Hello po sa inyo, just want to share what i'm going through right now..
I'm married for 11 years ..I have three kids..I can say that I am blessed with a happy family and a good husband..
Feeling ko kumpleto na ang buhay ko..
Until last September, my ex sent me a friend request sa fb..nagulat ako kasi andaming taon na ang nagdaan na wala na kaming communication..Naalala pa pala ako..I accepted his request kasi feeling ko no big deal na din naman at naka move on na kami pareho..
Just a brief background about him, Sya yung greatest ex ko..yung minahal ko ng sobra before dumating sa buhay ko si hubby ko..1998 nung naging kami, we were both 17 then..we were too young and too inlove..but sadly bigla nya kong iniwan sa ere nun..bigla syang nanlamig at iniwan ako ng di ko alam ang dahilan..
Sobrang sakit..first time kong nasaktan ng ganun katindi..yung tipong di ako makatulog at di ako makakain..na depress talaga ko..
2001, three years after, nagkasalubong kami bigla..tapos after nun nagkakausap kami ulit..di na namin inungkat yung dati, tamang friends lang kami ulit and may gf sya that time at nagkakalabuan sila..Ako naman nun umaasa na baka maging kami ulit, after kasi nung nagkahiwalay kami, di na ko nag bf e..Tapos nag date kami, antanga ko kasi bumigay na naman ako..may nangyari samin kahit na alam kong may gf sya..after nun dumalang na paramdam nya..tumatawag sya paminsan minsan sa landline, wala pa kasi kami cellphone nun..Kahit di nya sabihin alam kong naging okay na ulit sila ng gf nya kaya nawala na naman ako sa eksena..dun ako nagising sa katangahan ko, di nya nako mahal, ako na lang ang tangang nagmamahal pa rin..kaya di ko na sinagot mga tawag nya..pinilit ko na syang kalimutan..
Fast forward 2017, pag ka accept ko ng friend request nya, i checked his profile, nakalagay dun na "birthday was yesterday" kaya i greeted him sa wall nya..i also learned na he works abroad pala..after nun he sent me a message, kumustahan lang about sa buhay buhay, kung ilan na kids, about sa work..parang old friend na nagkukumustahan lang kami..happy naman nako sa life ko kaya wala ng bitterness sa puso ko kaya okay nako makipagkwentuhan sa kanya..
Then nagulat ako ng bigla nyang na open sakin na naghiwalay na pala sila ng wife nya..Nagkatuluyan kasi sila nung naging gf nya after ko..Nagulat ako kasi alam ko sobrang love nya si wife nya e..after daw nila maghiwalay, sobrang lungkot nya at araw araw daw syang nag iinom..Si ex wife nya kasi kasama nya dati sa abroad tapos umuwi nung naghiwalay na sila..
So naiwan sya dun..1 year mahigit na din silang hiwalay..
I felt his pain..ramdam ko yung lungkot nya..kaya siguro i kept on talking to him..
Nakakagaan daw kasi yung may napagsasabihan, di din daw kasi nya ma open sa iba [textspeak!] feelings nya kasi lalake sya e..Nagkwento sya sakin, ako naman nakikinig lang, bigay ng advise ganun..
Naging regular na yung chat namin, as in everyday..nababawasan daw lungkot nya nung nakausap nya ko..wala naman sakin yun kasi mostly family at work naman pinag uusapan namin..send nya pics ng kids nya, ganun din ako..kwento ko pa sa kanya love story namin ng hubby ko..sabi nya pa nga swerte daw kami sa isa't isa..
Ganun everyday..pag gising, bago matulog magka chat kami..
One time ask nya ko kung alam ko daw ba reason bat kami naghiwalay dati, sabi ko di ko alam..ask nya kung interesado pa daw ba kong malaman, sabi ko hindi na rin..wag na lang..wala na din namang mababago..so di nya na sinabi..
Then after a week may kinwento sya about sa friend nya na nahiwalay sa gf..ewan ko ba, nakahanap na naman sya way para mapag usapan yung sa break up namin..
Bigla nyang sinabi na di naman daw dahil sakin..dahil daw yun sa kanya kasi immature pa sya..natakot lang daw sya makapag asawa ng maaga..tapos pinapagalitan pa daw sya ng parents nya nung nalaman na may gf na sya..nasa province kasi sila nakatira, nakikitira lang sya sa tito nya dito sa manila..yun lang daw talaga yun..at last daw nasabi nya din..haist biglang nagbalik sakin tuloy lahat..[textspeak!] sakit..naiyak ako sa totoo lang..almost 20 years ago na yun..pero bat nasasaktan pa din
ako..after nung usap namin na yun, andami kong naalala..yung mga kinalimutan ko na dati biglang nagbalik lahat..kaya ayun napag usapan namin yung dati..binalikan namin..actually nagulat ako na andami nya pa naaalala..
Two months lang kami nun..pero bakit daw yung memories parang walang katapusan..Nun lang din nya inamin sakin na ako daw first gf nya..di nya sinabi dati yun..ako tapos after ko, yung wife nya na..2 lang daw kami..first love namin ang isa't isa..nito lang din namin sinabi..
Haist after nun, nag iba na lahat..bumalik ang feelings namin..nag iba daw lahat nung nakausap nya ko ulit..antagal daw nyang malungkot, nito lang daw ulit sya sumaya..hanggang sa na inlove kami ulit..
Di ko alam kung pano nangyari, di ko expect..kasi ano ba naman ang gugustuhin nya sakin, andaming single na pwede nya makilala, yung pwede nyang makasama..bakit ako, nasa malayo na, tapos may sabit pa..
Kaso di na din napigilan..minahal ko sya ulit..para kong bumalik sa pagkabata..na inlove ganun..first love never dies, ewan ko ba..chat..call..videocall..naging sobrang lalim na ng feelings namin..hanggang sa naging intimate na din kami..we are each other's first if you know what i mean..
Masaya nung una..hanggang sa nagseselos na sya sa hubby ko..he even asked me when was the last time hubby & i had sex..nung sinabi ko na this week lang biglang naiba yung timpla nya..feeling nya kasi porke lagi kami magkausap, wala na kami time ni hubby..
Sumama loob nya, akala ko kasi tanggap nya situation ko..tao lang daw sya natural na magselos sya..naiintndihan ko naman, di lang naman kasi kami basta naglalandian lang e..mahal namin ang isa't isa..may love na involved e..
Tapos sinasabihan nya nako na wag daw akong tatabi kay hubby.
During those times na lagi kaming magkausap, naka maternity leave ako nun kasi nakunan ako, sinabi ko sa kanya yun kaya kala ko tanggap nya situation ko..nasa bahay lang ako nun kaya siguro nabuhos ko atensyon ko sa kanya. I take care of my kids but yung free time ko, i spent talking to him..
All those times, di nakakahalata si hubby ko, kasi siguro di naman ako umaalis ng bahay at di naman ako nagbabago sa kanya..except sa madalas ko hawak ang fone ko..saka siguro kaya di nya din ako pinag iisipan kasi alam nyang di ko yun magagawa..
Then biglang nagbago si ex..di na ganun kadalas mag message..pag may kasama sya, di sya nag memessage sakin..ramdam ko yun nag iba..di na kasing intense, parang naging routine na lang yung communication namin..
I try to broke up with him, di na ko masaya sabi ko..pero ayaw nya, iniiba nya usapan..i tried to hold on kasi mahal ko sya kaso di na talaga kami bumalik sa dati e..ramdam ko may problema, iniiwasan nyang mg usap kami ng serious, pero pinilit ko sya..stress lang daw sya, feeling drained..then inamin nya din, he's not proud kung anong meron kami kasi nga mali, tinatanong sya ng mga ka room mate, at mga kasama sa work kung anong meron bakit kami palagi magkausap..naikwento nya kasi ko nung nag start pa lang kami nag uusap, alam na may asawa na ko..ask pa daw kung may problema daw ba kaming mag asawa..kaya as much as possible, ayaw nya ko i message pag may mga kasama sya..Nasira na daw family nya, ayaw daw nyang masira yung family ko, pero mahal daw nya ko..sabi daw nya sa sarili nya dati pag may na encounter sya na ganitong situation, iiwas na daw sya agad, pero di nya nagawa pagdating sakin..ramdam ko naman yun na may mga nasasabi mga friends nya..tama naman sabi ko sa kanya..maging friends na lang kami ulit, ayoko syang mawala sakin..kaso ayaw naman nya ko pakawalan, di daw nya matanggap..
Ready nako i let go sya kaso sya naman may ayaw..
Malapit na syang umuwi nung maging magulo na kami, and we plan to meet, kung saan kami unang nagkita 20 years ago..tapos mag dedate kami, manonood ng movie katulad nung dati..
Then something happened, hiniram ng 10 year old son ko [textspeak!] fone ko, nawala sa isip ko at pinahiram ko..tapos yun na nabasa yung last convo namin, yung may iloveu..nagalit [textspeak!] son ko , ask kung sino daw yun..shock ako, di ko alam kung ano sasabihin..ang sinabi ko na lang, wala yun Yun, nagbibiruan lang kami..tapos sinabihan ko na wag na sabihin sa papa nya, kasi mag aaway kami..buti napakalma ko..dahil dun sa incident na yun, unfriend ko na si ex..dun ako natakot sa pwedeng mangyari..na pwedeng masira ang pamilya ko sa kagagahan ko..
The next day, back to work nako..dun kami nag usap, kinwento ko nangyari..
Dun kami nag agree na tapusin na kung anuman ang meron kami..ayaw daw nyang masira ang pamilya ko..try to think of the worst sabi nya..that's it..yun na yun, dun kami natapos..exactly 2 weeks before our supposed meet up, malapit na sana kaming magkita, uuwi na sya for vacation, dun pa kami naghiwalay..
Sabi ko sa kanya, sana friends pa din kami..at masaya kong hinanap nya ko, at minahal nya ko ulit..kala ko kasi di na mangyayari yun e..
Pero bakit ganun, kahit na alam kong ginawa ko yung tama, still masakit pa din..araw araw ko syang naiisip, namimiss ko sya..nalungkot ako ng sobra, nawalan ako ng gana kumain..pumayat ako, lagi akong malungkot..napansin na din ako ni hubby, ask nya ko bakit daw parang malungkot ako..tapos bumawi ako kay hubby, lagi ko sya nilalambing..lagi ko sya niyayakap lalo na sa pagtulog..gusto kong bumalik ang lahat sa dati, yung sya lang laman ng puso ko..kung iisipin naman, lamang si hubby sa kanya sa lahat..wala pang bisyo si hubby..ewan ko ba kung bakit nagkaganito ako..
After a week na dina kami ng uusap, nag message ako sa kanya, kinumusta ko lang, di ako makatiis e, nag reply naman pero ramdam ko yung coldness nya..
Sabi ko sa sarili ko, yun na yung last time na imessage ko sya..
Then dumating yung araw ng dating nya, umaasa kong kahit papano maisip nyang puntahan ako sa work, yun kasi sabi nya nung mga unang usap pa lang namin, i surprise daw nya ko sa work ko..pero di nangyari yun..umaasa kong makikita sya after madaming years pero wala e..how ironic lang kasi nung okay pa kami, gustong gusto nyang magbook pauwi kahit one day lang, magbalikan sya kasi lapit lang naman sya dito, makita lang daw ako..panay lang awat ko, sayang pamasahe nya, kaya sabi ko wait na lang namin yung schedule ng uwi nya..tapos kung kelan nandito na sya, tiniis nyang di ako puntahan..ang sakit lang..
Nagdaan ang new year, iniwan ko na sya sa 2017..kakalimutan ko na sya tutal naman kinalimutan nya na din ako e..
After a few days, bglang binati ako ng happy new year at nangamusta, nag reply ako..ganun lang..pero sa totoo lang, nawindang na naman ako..
Haist gusto ko ng mawala sya sa isip ko, sa puso ko..kasi sa ngayon, walang araw na dumaan na di ko sya naiisip..alam ko napakaunfair sa family ko, sa asawa ko etong nararamdaman ko..bakit ganun, di naman kami nagkita, di naman kami nagkasama, pero bakit ang hirap..?
Gusto ko ng bumalik sa dati..i need your advise mga sis..Pasensya na kung para kong bata ah..alam ko balewala tong problem ko compare sa problems ng mga sis natin dito.