We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Pero hindi ko pa rin magawa magdine out. Takot ako baka kung anong pumasok sa bibig at ilong ko pag walang mask. Tinitiis ko na nga lang uhaw ko pag nasa mall doing errands.
Wala siya nabanggit about travel pass nung pinanuod ko pero baka na-missed ko kasi skip skip ako haha Grabe talaga, iba't ibang households sila pero nagawa pa mag-out of town.
Patawa to si ACy sa stories nya - ang dami daw nagtatanong anong plan nya sa bday nya. wala daw xang plan, kasi pag tumatanda ka gusto mo tahimik lang. LOL. malamang siz! pandemic. no choice ka. nakapaka- hypocrite af.
Naku sis mysterioza_me late na yung nag disinfect plus ligo pa after grocery. Noong March April vlogs very chill lang sila.
Nakaka-sad late na din pala siya nagstart plus may mga tao pa na nagpupunta sa kanila or pinupuntahan niya. Andami ngayon di na siniseryoso ang pandemic. Kami kapag nasa labas, drive-thru kadalasan tapos sa car na kakain. Pero totoo yung uhaw na pero di pa makainom kapag nasa mall. May nakita ako na facemask sa Shopee may small opening siya na may napi-flip na cover in case gusto mo uminom, kasya lang ang straw. Babalik pa daw si ACy sa beach, kailangan daw ng trabaho ng mga tao dun. At saka nagawan ng paraan maipasok ang Tiger Balm, sorry natawa talaga ako dun. Akala ko nakalimutan na e. May local vloggers kayang naglakas loob magpunta sa Manila Bay last weekend? British vloggers ang nakita ko na nagupload kanina. For sure pag may isang local vlogger na nagupload sunod-sunod na yan.
Di ko kinaya yung comment sa vlog ni Madam, share ko lang."Ms. Anna Cay is the embodiment of Ms. Heart Evangelista-Escudero🥰 so classsssy🖤"
True naman talaga yung sobra sobrang lockdown na natin dito, imagine parang tayo yata ang longest lockdown ever? Tapos ngayon pa lang yata ang end ng peak cases natin. So understandable yung need/want na lumabas kasi sobrang nakakaurat talaga sa loob ng bahay, parang hindi na healthy for my body and mind. Since March na tayo naka-work from home and hirap na hirap na din akong lagyan ng boundary ang work vs personal time. BUT (and it's a big but), everytime nasa labas ako e grabe din yung takot? Lol saktong sakto talaga yung sabi ng isang sis natin dito na tanggalin mo lang yung mask mo e di mo alam kung anong papasok sa bibig/ilong mo. For me, ayos lang lumabas ka for essentials and maybe konting tingin tingin sa shops. Magjogging or exercise sa labas. With proper health protocols. Pero para magbakasyon at magliwaliw at magsamgyup (na super aerosol risk) is very irresponsible at this time.