^hello sis sweet angel. Welcome to the thread!
Kapag nagjujuicing po ako eto ang ratio ng isang cup serving ng apple-cucumber juice :
1/2 medium apple (fuji or green apple)
1 whole medium cucumber
Kasi pag buong apple masyado matamis.
Nakakastress po talaga ang kakulitan ng kids kaya kapag naiinis ako sa mga anak ko lalo na sa panganay ko e nag-eexercise na lang ako at dinededma ko na lang.manunuod ng tv...the more kasi na pansinin ay lalong tumitigas ulo..mag-spin na lang ako.papayat na ako, marerelax pa hehe..

Yung choco po talaga sobrang lakas magpataba nyan kaya kung nagkecrave po kayo itry nyo po kumain na lang ng green mango or green indian mango. masarap papakin at maganda sya pampababa ng blood sugar..at malakas makabusog. Actually ginamit ko din ang indian mango nuon..1wk ata.pag nagkecrave sa sweets (pag sumasakit ang tyan mo na parang gutom na gutom) either ampalaya or green mango hanggang makontrol na ang blood sugar..
Kung quick meals, ito po yun mga palagi ko niluluto to meet my daily calorie needs at the same time ay nakakapagpababa ng weight ko. Inuulit ulit ko lang iyan..Basta po sa umaga at gabi lagi ako may eggs. Note: i dont eat rice everyday except cheat day (saturday) i eat brown rice. I get my carbs from my snacks.
Bfast (select 1 meal):
- 2 boiled eggs (130-150 cal)
-tortang talong, 2eggs 1eggplant (240 cal)
-tortang sibuyas, 2eggs 1-2 med onions (180-200cal)
-tortang kamatis, 2eggs 1-2 med kamatis (180-200 cal)
-tortang kamatis at sibuyas 2eggs 1-2med kamatis at sibuyas (180-200cal)
Beverages:
-plain coffee
-plain water
-green tea
-almond milk (50 cal per 240ml, 1cup max per day)
Lunch: (select 2-3 dishes)
-chicken tinola with sayote and pechay or dahon ng sili at malunggay (200-300 cal per serving)
-sinigang na pork with kangkong at labanos (300-400cal per serving)
-fish (boiled or fried) (1-2pcs medium)
-ginisang ampalaya (1-2cups)
-ginisang pechay (1-2cups)
-ginisang mixed veg (1-2cups)
Snacks (select 1-2 snacks per day, 110-250 cal per serving)
-singkamas (1-2pcs)
-pinya (2-3 slices)
-orange (1pc)
-apple (1pc)
-popcorn (plain, unbuttered, unsalted) (1serving)
-boiled peanuts (1/2 kilo)
-boiled yellow corn (1pc, unbuttered, unsalted)
-boiled purple kamote (1-2pcs)
-boiled yellow kamote (1-2pcs)
Dinner: (see bfast list, select 1 meal)
@sis itt. Scary naman yun nangyari sa yaya mo..nadehydrate ba sya kaya namatay? May 1sthand info ka pala ng ganung incident pero naglakas loob ka pa rin mag-slimming pills hehe...

Ang masasabi ko lang sis: kaya mo yan! Kinaya naman ng iba nating sisses diba.. Go natural! Tama yan buko juice ka muna para wiwi ka ng wiwi..sa umpisa talaga the struggle is real!kasi nag-aadjust pa katawan mo.wait for 2weeks up to 1month.masasanay din ang katawan mo sa healthy diet..tyaga tyaga...
