Author Topic: rags to riches stories  (Read 80727 times)

ElizE

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 86
Re: rags to riches stories
« Reply #140 on: June 01, 2013, 09:35:33 am »
I want to share my dad's rags to riches story. Na ilang beses ko ng nakwento sa mga friends ko.

My Lolo is a mangingisda in ilocos so papa ko talaga is a mangingisda. Kasakasama niya mangisda lolo ko. Then namasukan siyang houseboy sa Tito niya sa Cebu para pagaralin siya dun, nakatapos din siya ng Highschool. Ilang kamaganak din napagsilbihan niya dito sa Manila. He tells us na sa quarters lang siya natutulog, tapos bawal magelectricfan. Nagddrive siya ng mga kotse ng mga Tita niya, hatid sundo ng mga anak nila sa San Beda, Ateneo etc. he never complains kasi papagalitan siya ng Lolo ko. Nung mga mid twenties niya pinasok siya as janitor sa Land Registration Authority.. And hanggang ngayon nandun padin siya but now as a Senior Land Examiner. In short, tumaas ng tumaas ang rank niya dun sa LRA. Hindi siya mailagay as Director kasi never siyang nakapagexam ng CivilService. Dun din niya nameet ang mama ko, nung nagOJT ang mama ko when she was in college.

Nainvolve si papa sa mga buy and sell ng land, then nagtayo siya ng chicken farm sa ilocos. Marami pa siyang pinasok na mga business. May nalugi, may naging successful. Lahat kaming 4 magkakapatid graduated sa private schools. May malaking house, may resthouse and farm sa ilocos. Cars Etc.

Sa tingin ko ang secret ng papa ko is never umakyat sa ulo niya yung pagiging mayaman niya. Hanggang ngayon binabalikan padin niya yung mga kaibigan niya nung nakatira pa kami sa maliit na inuupahan naming apartment sa manila. His friends call him "milyonaryong nakapaa" he is very humble, never mayabang and sobrang down to earth. Until now, namamalengke pa yan tapos butas butas yung white shirt niya. He would never buy a brief unless kami pa ang bumili. Madami siyang kaibigan, maraming may utang na loob sakanya. Pero never siyang humihingi ng kapalit sa mga tulong niya.

Tapos di ka maniniwala, yung pinasukan niya ay houseboy noon, sila ang broke ngayon dahil namatay na yung mga parents nila.. Humihingi ng tulong sakanya para ipasok ng work. Kapag iniisip ko nga, noon halos di maubos ang pagkain sa mga mansion nila kapag nagpupunta kami tuwing xmas. Nakaupo lang kami sa isang tabi, naghihintay kung may regalo kami. Ngayon 10k lang pinapangutang pa nila.


m0mish

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
  • I am a proud NANAY :D
Re: rags to riches stories
« Reply #141 on: June 01, 2013, 10:43:44 am »
Napanood ko lang to sa channel 11 ata ewan ko kung napanood nyo din ito..

Kasambahay si manang for ilang years at dahil tiwala na yung mag-asawa sa kanila ipinasok din sya dun sa factory nila na gumagawa ng mga bags.. sa umaga kasambahay sya sa hapon/gabi nasa factory sya.. hanggang sa naging quality supervisor ata sya at dun sila nagkakilala nung mister nya.. nag decide na silang magsama kaya umalis na sila dun sa pinapasukan nilang factory at dahil may idead na silang mag-asawa sa pag gawa ng bag binili nila yung ipon nilang persa sa mga materyales gumawa sila ng maraming bag pero may time daw na wala silang makuhang susuplayan nila ng mga bags nila kaya nagkalugi-lugi sila gusto na nung lalake bumalik na lang sila ng province pero sabi nung babae na maghanap pa daw sila kaya nakahanap sila ng buyer tapos pinakita nila yung gawa nila so nagustuhan yung designs at gawa nila kaya ngayon sila yung nagsusuply sa mga mall ng mga bag yung sa dept store like secosana ata yun basta yung mga ganun sa dept sotre..

nakakabilib talaga yung mga ganung tao na talagang may lakas ng loob, tiyaga.. kaya naniniwala ako na wala sa yaman at pera yang pagbi-business nasa tiyaga,dasal,determination para matupad natin kung anong gusto natin..

slovy

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 291
Re: rags to riches stories
« Reply #142 on: June 01, 2013, 01:13:32 pm »
Ako meron isishare not myself but my hubs story.. sa family nya..


Labindalawa silang magkakapatid.. dentist ang tatay nya.. pero di naman kalakihan pa ang kita daw nuon tas hindi din daw nagpapabayad ang tatay nya ng pera. Pero may minana daw yung tatay nila na lupa duon sila kumikita pero sapat lang daw talaga, sa dami ba naman nila. Tas nung mag 14 na si hubs ko namatay ang tatay nya inatake sa puso tas 6months later sumunod ang nanay nya. Grabe daw yung hirap nila noon. Naexperience daw nila isang ahig isang tuka.. Papasok daw sya at iba pa nya kapatid sa skwelahan na kalam ang sikmura. Hinto sa pagaaral ang nasa kolehiyo. Pero yung dalawang nakakatanda nag working student, natapos. Teacher at nurse. After mga ilang years sinubukang mangibang bansa, pinalad. Hindi pa daw kasi strikto noon ang amerika. Tas yung dalawang kapatid na iyon ang sumusuporta sa mga naiiwan dito, sa pagpapaaral, tirahan, lahat lahat. At penitition silang lahat. Nakapagtapos lahat, mostly nasa medical field, nurse, medtech, doktor, dentist, civil eng., cpa, at archi si hubby yun. naaprubahan din ang petition maliban sa isa na disabled. Ngayon eh mga maaayos na ang buhay. tigdadalawa ang bahay sa amerika. maliban si hubby na piniling dto manirahan sa pilipinas to look after their sister na may kapansanan. Ayun, kaysarap pakinggan pag nagkukwento yung ate nila about sa buhay nila noon at ngayon. Very inspiring.  :)
The only way out of the labyrinth of suffering is to forgive!

mrsonthego

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 486
Re: rags to riches stories
« Reply #143 on: June 05, 2013, 11:38:47 am »
nakaka inspire naman ;)

lakwatsa

  • lakwatserang
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2096
Re: rags to riches stories
« Reply #144 on: June 11, 2013, 03:38:13 pm »
nakakatuwa naman magbasa dito. i hope someday may maipost din ako dito. :)
Live, love, laugh...

...and show an act of kindness each day :)

lanee_beu

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 71
Re: rags to riches stories
« Reply #145 on: June 19, 2013, 06:16:16 pm »
gusto ko tlg ang thread na to very inspiring. sana makapag share din ako dito someday, basta sipag lang at simpleng lifestyle and with God's help and guidance.

momentum

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1521
  • ♠ Get What You Give ♠
Re: rags to riches stories
« Reply #146 on: September 01, 2014, 12:27:04 pm »
reviving this thread! binasa ko uli from start to finish

sana may makapag share pa..naging successful na ba ang ilang mga sis dito? :)

employee parin ako pero I have this strong desire to be successful. gusto ko matutunan ang investing..gusto ko magkaroon ng side business and kapag okay na eh makapag resign na ako..I will use part of my sweldo pang kapital ng business..di muna ako magresign sa corporate world hangga't di pa kayang tumayo ang sisimulan kong business..

I remember my lolo sobrang tyaga din niya nuon para lang buhayin niya yung kids nila ng lola ko..7 kasi sila hehe..nag siosiopao, empanada etc sila nuon..my mom still has his recipes I think..handwritten pa hehe..some of them we have changed to vegetarian version (kasi vegetarian kami hehe)..eto ang isa sa mga plano ko na seryosohing business..dati kasi tuwing Christmas lang kami nag sisideline ni mama... :)
----♣ Get Busy Living, or Get Busy Dying ♣----

simplybrilliant

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 89
Re: rags to riches stories
« Reply #147 on: September 09, 2014, 12:48:35 pm »

SIS, AKO BA FRIEND MO? KONTI NALANG AKO NA TO. ;D

I came from a poor family. 
Went to UP and survived due to STFAP (I was in bracket 2 then)
My course is a pre-med but didn't even considered to take med kasi wala nga kmi pera.  I HAVE TO WORK.
I started teaching, nag sideline as tutor and dun ko nakilala ang nagbigay sa akin ng opportunity to enter a government office na ok ang pay and benefits (kasi medyo mataas na din entry position ko.  And i was promoted na din...2 steps ang inakyat ko)
Sent my two siblings to college - pareho na sila tapos and have good jobs
Travelled abroad (including US) - official
Travelled to an Asian country with hubby and two kids, pasyal lang (ni sa panaginip di ko inasam to pero nagawa ko na)
I have my own house...recently bought another one...maliit na house lang pero CASH (na pinapahulugan ko s brother ko kasi wala naman cya pang cash para mgkabahay naman cya)
Have a simple car
my insurances kami ni hubby, mutual funds, time deposits, savings acct in my kids name-in case bigla kmi mawala ni hubby eh di sila maghirap...dont want my kids maranasan hirap namin ni hubby nung mga bata pa kmi.
All this from being an employee lang.
My business na kmi ngaun...sideline lang. :) nagbabagsak kmi ng siomai sa mga offices. tpos my mga nagoorder din sa amin n binebenta din nila sa offices nila. kami mismo nagdedeliver every sat.  My post na ako ng simai biz ko sa sideline etc dito s gt nung 2007 or 08 yata. Ginagamit naman namin ito para pantulong sa mga "less" fortunate n kamag anak s province.

lahat ng yan from being employees lang talaga.
maaga pa kmi ngpakasal ni hubby (23 ako cya 24). i got pregnant unexpectedly. walang wala talaga kmi nun. sa isang "free" hospital nga ako nagpapacheck-up nung 1st baby ko.
ngsimula kmi n ang gamit eh de gaas n stove, isang kaldero, tig isa namin n pinggan at baso. nakagalitan nga kmi ng tita ko nun when she visited us wala kasi kmi extra pinggan...hubby has to eat sa lagayan ng mami noodles..hehe..pano daw pag my mga bisita. now kumpleto n kmi ng gamit. 

all of this sa pagtyatyaga...living below your means.
wag maarte basta marangal ang ginagawa...i don't mind going to robinson's makipag meet sa buyer namin ng siomai carrying 10kilograms of siomai pag di pwde si hubby...or punta kbila bldg magdeliver siomai... sayang din kasi ang opportunity. madami ngbebenta n halos magmakaawa makabenta lang eh ako heto na dumarating nalang ang orders.
do what you are good in for extra income 5yrs din ako nag tutor. nagstop nlng ako nung nag aaral n din 1st born ko...lalo n ngaun kasi 2 n sila tutor ko every night.
SAVE. noon sabi nila grabe daw ako sa kakuriputan... ngaun di na ah... my iba na ko passive sources of income aside from our salary n sobra n sa amin kung tutuusin... Lesson: MAGTIPID MUNA PAG DI PA KAYA. Mas masarap na gumastos pag hindi n inutang lang o credit card ang winawaldas.
PRAY and always thank the Lord for whatever blessings.  :)

^^ sis momentum, re your question kung may naging successful na ba na sis dito.  Hindi ko pa masasabing succesful ako talaga. madami pa ako kakaining bigas but kung binabalikan ko pinanggalingan ko/kami ni hubby eh masasabi kong proud na din ako sa mga achievements ako at "pwede na" baka pasang awa na sa rags to riches.

the quoted post was my post way back 2011. hinanap ko pa ulit kasi alam ko my post ako dito.

UPDATE:

I AM A LAWYER NOW.  I was promoted even more.  I have my own brand new car that I am driving myself.  My kids are now studying in high paying private schools.  Can afford some luxuries like family trips abroad. Have savings, insurances and investments na di na ako takot anytime na kunin ako ni Lord eh makakapag-aral at mabubuhay na kids ko.

No plans of leaving my work now as my position gives me salary na sobra na sa amin.  Kayang kaya na magsave.  And I have to stay 4 more years para magpension ako later on (I work for the government).  But while waiting for 4 years, I am now planning to have my own law office.

Everything, we did by being employees.

Dati dati, nababasa lang kami ni hubby sa ulan dahil nakamotor kami pagpasok ng office. Nilalait ako ng officemates ko dahil sa pagmomotor namin.  Now, where they are and where I am. Diska-diskarte lang ang buhay. Eh sa motor lang kaya namin nun eh.  Bakit kasi pipilitin ang di pa kaya di ba? 

God really blesses the humble.

Goodluck to all sisses here! More power GT!

sleepy_grfld

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 225
Re: rags to riches stories
« Reply #148 on: September 09, 2014, 01:32:38 pm »
inspiring post sis simplybrilliant. :)
Enjoying being a mother each and every day. Never thought that having a child brings this kind of bliss. :)

momentum

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1521
  • ♠ Get What You Give ♠
Re: rags to riches stories
« Reply #149 on: September 09, 2014, 01:52:10 pm »
^^ wow sis simplybrilliant you are really brilliant  :D hehe
ang saya saya naman..sana I can learn from you..I'm so happy for you and I believe you will be even more successful

God bless sis!  :D at sa lahat ng sissies dito, may we all achieve our goals in life! cheers!
----♣ Get Busy Living, or Get Busy Dying ♣----

kaiz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1196
  • My Son, My Happiness, My Life
    • WACKER e-Store
Re: rags to riches stories
« Reply #150 on: September 09, 2014, 03:01:20 pm »
thanks for sharing your story sis SIMPLYBRILLIANT
..true strength is being able to hold it all together when everyone else is expecting you to fall apart..

..i am your mona lisa..

threehundredquotes.blogspot.com

simplybrilliant

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 89
Re: rags to riches stories
« Reply #151 on: September 11, 2014, 09:32:00 am »
kaya nating lahat mga sis. determinasyon lang at tyaga. 10 years in the making yan lahat sa amin. as in, kung alam nyo lang mga pinagdaanan namin. no savings, a lot of utangs, nagpapaaral ng siblings, may babies na pinapagatas pero kinaya makaahon. kahit ako nga, kung babalikan ko di ko alam kung paano namin nagawa lahat ni hubby eh. basta focus on your goals.  kung may detractors man, use them as a challenge to achieve even more. God Bless us all!

simpleemie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 288
Re: rags to riches stories
« Reply #152 on: September 12, 2014, 08:47:27 am »
naiyak ako sa story sis. Actually na inspired ako pero naiyak ako kasi ang galing nyo. Dumaan din ako sa sobrang hirap pero little by little nag iimprove naman. Wala pang financial riches pero yung medyo nakaahon na sa utang e kahit papano nakakagaan na rin ng loob. Aja lang mga sis! Kaya natin to ! :)

pinksapphire0821

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 229
Re: rags to riches stories
« Reply #153 on: September 19, 2014, 05:41:00 am »
ako I have my own online clothing business and an employee as well, halos three years na itong business na ito but so far medyo maliit pa din ang kitaan. I'm planning to go to Brunei before the year ends para mas maging maganda siguro ang buhay. sana maging successful kagaya ni sis simplybrilliant.

Workforce

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
Re: rags to riches stories
« Reply #154 on: September 19, 2014, 10:47:20 am »
Sis bakit sa brunei? Ano gagawin mo dun magempletado ulit? Kung gusto mo yumaman, magbangkok ka magaganda ang damit doon dyan yumaman kamag anak ko buy and sell bg bangkok clothes

pinksapphire0821

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 229
Re: rags to riches stories
« Reply #155 on: September 20, 2014, 01:37:11 am »
I've been there once and yes, magiging empleyado ako ulit dun and practice my profession..mas maganda ang buhay dun at mas malaki ang chance na yumaman :)


*******i will still continue my business though as a sideline, lapit lang din bangkok dun :)

jojo2978

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 193
Re: rags to riches stories
« Reply #156 on: September 20, 2014, 08:01:22 pm »
inspiring stories... :)

lonelymiss28

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1341
Re: rags to riches stories
« Reply #157 on: September 22, 2014, 12:19:42 am »
I don't consider myself rich, but i would say i have enough ipon naman and wala akong utang whatsoever plus i buy everything in cash. the only reason we use credit card is to get points but we make sure to pay it that same week.

so here's my story naman:
growing up my family have a notion na lalaki ang magpapatakbo ng pamilya and ang babae ay pang-bahay lang (i have 4 brothers, 3 mas matanda sa akin), so as much as possible ayaw nilang mag-invest para sa future ko. hingschool ang bag ko isa lang and hand-me-down from my brother and one pair of tennis shoes and 2 pairs of black shoes for 4 years na yun. mga books ko hiram or hingi from previous students, 2 lang uniforms ko buong highschool na yun. although may nagbibigay sa akin na pinaglumaan ng ibang students kaya ok na rin. for me to buy that tennis shoes ako ang naglalaba ng damit ng family ko para imbis na sa labandera ibayad sa akin na lang. kaya at a young age kelangan kong paghirapan everything i have. i graduated na puro hiram lang suot ko kasi wala akong isusuot, wala sa family ko nag attend ng graduation ko until college na yun. but naiisip ko rin di ko rin naman sila masisisi kasi ako yung hindi matalino sa mga anak nila ako lang yung napunta sa 2nd section at nagkakaroon ng bagsak sa math. kaya nung mga panahon na yun sobrang puro dasal ko sabi ko kay Lord "sana gumanda buhay ko, kayo na po bahala sa akin". pangarap ko lang nun magkaroon ng maliit na bahay sa probinsya at maging teacher.

nung college, ayaw akong pag-aralin kasi sayang lang daw at di ko rin naman magagamit. so i ask my tita na gusto ko sana mag-aral kaso wala kaming pera, good thing naawa sya sa akin at binigyan ako ng 1k at yun ang ginamit ko sa first sem, 2nd sem binigyan na ako ng parents ko up to 2nd year college. 3rd year naman nakapag-trabahgo na ako as private tutor so hindi na ako humihingi ng pampa-aral sa parents ko and ako na rin nagbabayad ng ibang bills sa bahay up until naging 8k na sweldo ko at age 21. but ang plano ko talaga mag-abroad. nag-trabaho ako sa mall to be a computer teacher for 5 years hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon makapag abroad dito sa canada.

dahil sa karanasan ko sa buhay, ang dami kong natutunan like mag-ipon, maging practikal, maging kuripot in a way. nagpunta ako ng abroad wala kong naging utang, i work hard makapag-ipon and even if nakapag asawa na ako dito naging ayos buhay namin. simple lang pero wala kaming gaanong inaalala pagdating sa gastusin. we can go anywhere in the world, buy whatever we want, and we don't have to worry na walang matitira.

and for my family, ako nagpaaral sa 3 kong kapatid, yung bunso from highschool hanggang makatapos sya ng nursing at 3 sa kapatid ko tinulungan ko mag-abroad although 1 lang nakarating, umayaw yung 2. ako nagpapadala sa parents ko up until they both passed away 2 years ago.

siguro sa mga sisses natin na gusto maging maganda buhay nila, pray lang talaga saka pag may oppoprtunity hwag palampasin kahit na medyo mahirap sa umpisa.


momlory

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 430
Re: rags to riches stories
« Reply #158 on: October 21, 2014, 04:29:05 pm »
Baka may idea kayo kung saan indemand ang civil engineer? Hirap kami ng hubby ko kasi pareho kaming engineer dito sa pinas. Although nagapply apply na rin kami abroad. Sana soon makapagpost kami dito at makapag share.

lonelymiss28

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1341
Re: rags to riches stories
« Reply #159 on: October 22, 2014, 03:58:05 am »
^may friend ako sa qatar sya civil engineer.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close