Author Topic: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?  (Read 9628 times)

ana mimi

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #40 on: November 06, 2018, 03:10:53 am »
Ang totoong mapagkukunan mo ng strength diyan is your family. Yan talaga natutunan ko sa ending namin. Inamin ko sa family ko yung totoong sitwasyon namin at naging supportive naman sila - parents and kapatid ko. Sila na rin mismo yung nagtanong saken kung mag stay pa ako in the relationship or do I want to leave na. When I told them na gusto ko na umalis, they gave me shelter.  Pinaguusap nila kami ng partner ko pero di naman sila super nag meddle nang malala, they give is privacy.

Na touch lang ako sa kapatid ko kase at that time, sabi niya saken "Basta kung anong desisyon mo ate, andito lang kami, support ka namin." Then yun tinulungan nila ako mag impake, kinausap din nila partner ko about what's going on and kung anong plan niya. Masarap sa feeling nung nalaman nila yung totoo.

Nakaka stress kase syempre mabubulgar na ang tagal mong nagpaka t****. Na ikaw na yung babae pero kinunsinte mo yung ganung ugali. Ako din kase pinagtakpan ko yung ganun. Ang lumalabas samin may work siya na kapag pumupunta sa bahay ng parents ko ang pinang grocery is pera niya, mga ganyang ganap diba.

lilu

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #41 on: November 06, 2018, 10:28:34 am »
Kailangan TS magpaka-firm ka sa magiging decision mo. Don't just wait til December, you can start planning now. Tell your family kahit sa kapatid mo muna, then ask for her/his help to make pahapyaw sa parents mo na mag move in ka. Mas maganda unti-unti mong iopen. Or kung kaya mo kausapin sila on a weekend para matulungan ka nila. Or mas maganda kapag may ipon ka mag bedspace ka muna. Marami namang pages sa FB na looking for exclusive female bedspacers,mas tipid. I feel sorry for you TS, lalo na naging unfaithful pa sayo yung husband mo. Buti na lang wala pa kayong anak at least di ganun kahirap mag detach. Di na uso martyr sis, from now on start ka ngayong Nov magpaka busy, ignore mo na sya ng tuluyan para madali lang sayo na iwan sya by December. Kahit anong promise nya, wag mo na pakinggan. Kasi aasa ka lang ng aasa hanggang sa mag 20yrs na. Madali lang yan sis, kaya mo yan. Isipin mo once na nagawa mo nang mag detach, matatanggal na yung burden mo at makapag start kang muli. Do yourself a favor, after mo mag isip isip at makakuha ng advises, if you're going to leave, don't look back.
Don't think na kawawa sya, sa tingin mo ba iniisip ka nya? Siguro Oo, kasi he needs food, money etc from you. Kasi if he thinks about you, ang lalaki kasi gustong gusto nyan ng papuri. So he will do anything just to make you proud of him. Totoo yan. Kahit ba anong gawin nya just to impress you and feel you're secured sa kanya, especially when it comes to money. Maraming cases na katulad sayo sis kaya don't feel guilty kung iiwan mo sya, kung habambuhay mo naman sya kasama pero you feel hurt, neglected at unloved. Mas nakakaregret yun.

simang

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #42 on: November 06, 2018, 01:29:01 pm »
Grabe nastress ako sa story mo TS. All the best to you -- I'll include you in my prayers today. :)

lilu

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #43 on: November 06, 2018, 03:17:39 pm »
TS Sorry sis, I hope you don't mind me asking you about this, may intimacy pa rin ba kayo? I mean may connection contact? Kasi if you two still have, baka nga madadaan ka sa lambing kahit na mejo ganun sya?

baliwsayo

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #44 on: November 18, 2018, 11:16:04 pm »
Pag wala ng respeto at pagmamahal, sabihin mo na lang ng diretso sis. Kasi kung ako papatayin, gusto ko isang bala lang sabog na utak ko para patay na ko kagad. Haha! Wag mo na unti-untiin na dadaanin mo sa pagna-nag (torture yun) tapos kailangan ninyo pa mag-away ng bongga bago maghiwalay. Minahal mo din naman siya dati di ba? Give him some dignity na lang. Yun pa-echos ba na it's not you it's me. Lol!  ;D

kittehdoll

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #45 on: November 19, 2018, 07:40:57 am »
Ang daming mga misis na di mahiwalayan ang asawa kasi financially dependent , e ikaw sis you have all the means na kaya do what will make you happy, sayang ang youth. Ilang taon kana now sis? Grabe, ako ang nanghihinayang sa wasted time you spent sa husband mo mindblown!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close