watch now

Author Topic: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)  (Read 50388 times)

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #420 on: April 06, 2017, 01:45:04 pm »
thanks sis @hushush! yung food intake talaga problem ko e. i still eat rice, mga half cup na lang.

Yan din prob ko nuon..pero kung malakas ka kumain e gayahin mo si sis ayi pinalitan nya yung rice ng lettuce or cabbage..kaya ayun naglose pa rin kahit wala exercise..

Grabe kanina hindi ko nakain ang lunch ko na okra at cabbage! Naexcite ako dahil nagchampion ulit ang anak ko..parang nawala ang gutom ko..peanuts lang nakain ko tuloy..anong oras na!need ko kumain ng cabbage at okra! 😄

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #421 on: April 06, 2017, 03:00:55 pm »
Hay salamat nakakain na ko ng cabbage at okra..inabutan na ako ng snack time hehe..

Kung magpi-51.0kg ang weight ko bukas e magpo-post ako ng Before and After photo ko! Ipagmamalake ko talaga ang achievement ko hahaha! Wish ko lang mag-51kg ako bukas!! 😄

(Pampa-inspire lang para hindi ma-tempt mag-binge eat.na-skip ko yung lunch ko e hehe. 😆)

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #422 on: April 06, 2017, 03:07:32 pm »
nag weight ako ngayon ( since ngayon lang naka poop, lol ) 52 flat na akoooooooo! so happy hehe. sana next week 51.5 na ako or if kaya 51 din hehe :D

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #423 on: April 06, 2017, 03:34:57 pm »
^congrats sis itt! O magpost na tayo ng Before and After pic bukas..wag na hintayin ang day7! Anubeyan! 😄

ambitious

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #424 on: April 06, 2017, 04:02:53 pm »
sis px17 mahirap sabayan yang si joanah soh, masyadong mabilis at kaunting rest lang pag sinabayan mo sa YT

1 month work out, 1 month no rice, 1 month less sugar and still no significant changes with my weight what is happening to me??

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #425 on: April 06, 2017, 06:21:23 pm »
^^ are you getting enough sleep?

or baka sira yung timbangan nyo sis

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #426 on: April 06, 2017, 06:55:24 pm »
^^Hello sis ambitious! We want to help you..para di lang kami ang masaya dito na naglo-lose ng weight...😯
kung no rice ka at less sugar pero more than 2000cal pa rin nakakain mo per day, kahit nagwo-workout ka pa araw- araw, hindi ka pa din maglo-lose..baka pede mo ipost dito yung meal plans mo every day?
Kasi ako ilang years din ako no-rice..pero tumaba ako dahil sa ibang food na matataas sa calories like noodles, french fries..pasta..etc.. no rice at less sugar nga sis yung mga yun, pero super hi-calories naman.. 😊in short baka binabawi mo sa ibang food yun calorie deficit mo from sweets and rice to complete yung nakasanayan mong daily calorie intake..

Kaya need mo i-assess sis ang mga kinakain mo..hindi porke di ka kumakain ng rice at sweets e you can expect to lose kung hindi din naman nabawasan yung total daily calorie intake mo..let say bago ka magdecide magpapayat ay 2000 cal ang normal kain mo..then binawasan mo ng rice at sweets..so dapat maging 1300cal na lang..pero yung 700 cal deficit binawi mo sa ibang foods kasi nga di ka sanay na gutom..so baliwala din..break even ka lang.di ka talaga maglo-lose..kasi hindi nakapag-adjust yun stomach mo..it will still be craving the same amount of food that causes you to gain weight..

Isa pang possible reason ay baka naman starvation mode ka lagi then it causes your body to switch into "safety mode" dahil nagwo-workout ka tapos hindi naman enough ang kinakain mo..san kukuha ng energy yung body mo?..baka mag-collapse ang body mo kung iba-burn ni body mo ang fat reserve mo...para kasing machine ang body natin..may sariling mechanism..kapag natutunan mo how to properly operate your body like a machine, it will turn into a "fat-burning machine" 😄

Another possible reason ay baka naman puro waterweight ka..baka need mo magdetox para maflushout yan..siguro naman kahit 2-4kg matatanggal sayo..😊

candacena

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #427 on: April 06, 2017, 08:33:33 pm »
Sis hushush san ka nabili ng popcorn?? Pwede ba yung sa 711??

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #428 on: April 06, 2017, 09:12:14 pm »
^hello sis! May popcorn ba sa 7-11 na freshly popped at ini-scoop from popcorn machine, ganun ang kinakain ko..5 pesos nga lang per plastic...panalo! kahit medyo makunat dahil mukhang low quality ang grain unlike sa SM cinema na crunchy.. basta wag mo lang palagyan ng butter..konting salt or cheese flavoring will do.. 😊
Wag yung kettle corn yung matamis ha na parang caramel corn..para kang kumain ng asukal nun..dapat yung fiber ang kainin.. 😊

Gusto ko itreat sarili ko bukas..i want to eat halo-halo..kaya lang baka magkaproblema na naman ako..hay...hanggang kelan magtitiis... 😣

candacena

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #429 on: April 06, 2017, 10:43:00 pm »
^try dark chocolate sis. para masatisfy ka. hehe. sabagay iba iba naman tayo. hindi ganun sis..naka balot tapos ipapasok sa microwave at dun na mag po-pop. try ko pumunta dun sa 7-11 kung meron. kaso mahal ata nasa 30+

izabelle

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #430 on: April 06, 2017, 10:52:13 pm »
Malaking bagay ang sleep. Night shift ako sa work kaya sobrang pangit ng schedule ko, mas mabagal mag lose ng weight kapag ganito. Pero tyagaan lang and huwag mafrustrate kapag mabagal progress.

Nung 1st month ko, sobrang bagal ng progress para walang nangyayari pero nung 2nd and 3rd month, bumilis ng konti.

125 pounds nalang ako ngayon (last week I was 126), minimal diet lang ginagawa ko. Rice pa din ako ng Bfast and lunch. Dinner talaga ako nag diet ng sobra kasi last meal na ito.

3 weeks na ako halos walang work out kasi wala ako masyadong sleep.

Kayang kaya yan mga sis. Every time na parang nakakafrustrate, isipin lagi ang goal. :)

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #431 on: April 07, 2017, 03:22:43 am »
Good Friday morning fellow weight watchers!

Eto opinion ko lang to ha..i think wala naman sa kung kulang ka sa tulog o sobra ka eh..kasi pede mo naman bawiin yun pag-uwi mo from graveyard shift..unless di ka natutulog pagdating mo ng bahay puro lamon ka pa rin..may kapitbahay nga kami na call center agent pero sobrang payat nya. 3 na anak nun malalaki na..kasi pagdating nya ng house naglalaba pa sya..sangkaterba nilalabhan kaya parang exercise na yun sa kanya kasi handwash sya..
I think nasa kain talaga yun e hehe..diba yung mga drug addict kadalasan payat..ako nga nasasabihan lately na mukha na daw akong ito-tokhang kasi bigla daw ako pumayat..sabi ko sa isip-isip ko "lul!inggit ka lang..pinaghirapan ko to no!at least sexy na ulit ako!" 😄

Hindi nga ako nakakatulog pag siesta..kung makatulog man tulog-manok lang..siguro 5-15mins..mas nakakataba nga daw yung tulog ng tulog lalo na pag kakakain lang..

Anyways...about my weight..eto nakaka-amaze talaga..kasi from 51.5kg kahapon ay 50.8kg na ako as of this morning.. 😲 Baka may sira ang timbangan ah! Ma-counter check nga sa mercury mamaya! Pero nakita ko naman ang result sa body ko..ang tummy area ko lumiit! Dahil na rin sa neoprrne belt! Yung legs ko pumayat.ang braso nag-sag hehe! Yung binti ko lang ang malake dahil sa kai-spin..puro muscles! Sabi ko nga sa mister ko pede na ako magswimsuit! 😍 Magpost ako later ng Before and After pic with my weight update as i promised yesterday hehe. hindi pa ako na-poop eh! 😄Mag-spin ako pamaya-maya..tamad pa e hehe..
« Last Edit: April 07, 2017, 03:24:56 am by hushush »

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #432 on: April 07, 2017, 08:36:37 am »
Good morning sisters!

sis hushush wow!! I'm so happy for you! 0.8kg nalang aalisin mo. graduate ka na!

sis itt kamusta ka naman?

sis ambitious kayang sabayan si joanna soh. Kailangan lang motivated ka talaga. Hindi ako sporty na tao so hate ko talaga mag exercise pero push. Kapag nag enroll ka sa circuit training same lang ng phase kay joanna soh. Ang key dun wag mo sabayan kung ilan ang nagagawa niya basta magawa mo ng tama, mas okay un. Tsaka kaya 20 sec rest diba ang purpose nun magpump yung heart mo para mag burn ka ng calories.

Nagtimbang ako kanina after magpoop at wiwi, 53.4kg,  0.4 lang nabawas sakin after 3rd day of MD. Siguro dahil nag chocolate ako? Titignan ko after a week kung mababawasan nga ako ng 2kg.

sis hushush check mo naman to dapat maka 1300 cal lang ako today or below. Kumain kasi ako ng isang pirasong silvanas

bfast: sandwich (2 wheat bread, 1 tomato, 1 scrambled egg, slice of ham)
snack: 1/2 sweet potato
lunch: nilagang baboy (isang slick ng pork tas gulay na)
snack: 1/2 sweet potato
lunch: kung ilang calories nalang pwede kong kainin :)

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #433 on: April 07, 2017, 09:24:34 am »
Good morning sis px17! Maya na ko magkekwento..
Eto kinalculate ko agad yan as per info sa web ha.estimates yun iba:
Sylvanas: 250cal (not sure about the serving size ng kinain mo
2 wheat breads: 182cal
Tomato: 30cal
Egg: 80cal
Ham: 200cal
1/2 sweet potato: 75cal
1 slice pork: 200cal

Total: 1017cal

Yun trick dyan, kain ka na lang ng boiled cabbage then mag-exercise ka.kung maka-200cal burned ka pede ka pa eat ng worth 200cal for dinner..opt for cabbage or kangkong na lang.. 😊

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #434 on: April 07, 2017, 09:31:38 am »
^thank you sis! ang heavy pala ng sandwich ko. next time gulay nalang ilalagay ko.

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #435 on: April 07, 2017, 09:52:11 am »
Ok so after eating cabbage and chicken meat stips and drinking water, nagpunta ako sa mercury drug kanina to counter check my weight and other measurements..so natuwa naman ako dahil maganda ang BP ko unlike before na sobrang baba..other measurements ay ok naman..except sa weight..lalo akong nashock nung makita kong 49.7kg ang weight ko..
So nilapitan ko yun guard at asked ko sya kung kina-calibrate regularly yung machine nila..oo daw then diniscuss ko yun issue ko..indi ako satisfied sa sagot ng guard kaya i just assumed na uncalibrated yun weighing scale nila..

So muwi ako ng house and i stepped on my digital scale again. 50.8kg pa rin ang reading..so mas paniwalaan ko na lang yun scale ko..baka maya masyado akong maging complacent at magbinge eat na naman ako hehe.

Here's my Before and After pic. Actually kahapon ko pa yan tinake @51.5kg...tamad kasi ko magselfie today..ipapakita ko sana ang tummy area ko eh LOL!! 😂 may hapon alisin ko na yan..

Nga pala, may nakaka-experience ba senyo ng burning sensation anytime of the day..like parang naba-burn yung fats?like sa likod..sa legs..tummy area.. Naeexperience ko lately this week..ganto yung experience ko nuon last time nagpapayat ako..akala ko rare experience lang yun.. i think yun yung transition ng body natin into being a "fat-burning machine" 😊 oh well! Please dont stop burning for me!! 😄
« Last Edit: April 07, 2017, 02:52:06 pm by hushush »

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #436 on: April 07, 2017, 09:59:27 am »
nag timbang ako ngayon :D 51.7 ang sayaaaaaa. mag pprune juice muna ako today for fiber hehe. and Ill try to keep my calorie intake to 1500 or less hehe sis hushhush kainggit kaaaaa :D sana ako din ganyan na soon. didnt take my before pic kasi nahihiya ako sa sarili ko.

feel ko mejo malaki pa din hita ko. pero kasi mag oone month palang talaga ako na nag sseryoso hehe. pero it's not n excuse. hehe.

sis hushhush ang galing ng before and after pic mo :D mas nakakainspire kasi makikita na nag wwork talaga :D

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #437 on: April 07, 2017, 10:07:40 am »
^congrats din sis itt! Ambangis mo din ha! Humahataw ka! Baka next week 50kg ka na din..wooot!😄 siguro nagtatatalon ka sa sobrang tuwa.. Yung after pic na lang ang ipost mo kung wala kang before pic ha?

chiqmom

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #438 on: April 07, 2017, 10:10:10 am »
^waah ang galing! congrats hushush! tamang tama for summer, beach body na!

nagccrave din ako ng popcorn  :o yung salted lang.


sis itt, congrats din!

ang dami ko pa need iloose. i'm bordering obesity na kasi. depression yung factor ko. i ate and ate as my way of saying 'i no longer give a f***". years din bago ako nagising. hehe although it was not like i was depressed those whole time pero somehow, i went to the point na inaccept ko na weight ko. i would buy big clothes and when they dont fit me, i would eat more. alam ko weird pero ganun nangyari sakin. hehe

glad i'm back to loving myself, and taking care of my body. dati ayoko masyado tinitingnan body ko sa mirror. pero kahapon habang nasa gym, may malaking mirror sa harap ko, and for the first time again, i found myself loving the way I look now. Yes, still fat, but i can now see the glow. so forward I go until makuha ko dati kong timbang! :)

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #439 on: April 07, 2017, 10:20:58 am »
worried lang ako sa sun kasi may staycation kami ng family ko baka mapakain ako :( semi bday celeb ko din kasi T.T  yung dark choco ko gusto ko na kainin as treat kaso nagguilty ako :( natuwa ako kasi may shirt ako nafeel ko para lumuwag ng onti hehe ewan ko kung ganun na sya talaga dati or lumuwag lang sya or talaga pumayat ako hehe


yung sa akin sobrang pinigilan ko kumain :( as in. pag nag mmall hindi na talaga gaano. yung happy lemon ko bihira na. kahit jamba juice :(

ay babalik pala ako sa lemon water uli hehe :D
« Last Edit: April 07, 2017, 10:24:01 am by itt »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close