watch now

Author Topic: Anong gagawin mo if your close friend is kuma-kabitch? (inspired by Liz Uy)  (Read 8546 times)

lalee888

  • Guest
KB - KumakaBitch
MM - Married Man
OW - Original Wife


Since maraming opinion and sides ang lumabas after i-reveal ni Liz Uy na may baby sya, naisip ko itanong, pano kung tayo ang nasa malapit sa ganung sitwasyon?

So mga GT-ers, what would you do if you DISCOVER that your sister/best friend/close friend is Kumaka-b**** (KB)  to a Married Man (MM)? You don't know the depth of their relations, YET, but all you know is that your friend has been seeing and going out with a married man, whose Original Wife (OW) is completely in the dark.

And what about you mga guys, what would you do if you find out your best friend na Married Man, seems to be engaging flirtatiously with women, unknown to the Original Wife?

To everyone: Pano kung kilala nyo lahat -- si KB, MM and OW -- whether close or acquaintance, pero you know all parties involved. What would you do?



otra_vez

  • Guest
the hardest situation would be if i knew or am close with the OW and she has no idea what's going on. yikes! i would say that i really hate to interfere with other people's relationships but if i see something, if i know something, i would probably inform the aggrieved party. i'd rather be the bad guy and tell her the truth than leave her longer in the dark. it's just like any crime, right? silence helps the oppressor, not the oppressed.

if i'm friends with the MM, it will follow that i also have sort of a friendship with the wife then same answer i guess.

if i'm friends with the KB, i would say this: it's her decision, it's her life but i expect her to come to her senses at some point, hopefully sooner rather than later. as her friend, i think that she is shortchanging herself by being with someone who gives her the shorter end of the stick. married men (or women) who cheat always say that they're trapped in their miserable marriages but the truth is, if they really want out, they would get out. case in point: i have so much sh!t to do but somehow i managed to log in here :D against better judgment. kung gusto may paraan, ika nga. at yung mga litanya nila na bakit ngayon ka lang dumating? mga ganyang lines. "you are so special kasi, i couldn't help myself..." that's BS. in fact, you are so freaking unspecial in the eyes of the MM kaya he only gives you what little time and attention he can, after he took care of other things. tell you what, should there be a natural disaster or some sort of emergency or some apocalyptic scenario that affects us all, *knock on wood*, matagal ka nang nakalibing bago ka pa niya maisip matext man lang. you are that unimportant.

i know harsh but i really believe that we all get the love story we pursue for as long as we are honest with ourselves and other people and we are not hurting anyone. there is zero chance that an illicit affair will blossom into a genuinely happy relationship. if you start out wrong, it's already doomed. there are trust issues that you will not be able to get over. kahit ba maging legit yan, eventually, naghihiwalay din talaga. wala kang gagawin for the rest of your time together but to reassure yourself that you did the right thing and that you belong together. you will question everything and you will never really feel secure in your relationship.

you can go on believing that you will defeat the odds but at some point you will ask yourself if it's even worth finding out if you can, nga. you can never truly love someone who you don't respect and i think that's a building block that's already lost from the very start.

hisana

  • Guest
I know two KBs.

One is a close coworker and she told me everything (this happened a few years ago btw). As in ultimo nagtetext si MM eh sinasabi pa sa akin. Pinapabasa nya sa akin minsan yung messages and the guy is a sleazebag. Maraming bola ang sinabi sa kanya pero never naman sinabi na iiwan nya asawa nya. So in short, feeling ko parang the excitement of something illicit lang kaya nila ginagawa ito. Sinasabihan namin sya na itigil na nya at mag-ingat, but she gave us these excuses na ang hirap, namimiss daw nya lagi, etc. It ended kasi syempre, hindi naman sya sineryoso talaga nung guy, so nung wala na yung thrill or nagkasawaan na sila, tapos na.

Another one is a friend of a friend, sumasama sa mga lakad namin minsan. She's pretty, smart and popular, and she had a long-time bf at the time. Pero nakakahalata kami na parang hindi solid yung relationship nila. Turns out may gusto palang iba si girl, one of our local politicians here in QC (she's a lawyer and she got to know him from work).  Pwedeng blind item pala ito, hahaha. Anyway, politician is married na. Makikita mo talaga sa kilos nya na puro si MM ang nasa isip nya kahit ayaw nya ipahalata. After so many years, naghiwalay na si friend namin and her bf, and then mamaya na lang nabalitaan namin na nanganak na. She won't say who the dad is. Medyo hawig dun sa guy, pero mahirap na mag-assume. She's still unmarried until now and still working with MM. Sa situation na ito, hindi ko kasi kaclose ang lahat ng involved, so parang alanganin na makialam ako. Plus they're all high profile, mahirap na makasira ng reputation unless I have hard evidence.


mimiku

  • Guest
Most of my close barkadas nagtino naman na sila. We always have this unspoken rule- never mess up with other people?s relationship- whether magbf or married. Meron isa sa amin before who got into trouble but with a man with a gf, we were honest naman to her. Lagi naming pinapayuhan tungkol sa karma and all. Now, matino na siya.

However, there is this 1 friend who talagang topakin pagdating sa lalake. Mapamarried man or hindi. Kahit anong sabihin mo di nakikinig. May mga ganun kasi- mabait na kaibigan pero pagdating sa mga relasyon hindi. Kaya pinabayaan na lang namin though from time to time pinapayuhan namin.

By the way they are females/gays by the way. Wala kasi akong kaclose na straight guy.

I don?t tolerate wrecking up relationships and I am brutally honest with my friends if need be. Swerte ko lang never ko pa naman naranasan yung kakilala ko both the wife and the kabit. Sa ganoong situation siguro papanig ako sa wife and would definitely severe my friendship sa isa. Ayaw ko ng may nasasaktan and ayaw ko din magbulagbulagan.

airish_2

  • Guest
Nakarelate ako kasi I have a friend na KB, kung alam niyo lang kung paano namin siya kinonsenya ng kaibigan ko to change heart, paano pampered siya ni lalake, may bahay, may allowance at pampaganda. Pero natauhan si friend siguro dahil lagi namin siya sinasabihan. Sabi namin dalaga naman siya okay lang may bf siya basta single! Naaawa ako sa anak nung guy. Awa ng dyos she's happily married na.

My advice is 'wag kunsintihin, oo, hindi tayo makekeaalam in a point tayo pa susugod sa guy, let your friend finish her battle, pero once na nanghingi ng advice be truth at walang sugarcoating.

HAYLEELOVE

  • Guest
Naku for me never din akong nagkunsinti ng friends. I tell them upfront. Lagi kong nireremind sa kanila ang karma and wag manira ng relasyon lalong lalo na kapag married and may mga anak na involve. Kung ayaw makinig, pababayaan ko pero ayaw kong imeet in person. Kunwari magiinvite kasama yung guy, umaayaw ako at nagdadahilan. Lalo kung married, di ko alam baka masungitan ko lang.

Siguro yan ang kaibahan ng babae sa lalake. Ay naku naalala ko na naman yung mga lalakeng barkada ng bf ko. Jusme aba imessage ba naman siya na may babae daw na gustong ipameet sa kanya. Parang gustong ipatikim daw dahil malinis naman. Buti na lang matino si bf di niya pinatulan. So siguro depende talaga sa gender yan. The way I see it ang mga boys open sila sa mga ganyan while mostly ladies sila yung hindi nagtotolerate talaga unless same din ang paguugali ng mga kaibigan niya na ok lang magwreck mg relationships.

lyrahs

  • Guest
I have a friend na (ex)KB.

Ewan ko ba lahat ng nakakarelasyon nya e mga MM.

Yung unang MM (MM1), nakasama nya sa work abroad. Nung nalaman ko to, pinayuhan ko naman sya. Usual na kwento na 'hindi naman na talaga sila ok ng asawa nya...di talaga nya mahal...napilitan lang pakasalan...chenes chenes'. Kahit naman anong sabihin natin sa kanila, sila pa din naman ang magdedecide. Pag nag-aaway sila dati, lagi nya sinasabi sa akin na nahihirapan na sya at gusto na nya hiwalayan. Kako nasasabi nya lang yan kasi magkaaway sila, sabihin nya ulit sa akin yan pag maayos na ulit sila. E di totoo nga, nung nagkaayos sila kako sabihin nya yung sinabi nya sa akin, ayaw daw nya, kaya pa daw nya. Ayun hanggang nagka-anak sila at nagkahiwalay ng place of work pero in a relationship pa din sila

So nakahanap ng ibang work si friend sa ibang bansa ulit, may nameet ulit na MM (MM2). Sila pa din ni MM1 although magkahiwalay sila ng country of work. Nagkarelasyon si friend kay MM2 habang sila pa ni MM1 (juskolord!). Kaso etong si MM2, very much married at family man talaga. Pero inlab na inlab sya kay friend, nagseselos nga pag may iba kaming officemates na guys na feeling nya nagpapacute kay friend. Soulmate daw sila sabi ni MM2. BTW, magkakasama kami sa work kaya kilala ko din si MM2. Syempre bilang kaibigan ko si friend at kasama ko pa sa work at bahay, pinapayuhan ko pa din. Di ako nagkulang ng paalala. Dumating sa point na nainis na ata sa akin at di kami nagkikibuan sa bahay. Minsan di na din sya umuuwi, dun kay MM2 natutulog. E hinayaan ko na. Ang tatanda na namin, alam na alam naman nya ang tama at mali. Minsan dumalaw asawa ni MM2 sa country of work namin, lutang na lutang si friend. Nag-usap na daw sila ni MM2 na maghihiwalay na sila. Palabas lang pala kasi dumating ang misis. Nung umalis na, sila ulit. Di na natuto.

Fast forward to uwian na ng pinas. Nagkasama sama pa din kami sa work. Wala na daw talaga sila ni MM2, pati si MM1 hiniwalayan na nya ng tuluyan. Natuwa ako kasi wala na ang mga MM. May bago daw sya ka-chat, classmate daw nya nung college. Sabi ko agad sa kanya sana naman by this time, totoong binata na. Kamalas-malasan, MM pa din!!! Dito talaga di na ako nagpreno, nung dati mejo preno pa akong pagsabihan sya. Tinalakan ko ng bongga. Kako tumatanda na tayo, papayag ba sya na hanggang pagtanda nya KB pa din sya. Kako asikasuhin na lang nya anak nya, nagdadalaga na eh. Nako I rest my case.

Nitong huli nagkwento sa akin na hiniwalayan na din daw nya yung ka-chat nya na MM din.

Mga kaibigan natin na napapasok sa ganitong sitwasyon, I'm sure di naman tayo mahihiyang payuhan sila kahit pa ayaw nila. Haha. Minsan talaga kelangan alugin ang tuktok nila ng husto para magising. Sadly, yung iba nalulugmok na talaga sa pagiging KB. :(
« Last Edit: March 21, 2018, 03:16:13 pm by lyrahs »

Ghell06

  • Guest
I also have bff na KB. Kahit anong sabi namin, wala pa rin eh. Ayaw makinig. Mahirap daw hiwalayan. Minsan nga sabi ko sa isang friend namin, isumbong na namin sa asawa ni MM. Para matapos na kabaliwan nya. Kakaawa din kase talaga yung anak at OW...

lalee888

  • Guest
@sis lyrah, wow grabe yung kwento na puro MM ang bf ni girl --- nagsabay pa at one point ng dalawang MM? Hindi kaya thrillseeker ang friend na ito?

@sis otra_vez, i share the same views as you. swak pa ang payo mo and if only all gals and guys can read that, they'd know a kabit situation would never work kasi nega na ang start. Look at angelina jolie and brad pitt -- oo nga they became successful and all, matagal din nagsama, but hindi rin nag-last ultimately and i always believe there is a price to pay -- we just don't know it, since wala naman tayo sa private interaction and conversations nila.

Mga sis, PANO KUNG KILALA nyo si OW -- hindi kayo close, pero kilala nyo?

This has not happened to me. But nagulat ako sa lahat ng comments -- walang nagkunsinti sa girl, pero wala ring nag-intervene --- walang nag confront kay KB directly, kay MM, and walang ang anonymous tip kay OW. I mean, i get it difficult sya. Pero kakalungkot. I know life is not black and white na pag mali, mali. Pero what if yun ang kailangan ng friends natin? Sampal and confrontation?

sa mga may friends na naging KB, anong main reason nyo bakit hindi kayo nagconfront or nag-report?

tischarmedlife

  • Guest
Wala pa naman ako friend na naging KB pero if time will come, never ko sya kukunsintihin. Pag hindi nagpa-awat, friendship over na. Mahirap na baka bukas makalawa, asawa ko naman ang agawin nya!  ;D

Shadow Angel

  • Guest
Ako may friend na KB pero nakilala ko sya na asawa na nya un kabit nya (pareho silang may asawa dati). I mean nagkakilala kami di na nya tinago na un asawa nya inagaw nya lang dun sa dating asawa. Sya un cause ng divorce nun dating mag asaswa. Sobrang selosa si friend. Sinabihan ko sya so dapat lagi ka handa or alam mo na pag ikaw ang niloko. Handa naman daw sya. Kaya rin daw sya sobrang selosa dahil dun.

About sa guy friend naku dami ko friends na ganyan ubos na boses sa kakapayo wa epek. Pero may isa sa kanila na sermunan ko ng bonga. Eto un kwento si F1 at ako invited kami sa common friend namin si F2 para sa Birthday ng anak nya.Since di ko alam ang new place ni F2 sabi ko mag commute na lang ako kasi ayaw ko mag drive ng solo ako tapos di ko alam un lugar. Tinawagan ako ni F2 na kay F1 ako sumabay kasi alam ni F1 un place. Ayaw kasi ni F2 na mag commute ako kasi medyo malayo rin. So nag message ako kay F1 to confirm kung payag nga sya na sumabay ako. So eto na habang on the way na kami mag dadaanan daw muna kami kasama rin namin. So ako ok lang kasi akala ko naman friend nya na di ko kilala. After 5 mins di na nakatiis sabi nya gf nya dadaanan namin na pa wtf ako kasi alam ko may asawa na si f1 at anak tapos buntis pa sa 2nd baby nila. So ako nagalit talaga ako sana kako nag no na lang sya. Sabi nya di sya makakahindi kasi that time na tumawag si F2 nandun un misis nya. So ayaw nya mag alibi ng di raw totoo sa front ng wife nya kasi kilala ako ng wife nya so magtataka o baka magtanong pa bakit di ako isabay. Si KB ay naku mas maganda pa wife nya sa totoo lang un nga lang sexy compared dun sa wife ni f1. Pati si F2 nagulat na may iba sya kasama si F2 kasi faithful talaga sa wife. So nun uwian na sa inihatid na lang ako ni F2 pauwi. Tapos wife ni F1 nagtext sa akin kung pauwi na raw kami kasi si f1 di nagrereply sa kanya so sinabi ko lang na pauwi di kami sabay dahil hinatid ako ni f2.

foxyhauteur

  • Guest
I have a KB friend din. Flight Attendant siya tapos yung MM Pilot. I'd like to think na hindi kami nagkulang ng pangaral sa kanya. Pero wala, matigas ang ulo. Ayaw papigil. Sabi niya may marital problems naman daw si MM and OW pero sa OW pa rin umuuwi.  :o Naawa kami sa asawa at anak. Kung kilala lang namin yung wife sinumbong na namin. Naiisip din namin na baka alam naman nung wife, nagbubulag-bulagan lang kasi impossible naman na hindi mo maramdaman na may iba di ba?

Sinabihan ko pa nga one time nung naglunch date kami na hindi ba siya nakukunsensya? Galing siya sa broken family tapos ngayon siya yung isa sa sisira ng family? Malungkot daw kasi siya. Hay.  ::) Hindi naman pera habol niya kasi mayaman ang family ng friend ko.

Pinagchichismisan namin si Liz Uy sa FB messenger at tingin ko nababasa naman niya but we don't care. Tamaan siya ng tamaan baka sakali matauhan.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
I know some, and honestly talamak yan sa abroad. Dito sa Middle East nga mga walang takot eh, may asawa sa Pinas may asawa din dito. Ang kakapal ng muka, usually iisa litanya, nagkakalabuan na with the wife sa Pinas and/or hiwalay na din naman, nagsasama nalang para sa mga bata. May 1 ako kilala, noon I can consider her my friend, pero ngayon medyo nag part na ng ways, bukod sa di ko na matake pagiging KB nya, sa lalake nalang umiikot mundo nya, worse is sya pa usually matapang kesa sa wife, at halos lahat (around 4) ng nagiging BF nya dito may asawa sa Pinas. 40-ish na kasi with 5 kids, so more or less mga ganyang age range din ang nagiging karelasyon at of course since may edad na eh married na with kids. Tagal ko na binubuyo buti pa maghanap nalang dito ng ibang lahi na binata. Pinoy talaga gusto nya. Madali mabola ng mga Kabayan.

I have a close friend naman noon, probably 10  yrs ago (22 yrs old kami) nagkaron sya DOM, so needless to say eh may wife talaga, and hook ups lang sila dahil sa pera, tho mabait naman si DOM according to her. Grabe halos isuka namin sya, pero since close friend, niratrat man namin sa words of wisdom and pangungunsenya eh we stayed with her and didn't intervene since pera lang daw talaga yun no strings attached. Imagine? Habang ako nagpapakamatay sa College, sya iba inaatupag. Until eventually natapos na din sila, lahat ng napundar nya gamit pera nung DOM naglaho, ngayon ayoko man sabihin pero she's paying the price. Karma na din ata, grabe hirap nila sa buhay, sunod sunod pa anak nya, wala maayos na income asawa, I mean meron pero hinde sapat. Alam nya din naman na karma nya yun sa lahat ng pinagagawa nya. Di pa sya nakatapos ng HS, kaya ngayon nya lahat sinusubukan ayusin buhay nya. Sarap lang mag gloat and sabihing "I told you so!" Pero what for, nagawa na nya eh and she's facing the consequences.
« Last Edit: March 22, 2018, 07:23:37 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

lalee888

  • Guest
I have a KB friend din. Flight Attendant siya tapos yung MM Pilot. I'd like to think na hindi kami nagkulang ng pangaral sa kanya. Pero wala, matigas ang ulo. Ayaw papigil. Sabi niya may marital problems naman daw si MM and OW pero sa OW pa rin umuuwi.  :o Naawa kami sa asawa at anak. Kung kilala lang namin yung wife sinumbong na namin. Naiisip din namin na baka alam naman nung wife, nagbubulag-bulagan lang kasi impossible naman na hindi mo maramdaman na may iba di ba?

Sinabihan ko pa nga one time nung naglunch date kami na hindi ba siya nakukunsensya? Galing siya sa broken family tapos ngayon siya yung isa sa sisira ng family? Malungkot daw kasi siya. Hay.  ::) Hindi naman pera habol niya kasi mayaman ang family ng friend ko.

Pinagchichismisan namin si Liz Uy sa FB messenger at tingin ko nababasa naman niya but we don't care. Tamaan siya ng tamaan baka sakali matauhan.

hibang ata ang friend mo sis -- if umuuwi si MM kay OW, ibig sabihin entertainment lang si KB. Di ko alam bakit ang daming t**** sa pag-ibig.

Cookie_Dough

  • Guest
I have a friend who once became a KB. But what I love about her was that she "killed" (if there ever such a thing) her romantic feelings towards the MM. They probably lasted for a month lang. She deliberately turned down all the personal invitation of the MM. If ever the two of them went out, she makes sure that it'll be in group. She did ask me some questions but I told her that she knew very well what to do. Kasi alam na naman talaga nila yun. Sa twing nagtatanong sila, mostly nanghihingi lang yan ng affirmation na wala silang ginagawa at nagmamahal lang.

Mahirap magbigay ng payo sa mga ganitong sitwasyon lalo na kapag ang KB at MM ay parehong blinded ng emotions nila. Ang magagawa mo na lang talaga konsensyahin sila at ipagdasal na baka sakali kapag dating ng araw e matauhan kaagad.

twelvth_goddess

  • Guest
Honestly, I don't know why single ladies find the excuse na may marital problems sila etc etc para pumatol sa may asawa  ::)

So far, I only had 1 friend na ganto. Yung nagging boyfriend nya, hinde married pero may long time partner and they have kids. Lage naming sya pinagsasabihan hanggang sa naimbyerna na sya samin and sya kusang umiwas samin. We're still friends but I guess better na yan na hinde close because I can't be fully friends with people I don't have the same values with.

kvandenhaak

  • Guest
I will definitely say something. If she doesn't listen then goodbye sa friendship. Ako lang mai-stress sa situation nila. I prefer to be with people that will inspire me to be a better person.

Ghell06

  • Guest
Umikli tong thread. hehe

three8one

  • Guest
sasabihin ko sa kaibigan kong KK,

"kung kanikanino ka pa nagpapatira, lumalayo ka pa.. andito lang naman kaming mga kaibigan mo." haha!

may hidden agenda at pagnanasa din pala.  ;D

crzysxycl

  • Guest
Definitely pagsasabihan ko. Actually may friend akong ganito eh. Kaso matigas ang ulo, alam nyang pagagalitan ko sya and she only listens to what she wants to hear. Nung nagkakalabuan sila, panay ang message sa akin. Hindi maka move on ang lola mo, dunno what's with the guy. May ka live-in si guy and may anak sila. Inaaway na nga nung girl yung friend ko, ewan ko ba bakit hindi pa rin nauuntog itong friend ko. Pero mukhang nagkaayos sila kasi si friend hindi na nagpaparamdam. Oh well, mahirap pilitin ang ayaw. Deadma nalang din ako kasi nakakastress lang eh. I have a life too, no. :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close