watch now

Author Topic: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)  (Read 50084 times)

Evolet027

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #160 on: March 16, 2017, 07:43:32 pm »
Nabawasan na ko ng 7kilos

Boxing and kasama nung iniinom ko na diet tea. Nabili ko online from Japan. Nakaka dehydrate nga lang, need uminom ng lots of water. Pero ohkay na din. :)

chiqmom

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #161 on: March 16, 2017, 11:05:25 pm »
^anong tea yan sis?


I lost 2 kilos na. Slow progress lang pero I'm super happy. Long way to go pa!

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #162 on: March 17, 2017, 12:07:38 am »
@evolet anong tea sya? :D

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #163 on: March 17, 2017, 06:06:46 am »
Good morning mga kapatid sa pagpapa-payat! :)

^ sis Evolet027 at chiqmom. Hello sa inyo. :)
Ingat-ingat sa slimming teas..maraming side effects yan..nakagamit na kasi ako nyan when i was 22yo :)

==

WEIGHT UPDATE:

57.3 kg (feb 8, 2017)
56.5 kg (feb 13, 2017)
55.3 kg (feb 17, 2017)
54.7 kg (feb 25, 2017)
54.1 kg (march 3, 2017)
53.4 kg(march 10, 2017)
53.2 kg(march 14, 2017)
52.8 kg(march 17, 2017)

4.5kg lost weight in 37days :)

Medyo nahirapan ako mag-exercise yesterday because of my AF. kaya one session lang ako..sana maka-2 sessions ako today at tomorrow.. :)

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #164 on: March 17, 2017, 01:01:11 pm »
^^ sis gaano ka katagal mag exercise? tapos everyday ba?

Romans828

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #165 on: March 17, 2017, 01:49:44 pm »
Ang galing sis hushush! :)

Ako naman, hindi nakapagcrossfit yesterday.
Accountant problem, year end kasi, dami tinatapus sa office. Hopefully next week ma-sustain na thrice a week na exercise. Hehe.

Wow sis Evolet027! Safe naman daw yung tea?

px17

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #166 on: March 17, 2017, 04:17:54 pm »
Evolet027 sis papm namna sakin san mo binili at anong tea yan :)

brandi

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #167 on: March 17, 2017, 04:49:21 pm »
Gusto ko din try. Saan mo habili sis?

brandi

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #168 on: March 17, 2017, 05:31:24 pm »
Sige sis wait ko thanks!

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #169 on: March 17, 2017, 07:03:09 pm »
Paalala lang sa mga sis na ngpo-promote ng SLIMMING TEA at APPETITE SUPPRESSANTS sa thread na ito: May separate threads po tayo para dun.pakihanap na lang po.

And sis Evolet027, kung talagang SAFE yang slimming tea mo, bakit nakakadehydrate? Anything po na nakaka-dehydrate ay hindi safe.

Evolet027

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #170 on: March 17, 2017, 07:15:22 pm »
^ sorry sis. ni remove ko na yung post ko. nabanggit ko lang naman at hindi ako nag po promote. I was in this thread before pa and saw some sissies na binabanggit din mga iniinom nila na teas and pills. Bawal na pala magbanggit ngayon. SORRY ulit. :)

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #171 on: March 17, 2017, 08:18:42 pm »
Ok sis.pasensya ka na din..wala ako natatandaan na may nagpost dito na umiinom sya ng slimming tea..kung meron man ay hindi nya binanggit ang brand at source..meron dito HCG diet pero sa kabilang thread sya nagbibigay ng details about it.. :)

DIY diet at support thread kasi itong thread. :) Meaning kung nagda-diet ka or plan mo mag-jumpstart ng weightloss regimen ay pede mo ishare at ipost dito yun mga diskarte mo or kinakain mo araw araw or exercise routines mo to help motivate yourself. or kung gusto mo makahanap ng karamay sa ginagawa mo, manghingi ng ideas/advice, etc... Ok lang naman yung statement mo na gumamit ka ng slimming tea as part of your diet. Choice mo yun. Pero kung may naligaw lang na nagko-comment to inquire about the brand at source ng slimming tea mo ay OT na po iyon at meron naman talagang separate thread for that :) or pede sa pm kayo mag-usap about the details... :)

Saka against lang talaga ako sa slimming teas/slimming pills..i have my own bad experience when i was young and naive kaya ngayon na matanda na ako at tutal ay sandamakmak naman ang infos sa web ay nagtatyaga ako sa proper (kundi man healthy ay at least less evil) diet at exercise para pumayat..at ito rin ang sine-share at pino-promote ko sa thread na ito. Sa sinomang may tyaga at disiplina na pumayat sa mabagal pero safe na paraan... :)

Ang pinagtataka ko pati, kung nagbo-boxing ka naman frequently sis, bakit kelangan mo pang mag-slimming tea? :)

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #172 on: March 17, 2017, 09:52:45 pm »
@hushhus sis edit ko nalang din yung post ko. nabanggit ko ata yung tinitake ko  na slimming pills. :(

actually sabi ko sa sarili ko if something off happens isstop ko talaga yun ( max 1 box lang din limit ko sa sarili ko)  Gusto ko lang din kasi mapabilis ng onti yung pag slim down ko. may appetite suppressant yung akin pero parang hindi ko feel na nawawalan ako ng gana kumain :( di ko sure if iba lang formula ng akin or may mali lang talaga sa akin.


I tried GM diet before and malaki talaga na lose ko but then I pigged out the week after. as in puro junk halos kaya mejo na gain ko din more than half ng nalose ko :( Iniisip ko isabay sya uli sa tinitake ko at work out kaso baka mag faint ako hehe.

---

ayun hindi ko namention pala :) anyhoo aask ko lang sana if safe makalose ng 2-3 kg in a month?
« Last Edit: March 17, 2017, 09:54:51 pm by itt »

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #173 on: March 18, 2017, 04:29:48 am »
^sis itt. 2-3kg weightloss per month or 0.5 - 0.7 kg per week ay safe naman. Kasi ganyan ang weightloss rate ko ngayon.. :) magvitamin supplement ka lang..araw-araw ako nag-spinning exercise 2-3 sessions a day. Then i watch out what i eat. I see to it na laging may gulay or fruit per day. May hi-protein lagi and less to no carb. Basta within or less than 1200 cal per day dahil yun ang calculation ko. At iwas na iwas ako sa matatamis at salty. At processed foods. I just eat it on my cheat day though. Pero in moderation din. Then inom lagi madami water after eating sweets/salty para hindi madehydrate and to extend your satiety. Pag kulang ka sa water akala mo gutom kaya minsan napapakain ka. Kaya ugaliin mo inom muna ng maraming water kapag naiisipan mo kumain.
 
Kung gusto mo talaga sis mapabilis ang pag-slim down mo, iwasan mo talaga ang frequent pigging- out/bingeing. Kasi masisira talaga kung ano man yun mga nasimulan mo na. sayang eh. May moments din naman na gusto ko mag-pig out kahit wala pang cheat day as in minsan naglalakad ako sa lugar na napakaraming pagkain at gusto ko bumili ng kung anong magustuhan ko at kumain.. dapat mo talaga kontrolin ang sarili mo kundi eh hindi ka talaga magsa-succeed sa weightloss goals mo :) Lagi kang failed at madedepress ka lagi.. :(

Pag nagbi-binge eat ka kasi mag-spike ang blood sugar mo. At kahit di mo na cheat day mate-tempt ka pa din kumain nang kumain..2-3 days yan bago magsubside. Napansin ko lang sa sarili ko.Sa 3days na yun dapat makontrol mo na sarili mo na bumalik sa diet mo para hindi masira yun mga nasimulan mo. Kaya ayoko din kumain nang marami kapag cheat day ko para di ako masyado mahirapan bumalik sa diet ko.

Kumain ka nang kumain ng ginisang ampalaya para mamatay ang cravings mo. guaranteed yan dahil natry ko na yan. it can lower down your high blood sugar and suppress your big appetite. May mga natural appetite suppresants naman kaya di mo need magtake ng gamot.safe pa..need mo lang iresearch at itry :) itry mo din mag-juicing diet napakalaking tulong nun sakin nun nag-uumpisa pa lang ako..araw -araw umiinom ako ng freshly juiced apple nd cucumber. Natural diuretic to flush out your water weight and suppress your appetite. :)

Disiplina po talaga. tyaga.focus. determination.lagi mong alalahanin bakit gusto mong pumayat. :)

sweet angel

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #174 on: March 18, 2017, 10:56:50 am »
hello mga sis! haba ng backread ko  :D pasali
   
sis hushush, sa juicing mo nung umpisa ilang apples at cucumbers?

 66-67 kilos ako, tama ka di ko makita masyado sa analog scale kung ilan ba talaga hahaha target ko mga 55 end of the year. almost 40 na ako kaya sobrang bagal ang metabolism, sana makaya ko. di ko kerri magcalorie counting kaya balak ko less lang muna sa food intake, no soda at iced tea, walk sa treadmill at least 30 mins a day, kaunting floor exercise at stretching.

problema, stress eating ata ako, sobrang dami ng gawaing bahay at kulit ng kids nadadaan ko sa kain. plus sobra ako magcrave sa sweets, tapos pagbumili naman ako choco, nauubos ko agad :( di din ako mahilig magluto, kumain lang hahaha kaya need ko maghanap yung madali lutuin pero healthy at makakatulong sa pagpapapayat ko.

itt

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #175 on: March 18, 2017, 12:47:46 pm »
sis @hushhush actually mahina ako sa rice. half rice lang ako lagi sa meals pero weakness ko ang sweets :( saka midnight snacking ( buttered corn wth cheese) lol ngayon, I try to minimize it pero kasi magkakaperiod na ako so ayun lol.

yung sa pills sinubukan ko lang din to. pang jumpstart. kinda scared pa din kaya plan ko mag buko juice detox at least once a week to flush out whatever bad stuff that comes with what Im taking. My yaya died when she took slimming pills before :(

yung natry ko before kasi mga hindi nag work kahit may exercise or baka dahil 1 bottle lang binili ko lol. pero magana pa din ako kumain. lol

asa 30 mins- 45 mins yung "workout" ko ngayon. and IM trying my hardest to drink lots of water. ayoko din i deprive sarili ko sa food kaya siguro tikim tikim para lang masatisfy ng onti yung urge.  everyday ako nag wweight kasi di ko mapigilan hehe. dapat daw weekly.
« Last Edit: March 18, 2017, 01:22:03 pm by itt »

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #176 on: March 18, 2017, 01:40:27 pm »
^hello sis sweet angel. Welcome to the thread!
Kapag nagjujuicing po ako eto ang ratio ng isang cup serving ng apple-cucumber juice :
1/2 medium apple (fuji or green apple)
1 whole medium cucumber

Kasi pag buong apple masyado matamis.
Nakakastress po talaga ang kakulitan ng kids kaya kapag naiinis ako sa mga anak ko lalo na sa panganay ko e nag-eexercise na lang ako at dinededma ko na lang.manunuod ng tv...the more kasi na pansinin ay lalong tumitigas ulo..mag-spin na lang ako.papayat na ako, marerelax pa hehe.. :)

Yung choco po talaga sobrang lakas magpataba nyan kaya kung nagkecrave po kayo itry nyo po kumain na lang ng green mango or green indian mango. masarap papakin at maganda sya pampababa ng blood sugar..at malakas makabusog. Actually ginamit ko din ang indian mango nuon..1wk ata.pag nagkecrave sa sweets (pag sumasakit ang tyan mo na parang gutom na gutom) either ampalaya or green mango hanggang makontrol na ang blood sugar..

Kung quick meals, ito po yun mga palagi ko niluluto to meet my daily calorie needs at the same time ay nakakapagpababa ng weight ko. Inuulit ulit ko lang iyan..Basta po sa umaga at gabi lagi ako may eggs. Note: i dont eat rice everyday except cheat day (saturday) i eat brown rice. I get my carbs from my snacks.

Bfast (select 1 meal):
- 2 boiled eggs (130-150 cal)
-tortang talong, 2eggs 1eggplant (240 cal)
-tortang sibuyas, 2eggs 1-2 med onions (180-200cal)
-tortang kamatis, 2eggs 1-2 med kamatis (180-200 cal)
-tortang kamatis at sibuyas  2eggs 1-2med kamatis at sibuyas (180-200cal)

Beverages:
-plain coffee
-plain water
-green tea
-almond milk (50 cal per 240ml, 1cup max per day)

Lunch: (select 2-3 dishes)
-chicken tinola with sayote and pechay or dahon ng sili at malunggay (200-300 cal per serving)
-sinigang na pork with kangkong at labanos (300-400cal per serving)
-fish (boiled or fried) (1-2pcs medium)
-ginisang ampalaya (1-2cups)
-ginisang pechay (1-2cups)
-ginisang mixed veg (1-2cups)

Snacks (select 1-2 snacks per day, 110-250 cal per serving)
-singkamas (1-2pcs)
-pinya (2-3 slices)
-orange (1pc)
-apple (1pc)
-popcorn (plain, unbuttered, unsalted) (1serving)
-boiled peanuts (1/2 kilo)
-boiled yellow corn (1pc, unbuttered, unsalted)
-boiled purple kamote (1-2pcs)
-boiled yellow kamote (1-2pcs)

Dinner: (see bfast list, select 1 meal)

@sis itt. Scary naman yun nangyari sa yaya mo..nadehydrate ba sya kaya namatay? May 1sthand info ka pala ng ganung incident pero naglakas loob ka pa rin mag-slimming pills hehe... :)
Ang masasabi ko lang sis: kaya mo yan! Kinaya naman ng iba nating sisses diba.. Go natural! Tama yan buko juice ka muna para wiwi ka ng wiwi..sa umpisa talaga the struggle is real!kasi nag-aadjust pa katawan mo.wait for 2weeks up to 1month.masasanay din ang katawan mo sa healthy diet..tyaga tyaga... :)





sweet angel

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #177 on: March 18, 2017, 04:31:03 pm »
^sis, maraming salamat  :) kaya ko na siguro yung ganyang gisa at boiled  ;D

ilang beses kayo naggregreen tea? 2x ay ok lang no?

yung eggs ok lang ba everyday? dati kasi me nabasa ko na at least 3x/week lang dapat

yung oatmeal gusto ko subukan, instant otmeal ba gamit nyo?

hushush

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #178 on: March 18, 2017, 06:40:30 pm »
^sis sweet angel. Twing gabi lang po ako nag-green tea. Minsanan lang.Tamad na kasi ako mag-tea.nagsawa na hehe..tubig lang kadalasan.pag antukin ako, plain coffee.pampa-boost ng energy... :)

Kung wala ka po hypertension or any medical condition, wala ka tinetake na kahit ano prescription, itry mo muna mag-2 eggs per day. Kung may impact sa BP mo ay ilimit mo na lang or egg whites na lang ang kainin mo po..
ok lang ang 4 eggs sakin daily. Di naman nagspike ang blood pressure ko. Laging normal..Need ko kasi ng hi-protein lalo nat nag-eexercise ako daily..kung sa meat ko kukunin e ganun din naman ang impact mas unhealthy pa nga kung sa red meats ko kukunin..magka-colon cancer pa ko.. :) bihira lang ako kumain ng pork/beef..kaya sa sinigang ko, yung gulay at sabaw lang ang kinakain ko.tapon ang pork hehe..pampalasa lang talaga..Lean chicken at fish kadalasan ang kinakain ko. :) at kung tamad ako magluto, eggs lang at nuts ang kinakain ko.

About oatmeal, opt for rolled oats or quick-cooking.pag instant kasi inalis na ang sapal nun.kaya bawas na ang fiber..kaya di ako kumakain ng instant oatmeal..Australian oats ang bet ko. :)

imeego

  • Guest
Re: Weight loss diary (support group sa mga nagda-diet o gustong magdiet)
« Reply #179 on: March 18, 2017, 08:41:59 pm »
Weight update:
Feb 25- 54 kg
March 18-  52.7 kg

Height: 5'2

I still have until end of march para maachieve ang 52 kg weight goal ko..so happy na yung mga old jeans ko na masikip na dati eh ok na ulit.. diet ko lang is half cup of rice every meal plus any ulam,  1 cup of coffee (3 in 1 lang) once a day saka wala munang chichirya..medyo struggle lang talaga sa rice intake kasi matakaw ako sa rice talaga 😁 today is my cheat day, we had our lunch at zubuchon..hubby and i ate lechon, sisig at dinuguan, and i consumed 1 cup of garlic rice..then nag-ramen nung dinner..sa monday na lang ulit ang start ng diet 😁

 

Latest Stories

Load More Stories
Close