watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)  (Read 96452 times)

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #640 on: September 22, 2020, 02:47:13 pm »
Pero hindi ko pa rin magawa magdine out. Takot ako baka kung anong pumasok sa bibig at ilong ko pag walang mask. Tinitiis ko na nga lang uhaw ko pag nasa mall doing errands.

same here sis

tcm

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #641 on: September 22, 2020, 03:20:57 pm »
Wala siya nabanggit about travel pass nung pinanuod ko pero baka na-missed ko kasi skip skip ako haha Grabe talaga, iba't ibang households sila pero nagawa pa mag-out of town.

At nagsiksinkan pa yata sa i-ilang kwarto.

Patawa to si ACy sa stories nya - ang dami daw nagtatanong anong plan nya sa bday nya.
wala daw xang plan, kasi pag tumatanda ka gusto mo tahimik lang.

LOL. malamang siz! pandemic. no choice ka.  nakapaka- hypocrite af.  ;D

Pero abangan, for sure may some sort of gathering yan sa condo. Kesyo close friends lang, konti lang...

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #642 on: September 22, 2020, 03:43:01 pm »
Naku sis mysterioza_me late na yung nag disinfect plus ligo pa after grocery. Noong March April vlogs very chill lang sila.
Nakaka-sad late na din pala siya nagstart plus may mga tao pa na nagpupunta sa kanila or pinupuntahan niya. Andami ngayon di na siniseryoso ang pandemic.

Kami kapag nasa labas, drive-thru kadalasan tapos sa car na kakain. Pero totoo yung uhaw na pero di pa makainom kapag nasa mall. May nakita ako na facemask sa Shopee may small opening siya na may napi-flip na cover in case gusto mo uminom, kasya lang ang straw.

Babalik pa daw si ACy sa beach, kailangan daw ng trabaho ng mga tao dun. At saka nagawan ng paraan maipasok ang Tiger Balm, sorry natawa talaga ako dun. Akala ko nakalimutan na e.

May local vloggers kayang naglakas loob magpunta sa Manila Bay last weekend? British vloggers ang nakita ko na nagupload kanina. For sure pag may isang local vlogger na nagupload sunod-sunod na yan.

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #643 on: September 22, 2020, 04:01:16 pm »
may stories siya tagaytay naman. ewan kung iba pa to dun sa batangas trip nila.

tcm

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #644 on: September 22, 2020, 04:04:47 pm »
Nakaka-sad late na din pala siya nagstart plus may mga tao pa na nagpupunta sa kanila or pinupuntahan niya. Andami ngayon di na siniseryoso ang pandemic.

Kami kapag nasa labas, drive-thru kadalasan tapos sa car na kakain. Pero totoo yung uhaw na pero di pa makainom kapag nasa mall. May nakita ako na facemask sa Shopee may small opening siya na may napi-flip na cover in case gusto mo uminom, kasya lang ang straw.

Babalik pa daw si ACy sa beach, kailangan daw ng trabaho ng mga tao dun. At saka nagawan ng paraan maipasok ang Tiger Balm, sorry natawa talaga ako dun. Akala ko nakalimutan na e.

May local vloggers kayang naglakas loob magpunta sa Manila Bay last weekend? British vloggers ang nakita ko na nagupload kanina. For sure pag may isang local vlogger na nagupload sunod-sunod na yan.

May plan pa nga sa magpunta sa The Farm at San Benito.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #645 on: September 22, 2020, 04:44:58 pm »
Kaloka yung naisingit ang tiger balm 😂 kaya nga sana yung may mga K bumili na youtuber mag bayad naman sila hindi puro libre gets ko yung pa PR item eh, kaso yung madlang people hindi rin naman bibili dahil walang pera sila lang talaga carry gumastos dahil tuloy tuloy pera nila.

Maia_Cache

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #646 on: September 22, 2020, 05:29:16 pm »
ang dami kasing artista ng pupunta The Farm at San Benito kahit ngayong quarantine. Si ACy ba ang may presss release na pupunta dito, if yes syempre alam niyo naman #1 social climber si madam.

rondashie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #647 on: September 22, 2020, 05:38:51 pm »
True naman talaga yung sobra sobrang lockdown na natin dito, imagine parang tayo yata ang longest lockdown ever? Tapos ngayon pa lang yata ang end ng peak cases natin. So understandable yung need/want na lumabas kasi sobrang nakakaurat talaga sa loob ng bahay, parang hindi na healthy for my body and mind. Since March na tayo naka-work from home and hirap na hirap na din akong lagyan ng boundary ang work vs personal time.

BUT (and it's a big but), everytime nasa labas ako e grabe din yung takot? Lol saktong sakto talaga yung sabi ng isang sis natin dito na tanggalin mo lang yung mask mo e di mo alam kung anong papasok sa bibig/ilong mo.

For me, ayos lang lumabas ka for essentials and maybe konting tingin tingin sa shops. Magjogging or exercise sa labas. With proper health protocols. Pero para magbakasyon at magliwaliw at magsamgyup (na super aerosol risk) is very irresponsible at this time.

nejoy

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #648 on: September 22, 2020, 05:50:53 pm »
Di ko kinaya yung comment sa vlog ni Madam, share ko lang.

"Ms. Anna Cay is the embodiment of Ms. Heart Evangelista-Escudero🥰 so classsssy🖤"


qtpie

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #649 on: September 22, 2020, 05:56:51 pm »
^hahaha di ko kinaya sizt. Naalala ko yung haul vlog niya recently then napanuod ko yung vlog ni Heart na get ready with me. Sabi ko hmmm... mukhang balik Heart pangongopya ulit si ACy ha. Notice the Bvlgari VCA ring (trulaloo kaya yun or imitation pero real gold?) then the white outfits. Pansin ko lang ha dun sa mga IG stories ni ACy panay turo dito turo dun gamit yung daliri kung nasaan yung Bvlgari VCA ring.

swarleyscherbatsky

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #650 on: September 22, 2020, 06:06:01 pm »
Madam AC kung nandito ka man I hope you wont let material things define who you are. Dahil kapag (wag naman sana) nawala lahat yan sayo, mawawalan ka na rin ng sense of self. People will admire you for your personality, not for the things that you own.

jasminann_

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #651 on: September 22, 2020, 06:28:19 pm »
Di ko kinaya yung comment sa vlog ni Madam, share ko lang.

"Ms. Anna Cay is the embodiment of Ms. Heart Evangelista-Escudero🥰 so classsssy🖤"

Ohmy, ang layo.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #652 on: September 22, 2020, 06:35:48 pm »
Yes, sobrang haba ng quarantine then walang solid plan. Mahina sa risk and crisis management yung government natin kaya lahat ng tao kanya kanya nalang ng diskarte. Sa Japan nga back to normal na sila slowly mga bata nakakalabas naman basta may social distancing pa rin, and back to school din sila doon. Nakakabaliw talaga yung nasa iisang place ka lang for the whole month kahit ba may internet iba yung nakakapasyal ka kaso like here sa metro manila na epicenter at may case na libo per day delikado talaga.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #653 on: September 22, 2020, 08:45:58 pm »
Nag Bag of Beans si ACy yun yung nasa post niya.

Anyway, since vlogger din naman si Andi M. anyone here knows saang beach sila nagpupunta? Dami nagtatanong pero hindi nila sinasagot. With toddlers in tow pa yan ah. Pero smooth na smooth lang byahe nila. Pero galit yung husband niya sa government.  ;D TBH ang dami ko ng pinagtanungang resorts bawal daw talaga 21 years old and below. lol

tempaccount

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #654 on: September 22, 2020, 08:54:57 pm »
^ Nasagot ni GP yan sa IG ni Andi, I think. Private beach in front of a family home daw. Kanila siguro?

Sa The Farm, nakita ko nung sinilip ko vlog ni Kathryn. Rapid test lang ginagawa nila pala.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #655 on: September 22, 2020, 09:01:22 pm »
Hindi naman accurate rapid test. I know someone na nagpositive sa rapid test hindi siya nakatulog ng one week nag pa swab siya then negative result. Kaya kung magpapatest din lang naman dapat yung swab sa throat at nasal.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #656 on: September 22, 2020, 09:36:07 pm »
Thank you sis tempaccount, siguro nga kanila GP since madami naman silang property.

^Agree super false result ng rapid test, banned na nga yan sa ibang countries.

Starliiight

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #657 on: September 22, 2020, 10:18:57 pm »
True naman talaga yung sobra sobrang lockdown na natin dito, imagine parang tayo yata ang longest lockdown ever? Tapos ngayon pa lang yata ang end ng peak cases natin. So understandable yung need/want na lumabas kasi sobrang nakakaurat talaga sa loob ng bahay, parang hindi na healthy for my body and mind. Since March na tayo naka-work from home and hirap na hirap na din akong lagyan ng boundary ang work vs personal time.

BUT (and it's a big but), everytime nasa labas ako e grabe din yung takot? Lol saktong sakto talaga yung sabi ng isang sis natin dito na tanggalin mo lang yung mask mo e di mo alam kung anong papasok sa bibig/ilong mo.

For me, ayos lang lumabas ka for essentials and maybe konting tingin tingin sa shops. Magjogging or exercise sa labas. With proper health protocols. Pero para magbakasyon at magliwaliw at magsamgyup (na super aerosol risk) is very irresponsible at this time.

ganito rin feeling ko. parang torn ako kasi kahit paano naiintindihan ko kung bakit yung iba gusto lumabas or umalis kasi hindi mo naman talaga pwede ikulong yung mga tao nang ganito katagal. hindi rin healthy. of course, ideally, lahat tayo dapat nasa bahay lang especially mukhang wala naman plano ang gobyerno. lol pero hindi naman yun mag-work sa ideal world. yung relatives ko abroad, nakapag-create na sila ng new normal and their government has found ways to navigate the pandemic na hindi naman mag-suffer yung health ng mga tao nila and yung economy. sana all. lol pero yun nga, kapag lumalabas ako, especially if galing grocery, mygad praning na praning ako! parang gusto ko maligo ng alcohol. lol

syempre magpapatalo ba si madam ACy sa mga artista na nagpupunta sa the farm. sunod sa uso talaga si ate girl. lol

yung kay andi m, private beach property naman yata pinuntahan nila. sarap naman ng may resthouse no?

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #658 on: September 22, 2020, 10:24:23 pm »
^Ok lang naman lumabas as long as you follow health protocols para mas maliit ang chance na mahawa or makahawa. Pero sa situation kasi like mga nagvisit sa Manila Bay para makita ang fake white sand jusko nakakakaba. Plus pa mga Youtubers na nang-eengganyo pa sa tao na lumabas, ok lang sana kung nagpapakita sila ng paano ba sila nagiingat when outside or when they travel kaso walang ganun. Tapos they travel pa with people na hindi nila kasama sa bahay. Nakaka-worry na baka magspike na naman ang Covid case. Nakakaawa na mga frontliners natin.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (Thread 22)
« Reply #659 on: September 22, 2020, 11:03:18 pm »
Sa ibang bansa ganyan na ginagawa pinapayagan na nga mag stay sa hotel pero may social distancing at nakamask all the time, may oras din pag kakain sa restaurant para hindi crowded yung tao and naka well ventilated yung lugar hindi naka aircon. At nakita ko lang na kahit papaano mahigpit is yung mga mall and banks pero sa ibang establishments hindi. Nakamask lang pero minsan yung iba hindi nagkukusa dumistansya sa ibang tao.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close