I'm currently into this situation. We are tropa sa office for 8 years na. We're 5 in the group tapos super close mga family namin. Then yung guy naman is officemate din namin, yung wife ni guy eh kilala ko rin kasi dati rin siya nagwork dun sa company namin. So here's how I discovered. Na assign kasi yung guy sa overseas eh nandun din ako. Tapos around 12MN, nagmessage sa akin yung friend ko sa viber. Tinatanong ako kung bat gising pa daw ako. Late ko na nabasa kasi kachat ko mama ko that time. So I answered her, sabi ko kachat ko mama ko. Nagulat ko sa sagot niya, ang sagot niya akala daw kasi niya kachat ko si guy kasi matagal ding online. WTF! So dahil friend ko siya, biniro ko pa rin. sabi ko minomonitor niya si guy. kala ko titigil na pero sumagot pa rin. sabi niya "oo nagmomonitor ako ng mga babad sa viber". Kalurkey. Eh I have the number nung guy, so I checked yung viber nya pero hindi naman siya online nung mga oras na sinasabi ng friend ko. So may ibang number na sinasabi si friend ko. Haaay. By the way, she's married and has 2 kids. After nun, naglakas loob na ako itanong kung ano real score. And she admitted na nadedevelop na siya. Grabe, ang sakit nun. kasi both of them have a picture perfect family. Lahat ng characters kilala ko. At yung mga asawa nila ang babait.
Marami akong masasakit na salita nasabi sa friend ko. Jinujustify pa kasi niya yung action niya na sweet lang talaga siya. Yun daw calling niya. I told her na umiwas na siya, ang sagot niya eh kilala niya daw sarili niya. Hindi niya paabutin sa alam niyang may mali.Parang hello, hindi pa ba mali yung nadevelope ka na nga???Lagi ko rin siyang pinariringgan dun sa viber group namin. So I guess, naruin na rin yung friendship namin. Actually, she begged na wag ko sabihin sa iba naming friends. Secret lang daw namin yun dalawa at sumunod ako.
Hindi ko na pinapakelaman ngayon, kasi una mas matanda siya sa akin. Isa pa, nasabi ko na lahat so decision niya un. Tapos panay lie na rin naman niya eh, nagstop na lang ako kesa gawin niya pa akong t**** ulet. Pero I'm hoping na magising na siya sa kahibangan siya. Sayang yung friend kong yun, beauty and brains, isa sya sa office namin na talagang nilalagay sa pedestal kasi nga ideal wife/mother and peg niya. Kaya sobrang sakit na nagawa niya yun. Siya na super against sa mga ganung acts. Ang ginagawa ko na lang ngayon eh kapag napaguusapan sa group namin yung mga kabitch thingy ginagamit ko un para magparinig. Which I know alam ni friend na para sa kanya yun.
In the end, kapag ready na siya magpakatotoo, I'm still willing na kalimutan ang lahat. Sana ganun rin siya. Pero sa ngayon, hindi ko magawang malike mga post nilang mag asawa kasi nasasaktan ako para dun sa lalake at sa mga anak. Yung lalake kasi kitang kita namin na sobrang mahal niya yung friend namin. Hatid sundo yung friend namin yun kasi di sya marunong magdrive. YUng time na lumalabas yung friend ko kasama yung guy, pero may isa pang kasama. Pero Im sure accessory lang yung isa naming officemate, ang totoo eh ang gusto lumabas eh yung friend ko and si guy. Ayun, yung asawa sinusundo yung friend ko without knowing na kaya pala panay labas ng asawa niya eh dahil nadedevelop na nga dun sa guy. Haay, heartbreaking talaga pag gantong mga issue.
Sana matauhan na yung friend ko.