watch now

Author Topic: Weightloss diary THREAD 2 (Support thread sa mga nagpapapayat o gustong pumayat)  (Read 58230 times)

hushush

  • Guest
Thanks mga sis for the words of encouragement.. Epektib nga ah motivated na ulit ako sa regimen ko. Unlike before nung nag-hiatus ako dito sa GT e hindi matatapos ang araw at nag-iistress eat ako.. Tho binabawi ko lang sa IF,  minsan OMAD at 2MAD ako, kaya indi ako masyado tumaba..mabuti na lang talaga at naimbento ang IF. :)

Speaking of juicing, bumili ako ng tipco broccoli juice. Pero half cup lang ako per serving kasi medyo matamis, dinidilute ko na lang.. 90cal lang per cup so halos 45cal lang yun half cup.. :)
Then sa morning balik eggs na ulit ako, boiled saba at raw tomatoes.. Then sa lunch saba ulit at konting red meat then boiled corn, dried peanuts at broccoli juice. Stop eating na ako, start na ko ng IF @2pm to get 19hrs fasting.. :) pag magutom ako e iinom ako ng tipco tutal less than 50cal naman .:)

Sana bukas ganto ulit..saka sana walang masyadong stressor para di ako matempt na kumain ng white rice saka pandesal.. :) yun pandesal talaga ang nagpahamak sakin.halos araw araw talaga bumibili ako. At minsan aabot ng 8pcs nakakain ko. Mabuti na lang maliliit yun pandesal hehe..  :D

@sis Rory_Lorelie_Gilmore

49kg ka na pala eh. 5kg ba talaga need mo ibawas? Baka mag-ala Toni Gonzaga ka nyan.. :D

@itt

Pakita ka naman ng transformation pic mo.tutal 48ish ka na.. Ako naman ang bigyan mo ng fitspiration..diba usapan natin yan nuon pa.

Asan na kaya sina px17 at hushbaby.. Baka nasa 48kg na mga yun ah.. mga halimaw.. :D

itt

  • Guest
:D 4'11 and 3/4 lol hehe hindi pa nag 5 eh no? dapat ata asa 40 kg ako :( haist

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Sis, 5 ka na nyan! Haha 5 flat din ako, according sa BMI dapat nasa 45-50 tayo, pero for me yung 50 sakin mataba nako tignan.

 I just ate breakfast (9:30 AM palang dito sa Qatar), share ko lang sarap ng combination na nagawa ko sa salad:

Avocado, cucumber, plums, lettuce, parmesan konti tapos mix ng strawberry vinaigrette and ranch ang dressing.

Minsan kasi nakaka umay na salad, so it's nice to throw in some fruits.  :D

airish_2

  • Guest
Hi! Mga sis I would like to ask those mommy like me na nagpapabreastfeed kung paano kayo nakakapagmaintain ng weight? My LO is 17 months already mixed feed, unlike sa sinasabi ng iba na nakakapayat ang breastfeed iba ang naging effect sa akin then lalo na ngayon na WAHM na ako.

Meron na ako double chin which wala dati noong buntis ako then ang bigat ko pa. Ngayon ang ginagawa ko hindi na ako kumakain sa gabi, so far wala pa ako nanonotice na pagbabago.

chiqmom

  • Guest
that's nice Rory_Lorelie_Gilmore. i want to start walking/running again during weekends.

sis hushush, so pwede ang juice sa IF? i thought unsweetened coffee lang and water. that's good news if pwede juice. 8pm ang last meal ko then first meal ko naman is 12 noon. wala ako kinakain during the whole fasting stage except water and coffee (black coffee wala sugar). pwede na ba ito? ano kinakain mo during the feasting stage? balak ko lunch is kamote and chicken, then merienda is brown rice and chicken/fish, then salad na lang before 8pm.

hello sis airish_2, sorry cant help sa question mo. hintay natin ibang mommies.

hushush

  • Guest
^sis chiqmom. Pwede naman basta sure kang less than 50cal yun juice..:) kaya yun sakin 90cal or 19g per 240ml. So per cup e may less than 1teaspoon na simple sugar..So hinahati ko yun serving to get 45cal at dinadagdagan ko ng water para mabusog ako hehe..so far di ko naman kinailangang magjuice ngayon while on fasting.decaf plain coffee at tubig lang ang ininom ko. Sa bfast at lunch na ako ulit mag-inom ng juice.. :)

Maganda yun meal plan mo for your feeding window kasi balance. May protein, carb, at vegs.. Ituloy mo lang. Sana ako din makaprep ng camote. Bumibili lang ako ng boiled corn eh. Eggs ang protein ko and some red meat. Pero bukas ewan ko kung kakain ako ng white or red meat..basta target ko gulay like ampalaya.pampababa ng blood sugar at para makaiwas sa sugar cravings.. :)

@aisha_2

Kung EBF ka dapat kusa ka papayat.. :)  bawasan mo lang din ang carbs or sweets kung sobra-sobra. Madedede din yan ni baby..opt for masasabaw na menu na puro gulay at protein for your baby.  Avoid too much junks or processed foods. :)

chiqmom

  • Guest
^thanks sis. Im so happy mas nakakatipid ako sa food ngayon. Not sure if mura lang dito since I'm from the province. Namili ako ng fruits and vege kahapon. 200 pesos lang nagastos ko pero meron pa ako supply until Saturday. hehe sobra tamad ko lately pero i make sure na meron ako 30 mins exercise daily.

hushbaby

  • Guest
Hi mga sis, hushbaby reporting for duty lols na stuck na ako sa 48.3 to 49. So 1 month ng ganyan weight ko.. di ko pa din ma achieve 48 haha siguro kasi wala pa din akong exercise. Sobrang tamad ko talaga. 3 days ko lang ginawa yung insanity workout tapos waley na hehe IF diet pa din ako 14-18 hours fasting. Kanina napakain ako ng kanin kasi munggo, bangus ang ulam tapos adobo sa dinner. Mocha frap pa pala na sobrang sarap inubos ko including the whipped cream. Cheat day everyday. I guess IF lang talaga savior ko Hehe bukas di ako magra rice promise! Payat na ko pero parang ang laki pa din ng braso ko :(

Sis hushush gusto ko din yang tipco pero mag water lang muna ako. Need ko talaga damihan water intake ko. Tamad na nga mag exercise tamad pa din uminom ng water.

Sis airish you're not alone. Tumaba din ako nung nag bf ako. Pero til 6 months lang. 3 months after magstop dun lang ako nag start mag diet. Mahirap talaga mag diet pag nagbibreastfeed lagi ako gutom noon. Di ri advisable mag diet pag ebf kasi need mo ng nutrients for your baby

True sis itt and rory sa height natin dapat lower than 50 talaga waaa #shortgirlproblems parang hirap ma achieve ng 45-48 haha dasal lang talaga

:)

hushush

  • Guest
^hushbaby

Waaaw! 48ish ka na.ang galeng! Keep it up!  Tamad ka pa mag-exercise nyan ha..
Sendan mo ko ng pic ulet ha :)

@chiqmom

Mas tipid talaga pag nagdadiet di ka na nag-iisip masyado ng kakainin mo sa buong araw...ako pagkain na lang ng mga bata ang iniintindi kong iluto.baong lunch araw araw...pero dapat may supplements ka kasi baka matulad ka saken magkasakit ka...wag masyado kumpyansa..hirap pa naman pag tayo ang magkasakit. Buti kung may ibang maaasahan.

Mabubusy na naman ako until nov kasi araw-araw ko tinu-tutor anak ako after school. May upcoming competition na naman sya..hirap pa naman ng compe na yun pang-genius level ang mga tanong..makasagot man lang kahit 5 items ang anak ko haha.. :D

So far, stable naman ang diet ko. May time na nagugutom ako after ng tutorial, nakakasaid kasi ng utak ang math!! pero umiinom na lang ako plain coffee or tubig. Sabay tulog. Limot na ang gutom haha..importante nakaiwas na talaga ako sa pandesal..i opted for wheat bread ng pan de manila pero pangit lasa kasi sugar free..siguro may drugs ang pandesal kaya nakakaadik..lol :D

Saturday ngayon!happy cheat day! Kakain ako pandesal! Joke! white rice na lang.. :)


candacena

  • Guest
^sis ako tinanggal ko na ang pandesal. pero mukhang magbabalik loob ulit ako pagkatapos ng diet. pang maintain, sana hindi ako mag gain sa pandesal. hehe

itt

  • Guest
argh. lol nung isang araw pa ako dapat mag rereply kaso may problema ata gt. hindi ako maka reply laging post new topic. anyhoo, 48.2 yung pinamagaan ko pinatikim lang ata ako ng katawan ko na ganung weight. currently at 48.5 hehe sana ma maintain ko to ng months lol

for now target ko muna to maintain this weight tapos saka na mag ttarget uli ng 47.5 hehe sana nag eexercise pala ako para mas madami mabawas hehe eeeeep sorry wala pa ako napapakita na pic. hehe yung before ko parang wala ako eh hehe try ko hanap hehe
« Last Edit: August 14, 2017, 07:17:53 pm by itt »

hushush

  • Guest
^hallo sis candacena. Tagal mo nawala a hehe..buti nakaiwas ka na din sa pandesal.. Wag ka na magbalik-loob..tataba ka lang ulit..
Balik 49ish na din ako..salamat naman! Whew! Pagtuntong ko ng scale kanina akala ko 52kg ang makikita kong numbers.. Haha!!
1st time ko ulit magweigh in after almost 1month.. :)

Laking tulong nung tipco veggie juice.pangcontrol ng blood sugar. Kaya kahapon bumili ako ng 3packs para matagal-tagal maubos.. :)

sweet angel

  • Guest
hello...pasali ulit.  :)

nagpost ako dito few months ago kaya lang di ko natuloy tuloy ang diet at exercise kasi nagkasakit ako at naoperahan nung summer... halos 2 weeks nang less ang food intake ko, halos no rice na din, nag stationary bike ako at least 3x/week pero yung weight ko ganun pa din 68-69kg :-(  dahil  ata almost 40 na ako, sobrang bagal na ang metabolism.

interesado ako sa IF na ginagawa nyo plus cardio bago ang 1st meal. need ba 1 hr before o kahit anong oras basta fasting state pa

 thanks!

hushbaby

  • Guest
Hi sis sweetangel try mo IF effective sya hehe I think fasted cardio effective din di ko lang nagagawa hehe

Sis hushush biggest challenge for me is yung ma maintain ang weight and makapag exercise. Kanina 49 ulit ako kasi napakain na naman ako ng rice and nag frap na naman ako. Dapat water na lang e hehe ito yung latest pic ko nasusuot ko na ulit mga old clothes ko pero yung tummy ko madalas bloated pa din hahaha https://www.instagram.com/p/BX5Wq4Xla84/

Sis itt di ka din pala nakakapag exercise hehe sana ma maintain natin hanggang december. Lapit na ber months :)

itt

  • Guest
^^ effective ang singaw na pampapayat! I swear lol. nag iiwas na din ako sa sodas saka hindi na nag mmidnight snacks hehe oo sana ma maintain natin :D

buti ka pa sis matangkad. hehe
« Last Edit: August 18, 2017, 10:41:06 pm by itt »

hushush

  • Guest
Waw naman sis hushbaby!!parang di ka 35 sa getup mo.. :) angseksi mo na talaga..yan ang tunay na pumayat, indi takot ipakita ang pinaghirapang katawan...nakakafitspire..so happy to see your face. Ganda ganda mo pala sis.. Sosyal...Rock on rockstarmama!  :)

hushbaby

  • Guest
Sis hushush ikaw nga fitspiration ko e 😊 kung di dahil sayo baka nag give up na ko dati hahaha hirap din mag maintain. tiwala lang talaga. :)

Sis itt ako ba yung matangkad? Waa di ako matangkad haha nagmukang matangkad lang nung medyo pumayat na ko. Hahaha

misslovelyjoy

  • Guest
Hi mga sis! Tagal ko nawala huhu di ako gaanong nakaka-visit sa girltalk Gawa tayo viber or messenger group chat. Hehe.

Anyway, regarding IF, ilang hours ang fasting?  First meal ko usually 6-6:30am. Want to try IF kasi siya pinaka-madaling diet sa tingin ko and di mahirap gawin. Enlighten me please. Hehe. From 45-46 I'm now weighing 49-51 huhuhu  :'( I gained inches on waist, arms and thighs. Almost all my clothes di na fit sa akin. Hay!

ayi0119

  • Guest
^ sali ako sa group chat! :D

Hindi na ako masyado nagrereply sa thread na to kasi naman wala masyadong ganap sa weight ko.  ;D

Nun nagstart ako nun February 57kg ako, now 51-52 kg na lang ako. Gusto ko pa rin pumayat pero gradual na lang, mejo happy na din ako sa weight ko ngayon. Hindi din kasi sakin bagay ang payat talaga. Plus, aim ko talaga magka-baby this year, feeling ko kasi maggain din ako kaya ayoko umeffort masyado. tee hee!

Congrats sa mga sis na laki na ng na-lose.  ;D

hushush

  • Guest
@hushbaby

At ikaw naman ang fitspiration ko lately kaya ayun balik 49.5kg na ako kanina..angsaya saya..anlakas makapayat pag umiiwas sa pandesal..pandesal-free na ako ngayon..indi na ako natutukso pag nakakaamoy ng pandesal.nauumay pa ako pag nakakakita ako..instead, i opt for boiled corn or gulay like ginisang upo or ampalaya..then eggs pa rin at raw tomatoes saka saging na saba..at higit sa lahat ang tipco broccoli juice..mukhang sya yung may malaking tulong talaga kumbakit nakaiwas ako sa bad carbs.so kahit walang exercise nakabalik agad ako sa old weight ko.. :)
Atsaka indi na ako masyadong nadedepress lately.isang malaking factor yun kaya indi ako nagoover eat.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close