watch now

Author Topic: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?  (Read 123992 times)

elcae

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #280 on: February 08, 2008, 12:35:42 pm »
at first yes talaga, pero after na malaman ko na hindi daw ako type ni future (pa noon) MIL. keber! hindi naman siya pakikisamahan ko.So pag nagkikita kami deadma lang kahit nagkakatabi pa kami sa upuan hindi ko siya pinapansin. hindi ko kailangan magbago para magustuhan niya ko, siya magbago para magkasundo kami. good thing nagbago talaga siya after the wedding.  :)

diamondgirl

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #281 on: February 08, 2008, 07:36:13 pm »
for me it is  :-[

-riarz-

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #282 on: February 08, 2008, 07:51:46 pm »
Yes.  Close ako sa family ko kaya gusto ko din na kaclose ko ang inlaws ko.

GabBeaMariz

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #283 on: February 08, 2008, 07:55:29 pm »
hindi kasi hindi rin naman kami nagkikita at nasa province sila...don't care as long na masaya kami ng pamilya ko..wala na kong paki ;D ;D

reinzy

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #284 on: February 08, 2008, 10:47:13 pm »
big deal po talga for me..kasi in-laws mo yun eh bahagi na talaga say ng family nyo since parents say ng husband mo, at mahirap po pag hindi ka gusto kasi tingin ko kahit anong gawin mong mabuti eh mababaliwala lahat, pro mas importante pa din yung pagmamahalan nyong mag-asawa..  :)

cati

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #285 on: February 11, 2008, 04:07:52 pm »
before it was a big deal...kasi before people pleaser ako, okay lang kahit ako masaktan just to please other people, but now I've learned my lesson....I don't care whether they would like me or hate me....

heavendreamer

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #286 on: March 20, 2008, 10:18:07 am »
it matters to me coz we live with my MIL's house and with us is my SIL din. First 2yrs ok kami until i knew from my katulong kung anong back stab ginagawa nila sa akin. I was so hurt that time that until now di na ako naniniwala sa mga kabutihan pinapakita nila sa akin coz i could feel na they have so many words behind my back. For 2 months na rin di kami nag-uusap ng SIL ko. Nasaktan ko raw sya when i had my words to her kase naman nakikialam na sya kung ano gusto ko sa anak ko. I tried to get along with her after the incident but twice nya ko dinedma, so why make so much effort to someone who doesn't like you anymore. Eto naman si MIL ko feeling ko pinagkakaisahan nila ako ni SIL. Eversince naman talaga lahat ng kilos ko at ng katulong ko pinupuna ni MIL. Sobrang limited yung kilos mo. Most of the time im not looking forward of going home after work.

I would say na it matter's kase for several days nag-aaway na kami ni hubby just because of his family. I've been trying to convince him na magbukod na kami and he said by the first quarter of 2008 maybe we will have our own place, apartment siguro.

Nakakainis lang din coz whenever i say things to my hubby against his MIL and SIL  ni wala man lang response..as in quiet lang sya. i feel he's just in the middle and never ko nafeel that he took my side..it really hurt me. sobrang nakakadepress na. I have been holding myself telling my parents about my situation coz alam ko di makkatulong and ayoko may masabi sila sa family ng hubby ko. Pero yung MIL and SIL sobrang broadcast ako  sa clan nila. Tinitiis ko na lang yun but you cannot always control yourself kaya talaga minsan, dinidedma ko na lang sila. wheeewwwwww!!!!!

hi sis,

since his family is the group of people who brought up my husband in-laws should matter... at syempre daapt nga as in family na din talaga sila... kaso difference of breeding siguro gets in the way kaya nagkaka-problem sa pagb-blend...

sobra akong nai-stress pag naalala ko mga inis ko sa mga ginagawa ng mga in-laws ko... pero halos parehas tayo ng situation... whenever I'm telling my husband about those things about his family and the things they do to me... he's is just always quiet... nakakainis pero naiintindihan ko na lang din minsan because I know they are very close with each other... and kung may mga di man magagandang ugali yung family nya talagang di na lang niya bini-big deal kasi close nga sila.. but I always ask him... "Shouldn't you be hurt too because I am hurting?" Kasi di ba dapat nasasaktan sya for me... pero I think nasasaktan naman nga siya yun nga lang itong asawa ko hindi ko alam kung mabait o sadyang denial lang...

Naguguluhan pa ako sa in-laws ko kasi sala sa init sa lamig... and alam ko din na sirang-sira ako sa relatives ng husband ko esp. sa side ng mother niya... yung mga nanggagaling sa states... bago makauwi damang-dama ko pag nandito na pina-plastik lang ako... ang problema kasi they are not geiving me the benefit of the doubt...

ang weird nila eh.. kasi pag di ako nakikita hinahanap ako... ang gusto ata nila magpa-under ako sa kanila... na nandun ako lagi pero sunod-sunuran lang... pwede ba naman yun? alam ko naman what is respect and how to ... iba naman yung i-discriminate ka.. how I wish they would talk to us about their problems sa ugali namin kung anuman, pero they never attempted...  before bago yung wedding namin they want us to postpone it daw... kesyo ang daming reasons... hay...

tulad ngayon holy week... ewan ko ba nahihirapan akong magtika pag ganitong panahon kasi we need to be at their place dapat nga every year pero sabi ko dapat every other year para fair sa side ko...

Eh di hayan, nandun sila... gusto ko sanang sumama pero bukas na lang siguro kasi nga at least bukas prusisyon naman may gagawin ako... eh kung ngayon, wala namang kakausap sa kin dun.. magmumukha na naman akong kawawa... tama na nga... naiinis na naman ako... naalala ko na naman kasi yung mga pambibintang ng nanay nya na kesyo pinagbabawalan ko husband ko na pumunta sa kanila... bakit ko naman gagawin yun...oo ako talaga hesitant magtagal pag pumupunta dun kasi nga napaapnisn ko walang kumakausap sa kin... ang di nila alam itong husband ko ayaw na ding pumunta talaga sa kanila...ako lang ang pumipilit, sabi ko ako lang ang di pupunta... pero siguro di lang sinasabi sa kin ng husband ko pero inis na rin sya sa kanila... I think he's still protecting their family... hoping that they will change and they will be nice to me someday... when kaya yun? 8 years na kaming married... at almost 9 year na mag-bf before magpakasal.. so there... haaayyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!!!!
« Last Edit: March 20, 2008, 10:40:13 am by heavendreamer »

Super_MALDITA

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #287 on: March 23, 2008, 11:54:09 pm »
dati. pero now hindi na. siguro kasi hindi na din sila importante sa buhay ko......

tamarind26

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #288 on: March 24, 2008, 01:46:06 am »
It wasn't a big deal kasi ako naman ang pinagtatanggol ni hubby noon.Mababother siguro ako pag sila ang laging iniintindi ni hubby & not me.

gab54

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #289 on: March 24, 2008, 02:43:20 am »
not really... fave nila ako.  :D pero kung hindi, ok lang. malayo naman sila. i live in metro manila, sila sa province... hay, buti nalang  ;D

achie08rn

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #290 on: March 24, 2008, 09:12:05 am »
well i dont know they used to like me.. but after the issue on who shoud\ld be getting married first my bf (who is eldest) or his younger brother i guess they liked me less... well i dont care naman kase from the very start ive been a good future in law tas ganun pala parang we re not a priority to them so wala.. i care less nalang..

super_mum

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #291 on: March 24, 2008, 09:26:21 am »
Hay naku, ako talaga bad shot from the start noh. Sira ulo kasi ako, di nag eeffort para maging good shot. Pag binibigyan ko siya ng regalo, taos sa puso. Kung hindi, wala lang tinatamad o anoh. Minsan iniintindi ko kung ano ang sasabihin niya tungkol sa akin. Pero I'm sure, negatibo lahat sasabihin nun. Lalo na ngayon, nagtatampo na naman daw sa akin. Kasi dumating dito yung BIL ko, hindi ko daw binati or inalok na kumain. Eh nagluluto ako sa kusina, sila ang humarap sa BIL ko (kapitbahay lang naman siya). Eh bakit hindi sila ang mag alok at sila ang kaharap. Pati si hubby, andun sila ang kausap, eh di sila ang umalok na kumain dito. I'm sure, di naman kakain yung si BIL eh. Ngayon, issue na naman. Ako na naman ang masama. Ako daw ang mas bata, ako daw ang magpakumbaba. Eh, talagang ganito ako. Hindi mahilig makihalubilo...Hay....Pressure ever....
« Last Edit: March 24, 2008, 12:30:54 pm by super_mum »

eowyn

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #292 on: March 24, 2008, 09:52:50 am »
i haven't really proven if they dislike me. as far as i'm concerned, my partner's bros & sisters are nice to me. they check up on me from time to time. ako pa nga ang hindi nakakapagparamdam sa kanila. his dad is also very kind. yun nga lang hindi ko masyado trip yung nanay niya. parang walang paki. kahit sa anong nangyayari sa anak niya, sa amin ng anak niya. minsan pakiramdam ko isyu sa kanya na manileña ako. eh wala naman akong magagawa kung dito ko lumaki. besides, i don't practice prejudice towards them though they live in the province.

of course at certain points, i am affected. pero isa lang iniisip ko pag ganon. something like aquacharly's advice...

if she doesn't give a damn, neither do i. yun lang.

penshoppe

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #293 on: March 24, 2008, 07:03:05 pm »
For me, BEFORE, it was really a big deal! Kasi sino ba namang mamanugangin ang me gusto na ayaw sa kanya ng mga in-laws nya di ba?!!! It is  much better if your in-laws  like you, para talagang welcome na welcome ka sa family nila and adjustment with them would not be also hard on your part...

Pero NOW, it is no big deal na sa akin! I've done my part for them to like me, pero kung ayaw nila sa akin eh it's no problem with me... The big deal for me is my relationship with my husband, because it is the thing that matters much to me!
« Last Edit: March 24, 2008, 07:05:19 pm by penshoppe »

super_mum

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #294 on: March 24, 2008, 07:09:32 pm »
Sana meron ding MIL na sumagot dito noh. Tapos, sabihin naman nila ang side nila. He he...

sexyvamp

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #295 on: March 24, 2008, 08:55:27 pm »
 di pa man kami kasal parang nagbabadya na ang problemang ito....
yung parents nya ok naman, mabait sakin, pati yung mga brothers nya, ang problem is yung mga sisters na puro matandang dalaga, bunso kasi sya.
for me its big deal kasi, every time na nandun ako sa kanila di ako palagay. minsan kasi ok, minsan naman parang napipilitan lang maging nice sakin.
ewan ko lang kung ano sinasabi nila sakin pag wala ako dun, siguro naman mararamdaman nyo kung totoo yung pinapakita sayo ng tao, ako kasi alam ko kung plastikan lang o totoong welcome ako. ewan ko kung napapraning lang ako pero ganun yung feeling ko talaga sa mga kapatid nyang babae. di warm yung pagtanggap nila sakin.
kaya nga ayoko din tumira sa kanila pag kasal namin e. magiging parang de numero kilos ko.
may hipag din naman ako pero di ganun ang trato ko, pinapakita ko naman sa kanya ng welcome sya sa bahay namin para di sya mailang.
di ko talaga ma gets yung ugali ng matandang dalaga, parang strict na suplada, kaya nahihirapan ako makitungo sa sisters nya.


chinita_charm

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #296 on: March 25, 2008, 01:17:44 pm »
noong una BIG DEAL para sa akin na magustuhan nila ako kasi sa family ko it really matter, i mean ayaw namin dito sa compound na nag aaway at pinalaki kaming sinasabihan na kung sino ang mahal ng Mahal mo dapat mahalin mo rin. Kaya ng maging kami ni hubby i tried everything just to be closed to them. pero ang nangyari they treat me soo unfair at talagang nabastos ako, much worst pati family ko dinamay nila.

ngayon d n big deAL kung hindi nila ako gusto the hell with them.. ang mahalaga masaya kami ni hubby.

trixie*tyra

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #297 on: March 25, 2008, 02:14:56 pm »
Not a big deal... Ang importante asawa ko kakampi ko.

chicshopaholic

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #298 on: March 31, 2008, 09:42:39 pm »
it's NO BIGGIE!!! hindi naman sila ang pinakasalan ko kundi hubby ko. kaya wala akong pakialam kung ayaw nila sa akin.. ang importante ay kakampi ko ang hubby ko sa hirap at ginhawa.. on the other hand, magiging BIG DEAL lang sya kung magkasama kami sa iisang bubong.. pero so far, hindi pa naman nangyari at wala din kaming plans ng hubby ko kasi gusto namin makapag-sarili kami :)
« Last Edit: March 31, 2008, 09:54:03 pm by chicshopaholic »

larkinmikayla

  • Guest
Re: is it really a big deal for you is your in-laws doesnt like you?
« Reply #299 on: May 11, 2008, 01:23:06 am »
For me it doesn't matter. Ayoko rin naman sa kanila.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close