watch now

Author Topic: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)  (Read 50491 times)

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #440 on: April 07, 2017, 10:36:33 am »
^sis hushush ang saya ko for you! ang laki ng pinayat mo! sakin parang wala naman nagbago. magpopost ako mamaya kayo na magjudge. Yung before pic ko nasa 56kg ako nun sure ako. tapos today 53.4kg ako. ay parang nag bago na isip ko, pag post nalang ako pag 50kg na ako. hahaha

sis itt! sakin 0.4kg lang nabawas. :( kakalungkot. after 4 days mag MD ulit ako.

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #441 on: April 07, 2017, 11:02:14 am »
ako din naman onti :( hindi ko na kinain yung icecream kagabi hehe. or baka sis may malolose pa tayo in the next few days? kasi di naman siguro mag ttake effect agad yun :D let's keep our hopes up. mag pprune juice ako mamaya hehe. mag papaka ambisyosa ako na sana by april 15 maging asa range ako ng 50. lol

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #442 on: April 07, 2017, 11:03:06 am »
ako din naman onti :( hindi ko na kinain yung icecream kagabi hehe. or baka sis may malolose pa tayo in the next few days? kasi di naman siguro mag ttake effect agad yun :D let's keep our hopes up. mag pprune juice ako mamaya hehe. mag papaka ambisyosa ako na sana by april 15 maging asa range ako ng 50. lol  kaso impossible ata to lose 2 kg ish in a week hehe

hushbaby

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #443 on: April 07, 2017, 11:24:00 am »
Hi mga sis, meron bang naka try sa inyo ng gluten free diet? I'm doing it kasi for 2weeks now. Mahirap pero kailangan kong gawin kasi I found out recently na I have gluten intolerance. After 2weeks of gf diet, nawala na symptoms ko and nag lose ako ng 4 lbs. From 127 to 123 lbs today. Nagtrigger sa kin yung barley at wheat bread. Grabe yung sakit ng tiyan, chronic diarrhea,headaches,bloating, gas,joint pain, palpitation,fatigue,etc.. and so far, wala na yung mga symptoms na yun.sana lang magtuloy tuloy kaya grabe pagpipigil ko kumain ng bread, sweets, pizza at pasta. Meron namang gf options sa healthy options pero pricey. Sana kayanin ko to :(

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #444 on: April 07, 2017, 11:41:34 am »
^^sis itt oo nga baka after a week magbago pa. push lang tayo. Sana by next tues 51.8kg na ako or lower. More diet and exercise! Goal ko by March 28, 50kg.

^sis hushbaby di ako familiar dyan. wait natin sumagot ibang sis dito.

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #445 on: April 07, 2017, 12:37:21 pm »
for brunch, I had kalabasa and prune juice hehe no rice yun ah? nag ccrave ako sa potato ng tacobell though hehe.  yun nalang carbs ko for the day. hehe tutal maliit lang naman yun. siguro di naman mag oover sa 1500 cal yung intake ko today. plan ko mag apple nalang mamaya merienda or banana. hehe

pero parang gusto ko din mag sweet corn on the cob mamaya hehe i ssalt and pepper ko nalang. hehe walang butter ^_^

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #446 on: April 07, 2017, 02:43:39 pm »
^sis hushush ang saya ko for you! ang laki ng pinayat mo! sakin parang wala naman nagbago. magpopost ako mamaya kayo na magjudge. Yung before pic ko nasa 56kg ako nun sure ako. tapos today 53.4kg ako. ay parang nag bago na isip ko, pag post nalang ako pag 50kg na ako. hahaha

sis itt! sakin 0.4kg lang nabawas. :( kakalungkot. after 4 days mag MD ulit ako.

@sis px17

Ipost na yan!bakit ka ba mahiya!
Ako nga una ako nagpost nung 52.8kg ako..kasi ang goal ko lang nuon ay 52.0 di ko akalain na maaabot ko ang 50kg..

Wag mo na ulitin yung MD baka hindi yung yung right diet for you to lose weight..itry mo yun approach ko..baka maging fat-burning machine ka din hehe..

Hay nakakain ako ng pita doner na chicken with vegs kasi nasa mall kami ngayon..275cal pala yun..pero oks lang nag-cabbage ako kanin lunch...baka ma-anemic naman ako kung sobrang kulang sa carb at protein..dapat yun aboy's lumpia eh.nakabreak yung tindera..ang arte ko tuloy.."kuya, wheat bread ha? Yun bang white sauce mayonnaise ba yun? Ayoko nun ha..ayoko din ng spicy ha..mapapalakas kain ko nun."
« Last Edit: April 07, 2017, 02:50:38 pm by hushush »

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #447 on: April 07, 2017, 02:48:17 pm »
ako din naman onti :( hindi ko na kinain yung icecream kagabi hehe. or baka sis may malolose pa tayo in the next few days? kasi di naman siguro mag ttake effect agad yun :D let's keep our hopes up. mag pprune juice ako mamaya hehe. mag papaka ambisyosa ako na sana by april 15 maging asa range ako ng 50. lol

Maige ngat di mo nakain..baka mas maglose ka kung no ice cream..kayang-kaya mo yan 50kg until next week kung mag-veg/cabbage diet ka tulad ginawa ko..try nyo nga after ng MD nyo..

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #448 on: April 07, 2017, 04:16:39 pm »
nag prune juice ako kanina ( lunch time ) tapos napoop na ako ngayon :D mas gusto ko na sya kesa sa dulco. hehe onti lang nabaas sa weight ko pero feel ko kasi may round 2 pa eto. lol mga 51.6 na ako from 51.7 kaninang morning with no poop. lol sana after round 2 mag 51.5 hehe pero mag wwater na ako baka madhydrate ako hehe

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #449 on: April 07, 2017, 04:44:26 pm »
^congrats!😊talagang continuous ha..good to know na di ka na nagdu-dulco..good girl ka naman pala e hehe..e yung slimming pills mo di mo pa kinoconfirm kung itinigil mo a ah..

Ay teka mareplayan nga yung ibang post nina chiqmom..

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #450 on: April 07, 2017, 05:23:15 pm »
im eating corn on the cob now :D eto na dinner ko hehe asa 155 cal sya. didnt put butter na. salt lang. might eat 2 hehe. below1500 cal pa din makakain ko today hehe ang sayaaaa :)

timetraveller

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #451 on: April 07, 2017, 06:06:12 pm »
I used to weigh 53-54 kg (this was last year, April 2016). A little chubby for my height (5 flat) then I met my boyfriend at Tinder and nag-decide kami mag-meet so na-motivate ako to lose the extra weight ;D

Nag-risk na ako sa crash dieting, 1000-1200 calories a day and 30 minutes of dance workout. Laki ng pinayat ko and noticeable ang pagliit ng tummy ko nun. From 54kg to 50kg after two weeks. Tinuloy tuloy ko ang workout pero ang diet hindi, though may moderation pa rin. I make sure I don't exceed 1,700 calories a day and I reduced my rice intake. One rice meal per day na lang ako. I also lessened sweets (this was so hard kasi I'm a sweet tooth). Iniisip ko na lang, mas masarap mag-crop top kesa kumain ng leche flan hahaha! ;D

I felt healthier and lighter. I also gained more confidence. Dami nagsabing lumabas daw ang ganda ko nung pumayat ako (not kidding). My insecurities lessened too, hindi na ako naiinis kapag may nakikita akong sexy na chix sa IG or FB tapos naka-bikini ;D hahahaha!

Right now my walking weight is 46-47kg. I have my cheat days too, but I make sure I burn them and I don't binge eat the days after.

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #452 on: April 07, 2017, 06:10:47 pm »
^^ wow :D ang galiiiiing. right now, my target weight is 50kg. pero shempre mas maganda kung mas less pa hehe. kayanin ko kaya yang 46-47? hehe pero seriously, Im fine with 49 or 48 hehe :D

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #453 on: April 07, 2017, 07:19:47 pm »
^^sis timetraveller

Ikaw pala ang pinakamalupet sa lahat! 46kg? Huwaaaw!👍 Hirap imaintain nun.. 👏

Sis baka pede mo ishare sa amin ang usual daily meal plans mo.. 😊

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #454 on: April 07, 2017, 09:31:28 pm »
Abg dami na agad messages! Haha.
Hello sissies!
I'm travelling to Manila now, I came from Atimonan today. Ang saya lang kahit di ako baka exercise kahapon dahil umabay ako, naghike kami kanina! First time ko. :) umakyat kami ng bundok, ako lang babae tapus 10 na lalake kasama ko. Haha. Grabe and steep ng mga dinaanan akala ko di ko kakayanin pero iba talaga pag kahit pabu nag wowork put ka. Di ako agad nakaramdam ng pagod o hingal at di naman ako naging pabigay sa kanila kahit na inaalalayan nila ako lagi dahil first time haha. Fulfillment. Ang saya. Tagal ko na pinalano umakyay ng bundok pero ngayon lang, related sa work pa. Haha. Yung papunta namin nagtrek kami ng 1 and 1/2 hours pataas at pababa yun tapus ang kinain ko lang 1/4 na tanigue fish at kalahating skyflakes nung lunch. Kaso pagbaba namin naramdaman ko gutom ayun napakain ng chami, buko halohalo at lumpianada haha. Yan ang prob ko pag di ako kumakain agad napapabinge eat ako.
Anyway, di ko makita yung pinost na pic ni sis hushush bakit ganun?
Panu pala magpost ng pic dito? Hehe.
Nakamobile lang kasi ako. Though nahiya naman ako kasi I'm still at 53 haha.

rizzabb27

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #455 on: April 08, 2017, 02:46:32 am »
Hi mga sis i was browsing my photos from before up to present. And yea natutuwa ako at mejo namamayat na ako. So as of now 68kg ako from 73.5kg last feb13.
And i took a photo of my tummy pala last march 13 and took another one earlier and yes! May korte na ng konti 😂 ewan ko lang paano mag attach ng photo dito para mashare ko sana

missgoodvibe

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #456 on: April 08, 2017, 05:01:05 am »
Hi girls! Im currently 60kg :( Dati 53 kg lang ako. Sobrang laki ng na-gain ko within 1 year.


Well dati ako 60kg din, 5 years ago tapos na-achieve ko 53kg stable for 4 years. Now I'm struggling na maibaba yung weight ko. I workout 4-6x a week. Buhat sa gym.  Well Im proud of my booty gains though, from 34 to 37inches. Lol. Pero ang laki ng waistline ko now from 25.5 to 26.5in (pag gutom). Lol.


How do guys do it? Pansin ko lang sobra lakas ko mag-crave. May maisa-suggest ba kayo pangpawala cravings? And also napansin ko mas mahirap maglose weight pag tumatanda. May factor ata talaga ang age. I'm now 26 y/o. Dati nung 21 y/o ako parang bilis lang payat na ako. Ngayon struggling na talaga.

Need help! :(

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #457 on: April 08, 2017, 06:03:58 am »
^^Hello sis romans828

Namiss kita antagal mo naman magpost hehe..si sis ayi din hindi nagpost ng weight update nya....musta naman ang event?ang gown.. Naghiking ka pala! So nagusyuhan mo din ang hiking? Baka gusto mo dayhike tayo minsan sa nasugbu next month..hehe..plan ko kasi mag-organize next month ng dayhike sa mt.batulao..one of my favorite mountains..sana sasama din yung ibang sisses natin dito.parang 1st eb/geto na natin.. 😊

^sis missgoodvibes

Welcome to the thread sis! Ang bata mo pa..dapat maganda pa ang metabolism mo..ako nga mag-36 na eh.kaya ayun need talaga ng workout daily if i want to lose weight, hindi pedeng diet lang..
Backread ka sis kung ano-ano mga ginawa namin to lose weight... madugong proseso din kasi..indi yung basta lang nagdiet o basta lang nag-exercise...may mga ups and down moments din kasi..need mag-analyze, mag-experiment, mag-observe..higit sa lahat, execution at determinaion 😊

Yung mga attitude na pinairal ko nuon bukod sa disiplina ay sipag sa pagreresearch at pagbabasa/pagbabackread..😊

izabelle

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #458 on: April 08, 2017, 06:05:26 am »
Good Friday morning fellow weight watchers!

Eto opinion ko lang to ha..i think wala naman sa kung kulang ka sa tulog o sobra ka eh..kasi pede mo naman bawiin yun pag-uwi mo from graveyard shift..

True sis nasa food pa din talaga pero Kapag mabagal ang metabolism sis tapos night shift pa mas babagal lalo ang metabolism.

There are people kasi na mabilis talaga metabolism nila kaya kahit night shift keribells lang. pero may mga tao na yun nga mabagal metabolism so lalong bumabagal because of pag pupuyat.

Kahit 8hrs pa matulog ang isang night shift na tao, iba pa din yun sa tulog na "normal" e. Pangit talaga ang night shift haha!

Mas maganda ang normal schedule. :)  but at the end of the day, shouldn't be an excuse talaga. Dapat watch the food that we eat talaga. :)

hushbaby

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #459 on: April 08, 2017, 11:13:31 am »
Ano ginagawa nyo pag nagki crave kayo? Kahapon pa ako nagkicrave ng halo halo. Nagdala pa ng cake tita ko. Umiinom na nga lang ako ng tubig pero natitempt ako. Haha ang hirap nga pag nagkakaedad na dati mabilis din ako pumayat nung nasa 20s pa pero now na late 30s ang hirap na. Parang half kilo ang nalu lose ko per week. Usually boiled kamote at saba snacks ko. Tapos umorder ako sa superfoodgrocer para maiba naman. Try KO din yung meal plans nyo. Di ko pa na try yung boiled kalabasa at kangkong. How much ba usually ang nalu lose nyo per week? I'm trying to squeeze in some exercise, yung zumba at hiit sa youtube pero madalas di ko nagagawa kasi walang yaya ang kids ko ngayon.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close