Antoinette Jadaone's Love You to the Stars and Back starring Joshua Garcia and Julia Barretto just hit cinemas last week. And if you haven't seen it yet, we are telling you, you shouldn't miss out on this gem! But to enjoy the film even more, here are a few things we learned from a chat with Direk Tonet (no spoilers ahead):

1. The movie's story started three years ago.

"'Yung story ng Love You to the Stars and Back, I was supposed to write this concept for Direk Paul Soriano three years ago. It's about a girl na naniniwala sa aliens, but TV and film got in the way kaya hindi ko siya nasulat. For the longest time, I was pitching it to different people but it's a very risky concept kasi 'yung aliens hindi ko alam kung kakagatin siya ng mga tao.

"Noong lumapit sa akin 'yung Star Cinema, sinabi nila na may movie with Joshua and Julia, 'yun 'yung pinitch ko kasi pasok sa age bracket nila. Sobrang natuwa ako na tinanggap siya ng Star Cinema for a movie about aliens."

2. Caloy's cancer story is not a "twist."

"'Yung mga ni-reveal sa trailer ay hindi siya twist. Actually sa start, we were debating kung sa trailer ilalabas na kaagad na may cancer si Caloy. Pero 'yung cancer ni Caloy ay hindi siya secret. Sa start pa lang, ni-reveal na kaagad ni Caloy kay Mika. Hindi siya grand reveal. Feeling ko, if we're not going to show it in the trailer, mafi-feel ng audience na 'Parang naloko naman ako. Wala namang sinabing may cancer.'

So naisip namin, sa start pa lang, kung paano nakita ni Mika si Caloy at kung paano nakilala ni Caloy si Mika, ganoon dapat makikilala ng audiences si Mika at Caloy. So ganoon 'yung nilagay namin sa trailer. At natuwa kami kasi very risky 'yun. Even hours before ilabas 'yung trailer baka [isipin], 'Naku, may cancer, ayoko ng ganyan.' Kaya sobrang natuwa kami noong nilabas namin 'yung trailer na worth it 'yung risk na i-reveal sa audience kasi gusto naming maging totoo sa kwento."

3. Joshua and Julia are the perfect Caloy and Mika.

"Sobrang happy ako na si Joshua and Julia 'yung nag-play ng Caloy and Mika, kasi una andoon 'yung chemistry. 'Yung love part very natural lang na lumalabas. Pero 'yung story kasi ni Caloy and Mika, hindi siya 'yung usual teenagers. Hindi sila kilig-kilig na ang problema ay tungkol sa love. May sarili silang problema na mas mabigat kaysa sa problema ng usual teenagers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang natuwa ako kasi mahusay silang actors. Nakakatuwa na this early, ganoon sila ka-sensitive, ka-sincere umarte. Natutuwa ako na nabigyan nila ng buhay sina Mika at Caloy the way I imagined them to be."

4. "Torete" was part of Direk Tonet's writing playlist.

"Sinuggest namin siya, kasi while I was writing the script, meron akong playlist. Habang nagsusulat, nagpapatugtog ako ng mga kanta at isa doon 'yung 'Torete'. So sa creative team, nagbabato lang ako sa kanila na kunin nila ['yung kanta] pag may budget. Natuwa ako na, in the end, nagwagi 'yung isa sa mga sinama ko from the playlist ko habang nagsusulat. 'Yung version na ito, si Moira [dela Torre] 'yung kumanta."

5. Mika's chant has no meaning.

"Wala siyang meaning. Hindi ko alam kung kilala ninyo si Kula Shaker, 'yung 'Govinda.' Doon ako na-inspire. Habang ginagawa ko 'yung chant, pini-play ko 'yung Kula Shaker na 'Govinda' kaya paulit-ulit siya. Wala siya talagang meaning pero kay Mika, kaya 'yung chant na 'yun, i-explain niya san movie na siya lang 'yung gumawa ng chant...Si Mika lang nakakaalam ng meaning."

This story originally appeared on Candymag.com.

* Minor edits have been made by the Femalenetwork.com editors.

Get the latest updates from Female Network
Subscribe to our Newsletter!
View More Articles About:
Pinoy Movies
Comments

Latest Stories

You Can Now Send Money, Pay Bills and Buy Load Through Facebook Messenger

The social media giant partners with PayMaya and GCash to provide mobile financial services in the PH.

How to Flat Iron Your Hair Without Damaging It

Take note of these steps to keep your locks healthy and soft!

10 Most Extravagant Pinoy Celebrity Weddings Ever

The biggest, grandest, and most high-profile nuptials to date.
Load More Stories