag na, and my son, nakita nya agad soccer field, napa wow sya..

no prob sa parking (no classes ata when we went there) then very accommodating naman si ms rosales (preschool sec, i guess) then papunta na kami sa parking, nakasalubong namin si fr. rodriguez, short conversation lang, that time hindi pa namin siya kilala..

so usap kami hubby, parang mas ok CSA (though sya yung pinka mahal sa 3 schools) and baka positive sign din yung nakausap namin yung pari..

kaya yon, the ff week, sched na for interview our son..
