watch now

Author Topic: Weightloss diary THREAD 2 (Support thread sa mga nagpapapayat o gustong pumayat)  (Read 57970 times)

ayi0119

  • Guest
Ang haba agad ng thread 2.

Na-stuck na ako sa 52kg. Eto pinakamatagal kong weight.

Try ko naman intermittent fasting. Baka effective din sakin. :)

hushush

  • Guest
Yey! Ayan magta-try na si sis ayi..balitaan mo ko sis ha kung effective din sayo ha? Sana naman itry mo na yan para maenjoy mo din yung weightloss benefits..Ako masaya na ako sa IF eh..kahit 30mins per day na lang ang workout ko unlike before 2-3x a day tapos 45mins per session..grabe ang effort ko tapos ambagal naman ng progress kasi nga lagi ako gutom sa kawo-workout hehe..

Mahirap din talaga sundan yun regimen ko, it takes a lot of discipline and determination to survive a day of IF.. Kaya nga yung ibang mga sis natin dito hirap pa rin ma-meet yung goals nila kasi panay cheat lang din e hehe..di naman natin masisi kasi ganun din naman ako dati until i accidentally fasted for 16hrs..then ayun narealize ko na kaya ko pala... Kaya ayun im loving it na! Then combine it with weightloss foods like grapefruit, okra, pechay, eggs, yams, atbp..ewan ko lang kundi din kayo pumayat hehe..

Ngayon, kahit mapagod ako at magutom..magbinge eat... basta makapag-IF ako eh indi na ako masyado worried na mag-gain ng todo..i can see now how lean my body is..dati puro fats ang legs ko at nagkikiskisan kapag naglalakad ako..ngayon natutuwa akong tignan sa mirror kapag naka-leggings ako..i just love the lean look..kahit may muscles yun binti ko proud ako na pumayat ako while gaining muscles.. :)

Ok na din ako sa current weight ko kasi pumapangit na ako e hehe..(may malaking pimple ako ngayon dahil na rin sa stress sa mga nilalakad kong docs) pero sabi ko nga 48kg ang new goal ko to prepare for the rainy season at xmas holiday..hehe.at least may 2 months pa ako to lose the 1kg..pede na ako mag-yoyo between 49 - 51kg.. :)

Eto nga pala konting babasahin about IF..mga bigating hollywood actors pala gumagamit din ng IF to build and maintain their muscle body: 

Source:
http://fatburningman.com/intermittent-fasting-101-how-to-drop-fat-and-build-muscle-fast/

Have you heard all the buzz about intermittent fasting?

Everyone from The Rock, Wolverine, and even the lead singer of Coldplay swear that fasting is the silver bullet to fat loss and muscle gains.

Others, however, say fasting will destroy your thyroid and make you fat. And many, especially in traditional media, confuse intermittent fasting with starving yourself.

itt

  • Guest
sana mareach ko din yang 48 kg :D Im keeping my hopes up na maging 50kg ako by may 15 hehe. no more pills for me lol kasi for sure magkakaforce diet pag nag pasurgery na ako ulit. pano 3 weeks na liuid diet yun. hehe no choice talaga kas mas takot ako magkamali kesa sa masatisfy yung hunger ko lol

hushush

  • Guest
^huh anong surgery yan sis?appendectomy? Lipo? Breast augmentation?:)

Kaya mo yan sis...andun ka na eh..50ish ka na eh..mahirap maabot ang 50ish..si sis px17 nga 53ish pa rin eh..at si sis chiqmom laging nagrerestart ng regimen/program nya..buti ka nga nakakabounce back ka din agad sa regimen mo..importante di ka bumabalik sa 53ish.. :)

itt

  • Guest
wisdom teeth sis :D I have tons of extra teeth. lol 7 pa yung extra na aalisin ( partida may 4 na naalis ). nakakahina yung diet ko nun kasi clear soup lang ako for 3 weeks.  kahit congee/porridge/oatmeal di pwede kasi baka mapunta sa suture ko e medyo malalim yung inalis recently.  :(

hushush

  • Guest
^oh no! Mahihirapan ka nyan magdiet kasi sanay ka kumain ng kung ano ano..dapat paghandaan mo yan..kung ako sayo magtry ka na mag-IF..it will help you survive a day without your fave hi-calorie foods..pero siguro mapwepwersa ka din mag-IF pagtapos ng surgery mo hehe..

itt

  • Guest
nagawa ko din sya last time sis :) after 3 days actually sanay ka na. saka mas takot ka mag try ( or even crave ) for food. lol grabe yun pero surprisingly, hindi ako nanghina hehe :D when it was time for me to eat "soft" food, mejo hesistant pa din ako. hehe but eventually naging okay din. I couldnt work out during that time too kasi hindi puede. kaya hindi na din ako mag pipills ngayon kasi baka mamaya yung blood ko yung atakihin. baka mag bleed ako. scary. 2nd part kasi ng surgery ko under GA na ako :( waaaah. sana mabuhay ako. lol sorry sis kung OT hehe pero ayun nga. dont worry sis, wala na ako balak bumili ng pills na pampapayat :) scary din kasi.

hushbaby

  • Guest
Ang galing nyo naman.. achieved na ang goals nyo. :) ang tagal ko di nakabalik dito wala kasing househelp huhu pakonti konti lang pag lose ko ng weight kasi parang 15 minutes lang in a day exercise ko. Madalas walang time. Ang tagal ko na stuck sa 55kg. Pero ok na din at least may nalu lose kahit papano.

March 20-58.2 kg
April 20 - 55.7
May 5- 53.9

Bibili na talaga ako ng bike para madagdagan physical activities ko, aside sa paghabol sa baby ko. Hehe Kahit 20-30 minutes biking lang inside the village. Constipated din ako kasi puro saging at apple snacks ko. Try ko din mag prune juice.

Parang IF diet din pala ginagawa ko. Kasi 8pm dinner ko then yung next na kain ko 10 or 11am na. Pero now ko lang nalaman yang diet na yan. :) usually kasi nababasa ko dapat daw 6 meals a day or more frequent meals para pumayat. May ganyan palang diet. thanks for sharing sis hushhush hehe
« Last Edit: May 05, 2017, 11:47:02 pm by hushbaby »

hushush

  • Guest
^waw sis hushbaby..halos 5kg na pala ang nalose mo in less than 2mos..ambilis na nyan ah! I think it's because of IF nga..ambilis mo sis!keep it up..baka maya after 1mo eh 50kg ka na.. :)
pls keep us posted about your weight ha?

^^naku goodluck sa surgery mo ha..wag ka na nga magtake ng pills kasi it can react with the chemicals used during your surgery like anes..baka may residue pa yung last mo tapos gamit ka ng gamit ng slimming pills..dapat inform mo yung physician/surgeon mo bago ka magtake ng medications or supplements na hindi nya prescribed..
« Last Edit: May 06, 2017, 06:21:26 am by hushush »

hushbaby

  • Guest
^feeling ko mabagal weightloss ko sis kasi ang tagal ko na stuck sa 55. Minsan napapakain pa ako ng fries at burger. Hehe Pero sobrang minsan na lang ako mag rice. Siguro 1 or 2 meals in a week. Tsaka yun nga sobrang minsan lang ako mag exercise.  Yun talaga goal ko makapag exercise kahit 20-30 minutes every day. Sina georgina wilson at isabelle daza, yung fasted cardio ginagawa nila. Nakita ko lang sa IG stories nila haha sabi mas effective daw talaga fasted cardio tsaka HIIT. Ganon din ata ginagawa mo no sis hushush? Sana umeffect din sa kin :)

Sis itt good luck sa surgery mo and sana mabilis lang recovery. Will pray na maging ok surgery mo.

hushush

  • Guest
^yes sis! Ganun nga ginagawa ko..cardio on fasted state..katuwa naman at interested ka sa IF..
Meaning mageexercise ka on your fasted state. At least 8hours kang walang kain then magcardio ka..ayun malakas ang fat burning mo nun compared kung after 1-2hrs ng last meal mo..kaya kahit pakamatay ako sa kawoworkout waley eh..mali pala yun timing hehe. Kaya nun nagstart ako early morning around 4-5am ako nagbabike on fasted state e grabe ang tagaktak ng pawis ko...
Saka sis importante nabreak mo yun plateau diba.at iyan 53kg ka na..hatawin mo na lang ng cardio..baka maunahan mo pa mag-50 si sis hehe. :D

itt

  • Guest
50.7 ako kanina without poop. lol so feel ko with poop 50.4 ako hehe or 50.3  ( asa )

hehe thank you sis hushhush and hushbaby. naku kaya hindi na din ako mag ttake baka mamaya mag bleed ako ng todo. scary din. which reminds me mag bbuko juice flush pala ako ulit hehe, try ko makaubos ng 4 whole buko juice ( yung fresh ) yung MD ko, I still have 3 days ( yung restricted calorie intake ) tingin ko pasok naman mga kinakain ko sa calorie count hehe. hindi pa ako nakakapag all fruit diet. Ill prolly do it sa day 8 nalang hehe. green apple ako tapos iba ibang prutas then prune juice lol. napansin ng sister in all ko, mejo pumayat na daw legs ko saka yung sa waist hehe so yaaaaay!

hushush

  • Guest
^congrats!may nakapansin na din hehe..konti na lang magiging 49ish ka na..itry mo na din kasi ang IF so you can nail it down...di mo ba napapansin na nangungulit na ako senyo kasi hanggat di nyo matry di nyo maappreciate yun benefits hehe... Tignan mo si hushbaby nag-IF nang wala sa plano.nagchicheat pa sya nun..ayun from 58kg e 53ish na..ambilis diba..hehe..

hushbaby

  • Guest
Di ko alam IF diet na pala yung ginagawa ko sis haha pero usually 10 or 11am kain ko kasi late na gising ko mga 9am. Kanina tinry ko kung kaya ko na 12 kumain nakaya ko naman pero gutom na talaga ako nun. Hehe puro inom lang ako ng water before 12. Tapos kinain ko lang tuna with egg at nilagang saba nabusog naman agad ako :) sana nga tuloy2 na. Kaya lang goodluck next week birthday ko malamang waley muna diet. Kakain ako ng cake. Yey! Haha grabe excited na ko . Last na kain ko ng cake was march 18 kaya much awaited to haha Goal ko is 50kg kasi ayaw ng husband ko na payat ako gusto nya may laman ng konti lol thanks sis hushush at mga sis sa inspo and motivation. :) healthier body ang gift ko sa sarili ko this year. Bumili din ako ng dress na small size kahapon para lalo ako ma motivate mag exercise haha

itt

  • Guest
^^ pseaking of smaller size. grabe pwede ko na uli halungkatin yung maliliit kong dress hehe. onting push pa :D

hushush

  • Guest
^magandang motivation yan. iprepare nyo na yung smaller dresses nyo para soon maisusuot nyo na..para pag may tukso na namang hi-calorie foods e magdadalawang isep kayo..pano na yung pangarap nyo na maisuot yun dress diba? :)

^^yay cheat week mo pala next week sis hushbaby! Advance happy bday! Sarap ng cake hehe..which reminds me na sat pala ngayon at cheat day ko din dapat..last day pa ako natakam bumili sa bakery ng bibingka cake..sabi ko sa sarili ko sa sat na lang..kaya lang tinatamad naman ako pumunta sa bakery ngayon hehe..kumain ako ng pomelo yun nabalatan na.isang pack. Sa hypermarket ako nakabili..may kamahalan pero oks lang at least di na ako maghihimay ng balat hehe.tapos may almond milk na 25calories!parang tubig na lang eh walang lasa sa sobrang tabang..tapos ayun naglaban ang almond milk at pomelo..so napupu ko lang din mga kinain ko hehe..sana ganun na lang lagi para di ako tataba haha! Ibang version ng bulimia to hehe.. :D

Meron ba senyong ganun? Na kinakalikot ang lalamunan after eating para isusuka lahat ng kinaib? Maraming artista na ganun like ethel booba nung kasikatan nya pinakita talaga sa camera kung ano ginagawa after binge eating para di tumaba..grabe di ko kaya yung ganun..sana walang ganun satin ha..

Nga pala i have my latest before and after photo..by pm na lang ang sharing ko para tayo-tayo na lang ang magkakakitaan hehe.si sis itt nasendan ko na hehe.later na ang iba..saka sana next time kayo naman ang magshare ng before and after photo nyo ha?ipagmalaki ang achievement!! :D

hushush

  • Guest
Ambabata nyo pa pala! Kami ni hushbaby ang ate...magka-edad kami hehe..
Si sis px17 hehe.. Akala ko pinakabata si sis itt :)

hushush

  • Guest
Ang kulit ko din kanina..naglakad ako ng 300m para makarating sa bakery na gustong pagbilhan ng bibingka cake na matagal ko nang pinanggigigilang kainin..then nun pagdating ko dun kanina, nakita ko 1 cake na lang ang natira.mabenta kasi masyado kahit malaki yun cake about 10in ang diameter..then dapat bilhin ko na yun kasi nga isa na lang..pero parang di na sya ma-appeal sakin kaya di ko binili..baka kasi kako sobrang tamis maumay pa ako..so i opted to buy other breads like egg pie at sesame bread..then yun banana cupcake di ko nagustuhan kaya kumurot lang ako at tinapon ko na..then may isang bread na nuon pa ako sarap na sarap tignan..maganda kasi ang presentation, para syang pinaputok tapos may cheese sprinkles then shiny sya due to condensed milk..then may white fibers..nun kinain ko pan de coco pala! Ayos ah..nasarapan naman ako hehe..ayun solb na cravings ako kanina 4pm..fasting na ulit ako para bukas ng 5am magbiking ulet ako..

px17

  • Guest
Parang ang tagal ko nawala, dami kong binack read.

sis itt! goodluck sa surgery mo. Ang hirap pa naman pag ipin ang inooperahan.

sis hushush, Sa tingin ko talagang effective ang IF, kasi nagdidinner ako palagi ng 6pm tapos bfast ko 8am na. 52.8kg nalang ako. Uhm partida ng quarter pound pa ako na burger last thurs (I felt bad after eating this). Last time kasi nag fluflunctuate ako sa 53.5 to 54kg. Tuloy tuloy ko na tong IF. Nagsimula na kasi ako ulit mag jogging kaya baka mas maging effective siya. Kailangan ko pa magpractice ng inom ng maraming tubig! 

sis hushbaby, okay lang yan take your time. Wag mo ipressure sarili mo na kailangan maka pagbawas ka, last month kasi ganon ako at nastress lang ako ng bongga. Ang ginawa ko pala sinunod ko si sis hushush nag no rice ako, kaso nasira naman nung sunod sunod ng family eat out namin.

hushush

  • Guest
Good morning sisses! :)

^hello sis px17! Ikaw yung bunso dito e hehe..congrats at nabreak mo ang plateau! O diba IF lang ang katapat kahit magcheat ka ng 1wk basta seryoso ka sa diet at IF at exercise e maglo-lose ka pa rin! Yan ang sikreto ng mga artista! Fasted cardio... :)

About your question paano ko napaliit ang braso ko, yup sumunod na lang sya..kapag maubos na yung fats sa main areas mo, e no choice yung body mo kundi sunugin yung iba pang stored body fats mo.. Toning na lang ang iisipin mo kasi magsa-sag yan eh...so yun ginaawa ko nagweighlifting ako nuong 52ish kg pa ako.1lb lang na dumbells then up to 20reps to 5mins lang.. :)

Keep it up sis! Ambata bata mo pa eh dapat pumayat ka din...ako 2x na naCS kaya may malaking hiwa ako sa tyan hanggang pusod..mapapansin nyo sa pic hehe..straight nga lang katawan ko kasi rectangle shape kaya walang balakang hehe..pero importante lean bodeh! :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close