Author Topic: I had an emotional affair with my ex  (Read 27815 times)

Eriza921

  • Guest
I had an emotional affair with my ex
« on: January 18, 2018, 10:30:42 am »
Hello po sa inyo, just want to share what i'm going through right now..
I'm married for 11 years ..I have three kids..I can say that I am blessed with a happy family and a good husband..
Feeling ko kumpleto na ang buhay ko..

Until last September, my ex sent me a friend request sa fb..nagulat ako kasi andaming taon na ang nagdaan na wala na kaming communication..Naalala pa pala ako..I accepted his request kasi feeling ko no big deal na din naman at naka move on na kami pareho..

Just a brief background about him, Sya yung greatest ex ko..yung minahal ko ng sobra before dumating sa buhay ko si hubby ko..1998 nung naging kami, we were both 17 then..we were too young and too inlove..but sadly bigla nya kong iniwan sa ere nun..bigla syang nanlamig at iniwan ako ng di ko alam ang dahilan..
Sobrang sakit..first time kong nasaktan ng ganun katindi..yung tipong di ako  makatulog at di ako makakain..na depress talaga ko..
2001, three years after, nagkasalubong kami bigla..tapos after nun nagkakausap kami ulit..di na namin inungkat yung dati, tamang friends lang kami ulit and may gf sya that time at nagkakalabuan sila..Ako naman nun umaasa na baka maging kami ulit, after kasi nung nagkahiwalay kami, di na ko nag bf e..Tapos nag date kami, antanga ko kasi bumigay na naman ako..may nangyari samin kahit na alam kong may gf sya..after nun dumalang na paramdam nya..tumatawag sya paminsan minsan sa landline, wala pa kasi kami cellphone nun..Kahit di nya sabihin alam kong naging okay na ulit sila ng gf nya kaya nawala na naman ako sa eksena..dun ako nagising sa katangahan ko, di nya nako mahal, ako na lang ang tangang nagmamahal pa rin..kaya di ko na sinagot mga tawag nya..pinilit ko na syang kalimutan..

Fast forward 2017, pag ka accept ko ng friend request nya, i checked his profile, nakalagay dun na "birthday was yesterday"  kaya i greeted him sa wall nya..i also learned na he works abroad pala..after nun he sent me a message, kumustahan lang about sa buhay buhay, kung ilan na kids, about sa work..parang old friend na nagkukumustahan lang kami..happy naman nako sa life ko kaya wala ng bitterness sa puso ko kaya okay nako makipagkwentuhan sa kanya..
Then nagulat ako ng bigla nyang na open sakin na naghiwalay na pala sila ng wife nya..Nagkatuluyan kasi sila nung naging gf nya after ko..Nagulat ako kasi alam ko sobrang love nya si wife nya e..after daw nila maghiwalay, sobrang lungkot nya at araw araw daw syang nag iinom..Si ex wife nya kasi kasama nya dati sa abroad tapos umuwi nung naghiwalay na sila..
So naiwan sya dun..1 year mahigit na din silang hiwalay..
I felt his pain..ramdam ko yung lungkot nya..kaya siguro i kept on talking to him..
Nakakagaan daw kasi yung may napagsasabihan, di din daw kasi nya ma open sa iba [textspeak!] feelings nya kasi lalake sya e..Nagkwento sya sakin, ako naman nakikinig lang, bigay ng advise ganun..
Naging regular na yung chat namin, as in everyday..nababawasan daw lungkot nya nung nakausap nya ko..wala naman sakin yun kasi mostly family at work naman pinag uusapan namin..send nya pics ng kids nya, ganun din ako..kwento ko pa sa kanya love story namin ng hubby ko..sabi nya pa nga swerte daw kami sa isa't isa..
Ganun everyday..pag gising, bago matulog magka chat kami..
One time ask nya ko kung alam ko daw ba reason bat kami naghiwalay dati, sabi ko di ko alam..ask nya kung interesado pa daw ba kong malaman, sabi ko hindi na rin..wag na lang..wala na din namang mababago..so di nya na sinabi..
Then after a week may kinwento sya about sa friend nya na nahiwalay sa gf..ewan ko ba, nakahanap na naman sya way para mapag usapan yung sa break up namin..
Bigla nyang sinabi na di naman daw dahil sakin..dahil daw yun sa kanya kasi immature pa sya..natakot lang daw sya makapag asawa ng maaga..tapos pinapagalitan pa daw sya ng parents nya nung nalaman na may gf na sya..nasa province kasi sila nakatira, nakikitira lang sya sa tito nya dito sa manila..yun lang daw talaga yun..at last daw nasabi nya din..haist biglang nagbalik sakin tuloy lahat..[textspeak!] sakit..naiyak ako sa totoo lang..almost 20 years ago na yun..pero bat nasasaktan pa din
ako..after nung usap namin na yun, andami kong naalala..yung mga kinalimutan ko na dati biglang nagbalik lahat..kaya ayun napag usapan namin yung dati..binalikan namin..actually nagulat ako na andami nya pa naaalala..
Two months lang kami nun..pero bakit daw yung memories parang walang katapusan..Nun lang din nya inamin sakin na ako daw first gf nya..di nya sinabi dati yun..ako tapos after ko, yung wife nya na..2 lang daw kami..first love namin ang isa't isa..nito lang din namin sinabi..
Haist after nun, nag iba na lahat..bumalik ang feelings namin..nag iba daw lahat nung nakausap nya ko ulit..antagal daw nyang malungkot, nito lang daw ulit sya sumaya..hanggang sa na inlove kami ulit..
Di ko alam kung pano nangyari, di ko expect..kasi ano ba naman ang gugustuhin nya sakin, andaming single na pwede nya makilala, yung pwede nyang makasama..bakit ako, nasa malayo na, tapos may sabit pa..
Kaso di na din napigilan..minahal ko sya ulit..para kong bumalik sa pagkabata..na inlove ganun..first love never dies, ewan ko ba..chat..call..videocall..naging sobrang lalim na ng feelings namin..hanggang sa naging intimate na din kami..we are each other's first if you know what i mean..
Masaya nung una..hanggang sa nagseselos na sya sa hubby ko..he even asked me when was the last time hubby & i had sex..nung sinabi ko na this week lang biglang naiba yung timpla nya..feeling nya kasi porke lagi kami magkausap, wala na kami time ni hubby..
Sumama loob nya, akala ko kasi tanggap nya situation ko..tao lang daw sya natural na magselos sya..naiintndihan ko naman, di lang naman kasi kami basta naglalandian lang e..mahal namin ang isa't isa..may love na involved e..
Tapos sinasabihan nya nako na wag daw akong tatabi kay hubby.
During those times na lagi kaming magkausap, naka maternity leave ako nun kasi nakunan ako, sinabi ko sa kanya yun kaya kala ko tanggap nya situation ko..nasa bahay lang ako nun kaya siguro nabuhos ko atensyon ko sa kanya. I take care of my kids but yung free time ko, i spent talking to him..
All those times, di nakakahalata si hubby ko, kasi siguro di naman ako umaalis ng bahay at di naman ako nagbabago sa kanya..except sa madalas ko hawak ang fone ko..saka siguro kaya di nya din ako pinag iisipan kasi alam nyang di ko yun magagawa..
Then biglang nagbago si ex..di na ganun kadalas mag message..pag may kasama sya, di sya nag memessage sakin..ramdam ko yun nag iba..di na kasing intense, parang naging routine na lang yung communication namin..
I try to broke up with him, di na ko masaya sabi ko..pero ayaw nya, iniiba nya usapan..i tried to hold on kasi mahal ko sya kaso di na talaga kami bumalik sa dati e..ramdam ko may problema, iniiwasan nyang mg usap kami ng serious, pero pinilit ko sya..stress lang daw sya, feeling drained..then inamin nya din, he's not proud kung anong meron kami kasi nga mali, tinatanong sya ng mga ka room mate, at mga kasama sa work kung anong meron bakit kami palagi magkausap..naikwento nya kasi ko nung nag start pa lang kami nag uusap, alam na may asawa na ko..ask pa daw kung may problema daw ba kaming mag asawa..kaya as much as possible, ayaw nya ko i message pag may mga kasama sya..Nasira na daw family nya, ayaw daw nyang masira yung family ko, pero mahal daw nya ko..sabi daw nya sa sarili nya dati pag may na encounter sya na ganitong situation, iiwas na daw sya agad, pero di nya nagawa pagdating sakin..ramdam ko naman yun na may mga nasasabi mga friends nya..tama naman sabi ko sa kanya..maging friends na lang kami ulit, ayoko syang mawala sakin..kaso ayaw naman nya ko pakawalan, di daw nya matanggap..
Ready nako i let go sya kaso sya naman may ayaw..
Malapit na syang umuwi nung maging magulo na kami, and we plan to meet, kung saan kami unang nagkita 20 years ago..tapos mag dedate kami, manonood ng movie katulad nung dati..
Then something happened, hiniram ng 10 year old son ko [textspeak!] fone ko, nawala sa isip ko at pinahiram ko..tapos yun na nabasa yung last convo namin, yung may iloveu..nagalit [textspeak!] son ko , ask kung sino daw yun..shock ako, di ko alam kung ano sasabihin..ang sinabi ko na lang, wala yun Yun, nagbibiruan lang kami..tapos sinabihan ko na wag na sabihin sa papa nya, kasi mag aaway kami..buti napakalma ko..dahil dun sa incident na yun, unfriend ko na si ex..dun ako natakot sa pwedeng mangyari..na pwedeng masira ang pamilya ko sa kagagahan ko..
The next day, back to work nako..dun kami nag usap, kinwento ko nangyari..
Dun kami nag agree na tapusin na kung anuman ang meron kami..ayaw daw nyang masira ang pamilya ko..try to think of the worst sabi nya..that's it..yun na yun, dun kami natapos..exactly 2 weeks before our supposed meet up, malapit na sana kaming magkita, uuwi na sya for vacation, dun pa kami naghiwalay..
Sabi ko sa kanya, sana friends pa din kami..at masaya kong hinanap nya ko, at minahal nya ko ulit..kala ko kasi di na mangyayari yun e..
Pero bakit ganun, kahit na alam kong ginawa ko yung tama, still masakit pa din..araw araw ko syang naiisip, namimiss ko sya..nalungkot ako ng sobra, nawalan ako ng gana kumain..pumayat ako, lagi akong malungkot..napansin na din ako ni hubby, ask nya ko bakit daw parang malungkot ako..tapos bumawi ako kay hubby, lagi ko sya nilalambing..lagi ko sya niyayakap lalo na sa pagtulog..gusto kong bumalik ang lahat sa dati, yung sya lang laman ng puso ko..kung iisipin naman, lamang si hubby sa kanya sa lahat..wala pang bisyo si hubby..ewan ko ba kung bakit nagkaganito ako..
After a week na dina kami ng uusap, nag message ako sa kanya, kinumusta ko lang, di ako makatiis e, nag reply naman pero ramdam ko yung coldness nya..
Sabi ko sa sarili ko, yun na yung last time na imessage ko sya..
Then dumating yung araw ng dating nya, umaasa kong kahit papano maisip nyang puntahan ako sa work, yun kasi sabi nya nung mga unang usap pa lang namin, i surprise daw nya ko sa work ko..pero di nangyari yun..umaasa kong makikita sya after madaming years pero wala e..how ironic lang kasi nung okay pa kami, gustong gusto nyang magbook pauwi kahit one day lang, magbalikan sya kasi lapit lang naman sya dito, makita lang daw ako..panay lang awat ko, sayang pamasahe nya, kaya sabi ko wait na lang namin yung schedule ng uwi nya..tapos kung kelan nandito na sya, tiniis nyang di ako puntahan..ang sakit lang..
Nagdaan ang new year, iniwan ko na sya sa 2017..kakalimutan ko na sya tutal naman kinalimutan nya na din ako e..
After a few days, bglang binati ako ng happy new year at nangamusta, nag reply ako..ganun lang..pero sa totoo lang, nawindang na naman ako..
Haist gusto ko ng mawala sya sa isip ko, sa puso ko..kasi sa ngayon, walang araw na dumaan na di ko sya naiisip..alam ko napakaunfair sa family ko, sa asawa ko etong nararamdaman ko..bakit ganun, di naman kami nagkita, di naman kami nagkasama, pero bakit ang hirap..?

Gusto ko ng bumalik sa dati..i need your advise mga sis..Pasensya na kung para kong bata ah..alam ko balewala tong problem ko compare sa problems ng mga sis natin dito.




preciousjulia

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #1 on: January 18, 2018, 11:25:33 am »
Hi sis..ang haba ng post mo, pero binasa ko talaga. Medyo na-stress ako, nainis, kinalma ko sarili ko..tapos binasa ko ulit..haha
Inaccept mo yung friend request ng ex mo, first bf mo, yung sabi mo greatest ex mo before ng hubby mo (pano mo nasabi yun eh 2 lang naman yata naging bf mo, sya at si hubby mo, correct me if i'm wrong sis) tapos sabi mo hindi big deal yun.. BIG DEAL yun sis at kung sayo ginawa yun ni hubby mo matanggap mo kaya na sabihin nya sayo na hindi big deal yun? Imagine yung ex nya umepal ulit, yung ex na pinaka minahal nya, yung greatest ex nya and so on and so forth...well its just for me sis, kasi kung si hubby yun at sabihin nyang hindi big deal yun..ay naku, wag ako! :D
Saka sis wag mo sayangin yung samahan nyo ng husband mo, baka kaya nakita ng son mo yun para i-remind ka ni God na hindi tama yung ginagawa nyo ng ex mo, yung anak mong 10 years old alam na mali yun, mas dapat kayong matanda alam nyo din yun. Kasu alam nyo nga na mali pero ano ginagawa nyo.
Sianasbi nyo hindi tama eh di stop nyo na communication nyo.Act your age girl.
Sayang po kasi yung family na binuo nyo. Ikaw na din nagsabi wala ka naman problem kay hubby mo.
So please girl stop this non sense kagagahan..
Kailan ka pa matatauhan? Pag nalaman na ni hubby mo? Pag sira na pamilya mo?
Baka dun mo pa lang marealize importance nila sa buhay mo..
Baka dun mo pa lang marealize kung gano mo kamahal si husband mo pag wala na syang tiwala sayo..
Sis wag mo na pakomplikaduhin buhay mo. Focus ka na alng sa family mo. Ang sarap ng may buong pamilya. God bless you sis.
« Last Edit: January 18, 2018, 11:47:04 am by preciousjulia »

sparklingjewel

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #2 on: January 18, 2018, 11:28:51 am »
There is not enough sincerity in your desire to make your family whole again. A few days without contact lang, di mo na kinakaya? There has to be more effort to choose a certain path instead of going back and forth on both. The choice is obvious. He only goes back to you whenever his love life isn't panning out right? You're the temporary ego-booster he needs but never has permanent intentions for.

The way I see it, your cycle will never end if you keep giving in and contacting him (or replying to his random messages). Do you really want to waste more time, and emotions for naught? You're not a teenager anymore, so if you know what's good for you, be deliberate and cut off, cold turkey.

Unless of course, you'd rather wait until this situation gets worse--- when your husband, kids, and in-laws find out. Because it will happen if you don't stop... eventually. And remember, one who cannot be loyal has no right to expect loyalty either. So once your husband finds out, he can go out and find someone else just as easily, leaving your undecided self out in the cold. But as they say, there are people who have to be hit hard before they learn.
« Last Edit: January 18, 2018, 05:15:02 pm by sparklingjewel »

Shadow Angel

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #3 on: January 18, 2018, 11:29:14 am »
Para sa akin nagcheat ka na sa husband mo the moment na inaccept mo ang friend request nya. Iisipin mo na lang mas worth it ang taong nandyan sa tabi mo palagi hindi un taong iniwan ka anuman ang dahilan nya. Choice nya iwan ka nagawa nya noon magagawa nya ulit iwan ka kapag ginusto nya. Naging past time ka lang ni ex nagpadala ka naman. Besides ang Ex hindi na dapat ba kinakaibingan pa unless may anak na involved. Boring ka ba sa buhay kaya gumagawa ka ng problema? Pasalamat ka na lang hindi asawa mo nakahuli sayo kapag nawala kung ano meron ka ngayon dun mo lang maiisipin ang halaga nila. Hindi ka ba nahihiya sa mga anak mo? Di mo naiisip kung ano impact nun nakita ng anak mo akala mo lang kalmado na pero ang totoo naiisip nun possible maghiwalay Ang parents nya hindi naman inosente mga kabataan ngayon. Minsan akala mo lang mahal mo pa pero ang totoo minahal mo lang un memories or dahil naiwan ka sa ere nabitin ka walang closure. I don't think mahal mo un mismong tao. Natali ka sa nakaraan wala naman talaga halaga. Ginto na ang hawak mo ipagpapalit mo pa sa bato. Sige lang ituloy mo yan until malaman ng hubby mo ang totoo mas malaki problema un. Yun ex mo kaya excited na makauwi gusto lang makaisa sayo ikaw naman kinilig agad feeling mo mahal ka kung mahal ka nya regardless kung ano man rason nya di ka nya iiwan.
« Last Edit: January 18, 2018, 11:30:52 am by Shadow Angel »

bratty

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #4 on: January 18, 2018, 01:04:26 pm »
May mga tao talaga na hahanap ng ikagugulo ng buhay nila eh, noh?! Samantalang yung iba, abot abot ang dasal maging maayos lang ang pamilya nila. Hayyy! *roll eyes*

pattyfrenzy

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #5 on: January 18, 2018, 01:08:55 pm »
Sumakit ang bangs ko sa post mo, pasensya na.

Para sa akin, hindi naman na tama na makipag communicate ka pa sa kanya. Bakit pa? Kaw na din nagsabi na blessed ka with happy family and good husband.

Buti hindi nalaman ng asawa mo yang mga pinag-gagawa mo. Pwede ba isipin mo din naman mga anak mo at sa tingin mo ba walang impact yun sa anak mo nakabasa ng messages niyo? Malaki na anak mo, may sarili ng pagiisip nakakaintindi na ng mga bagay bagay na kung sa tingin mo na baliwala lang yun sa kanila.

Past is past, mag-move on ka na.

glamorosa_09

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #6 on: January 18, 2018, 03:05:56 pm »
I understand... You're using this thread to vent out...

What you feel is what everybody feels when they're ending a special relationship, regardless of age. Just feel your way out of that infatuation, for how long, I don't know. Write a diary, but make sure your family members won't see it.

Count yourself lucky your husband didn't find it out. Do you have a clear picture of what's going to happen if he did? It will traumatize your husband. This is something he believes you will never ever do. Baka kulang ang 3 years for you to pay the price of a short time affair. Ask the betrayed spouses here. The kilig, the adventure, that pleasant feeling, the ego-boosting, they're not worth it.

May I suggest a few pointers?
1. Never ever let a friend of the opposite get to know you on a deep level, as if you're soulmates. Never share about marital and family issues.
2. Cut the communication once and for all. Delete him in facebook. Delete him in your life. Kung sakaling magkabukingan kayo, ganyan din naman ipapagawa sayo. Are you gonna wait for that?
3. Find an individual activity that will fulfill you. Baka nabobored ka na rin. Wag lang puro anak at pamilya. Have a little time for yourself. Fill your love tank.
4. Rekindle the marriage. Date kayo ng husband mo. Go to a motel, yung may mga salamin all around ,haha... But more than that, yung emotional needs.

You will still be fogged by the infatuation. Hard to share to anyone, because people will refuse to understand you. How did you cope when he left you hanging years ago? If you successfully did it... Then you can do it again.

Sarap ng feeling maging in love... But it's not worth it. Cut the communication. Burn the bridge, there's no lreason not to. Focus on your family.

hushush

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #7 on: January 18, 2018, 03:51:51 pm »
Popcorn mode ako sa story mo sis. Hehe. (Ang alat naman ng bbq flavor ng popperoo hehe! )
Ang maipapayo ko lang sayo sis, buti na lang at indi kayo nagkaron ng sexual affair.
Tigilan mo na yang mga ganyan sis. Spent more time with your family.. :)

Mag-adik ka na lang sa designer bags kesa magloko ka! Tara bili tayo ng bag!! hehe :D

three8one

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #8 on: January 18, 2018, 04:02:50 pm »
okay na sana TS. nagising ka na eh, kaya lang bumalik ka pa uli sa pagtulog at pinagpatuloy mo pa ang iyong pananaginip.. kung ipagpapatuloy mo pa yang ganyang damdamin sa ex mo hanggang sa umabot sa puntos na magkabukingan, hindi ako magtataka kung pati anak mong 10 yrs old eh masabihan kang malanding babae. okay lang ba sayo yun? imagine sarili mong anak ang magsasabi sayo nun? wake up call na yun para sayo na nun mabasa ng anak mo, binigyan ka na ng isa pang pagkakataon pero kiber sayo... wag puro kati..... este puro damdamin ang pairalin mo. mag isip isip ka rin.

TS mas mabuti ng mabuhay sa katotohanan na nasasaktan kesa naman mabuhay sa kasinungalingan na kahit kalian hindi magkakaroon ng katotohanan. ang sakit na nararamdaman mo, sa paglipas ng panahon mawawala rin yan, maghihilom ang sugat. pero ang alala ng pinsalang maaring maidulot ng pagkakamali na magagawa mo sa pamilya mo eh habambuhay madadala nila yan. saan ka dun?

khaleesiCersei

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #9 on: January 18, 2018, 04:31:21 pm »
Tigilan mo yan sis maawa ka sa mga anak mo. Haay mukhang hanggang ngayon eh paniwalang paniwala ka sa style na bulok ng ex mo kaya quesihodang may asawa ka na eh nagpapaloko ka pa rin dun.

Enjoy na enjoy siya sa yo kasi patay na patay ka sa kanya at alam niya yun. Pampataas ng ego niya na may nagpapaniwala sa pambobola niya. Syempre kasama na ang thrill dun kasi may asawa ka, feeling niya naiisahan niya yung asawa mo na kawawa naman dahil walang kamalay malay sa ginagawa mong pagkakalat.

Yung sinabi niya sa yo na gusto ka niya surprise sa work mo at puntahan ka, echos lang yun sis dahil alam niyang pipigilan mo siya, kaya wagka na magtaka na hindi ka niya pinuntahan nung umuwi siya. For all you know eh pinagtatawanan ka niyan at binibida sa mga kaibigan niya dahil may isang t@nga na babae na patay na patay sa kanya. Walang ounce of sincerity na lumalabas sa bibig nyang ex mo, bakit ba gustong gusto mo yan? May pamilya ka na. And fyi, walang love na involved sis, kalokohan lang ang meron. Hindi siya nagseselos sa asawa mo, tinitingnan lang niyan hanggang saan ang pagpapakatanga mo para sa kanya kaya kunwari binabawalan kang tumabi sa asawa mo. Ikaw naman again, uto uto na naman.

Nun nanlamig siya sa yo eh dahil may iba na siya nakakausap or ka date at binitawan ka niya as soon as ok na siya dun sa isa. Hindi ka na nadala, pang ilang beses na ginawa sayo na iwan ka sa ere. Sana magising ka na sa kahibangan mo at hindi ka niya paninindigan sis lalo na ngayon may asawa at anak ka na. Palipas oras ka lang, tipong pag bored siya eh makikipag bolahan siya sa yo.

Natutuwa siya sa attention nakukuha niya sa yo pero yung ikaw mismo hindi niya gustong makasama, bakit kamo? Kasi hindi ka naman mahal niyan, pangalawa eh may excess baggage ka pa pag naghiwalay kayo ng asawa mo at ayaw niya siguro ng ganong komplikasyon sa buhay, hanggang ganyan lang siya sa pa thrill thrill na ganyan dahil hindi pa alam ng asawa mo. Imemessage ka lang niyan pag wala siyang ibang babaeng makabolahan or makausap. Pero hanggang dun lang yun, ikaw naman itong si uto uto, paniwalang paniwala agad.

Ay napahaba din pala ang post ko haha pero duda man ako na makikinig ka sa mga sinasabi namin sayo eh sana kahit pano mahimasmasan ka at maisip mo ang pamilya mo. Tama na muna ang landi, walang magandang nadudulot yan. Kung hindi ka masaya sa asawa mo eh hiwalayan mo tsaka ka magpabola sa iba
« Last Edit: January 18, 2018, 05:33:56 pm by khaleesiCersei »

jaja27

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #10 on: January 18, 2018, 05:15:14 pm »
Alam mo sis, working din kami ng husband ko abroad. And usually ang buhay lang ng mga tao dito bahay - work then bahay ulit. Kaya madami talaga dito especially sa Middle East maraming mga extra curricular activities mga tao dito in short naghahanap ng malalandi sorry sa term ha pero totoo yun. Madami akong kakilala and mga friends na me asawa sa pinas then me Girlfriend dito kasi iba buhay pag nasa ibang lugar ka. Minsan coping mechanism na ng iba tao yun para di sila mahome sick or malungkot because wala silang mga kasamang kapamilya nila dito.  To tell you frankly, niloloko ka lang nyan. For all you know hindi lang ikaw and baka kung nasan man siya now me niloloko din yan. Kaya wag mong hayaan masira pamilya mo. Di mo ba nakikita lahat ng red flag. Sayang sis, walang kasalanan mga anak mo and yung hubby mo sayo para maggive in ka sa ganyan. You owe them a complete family. More than your feelings, unahin mo un mararamdaman ng mga anak mo. Wag panay kung ano lang ang makakapagpasaya sayo.

ficklemind

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #11 on: January 18, 2018, 05:21:17 pm »
Quote
Enjoy na enjoy siya sa yo kasi patay na patay ka sa kanya at alam niya yun.
tumpak na tumpak lol.
Nakakaawa naman yung anak mong 10 yrs old na nakabasa ng message.  Tinuruan mo pag magsinungaling  :(
Nasabi na lahat sis! wag mo na antayin mawala ang lahat ng kung anong meron ka ngayon.

Quote
Kung hindi ka masaya sa asawa mo eh hiwalayan mo tsaka ka magpabola sa iba

another sapul!

Girltalker2

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #12 on: January 18, 2018, 05:36:31 pm »
Sis, para sakin, your ex is an *sshole talaga. Iniwan ka na nya before. Ok lang sayo? Hindi ka pa galit at inaccept mo pa friend request nya.

Para sakin malaking atraso yung basta nagwalk out sya. Yun tipong nananahimik ka lang tapos ginulo gulo nya feelings mo nang walang dahilan - NOON. Tapos ginawa ulit nya nung 2001. At ngayon naman, hinayaan mo ulit guluhin ka!

Siguro masarap nga kausap Ex mo. Pero sis reality check, kahit wala kang pamilya ngayon, he shouldn?t be the guy you need in your life.

Tapos now you have a family pa! The more you shouldn?t allow yourself to be acquainted with these type of people.

Mahirap magsalita kasi wala nga ako sa situation mo. Pero bakit ka nawalan ng focus sa asawa mo? Sabi mo naman walang problema. Pero di ba sa mag asawa araw araw kayo nag k-kwentuhan, once in a while lalabas kayo etc etc

So ang suggestion ko talaga is you start focusing on your husband. Schedule a trip or date with him lang and rekindle the times when you met and fell in love. As for your ex, feeling ko it?s all in the mind eh. Sa age natin ngayon, at di na naman tayo teenager, WE CAN ALWAYS CHOOSE WHO WE WANT TO LOVE.

« Last Edit: January 18, 2018, 05:52:50 pm by Girltalker2 »

khaleesiCersei

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #13 on: January 18, 2018, 05:40:11 pm »
Eto pa pala, Mag ingat ka din sis. Ang dami kong napapanood sa news na babaeng nabibiktima ng extortion ng mga lalaking ganyan, sana hindi mangyari sayo sis na pag nangailangan ng pera yan eh i-blackmail ka at kunwari ipapadala sa asawa mo at lahat ng kakilala mo ang mga private messages nyo. Sana wala kang nude photos or vids na pinadala dyan. Tsk tsk..

hisana

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #14 on: January 18, 2018, 06:12:49 pm »
Sis, I agree na parang divine intervention pa yan na nakita ng son mo and you realized what you could lose with this selfish ex you have. That was a very close call. Yan ha, binigyan ka na ng sign.

Konting self-control, sis. Pamilya mo ang nakataya dito. Pero kung feeling mo hindi mo talaga kaya iresist, magsama na lang kayo ng ex mo at huwag mo na gawin t**** yung husband mo na akala nya you still have a decent marriage going on. He deserves at least that.

patchi2012

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #15 on: January 18, 2018, 07:27:36 pm »
I guess your ex just used you to cope his loneliness, kase according sa kwento mo a year palang sila na hiwalay ng wife nya. And di pa ba nag serve as a lesson sa yo before na, iniwan ka nya without explanation then biglang bumalik at pinaasa ka ulit. Can?t you get it? Ikaw ang napili nyang puntahan everytime nalungkot sya, may problema sya, kasi sis alam nya na vulnerable ka and ikaw yung tipong di maka ?no? sa kanya.
You?re married, kaya nag cheat ka na sa husband mo. Ba?t ka pa ba babalik sa ex mong ilang beses ka nang sinaktan? At some point gusto din kitang intindihin, like kaya ka ba nakipag spent ng time makipag usap kase you still what to know kung bakit ka nya iniwan dati? Or dahil sa nabanggit mo na nakunan ka, so andun din yung blues and loss na feeling?
Kung ako sa yo, i never spend time sa taong nanloko at nanakit sa kin. Instead i use my time sa family ko.

kaythrielle

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #16 on: January 18, 2018, 08:14:04 pm »
Why don?t you open it up sa hubby mo sis? Just don?t mention the part na nahulog loob mo.

Just the part na nag-friend request ex mo, inaccept mo, nagchat kayo, at ano mga pinag-usapan nyo.
Para wala kang secret na tinatago sa asawa mo. Actually nung umpisa pa lang dapat ginawa mo na yan eh. The fact kasi na tinago mo yan sa kanya ibig sabihin may hindi magandang intention.

Because i can somewhat relate to you. My ex also found me at friendster, then ym, panay chat namin. Difference natin, kinukwento ko yun sa asawa ko. Nasa abroad din kasi si ex at nasa pinas ang family. Even when ex called me para makipagkwentuhan (yup long distance calls!) i would tell my hubby. Hindi naman nagalit asawa ko kasi tulad ng asawa mo, he trusts me. At dahil din siguro he doesn?t feel left out lagi syang in the loop. At hindi ko naman sinira yun. I know my priotities. And you should too. After the initial kilig, i realize sayang lang oras ko. Lol and yun natigil din.

So maybe opening it up to your hubby will help lighten the burden ika nga. And you were probably bored maybe you need to liven up your relationship with your husband.

Good luck sis kaya mo yan!

TomHansen

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #17 on: January 18, 2018, 10:22:27 pm »
Nakakalungkot lang isipin na kung hindi pa nakita ng 10yr old son mo yung conversation niyo hindi ka pa natauhan sa ginagawa mo. I hope makalimutan niya yung nangyari kasi kung hindi magkakaroon ng malaking epekto yan sa kanya pagtanda niya.

Wag ka sanang magagalit pero habang binabasa ko post mo napapamura na lang ako sa inis. Hindi ka naman bata im sure alam mo naman kahihinatnan ng ginagawa mo nung umpisa pa lang. Accept na nagcheat ka and i hope you learn your lesson. Huwag na huwag ka nang makikipagusap sa ex mo at sa ibang lalaki especially sa mga taong may past ka. Since nainlove ka ulit sa ex mo treat this as a normal breakup and just try to move on and focus sa family mo, focus sa husband mo.

kvandenhaak

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #18 on: January 18, 2018, 11:06:01 pm »
You just have to ask yourself this: Is there something good that will come out of this? Are you willing to give up for your family for someone that was and is just using you for his own ego?

Just cut all communications with this guy. Burn the bridge if you have to.

marge070407

  • Guest
Re: I had an emotional affair with my ex
« Reply #19 on: January 19, 2018, 08:32:13 am »
Pasensya na sis ha pero ang selfish ng act mo. Don't make things complicated. Habang maaga kill your feelings for him. I pity your son trauma yun sa kanya. Based sa kwento mo parang hustler na ang ex mo sa pangloloko. Don't be deceived. I don't want to sound godly pero nasa 10 commandments yan. Life is hard and full of temptations but if you use your mind and your love for your children you will choose to do the right thing. Magsocial media detox ka muna para maiwasan mo din siya.
« Last Edit: January 19, 2018, 08:33:45 am by marge070407 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close