Author Topic: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?  (Read 9603 times)

TomHansen

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #20 on: November 01, 2018, 09:59:13 pm »
Hmmmm mahaba na masyado ang 10 years sis yung iba nga maaga pa lang bumibigay na sa katamaran ng asawa. I believe nagawa mo na ang lahat para sa kanya kaya ngayon ang tanong mo na is papaano siya iiwan. Mabuti na lang wala kayong anak hays.

Mabuti na lang nagrerent kayo.. Mabuti kung simulan mo nang maghanap ng lilipatan pero wag mong papaalam sa kanya or bumalik ka sa parents mo para may haharap sa kanya kapag ayaw mo siyang kausapin. Itago mo na mga mahahalaga mong gamit at dahan dahang ilipat sa bago mong inuupahan or bahay ng parents mo, change passwords ng social media at bank accounts. I-timing mo na lang na wala siya sa bahay bago ka umalis.

Kapag aalis ka na mag-iwan ka ng money for food at payment para sa utilities for 2 months in advance, yun na ang help mo sa kanya para may time pa siya either maghanap ng work or mag-ayos para bumalik sa parents niya. Find a way para ipaalam sa parents niya kapag nakaalis ka na sa bahay(wag before ka umalis).. Magsulat ka ng letter expressing kung ano mga nararamdaman mo at reasons mo bakit mo siya iiwan para hindi mo na kailangang ipaliwanag sa kanya paulit ulit.

Goodluck sis.

kvandenhaak

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #21 on: November 01, 2018, 10:01:25 pm »
Cheating would be the last straw for me. Wala syang kwenta....PERIOD!

kvandenhaak

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #22 on: November 01, 2018, 10:06:48 pm »
Gusto mong iwan pero di mo kayang pabayaan. Make up your mind. Dalawa lang naman choices mo eh, leave or stay. Why is it important na maayos sya pag umalis ka? Dahil magi-guilty ka? Well then I guess you just have to suck it up. Hindi mo sya kayang iwan. Otherwise, after all the things that he has done including philandering dapat mabilis pa sa alas kwatro ka pang nag-alsa balutan.

kvandenhaak

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #23 on: November 01, 2018, 10:15:50 pm »
Well there you go. So, why leave? Just stay.

kvandenhaak

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #24 on: November 01, 2018, 10:44:34 pm »
But he is still your husband and your responsibility, right? So okay lang mga ginagawa nya. Trust me, a year from now magkasama pa rin kayo. I have heard of this many times.
« Last Edit: November 01, 2018, 10:47:29 pm by kvan »

ana mimi

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #25 on: November 01, 2018, 11:01:06 pm »
Ako sis, matagal ko na gustong umalis sa relationship namin. 5 years ago ko pang plano. Kaya lang, ngayon ko lang na fulfill. basta kung aalis ka just make sure na buo ang desisyon mo, no looking back. Kase ako, nagisip pa talaga ako nang malala 5 years ago and yearly ko iniisip kung gagawin ko kase need ko muna ma exhaust lahat ng means para tulungan siya. Ako nagpapasa ng applications sa jobstreet, sinasamahan siya sa mga interviews and all pero ayun lang, nakakatamad na din.

Naiinis na din ako kase siya pa yung malakas ang loob na magresign sa trabaho e hirap na hirap siyang mag apply. I love him pero naubos na din kase nakakapagod pala yung ganon. All along alam ng parents ko siya nagpo provide sa family namin pero ako talaga.

Shadow Angel

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #26 on: November 02, 2018, 01:42:42 am »
The moment na nagloko si mister wala na nga matinong work nambabae pa hindi na to makakadalawa sa akin.

May mga kachat pa napakaswerte naman. Ikaw nag iisip ka ng way na before sya iwan makahanap ng work. Sya kaya naisip nya un? Baka hindi kasi busy sya sa chatmate at coc nya. House chores trabaho nya na pumapalya pa. Napaka tagal ng 10 years na tumagal kayo sa ganyan set up.

Kung sya hihintayin mo maging maayos ang status kahit papaano mukha hindi muna yan mahihiwalayan or baka umabot pa ulit ng another 10 years bago ka maiwan. Para lang sa akin sapat na un 10 taon na pagbigyan sya. Di mo naman dapat isipin kung paano na sya pag iniwan mo. I don't believe na magiging taong grasa sya pag iniwan mo ( i know exag. lang) ano sya walang survival instincts? Di makakahanap ng way para mabuhay. Baka nga pag iniwan mo sya ng wala mas matuto at matauhan at makagawa ng paraan na buhayin ang sarili.

Better umuwi ka muna sa parents mo. Mahirap din un solo ka lang pag lumipat may mga taong nakakagawa ng crime pag gipit.

kvandenhaak

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #27 on: November 02, 2018, 04:30:20 am »
As the saying goes:

Always leave people BETTER than you found them.

I just wanted him to get a work, see life outside the four corners of our house, experience life without me na palage anjan para saluhin sya. And honestly, If magkaron na sya n work, I will still leave him.

Been there. You're just not ready. After all his b******t, you still have excuses to keep him. Kesyo ganito, kesyo ganyan. You just need to rant but you're not ready to leave him. So rant away! Once you're ready, you'll just leave. No ifs, no buts, no excuses, no nothing!

airish_2

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #28 on: November 02, 2018, 08:54:30 am »
Nagaalanganin ka pa rin na iwan siya? Hindi pa full decision mo after ng mga nangyari?

Kung iiwan mo siya sis iwan mo na. Hindi mo na kailangan isipin anong mangyayari sa kaniya after, nag decide ka nga dahil ayaw mo na sa ganoon situation tapos kailangan okay siya bago mo iwan?

Hindi nga niya magawa yun sa loob ng 10 years eh? May ganoon condition pa?

Alam mo na ang sagot sa problem mo kaso ikaw lang din naglalagay ng ng condition kesyo kailangan maayos siya bago iwan. 😁

Mamili ka sis "For BETTER or for WORSE"

Sabi mo nga this time ikaw naman saeili mo naman so dapat wala ka na pake whatever sa husband mo na 10 years walang work at sawa ka na.

airish_2

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #29 on: November 02, 2018, 10:40:00 am »
Another thing pa pala, kaya hindi nara-rush si husband mo to find job dahil hindi mo rin siya binibigyan ng ULTIMATUM. Kaya feeling niya may masasandalan siya

Well, decided ka na rin naman. Kesyo makahanap siya ng work or not iiwan mo rin naman.

So why not iwan mo na lang 'di ba? And settle it legally, file ka na ng anullment.

Afterall, ang last memory mo sa kaniya ay hindi naman maganda. Read mo lahat ng pinost mo. He cheated,hindi man lang tumulong sa household chores, no JOB, Bummer.
Someone na ayaw mo makasama for the next 10 years parang naging Nanay ka lang niya slash guardian.

Kung ako sa situation mo kasi iiwan ko na yan wala ng drama na dapat okay siya before iwan.

Kung gusto niya magbago dapat 10 years ago.

Girltalker2

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #30 on: November 02, 2018, 07:27:40 pm »
Sis you have to be firm
Pano sya nagka phone?
Sayo rin naman galing.

Kung sakin Lang, malamang dati ko pa iyan ginutom nang matuto maghanap ng work.
Then Hindi ako mag wifi or mag cable sa house. Tingnan lang natin if tumagal sya sa bahay.

ana mimi

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #31 on: November 02, 2018, 10:48:34 pm »
Same tayo sis. Anong ginawa mo? Pano mo sya iniwan? Even my family, niloko ko na may trabaho sya. Funny, pag kumakain kame sa labas, binibigyan ko sya ng pera para magmukhang sya ang nagbayad. 😅

Same din, halos ako mag scan ng jobstreet. Pondohan mga applications. Ako naman, affected na din ng realization na hindi sya ang pinangarap kong lalake, hindi ko na sya mahal. Sobrang para kameng housemates lang sa bahay. Instead na mag karon ng connection, sa gadget naka tutok.  Dati, nung unang years ng pagiging bum nya, naipaghahanda pa nya ko ng almusal. Gigising ako na may food na, may mainit na tubig pampaligo, pag uwi ko may food. Ngayon, after 10 years, pag gising nya, phone agad ang hahanapin. Minsan kailangan ko pa sigawan para ulitin yung inutos ko. Ni hindi na ko maipag plantsa ng damit. Kainis. Bakit ba ganito mga nakuha nating lalake.


Ako kase ganun din maawain ako, gusto ko maayos muna ang buhay niya bago ko siya iwan. Pero nang dahil dun, eto nagtagal ng 10 years.

Ang unang way to break off him is to admit the whole situation sa family mo. Sa sobrang naging sikreto nang lahat sa parents at siblings ko, hirap silang unawain kung bakit ako aalis. Nung inamin ko yung dahilan, naging supportive naman sila sa decision ko and yung nanay ko nag meddle na talaga kase naman alam nun na sobrang arte ko, high maintenance and all. So ayun, eto almost 4 months palang kami hiwalay.

- block him sa social media
- block him sa phone
- avoid all forms of meeting na kayo lang dalawa
- malulungkot ka at magrereminice pero pigilan mong bumalik
- write down all reasons bakit hindi ka na dapat bumalik para kapag namiss mo siya, maiisip mo yun.

Umalis ako sa bahay namin na inuupahan. Iniwan ko sa kanya lahat ng appliances and furnitures. Mga gamit ko lang dala ko talaga. Syempre nagmakaawa siya nun and there still are times that I think of going back to him hanggang ngayon at ayan mga magiging kalaban mo after mo na siya iwan. Yung makaalis ka ng bahay niyo is only the beginning.

Girltalker2

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #32 on: November 03, 2018, 09:13:47 am »
^ sis
Samantalahin mo na itong pagkakataon. Ayan Si sis Ana mimi first hand experience

Usually ganyan nga, you keep the truth from your family in the hopes of things working out.
But once you decide, go for it nanga.
Grabe what is it ba with 10 years? It took me 10 Long years also to leave my marriage. Pero iba reason, may babae sya and anak sa labas. His affair and anak sa labas is around 10yo narin at that time. But it took me that long din.
In hindsight, dapat inagahan ko umalis para shorter sana Yung agonising years ko. Now I?m happy, much much happier and I?ve found a new love. 

Sakin mas madali siguro nung iwan ko sya because I filed for annulment and sinabi ko sa kanya. Hindi sya nagmakaawa at mapride yun. Then I went abroad with my kids in tow. Mas madali namin sya makalimutan. As to my family, pakonti konti ko sinabi. And believe me, they will be supportive. Your reasons are valid.

Girltalker2

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #33 on: November 03, 2018, 12:59:19 pm »
^ what if you plan to spend Xmas sa hometown nila?
Pag uwi nyo ng Dec 1?
Tapos bigla nagbago isip mo
Paunahin mo sya
Then if he is there na, sigurado naman Wala sya pamasahe pabalik
Huwag mo na sya bigyan at iwan mo na sya doon

airish_2

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #34 on: November 03, 2018, 03:48:40 pm »
Grabe... kahit magfreelance hindi man lang niya nagawa? Ka-stress yan. Natawa ako sa iwan sa province 😂 parang pusa lang. how about paputol mo na internet sa bahay para wala na siyang paglibangan mag data ka na lang kung gusto mo mag net.

Girltalker2

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #35 on: November 04, 2018, 12:05:01 pm »
^ have you changed your docs para iba na beneficiary?

How about his access to bank accounts?

Sis I?m kinda worried kasi kahit ayaw mo isipan ng masama, if he is desperate, puede pala nya makuha everything from you in case you pass away.

Why do you need to tell him? Yes asawa mo parin sya Pero hindi naman kasi sya naging asawa in the first place so I don?t think you owe him anything. Then bibigyan mo pa sya ng pera? For what? As separation pay? If you are to do that, then better ask him to sign a waiver. Parang sa company, they give you separation pay but make sure walang liability involved.
Eh pano kasi Pag naubos na ang money na binigay mo, technically, he still has a right to 50% of your assets. Puede pa sya maghabol

iceheaven31

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #36 on: November 05, 2018, 12:12:52 pm »
Sobrang hassle makipaghiwalay. Kung alam ko lang na ganito, I should have stayed single.

ok lang yan ma-hassle ka ngayon, kesa sa mas matagal mo pang tiisin yan. tiis-ganda muna sis para sa literal na ekonomiya at kinabukasan mo. parang pagda-diet lang. hehehhee. good luck and God bless!

Girltalker2

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #37 on: November 05, 2018, 02:39:06 pm »
Isa Isa lang sis
I think the most urgent ones are the bank accounts that he has access.
So need more itransfer muna funds sa new account na under your name lang.

Ipa-close mo narin accounts mo if wala din naman laman.
Then the credit cards if Meron paputol mo narin.

Insurance naman can follow. Kahit 6 months later, para di ka gaano overwhelmed.
Properties - Isa pa ito, if Meron ka, you will need him to sign power of attorney na you can sell it. Kasi parang consent nya na binigay na sayo for you to decide whatever you want to do with it. I?m not a lawyer Pero ganun pagkintindi ko kasi I went through the same.

ficklemind

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #38 on: November 05, 2018, 05:05:52 pm »
Sis, decided ka na ba talaga? what if makahanap siyang work, ano, tatangapin mo ba siya ulit? or wala ka na talaga pakialam?

agree din ako na bigyan mo ng pera pang simula ulit, well that's what my friend did nung hiniwalayan ang live-in partner na dependent sa kanya.

renting pala kayo, mas madali actually maghiwalay. Kung ako lang, ako na aalis kahit pa sabihing ako bumili ng mga gamit sa bahay, hayaan ko na lang sa kanya yun, I'll start a new life,  I will change my number, I will not move to my parent's house kasi madali puntahan dun. Siguro sa place of work ka na lang niya maabangan if ever.
Kung may way mag move into another country, go for it, mas malayo, mas ok. bagong buhay talaga.
Well that's just me. Kung ako siguro nasa situation mo, ganun gagawin ko.
Mas mahirap kasi para sakin yung maintain mo lahat ng meron ka ngayon minus lang siya.

megansmomma

  • Guest
Re: How To Leave My Bum Husband of 10 Years?
« Reply #39 on: November 05, 2018, 11:01:38 pm »
hahaha napapanahon tong thread na to.. he has work & can fully provide for his daughter, our daughter but he has been too complacent that I am starting to think otherwise. malaking haysss

 

Latest Stories

Load More Stories
Close