I know some, and honestly talamak yan sa abroad. Dito sa Middle East nga mga walang takot eh, may asawa sa Pinas may asawa din dito. Ang kakapal ng muka, usually iisa litanya, nagkakalabuan na with the wife sa Pinas and/or hiwalay na din naman, nagsasama nalang para sa mga bata. May 1 ako kilala, noon I can consider her my friend, pero ngayon medyo nag part na ng ways, bukod sa di ko na matake pagiging KB nya, sa lalake nalang umiikot mundo nya, worse is sya pa usually matapang kesa sa wife, at halos lahat (around 4) ng nagiging BF nya dito may asawa sa Pinas. 40-ish na kasi with 5 kids, so more or less mga ganyang age range din ang nagiging karelasyon at of course since may edad na eh married na with kids. Tagal ko na binubuyo buti pa maghanap nalang dito ng ibang lahi na binata. Pinoy talaga gusto nya. Madali mabola ng mga Kabayan.
I have a close friend naman noon, probably 10 yrs ago (22 yrs old kami) nagkaron sya DOM, so needless to say eh may wife talaga, and hook ups lang sila dahil sa pera, tho mabait naman si DOM according to her. Grabe halos isuka namin sya, pero since close friend, niratrat man namin sa words of wisdom and pangungunsenya eh we stayed with her and didn't intervene since pera lang daw talaga yun no strings attached. Imagine? Habang ako nagpapakamatay sa College, sya iba inaatupag. Until eventually natapos na din sila, lahat ng napundar nya gamit pera nung DOM naglaho, ngayon ayoko man sabihin pero she's paying the price. Karma na din ata, grabe hirap nila sa buhay, sunod sunod pa anak nya, wala maayos na income asawa, I mean meron pero hinde sapat. Alam nya din naman na karma nya yun sa lahat ng pinagagawa nya. Di pa sya nakatapos ng HS, kaya ngayon nya lahat sinusubukan ayusin buhay nya. Sarap lang mag gloat and sabihing "I told you so!" Pero what for, nagawa na nya eh and she's facing the consequences.