Parang may ganito ng thread or baka sa ibang forum ako nakapag-post. But anyway, I'm just so proud of my dad that I have to spill his story to every person who will ask about his rags to riches story. Actually, when I shared his story to online forums, one writer of Maalaala Mo kaya and that of the other station (sorry di ko maalala yung counterpart nito sa kabila) they both asked me if they could interview my father or kung okay ako na lang daw ma-interview and kung pwede lagay sa mga episode nila. I asked for my father's permission kaso ayaw e, hehe, nahihiya daw sya. Haist, oh well that's just my dad.
Here's how he started... Mahirap pa sa daga si daddy, ang pamilya nya, he's second to the eldest who passed away sometime in 1994. Nagbebenta lang ng mani sa sinehan, pag me time, pag tapos sa school, banana que, sa gabi balut, lahat na ata nagawa nya raw pagkakitaan wag lang magnakaw. He would say that, dati hindi sya makasali sa activities ng school kasi walang para sa gamit, damit, etc. Kaya si daddy natapos nya lang high school. Kasi wala na rin pang-paaral. Kaya at 16, dami na napasukan na trabaho, nakitira silang magkakapatid sa kung sino sinong kamag anak, nagpaalila, sorry yun din kasi gamit na salita kasi nga naman talagang alila kung alila sila ng mga kamaganak pag pinatitira sila. Naabutan ko pang yung years na hirap talaga kami sa buhay so to explain kung bakit compared sa iba naming kapatid kaming 3 mga nakakatanda yung pinakamatipid sa lahat dahil syempre pag salat ka matututunan mo lahat ng klaseng pagtitipid.
When he was 17, he worked in an auto supply. Bodegero muna sya, tagalinis, taga kamada, utusan, lahat na. Pero dito nagtagal ng husto ang daddy ko sa work na to hanggang sa ang dating bodegero, naging Manager na ng kumpanya. Tagal ng dad ko sa company na to until dumating yung time na alam na nya lahat ng pasikot sikot sa negosyong to, eventually sya na lang ang dahilan kung bakit nakatayong matatag ang negosyo ng boss nya, kasi si boss waldas, lakas sa casino kaya ayun, dumating yung point na 6 na buwan di na sya nasusuwelduhan which is di na nya pwede pagtyagaan kasi andun na kami nun, 3 na kaming pinapakain nya so he had to resigned, sad pero that time, that was the time also that our family started to go rocky. Eventually, they separated and kami naiwan sa mga lolo at lola ni daddy. He found another woman and again kayod marino ulit siya, nagbenta ng siopao, nag-logging at kung ano ano na naman.
Until one day he realized na nasa puso nya talaga ang auto supply. Pero wala syang capital pero dahil kilala na sya ng mga dating suppliers nila sa auto supply nuon, pinagkatiwalaan syang bigyan ng stocks ng mga pyesa. So yun, ang wish nya lang daw nun may pang-araw araw kaming pang-gastos ngayon hindi lang sa AMIN na pang-araw araw na pang-gastos ang napo-provide nya pati yung daily needs ng mahigit 500 nyang empleyado sa iba't iba nyang negosyo nasusustentuhan na rin nya. Pero hindi naging madali ang lahat, ilang death threats din ang natanggap nya from his boss. Nung una ang sabi lang sa kanya nun hindi magtatagal auto supply nya pero nung nakita ng lumago ayun na ang death threats, thanks God wala naman nangyari sa dad ko.
Umabot din sa point na may mga pumupuntang Intelligence sa amin para pabantayan kami kasi nagiging mainit sa mata ang mga negosyo nya.
Dati, wala akong kilalang kamag-anak, ngayon dami namin biglang kamag-anak. Si dad, never lumaki ang ulo, sobrang proud talaga ako sa kanya. Kaya kahit ang dami nya rin pagkukulang sa amin, dedma ko na, kasi tingnan ko pa lang yung mabubuti na-a-outweigh na yung hindi maganda.
Kahit sa local government mega tulong lagi, (syempre wala na magagawa pagandyan na ang mga solicitation letters). He even has his own fire truck, lagi kasi me sunog sa amin kaya bumbero din sya. Jack of all trades pero NOT a master of none.
