watch now

Author Topic: Weightloss diary THREAD 2 (Support thread sa mga nagpapapayat o gustong pumayat)  (Read 58237 times)

itt

  • Guest
^^ kaya yan sis :D okay lang mag cheat day(s) kasi pag hindi mo gagawin mas mataas ang tendency for you to binge eat. Nangyari kasi sa akin dati so ayun mas okay na nga yung may cheat days/weeks lol ako naman, diba nagcut down ako ng sodas? napansin ko pag nag soda ako, kahit na may plan ako to eat sweets for dessert, nawawala na cravings ko. as in! saka ilangtimes na nangyai sa akin yun so I guess mejo bumaba in a way yung tolerance ko sa sweets kaya once nagka sugar rush na ako yun na yun. or baka guni guni ko lang lol but not bad na din at least nakakaiwas sa mas madaming temptations hehe

super bratinella

  • Guest
Sisses kaya natin ito. What I am practicing is pag nakakain ako I see to it titigil na ako pag hindi na ako gutom.. normally kasi human instinct titigil lang tayo pag busog na, pagnasanay na tayo ganito for sure madali na tayo mabubusog magiging normal na lang until hindi namamalayan na we eat na lang what we need at hindi na sobra.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Hello mga Sis, medyo lurker lang ako dito nahihiya ako umemote ng sobra kasi baka mag sound akong OA naman, pero I'm 5 flat and 50 kgs ngayon , I am at my heaviest and for me fattest hehe, since maliit ako sanay akong petite ako, so target weight ko is 45 kgs uli since yun ang original kong weight, based ako abroad btw. So ang sistema lagi is 1 yr light work out and diet, pero I don't deprive myself, di ako ganun ka strict pero I hardly gain weight maybe because alam ko ano mabilis sakin magpataba and kung pano ished yung weight na na gain thru binge eating or cheat days. Iba kasi nung LDR kami laging conscious to look good pag nagkita na uli, plus wala ibang pagkakabaalahan kunde magpapayat. 

Until my husband arrived here last year, after a month pagkagaling ko ng bakasyon at nung kasama ko na sya, sumaya na ang buhay haha syempre pasyal and dates, kain, kape, inom enjoy kami kumbaga for a 1 yr, tapos we got engaged and we got married pa. So una kain to the max kasi nasa bakasyon ako sa Pinas, tapos dumating naman sya dito so relax, tapos we prepared for the wedding so kakaibang level ng stress naman, so sa  pagkain na naman hinugot ang lakas.

We work out naman the whole year, we never really stop, pero yung intensity naiba, but I guess it wasn't enough sa calorie intake namin, SOBRANG lakas namin kumain, we are known to be a fit couple, we are fond of going to the beach pag bakasyon ko and super rampa sa mga bathing suits namin, sanay na din kami na ganon, 1 yr work out and eat clean, and 1 month enjoy sa bakasyon ko dyan, so we thought we were good.

Until eto na I guess our age kicked in, bumagal na metabolism, nasobrahan na sa kain at inom, nung bumibigat na tinatamad na mag work out madalas, pipilitin mga light work outs lang since nahihirapan na kumilos. Not to mention grabe ang init dito sa Qatar nag 50 kami sa peak ng summer. Lumobo na kami, FOR A LONG TIME nagstay nako sa 50 kgs di na bumababa weight ko and sya din.

We know tumaba kami, pero halos lately nalang nag kick in sa amin na wow, mataba na kami, madami na nakakapansin, kitang kita na sa photos, sumisikip na mga damit, nahihirapan na kumilos. Mahirap na mabusog, got us depressed, malayong malayo sa kung sino or ano kami noon.

Confident kami noon kasi alam mo yung often makakarinig ka ng wow ang takaw takaw mo di ka tumataba, or uy pano nyo ba yan namemaintain? Sa photos ang liit at payat ko katabi ibang friends ko, maling mali pala, di pa din pala kami exemption sa rule, maski pa super active kami, malaking part pa din ng maintaining or losing weight talaga ang food intake.

We've started again, siguro mga 2 weeks palang medyo mahirap, lalo na kung wala ka motivation, pero nag 49 na ako uli in the morning, I do IF ng 14 hrs and husband ko 16 hrs, 1 apple and 3 in 1 coffee muna sa breakfast for me, and sya din limited food intake, habang pinapababa namin weight namin. Limited to zero white carbs din unless cheat day namin pero plano namin maski cheat day, ililimit pa din. No sodas, no junk foods muna uli as much as possible.  We control our cravings and servings. Puro fish and veggies uli, or chicken/beef.  Iwas sa processed foods, salt and sweets, pati dairy products. Walk, run and plyometrics again, feeling ko we'll see the results in a month. Non stop naman ag lemon water ko pagkagising, green tea twice a day.

Ambagal maglose sa simula due to water retention, pero sa naobserve ko sa sarili ko once nagstart na maglose, lalo na ginaganahan magpapayat, kaya tuloy tuloy na.

Here's my FB pala, so you can see our wedding photos. Maiba lang hehe. Nung bakasyon and kasal nasa 48 kgs naman ako since super busy maski ano kain pero nung narelax na, tumodo na uli sa 50 kgs. ;D Motivated na naman kami ng husto, haha! Non stop stalk na naman ako sa mga fitspiration ko and basa ng basa ng kung ano ano related to fitness and clean eating.

https://www.facebook.com/ayie.reyes.7?ref=bookmarks

Disclaimer lang maluwag yung gown ko sa may puson/tiyan part, kasi nasukat ko na yung gown ko a few weeks bago kasal, ako lang kumuha ng measurements ko via video ko binigay sa couturier so maski gusto namin higpitan pa mahirap na ialter dahil may beadings na pag hinigpitan pa matigas na so baka di nako makalakaat upo, kaya di perfect fit ng gown ko sa bust and tiyan/puson, maluwag, muka tuloy ako buntis sa ibang shots haha. Pero sa back and legs, ok naman.





« Last Edit: July 24, 2017, 04:20:47 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

px17

  • Guest
sis hushush itt, hushbaby! miss you! nagtimbang ako kagabi kasi titimbangin ko yung cat ko. And lo and behold..48.7kg napadouble tingin ako ulit. tas timbang ulit. Actually di ko sure baka dahil sa stress kaya bumababa pa siya. Ayaw ko na sana bumaba pa kasi nagagalit na si  mother sabi niya ang panget ko daw. grabe siya!

hushbaby

  • Guest
Haha grabe sya o! Ang bilis sis 48.7 ka na. Ako balik 49 na naman.cheat days na naman this weekend hehe sarap ng laing at lechon hahaha baka sobrang payat mo na tingnan sis kaya may side comment mom mo hehe hubby ko din ganyan ayaw ng sobrang payat ako mas ok daw pag may konting laman :)

Sis rory almost same tayo ng height pero buti ikaw heaviest mo na ang 50. Ako nasa 54-55 before kaya ang taba ko talaga tingnan nun. Ang goal ko before is 50 pero new goal ko ngayon is 48. Para ok lang kahit mag cheat day everyday haha

Sis marj Agree with sis itt. Ok lang cheat day/s or kahit kumain ka ng cheat meal mo everyday basta everything in moderation. Tikim tikim lang then inom ka ng madaming water before and in between para busog ka agad hehe basta ma satisfy lang cravings mo. Mahirap i deprive sarili sa favorite or comfort food mo kasi baka lalong magiging out of control ka sa pagkain hehe
« Last Edit: July 25, 2017, 11:08:07 am by hushbaby »

px17

  • Guest
^Ayaw kasi ng mom ko na payat ako, nagkacollege na ako pero underweight ako then college years 45kg-48kg lang ako. Tapos netong nagkawork dun ako nag gain ng bongga, as in bongga!. Happy nga siya dati na nag56 kg ako. Eh syempre ako naiinsecure kaya papayat mode. Di naman ako confident na tao kaya sobrang naiinis ako pag nakikita ko na ang laki ng braso ko or tummy ko. Atleast ngayon na reach na natin goal natin. Maintain nalang tayo. :)

itt

  • Guest
oonga pala share ko din diba nag cut down ako sa soda? last week when I had coke regular with my meal, nawalan na ako ng  gana mag sweets for dessert! as in. nagulat nga ako. saka ilang times nangyari yun. hehe bumaba ata ng onti tolerance ko sa sweets hehe.  which is kinda good hehe. yun lang sa salty food ako nagccrave ngayon first time mag crave post period hehe pero ayun 2nd day ko na nag bbuko juice hehe. mag prune juice ako mamaya kasi naguilty ako sa pagkain ko ng chips hehe ayoko muna mag timbang baka mamaya nalang hehe

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
hushbaby oo Sis, sa height natin dapat mga 45-47 kgs lang para medyo lean tignan, pero at least ikaw ata may kid/s na? Ako single pa and I'm 31 y/o.  ;D Oh well, may period nga ako ngayon, ramdam ko bloat maski walang kinakain halos. Kalungkot lang di ako naka work out kagabi di talaga kinaya, at malamang later also grabe kasi cramps ko pag may period sakit all over the body, bawe bukas and the following days. Kakastart ko palang kasi halos di ko pa makita result. Let's see after a month.  :D
« Last Edit: July 25, 2017, 01:31:25 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

itt

  • Guest
sa 45-47, I need to lose 2 kgs pa lol

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
^ lesdudis  ;D

chiqmom

  • Guest
welcome sis Rory_Lorelie_Gilmore!

Im back!  ;D So far nastuck ako sa 10 kilos weight loss. 25 kilos to go.  :-\

itt

  • Guest
ako nasa 49 ish pa din. kainis. hehe 49.2. sana next week mag 48.5 lol asa pa eh no? dapat ata asa 45 lang weight ko based sa height ko. eeeeep ang hirap. di ko kaya. hehe

==

^ okay lang ma stuck sis :D ganyan din kami minsan. magugulat ka nalang sa susunod biglang bababa yan. at least diba mas okay yung paunti unti na weight loss pero di mo igagain agad kesa sa mabilis mo nalose tapos mabilis din mababalik. nakatry ka magjuicing? baka makahelp sya pero make sure to follow yung proper procedure how to do it. Tried it dati for 2 1/2 days kaso di tama pagkakagawa ko kasi wala akong ease in at ease out. ayun nagkalecheleche hehe. may iba naman sabi replace 1 meal lang with it ( dinner ). basta wag sugary fruits ah? may gulay dapat :)
« Last Edit: August 08, 2017, 01:32:40 am by itt »

chiqmom

  • Guest
^hello sis. hindi pa, try ko nga din. naghahanap ako ng alternative kasi ayoko na gumamit ng meal replacement shakes. first, very costly and second, d ko na gusto yung lasa. juice lang ininom mo the whole day? ganito kasi sana plano ko, i dont know if this will work :

IF ako, so from 8 PM to 12 noon fasting ako.

12 noon- 1 cup rice and chicken/fish (no pork and beef na)
4pm- fruit juice
8pm- kamote/salad

I'll try this for 3 months. okay ba ito or masyado naman deprived body ko?
« Last Edit: August 08, 2017, 09:36:11 pm by chiqmom »

hushush

  • Guest
Hello sisses!tagal ko di nakapost. Nabusy sa mga bata. Then nagkasakit din ako. Nahawa sa anak ko na nagkasakit din.nauso ang pulmonary dieaseas at flu sa lugar namin..anghirap pag tinamaan ka..kadadiet din bumagsak ang resistensya ko...at katamaran magtake ng supplements..So para makarecover kinalimutan ko na muna ang diet. Yun nga lang naggain ako ng almost 2kg. Pero ngayon need ko imotivate ulit ang sarili ko na bumalik sa 49kg weight.. at alam kong itong thread lang na ito ang makakatulong sakin. Kaya bago pa ako lumobo ay dumulog na ako dito hehe..may mga moment din kasi ako na kahit nagba-bounce back na ako e bigla na lang ako nag-ssnap at bumabalik sa dating kain lalo na kapag nasstress ako sa mga anak ko..Nag-IF pa rin ako pero yun quantity ng kain ko e medyo nago-overshoot lalo na kapag nadedepress o nasstress ako..madalas na ako atakehin ng depression kaya minsan parang wala na akong paki sa diet ko.. Hirap kasi talaga pag malayo sa asawa tapos walang masyadong kaibigan. :(

@sis itt

Ang galing mo sis ah namaintain mo yun 49ish na weight mo.. Wow siguro lean ka na tignan ngayon.. :) Sana matulungan mo ako imotivate ang sarili ko na bumalik sa dati kong weight.di pa ako nagweigh in pero alam ko for sure naggain ako walang duda yun though maluluwag pa naman ang mga damit ko. Natatakot lang ako na baka mas lumaki ang weight gain ko kaya gusto ko maagapan.. :)

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Sis hushush I feel you Sister, mahirap alagaan ang health kapag di mentally stable maski pa konting issue lang.

Pero push lang, parang pareho tayo ng trend, kapag focused ako sobrang strict ko sa diet and exercise, pero kapag nadepress, nastress or nalungkot na or minsan kapag sumobra naman saya automatic binge or over eating at drinking na kasunod, and after that the usual regret follows.

Ngayon nasobrahan naman ako ng relax at saya ata.

Tuloy lang ang laban natin Sis. Motto ko everytime mapapasobra ng kain or inom, maski pa cheat week, "tomorrow is another day to live healthy".

Nowadays nahihirapan ako sa consistency, magagawa ko in 3 consecutive days lahat ng ritual, after that, pag napagod na or nanghina na kakain na or magstop sa work out. Ngayon lang ako uli
 na-depress sa weight ko after a looooooong time. Nag plateau na weight ko, I'm at my heaviest at 50 kgs (5 flat height) .

Maski anong stalk kela Aubrey Miles, Solenn, Ellen, Lovi and some hollywood Celebs, basa ng blogs, articles about fitness, minsan wala pa din effect. Kapag may pagkain na sa harap ko, wala na disiplina, kakainin ko na maski ano pa yan.

I know it's all in the mind, kaya isa yan sa pinagdarasal ko, God grant me the drive and mental stability para ituloy tuloy ang fitness journey ko.

I miss my old self na daily nag walk & run and work out, there are days na feeling ko pangarap nalang ata ma lose yung 5 kgs na kailangan ko to feel better.

Oh well, laban lang ng laban, the fact na andito tayo, we are on our road to our weight goal.

« Last Edit: August 08, 2017, 08:14:09 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

chiqmom

  • Guest
^
^^

aw I'm glad were talking about the pains of dieting. totoo yan. hirap magdisiplina. ang sinasabi ko lang lagi sa sarili ko once nagawa ko sya in 15 days, it can turn into a habit. so push lang hanggang maachieve ang 15 days.

itt

  • Guest
@sis hushhush nag 50 pa din ako minsan hehe nakakadepress nga eh pero buti kanina nag 49.2 ako nung morning hehe.

@chimom I mean replace lang with juice. mas okay ata kung blender gamitin para may fiber pa din. basta mixture of fruit and veg ( preferably, green leafy ).  yung classmate ko nung college, yun nalang dinner nya.  kung gusto mo gawin mo mun yung ganun for a week or 2 bago ka mag hardcore juicing para makadjust body mo :D basta if you feel weak, eat na. delikado din magkasakit. hehe

kaya natin to! naku may confession ako hindi pa din ako totally nakakaexercise haist

chiqmom

  • Guest
^thanks. bili na ako ng fruits and veges later. evenings lang ako magjujucing and i'll take heavy merienda, pasta siguro ganun pero in controlled serving.

first time ko sa IF ngayon. last meal was 8pm and first meal at 12 noon. so far okay naman. i had chicken and rice for lunch.

itt

  • Guest
:) basta sis dont deprive your body the nutrition it needs ah? :) sabi nung friend ko nga regular meals sya. breakfast lunch and light snacks I think. tapos for dinner nag jjuicing sya :) nag wwork out pa sya sa gabi lol. pero ayun nga okay naman daw di sya nanghihina. siguro kapag sanay ka na talaga pwede mo na gawin yung 1 week na juicing ekek pero for now ipang replace mo muna sya sa isang meal :D  saka shempre check with your doctor if okay na gawin mo yun hehe

nag weight ako kanina 48.8 pero feel ko ngayon lang yan lol wahahahhahaha.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
chiqmom yes Sis, naalala ko nga din yung "it takes 21 days to form a habit".

I ran and walk last night, and so far walang pasaway na foods pa. Nag weigh ako and nasa 49 naman. Ang kaso syempre pag kumain uli ganon, gusto ko talaga makakita na ng significant decrease pero in a healthy way. So push!   ;D

Sis itt anong height mo if I may ask? :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close