watch now

Author Topic: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)  (Read 50435 times)

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #460 on: April 08, 2017, 02:25:19 pm »
Hi sis hushush! Kelan yang akyat? Pag wala ako sched go ako! Hihi.

Sis hushbaby, si sis hushush ang master ng mga boiled veggies. Personally, parang di ko pa kaya Na mostly boiled veggies ang kakainin. Hehe. Baka sa mga susunod na buwan pag malapit na kasal. Hehe.

Totoo yang pag aging na mas mabagal na metabolism. I'm 28 now at di ko namaibalik ang dating 45kgs kong weight nung collegee days haha. I can only wish.
But look at sis hushush, siya talaga ang epitome ng persistence at motocation. Very focus sa goals at determined.

Cheat day today! Yey haha.

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #461 on: April 08, 2017, 02:42:47 pm »
if magcrave sis, okay lang siguro tumikim ng onti lang. para lang masatisfy yung cravings ng onti. si sis hushhush ang galing nga eh kasi puro veg talaga hehe. kanina nag 1/2 rice lang ako saka half ng breaded porkchop hehe. pa onti onti nalang uli kain ko hehe. tas exercise hehe :D kaya yan sis :D

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #462 on: April 08, 2017, 04:04:01 pm »
Hi sisters!

^^para wag ka magcrave ng sugary stuffs mag detox ka. Alisin mo sa katawan ang starch pagtapos nun sobrang dali nalang. Kahit alukin ka pa di ka matetempt.

Nasa food ba talag ayung metabolism? or mas may factor ang age? This year lang kasi ako nag 56kg pero dati di talaga ako nag didiet pero di ako aangat ng 50kg. Puro junk foods, processed foods basta unhealthy mga kinakain ko. Pero mabilis kasi ako mabusog kaya siguro di ganun kadami nakakain ko pero maya't maya.

bfast ko today oatmeal with almond milk and matcha green tea, lunch ko naman 1 longga, 1 galungong, 1 tomato tas lettuce (ginawa kong rice).

imeego

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #463 on: April 08, 2017, 04:16:13 pm »
hello mga sis!!!  still here in sg, walang diet diet dito hahaha although parang naburn naman din ata lahat ng kinakain ko kasi super tiring maglakad dito ang init pa tapos karga pa namin daughter ko..pagbalik ko ang weight update at start ulit ng diet..ako mga sis 38 y/o na din..when i was younger anlakas ko magrice pero di gaano tumataba, now may slight effect na although feeling ko mabilis pa din naman my metabolism basta lessened rice intake lang :)

hushbaby

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #464 on: April 08, 2017, 04:28:05 pm »
^^ sis imeego feeling ko nga rice talaga malakas makataba at sobrang hirap talaga mag diet pag nasa bakasyon. haha ang sarap kumain at try ng new food

sis romans 828 ganyan din ako nung ikakasal pinilit ko talaga pumayat haha pero di ako nahirapan nun mag lose ng weight. ngayon talaga ang hirap i lose. di ko alam kung nag plateau or dahil sa metabolism at age ko na din. ang galing nga ni sis hushush parang ang hirap pag puro boiled veggies yung kamote nga nagsasawa na ako kaya try ko yung iba. t

sis itt ikim ako ng konting halo halo mamaya kahit di cheat day. pareho tayo ulam kanina porkchop then half rice lang din hehe snacks ko banana

sis px17 yung detox ba na juice? nag try ako nun dati pero di ko kinaya. naghahanap talaga ako ng rice pero buti ngayon lagi half rice na lang ako. saan ka pala nakabili ng almond milk? meron sa juicehut pero parang ang mahal tapos 200 grab express, minimum 4 bottles


itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #465 on: April 08, 2017, 05:44:17 pm »
sis may napanood ako
https://www.facebook.com/officialgoodful/videos/1554548704615590/?pnref=story

naaalala ko nung nag juicing ako for 3 days. ang mali ko hindi ako nag ease in at ease out. kinabahan ako nun kasi by the 3rd day ala na ako energy so nag solids na ako. tapos hindi na tinatanggap ng katawan ko yung food lol buti eventually naging okay din.

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #466 on: April 08, 2017, 06:50:13 pm »
Hello sisses!kanina ko pa gusto magpost pero now lang nagkatime hehe...

Mga sis maraming salamat sa mga nakakainspire nyong remarks tungkol sakin..i really appreciate that...😄 gusto ko talaga na lahat tayo dito ay pumayat kaya dapat lang na maging dedicated ako sa weightloss goal ko kasi ako ang TS eh..kahiya naman kung magpapasimuno ako ng katamaran at katakawan..hehe..atsaka ngayong week lang naman ako nag-veg diet diba? hehe..sinubukan ko lang to..para kasing nag-plateau na ako sa hi-protein diet ko..e ok naman pala to..naamaze ako sa result...saka laking gulay naman talaga ako kaya di ako masyado umay...pero minsan masuka-suka na rin ako sa repolyo..yung kangkong ang pinaka-bet ko..hindi naman purely water lang ang pangboil ko.nilalagyan ko ng sinigang mix para naman magkalasa...kasi pinapakain ko din sa mga bata yung mga gulay..gusto din kasi nila ng kangkong... 😊

Saka pag puro gulay kasi e walang masyadong retained water..unlike pag may egg or chicken laging may water retention plus constipated pa..mas mabilis kasi idigest ang gulay e diba mga yung kambing nga mayat maya nga tumatae ng pasas hehe..pero di sila pumapayat kasi may protein naman kasi ang mga kinakain nilang grains at dahon kaya tumataba sila..

@sis romans828..wala pang tentative sked yung climb.kapag tapos na moving up ceremonies ng mga bata..By May na talaga.. magpopost ako dito at sa GT mountaineers thread...
Bata ka pa pala at ikakasal pa lang..naku baka kapag mabuntis at manganak ka lalo ka lolobo..ako nga umabot ng 80kg nuon sa maniwala kat hinde hehe.. 😄

Hello hushbaby! Halos magkatukayo pa tayo ha hehe..😊

Kapag nagkecrave ako i have 3 options: 1. give in to the cravings
2. Look for alternatives (healthy option or less evil option)
3. Kill the cravings

yung #1 ang pinakamadaling gawin. No need to elaborate.
Yung #2 medyo madali lalo na kung may readily available substitutes..like fruits for candies/chocolates..for chichiria, plain popcorn naman..
#3 pinakamahirap gawin yan, kasi either i brush off the idea of eating that food by thinking about the consequences of #1..so kung tingin ko ayaw kong mamoroblema sa mga susunod na araw kung pano papababain ulit ang weight ko, dun na nananaig yung disiplina 😊.. Other ways to kill that cravings ay:

1. Kain ng ampalaya (sa sobrang pait nyan ewan ko lang kung ganahan ka pa kumain ng matamis)
2. Kain ng gulay (green leafy vegs like cabbage, kangkong etc at okra, and other low glycemic foods)..mawawalan ka din ng gana dahil hindi masarap ang mga yan..
3. Kain ng high fiber foods like green mangoes at gulay pa rin syempre
4. Inom dami tubig..baka fake hunger/cravings lang
____
Kanina naggrocery ulit ako sa Puregold..then binigyan ako ng 1box of MAGNUM sticks for FREE! 😲 6pcs yung 1box! Sabi ko challenge to lalo nat nasa kamay ko na yung box hehe..pero nung maisip ko na baka naman pede next week ko na lang kainin yun..kasi baka mag-flat 50kg ako soon..sayang naman kasi ilang araw na lang siguro ang tatyagain ko at mayron na akong 2kg leeway if i want to pig out in the future....kaya ayun inilagay ko na lang sa freezer..2 sticks na lang natira ngayon dahil kinain ng mga anak ko at ipinamigay ko sa pamangkins..2 sticks na lang ang pagtitimpian ko hehe..😊

Madali lang talaga mag-give in sa cravings pero kapag naiisip ko yung mga pinagdaanan ko, yung time na ginugol ko para pumayat, parang ayoko munang magbinge eat..nanamnamin ko na lang muna ang fruit of my hardwork..kahit 2weeks lang..kung hanggang kelan mag-expire ang pagpipigil ko..hindi naman kasi habambuhay na magpipigil ako..at ang masasarap at nakatatabang foods ay nandyan lang naman lagi..hindi yan nawawala..pero ang oras tumatakbo yan..di ko nga namalayan 2mos a pala ako nagpapapayat..imagine kung nagprocrastinate ako sa pagdadiet at exercise e baka lumba-lumba na ko.hehe.. 😊

Kung bukas mag-50kg ako e kakain siguro ako ng pansit..😊

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #467 on: April 08, 2017, 11:52:22 pm »
ngayon palang ako mag eexercise hehe. kaso mejo namumuti paningin ko at nahihilo :( konti lang kasi kinain ko tapos onting water din. pag nahilo ako, mag aapple ako maya maya. hehe

ay uestion pala :D

ilang calories usually nabburn nyo ( estimate ) tuwing nag wwork out?
« Last Edit: April 09, 2017, 12:39:13 am by itt »

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #468 on: April 11, 2017, 03:28:23 pm »
Yayyy sa wakas pwede na magpost!
2 days ding nag-maintenance tong forum, tama ba?
Kumusta mga kapatid? Ako nag give in sa craving last Sunday, kumain kami ng kapatid ko ng Razons halo halo hehe.
Though di ko masyado pinagsisisihan. Work out later! :)

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #469 on: April 11, 2017, 06:00:09 pm »
Yaaay!na-miss ko din tong thread! Sunday ko pa ata napansin na under maintenance to..akala ko may prob lang ang account ko eh hehe..anyways..it's nice to be back! 😊

Uy sis romans828 kaninang 3pm ka pa pala nakapagpost..akala ko nga sa sunday na ulit mag-up tong thread..😊
Anyways, nun sunday kumain ako ng pansit kasi pablowout ng anak ko dahil 2x sya nagchampion sa academic competitions! Ang galing talaga ng anak ko!5yo lang yun ah hehe.. 😛

Pero di ako kumain ng spag tho di ko napigilan uminom ng mountain dew..napakainit kasi! Parang nasa impyerno! Nagworkout naman ako after that..at yung ice cream na magnum naipamigay ko na lahat kaya wala nang temptation! 😊

Then kinabukasan balik naman ako sa hi-protein diet ko..pahinga muna sa veg diet..tho nagba-vary ang meal plans ko..tulad ngayon more on fruits! Kanina canary melon ang binanatan ko.. Angsarap pala nun!crunchy sya, juicy at manamis-namis..then indian mangoes at tortang talong for dinner kanina..solb na ko..pero hindi na siguro ako mag-3rd session sa cardio exercise ko....

As of this morning ay 50.72kg ako (converted from lbs)..not bad kasi nga kumain ako ng maraming pansit at softdrinks nung sunday! 😄
Mag-green tea ako later..goodluck na lang sa insomnia! 😊

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #470 on: April 11, 2017, 08:49:48 pm »
Kakamiss nga nung mga times na di makapagpost haha.
Malalaman ko din bukas sa weigh in ko kung naglolose pa din ba ako. Hehe. 2 days kasi ako nagcheat day. Sorry na. Huhu.
But it felt good to be back on cross fit kanina. Sarap magpapawis!
Kumusta naman kaya ang ibang mga sis?

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #471 on: April 11, 2017, 09:22:27 pm »
yay finally pwede na magpost hehe. anyhoo, same yung weight ko kahapon at ngayon. 51.1ish hehe. kainis lang kasi feel ko mejo bloated ako ( 3rd day ko kasi ) so sana after nito bumaba pa weight ko hehe. eeeeeeep.pero mag flat 51 lang ako siguro for a few days happy na ako.  :D pero baka mag dark choco ako mamaya kasi masakit puson ko hehe :D

Serena.

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #472 on: April 11, 2017, 09:33:20 pm »
Hello po mga sis, since summer season, im trying my best to lose weight. Id like to frequent this thread to help myself. Anyway, share ako ng tips when craving:



1) I try to check first kung cravings ba talaga o kumukulo na ang tyan ko sa gutom..
2) if cravings talaga, I try to drink 1 bottle (500mL) of water
3) if after 5 minutes, i still think of that food, then I try to picture myself with all those love handles and double chin of mine, id remember how much i want to fit in those size extra small tops ive been keeping at the back of my closet
4) if all else fails, i simply remind myself, YOU HAVE TO WANT THE BODY OVER THE FOOD.

P.S. When budget permits, bumibili talaga ako ng ticket to boracay.. INSTANT INSPIRATION KO YUN PAG HIRAP NA HIRAP AKO SA GYM :)


I hope I was able to help, try ko mag post ng progress ko dito.. hehe pag meron na!

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #473 on: April 11, 2017, 09:59:43 pm »
^^ go sis :D kaya natin lahat to :) hehe may confession pala ako :( nag coke ako kanina na madaming ice :( pero hindi naman puno yung glass ko. hehe hindi ako makawork out pa. haist. di bale babawi nalang ako pag okay na ako hehe :)

post lang sis :D kami din naman ganun. paonti onti muna yung paglose. si sis hushhush yung expert talaga :D bilib nga ako sa disiplina nya na veggies lang. ako kasi more on calorie counting ginagawa ko saka binabawasan yung junk food hehe.
« Last Edit: April 11, 2017, 10:49:44 pm by itt »

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #474 on: April 12, 2017, 08:34:42 am »
After MD wala naman nangyare sakin :( weigh myself yesterday 54kg!! arghhhh. May effect ba sa weight pagmagkakaperiod na?  pero tuloy padin sa healthy eating.

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #475 on: April 12, 2017, 08:37:25 am »
^^sis Serene hello! na-aalala mo pa ko? nako ang sexy sexy mo kaya! nakikita ko sa ig mga post mo, grabe ang ganda ng flat tummy mo! nagbabawas ka padin ng weight?

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #476 on: April 12, 2017, 10:01:15 am »
^ mejo bloated ako sis eh pag magkkaperiod at pa meron. Hehe.

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #477 on: April 12, 2017, 10:48:33 am »
Weight update:

March 2, 2017 = 122.2 lbs (55.5 kg)
March 9, 2017 = 120.8 lbs (54.9 kgs)
March 16, 2017 = 119.8 lbs (54.4 kgs)
March 23, 2017 = 118.2 lbs (53.73 kgs)
March 29, 2017 = 117.8 lbs (53.5 kgs )
April 5, 2017 = 116.6 lbs (53 kgs)
April 12, 2017 = 117.2 lbs (53.3 kgs)


Ang sad, nag-gain ako. Huhuhu.
Anyway, I'll set a goal again para naman mas nakakamotivate. Last time kasi my goal is for my pag-abay sa kasal, eh tapus na yun, nag-petiks tuloy ako ng konti.

My next goal is 51kgs by May 20. Eto kasi ang summer outing with college friends so hopefully by then talagang makakapag-flaunt ako ng konti. Hehe. Note: Never pa ako nag 2 piece sa beach, medyo conservative and also di ko talaga keri. One piece lang lagi.

Congrats nga pala to your amazing anak, sis hushush. May pinagmanahan sa talino at pag-persevere ah. :)

Welcome sis serena and thanks sa mga tips! Mukhang madami din kami matututunan sayo :)

Serena.

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #478 on: April 12, 2017, 11:06:24 am »
@px17 sis salamat.. Sympre new year, new goal na ako ngayon hehe
Nagplateau na ako sa mga diet ko dati, kaya eto try ako ng iba

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #479 on: April 12, 2017, 12:03:33 pm »
nag gain ako ng .3 kg :( haist I still feel bloated T.T bili nalang ako uli ng prune juice mamaya hehe. sana after my period bumalik na uli sa 51.1 hehe. okay na muna na yun imaintain ko for a few days hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close